Araling Panlipunan 4: Ikatlong Markahan - Modyul 3

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

4 7

ARALING
PANLIPUNAN 4
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Mga Paglilingkod ng Ating Pamahalaan
Most Essential Learning Competency: Nasusuri ang mga gampanin ng
pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
(AP4AB-IIIa-1)

RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT


Pahina 1 ng 16
RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT
ARALING PANLIPUNAN 4
Title: Ang Pambansang Pamahalaan at Kapangyarihan ng Sangay Nito
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Broadcaster: Mr. Jaymar Kevin A. Padayao, Teacher III
Scriptwriter: Mr. Bryan I. Macalma, Teacher I
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Ikaapat
na Baitang ay inaasahang maisaisa at matukoy ang mga kagawaran o
ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng paglilingkod sa mga
mamamayan.

SESSION 1

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikaapat baitang!

4 Narito muli ang inyong paaralang panghimpapawid sa Araling Panlipunan!

5 Laging tatandaan ang tatlong ‘M’ sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at


Matuto.

6 Nagagagalak ako na makasama kayo ulit sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng

7 radyo. Ako ang inyong lingkod, Ginoong Jaymar Kevin Padayao

8 mula sa Schools Division of Ilocos Norte.

9 Sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at Matuto.

10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

11 HOST: Sa pagdaan ng mga araw mas lalo pang dumarami ang mga kaso ng Covid-19

12 sa bansa at halos isang taon na tayong lumalaban kontra sa pandemyang ito.

13 Kasama natin ang pamahalaan at mga ahensya nito sa laban na ito. Disiplina at

14 pananalig ang mahalaga.

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER


16 HOST: Sa puntong ito, ihanda ang inyong sarili sa mga katanungang

17 ating masasagot habang tayo ay naglalakbay, nawiwili at natututo.

18 HOST: Ano- ano ang mga kagawaran o ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng


paglilingkod sa mga mamamayan?

19 Ano- ano ang mga iba’t ibang paglilingkod na ibinibigay ng mga ahensiya o
kagawaran?

20 HOST: Iyan masusugid naming mag-aaral, may gabay na tayo sa

21 ating paglalakbay!

22 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

23 HOSt: Kumusta mga kalakbay! Noong nakaraan, napag-usapan natin na ang ating

24 pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay: ang

25 tagapagbatas, tagapagpaganap at tagapaghukom. May kani-kaniyang saklaw na

26 gawain ang bawat sangay. Nagkakaisa ang bawat sangay upang mapaunlad

27 ang bansa at mamamayan nito.

28 Ang ating pamahalaan ay may mga tungkulin para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

29 Naisasakatuparan ang mga ito sa pamamagitan ng paglilingkod para sa indibidwal at


paglilingkod para sa lahat.

30 Sa ilalim ng sangay na tagapagpaganap na pinamumunuan ng pangulo

31 ay ang gabinete na binubuo ng iba’t ibang ahensya o kagawaran. Isinasagawa

32 ito upang tiyakin na matutugunan ang mga pangangailangan ng mga


mamamayan.

33 Sa pamamagitan ng mga ahensiyang ito, mapangangalagaan ang kapakanan


at kaligtaan ng mga mamamayan.
34 Ang mga sumusunod ay ang iba’t ibang kagawaran at ang kanilang pangunahing
gawain at tungkulin.

35 Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala (Department of Budget and Management


o DBM)

36 Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagpaplano kung paano dapat gamitin ang pondo
ng pamahalaan o ang pambansang badyet.

37 Ito ang nagsasakatuparan ng mga gawaing pananalapi ng mga yunit ng pamahalaang


local.

38 Kagawaran ng Pagsasaka (Department of Agriculture o DA)

39 Ang ahensiyang ito ang nagbibigay serbisyo at tulong teknikal sa mga mangingisda,
magsasaka at mga naghahayupan.

40 Tungkulin nitong mapataas ang produksiyon ng pagkain.

41 Kagawaran ng Edukasyon ( Department of Education o DepEd)

42 Ang kagawaran ng pamahalaan na ito ang nangangasiwa sa lahat ng pampubliko at


pampribadong paaralan sa elementarya at sekondarya.

43 Tungkulin ng kagawaran na matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon


ng mga mag-aaral at guro sa buong bansa.

44 Kagawaran ng Enerhiya (Department of Energy o DOE)

45 Ang kagawarang ito ang siyang nagsasagawa ng mga hakbang upang matugunan ang
mga pangangailangan ng bansa sa enerhiya.

46 Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Department of Environment and


natural Resources o DENR)

47 Tungkulin mg kagawaran ng pamahalaan na ito na pangalagaan ang mga likas na

48 yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat, yamang mineral, at hangin.

49 Ito ang nangangasiwa sa pagpataw ng buwis at kabayaran sa mga lupang


pampubliko.

50 Ito rin ang nagsusulong sa mga programa para sa reforestation, wastong pagtatapon

51 ng basura, at muling pagbuhay sa mga ilog at dagat.

52 Kagawaran ng Pananalapi (Department of Finance o DOF)


53 Ito ang kagawaran ng ating pamahalaan na nangangalap ng pondong kakailanganin
ng ating bansa.

54 Ito ang nangongolekta ng buwis mula sa mga mamamayan at korporasyon na

55 ginagampanan ng Kawanihan ng rentas Internas (Bureau of Internal revenue o BIR).

56 Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health o DOH)

57 Ang kagawarang ito ang nangangasiwa at nangangalaga sa kalusugan ng mga


mamamayang Pilipino.

