Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

4 7

ARALING
PANLIPUNAN 4
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Kahulugan at Kahalagahan ng Pamahalaan
Most Essential Learning Competency: Natatalakay ang kahulugan at

kahalagahan ng pamahalaan

(AP4PAB-IIIa-1)

RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT


Pahina 1 ng 16
RADIO-BASED INSTRUCTION SCRIPT
ARALING PANLIPUNAN 4
Title: Kahulugan at kahalagahan ng Pamahalaan
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Broadcaster: Mr. Jaymar Kevin A. Padayao, Teacher III
Scriptwriter: Mr. Jaymar Kevin A. Padayao, Teacher III
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Ikaapat
na Baitang ay inaasahang matukoy at matalakay ang kahalagahan ng
pambansang pamahalaan.

SESSION 1

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikaapat baitang!

4 Narito muli ang inyong paaralang panghimpapawid sa Araling Panlipunan!

5 Laging tatandaan ang tatlong ‘M’ sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at


Matuto.

6 Nagagagalak kami na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng

7 radyo. Kami ang inyong lingkod. Ginoong Jaymar Kevin Padayao

8 mula sa Schools Division of Ilocos Norte.

9 Sa Araling Panlipunan, Maglakbay, Mawili at Matuto.

10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

11 HOST: Dumaan na ang napakaraming buwan at tila hanggang ngayon ay hindi pa

12 tuluyang nalulutas ang pagsubok na kaakibat ng pandemyang Covid-19.

13 Saludo tayo sa mga frontliners na pursigidong iparamdam sa atin na sa

14 Kabila ng mga pagsubok na ito ay kakayanin natin ito.

15 Isang malaking pasasalamat natin sa ating pamahalaan at di tayo binibigong

16 itaguyod an gating bansa at ipanumbalik ang normal na buhay na ating


inaasam-asam.
17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 HOST: Sa puntong ito, nais ko munang ihanda ang inyong sarili sa mga katanungang

19 ating sasagutin habang tayo ay naglalakbay, nawiwili at natututo.

20 HOST: Ano nga ba ang pamahalaan?

21 Bakit mahalagang pahalagahan natin ang ating pamahalaan?

22 HOST: Iyan aming masugid na mga mag-aaral, may gabay na tayo sa

23 ating paglalakbay!

24 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

25 HOST: Kumusta mga kalakbay! Naku katatapos ko lang panoorin ang isang balita sa

26 Facebook kanina. Patuloy pa rin ang ating laban kontra COVID-19. Dumarami na

27 naman ang mga kaso lalo nung pinaluwag na ang protocols sa transportasyon at

28 mga lugar pasyalan. At ang pamahalaan ang lagging nasa harapan nating lahat

29 para ibigay ang serbisyong kinakailangan natin.

30 HOST: Sino nga ba ang namamahala sa ating pamahalaan?

31 HOST: Tama! Ang pangulo. Bilang isang pangulo, siya ang magsisilbing puno ng

32 estado, puno ng pamahalaan, at punong komandante ng Sandatahang Lakas ng

33 Pilipinas. Bilang punong tagapagpaganap, pamamahalaan ng Pangulo ng Pilipinas

34 ang lahat ng ehekutibong kagawaran, kawanihan, at tanggapan.

35 HOST: Sino ang pangulo n gating bansa?

36 HOST: Tumpak! Ang kagalanggalang na Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Inihahalal

37 ang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng boto ng mga mamamayan para


38 terminong may habang anim na taon. Pinamumunuan nito ang pamahalaan at

39 katuwang niya rito ang pangalawang pangulo. Ang Pamahalaan ay isa sa elemento ng

40 estado na nagsasakatuparan sa kalooban at mithiin ng isang estado. Ito ay

41 institusyong panlipunan na binubuo ng mga patakaran, batas, at pamamaraan upang

42 maipaganap ang mga ito. Ito ang sandigan ng mga mamamayan. Ito ay isang samahan

43 o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong

44 magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. Ang pamahalaan

45 ay isang uri o sistemang presidensyal at demokratiko.

46 Ang Pamahalaan ay mahalaga para sa isang bansa dahil ito ang pumapatnubay sa

47 mga tao sa kanilang minimithi at pinapangarap. Nagbibigay rin ito ng direksiyon sa

48 galaw ng tao sa pamamagitan ng mga batas at mga patakarang ipinatutupad. Hangad

49 ng pamahalaan ang kabutihan at kaunlaran ng mga mamamayan. Maraming

50 tungkulin at gawain ang pamahalaan at ang mga ito ay nakasaad sa saligang batas.

51 Layunin ng pamahalaan na makabuo ng isang makatarungan at makataong lipunan.

52 Mahalaga ang pamahalaan dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga

53 programa para sa nasasakupan. Ayon sa saligang batas, tungkulin ng pamahalaan ang


mga sumusunod.

54 Pagtataguyod ng estado.

55 Pagtataguyod ng kabutihan at kapakanan ng kabataan.

56 Pagtataguyod ng katarungang panlipunan.

57 Pagtataguyod ng kagalingang panlipunan tulad ng sapat na edukasyon, kalusugan,


pabahay, hanapbuhay, at marami pang iba.

58 Pangangalaga at proteksyon sa paggawa.

59 Pagtatatag ng pamilya bilang isang institusyong panlipunan.

60 Trivia time! Ang pamahalaan ay mula sa salitang pamae na may kahulugang


61 "pananagutan o responsibilidad" at kasingkahulugan ng pamamatnubay o
pamamatnugot.

62 Nagmula rin ito sa salitang Latin na gubernaculums na ang literal na kahulugan ay

63 "timon." Sa pangkalahatan, ito ay nangangahulugang "kapangyarihang mamahala”.

64 Paghahambing: Ang timon ay may kapangyarihang gumabay sa bangka o barko

65 tungo sa tamang direksiyon. Ang gobyerno o pamahalaan ay may kapangyarihang


mamahala sa estado o bansa patungo sa direksiyong naisin.

66 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

67 HOST: Dumako naman tayo sa inyong modyul at gawin natin ang mga gawaing
ipinagawa sa inyo ng inyong guro.Basahin ng mabuti ang panuto bago
sagutan.
68 Isang pagninilay bago tayo magtapos: Bilang kabataang Pilipino, paano ka
makatutulong sa pamahalaan?

69 HOST: Kaya naman, sa susunod na linggo ihanda muli ang inyong mga sarili sa
mahaba-habang paglalakbay muli sa mundo ng Araling Panlipunan.
70 HOST: Muli ito ang inyong kasama sa paglalakbay sa mundo ng Araling Panlipunan,
71 Ginoong Jaymar Kevin A. Padayao. Hanggang sa muli! Sa Araling Panlipunan,
Maglakbay, Mawili at Matuto!

-#-

You might also like