58 Nagbibigay ng kagawaran ng libreng serbisyo at gamot para sa mga may sakit na


walang kakayahang magbayad.

59 Nagbibigay rin ito ng babala sa kalusugan upang makaiwas sa epidemya at lisensya


sa ospital, klinika, laboratory, at botika.

60 Nagsasagawa rin ito ng mga pananaliksik sa pagtuklas ng mga bagong gamot.

61 Kagawaran ng Ugnayang Panlabas (Department of Foreign Affairs o DFA)

62 Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga Gawain tungkol sa

63 pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iang bansa.

64 Ito rin ang nangangasiwa sa gawain ng embahador ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa at

65 sa mga pandaigdigang samahan.ito rin ang nangangasiwa sa kapakanan ng mga


Pilipino sa ibang bansa.

66 Kagawaran ng Turismo (Department of Tourism o DOT)


67 Itinataguyod ng ahensiyang ito ang pagsusulong at pagpapaunlad ng turismo sa ating
bansa.

68 Ito ang gumagawa ng hakbang upang mahikayat ang mga local at dayuhang turista
na maglakbay sa ating bansa.

69 Ito rin ang nag-aapruba ng lisensya ng mga establisemyentong panturismo gaya ng


mga hotel at mga resort.

70 Pinananatili nito ang kagandahan at kaayusan ng mga natural, pangkasaysayan, at


pangkultural na pook-pasyalan.
71 Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (Department of National Defense o DND)

72 Ang kagawarang ito ang nagtataguyod ng kapayapaan at katahimikan ng


pambansang teritoryo ng Pilipinas.

73 Ipinagtatanggol an gating bansa laban sa terorismo at pagtatangka ng mga dayuhan


na sakupin an gating bansa.

74 Kagawaran ng Paggawa at Empleyo (Department of Labor and Employment o DOLE)

75 Ito ang kagawaran ng pamahalaan na nangangalaga ng mga karapatan at kapakanan


ng mga manggagawang Pilipino.

76 Bumubuo ito ng mga programa para sa mga manggagawa.

77 Ito rin ang lumulutas sa mga suliranin at usapin tungkol sa pasahod, benepisyo o
anomang problemang may kaugnayan sa paggawa.

78 Saklaw ng ahensiya na pangalagaan ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa

79 laban sa mga pang-aabuso tulad ng pananakit na pisikal, pagkaantala ng suweldo, at


paglabag sa nilalaman ng kontrata.

80 Katuwang din ng DOLE ang Philippine Overseas Employment Administration

81 (POEA) ang mga manggagawang nais magtrabaho sa ibang bansa.

82 Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (Department of Social


Welfare and Development o DSWD)

83 Ang ahensiyang ito ang nagbibigay-tulong at serbisyo sa mahihirap, may kapansanan,


biktima ng kalamidad o digmaan at mga pulubi.

84 Nakikipag-ugnayan ito sa mga pinuno ng pamahalaang local upang maihatid ang


tulong at serbisyo para sa mga nangangailangan.

85 Kagawaran ng Pagawaan at Lansangang Bayan (Department of Public Works


Highways o DPWH)

86 Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagtatakda ng pagtatayo at pangangalaga ng mga

87 pambayang lansangan, tulay, palengke, paliparan, pier, at dam para sa patubig, at


mga plantang pang-enerhiya.

88 Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon (Department of Transportation and


Communications o DOTC)
89 Ipinapatupad ang ahensiyang ito ang mga patakaran para sa mabisa, maayos, at
mabilis na transportasyon at komunikasyon.

90 Ito ang nagsusubaybay sa lahat ng mga sasakyan at mga tanggapan ng


pakikipagtalastasan.

91 Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (Department of Science and Technology o


DOST)

92 Ito ang kagawaran ng pamahalaan na nagsasagawa ng mga proyekto at pagsasaliksik


para sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiya sa ating bansa.

93 Nagbibigay ito ng suporta, gantimpala, at pagkilala sa mga Pilipinong imbentor.

94 Kagawaran ng Inteyor at Pamahalaang Lokal (Department of Interior and Local


Government o DILG)

95 Ito ang ahensiya ng pamahalaang panlalawigan, panglungsod, pambayan, at


pambarangay.

96 Nag-uugnay-ugnay ito sa mga Gawain ng lahat ng yunit ng pamahalaang local sa


buong bansa.

97 Namamahala rin ito sa mga gawain ng pulisya sa buong bansa.

98 Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang paglilingkod bilang pagtugon sa


pangangailangan ng mga mamamayan.

99 Lumikha ang pamahalaan ng mga kagawaran o ahensiya upang matugunan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan.

100 Ang bawat kagawaran ay may kaniya-kaniyang tungkulin para sa paglilingkod para
sa mga mamamayan.

101 Ayan mga kalakbay tila marami na naman tayong napag-usapan at tiyak na may
magagamit ka na namang impormasyon na maari mong magamit sa pagsagot sa inyong
mpdyul.

102 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

103 HOST: Dumako naman tayo sa inyong modyul at gawin natin ang mga gawaing
ipinagawa sa inyo ng inyong guro.Basahin ng mabuti ang panuto bago
sagutan.

104 HOST: Kaya naman, sa susunod na linggo ihanda muli ang inyong mga sarili sa
mahaba-habang paglalakbay muli sa mundo ng Araling Panlipunan.
105 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan,
106 Ginoong Jaymar Kevin A. Padayao. Hanggang sa muli! Sa Araling Panlipunan,
Maglakbay, Mawili at Matuto

You might also like