Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

TITLE: APOLLO 13

CLIENT – JALIN MAE GALANG

_______________OPNENING FRAME______________

May 3 astronaut ang excited na pumunta sa buwan noong 1970. pero lumipas ang ilang oras noong
makalabas na sila ng space, biglang may sumabog sa space craft nila, na naging sanhi ng pagkaubos ng
oxygen nila at pagkawala ng kuryente. ang tanong natin masasawi ba ang 3 lalakeng ito sa outer space
o makakabalik pa sila sa earth ng ligtas? bago natin umpisahan ang kwentuhan natin kung bago ka
palang sa channel na ito i-subscribe mo na yan at wag mong kalimutan i-like ang video na ito para lagi
kang updated sa jp amazing stories....

_______________INSERT CHANNEL NAME_______________

Ang Apollo-13, ito ay isang spacecraft na pag-aari ng NASA ng bansang Amerika na may layuning
galugarin, tuklasin at pagaralan ang outer space. Ang Apollo-13 ay binuo ng Apollo Space Program noong
1969, sila rin ang nasa likod ng pagpapalipad ng mga spacecraft na may sakay na tao, gaya ng Apollo 11,
ang spacecraft na lumapag sa buwan sakay ang tatlong astronauts, at isa dito ang sikat na si Neil
Armstrong, ang kauna-unahang tao na nakatapak sa buwan.

--------------------------------------------------------

Samantala, ang Apollo-13 naman ay ang pang-pitong spacecraft ng Apollo Space Program na may sakay
na mga tao sa loob, at ito sana ang pangatlong spacecraft na lalapag sa buwan. Ito ay may tatlong parte,

ang Command Module, ang parte na gagamitin ng mga astronaut upang makabalik sa Earth,

ang Lunar Module oh ang parte ng spacecraft na gagamitin ng mga astronaut upang makalapag sa buwan,

at ang Service Module, ang parte na imbakan ng kuryente at liquid oxygen na gagamitin ng mga astronaut
para makahinga, habang ang rocket naman na magtutulak dito palabas sa Earth papunta sa kalawakan ay
may pangalang Saturn V na may bilis na 38600 km/hour.

---------------------------------------------

Ang Apollo-13 ay nakaplanong magsagawa ng pagsusuri at pag-aaral paglapag nito sa isang parte ng
buwan, ang layunin nila ay makahanap ng mga uri ng specimen para sa kanilang pagaaral.

--------------------------------------

Ang misyon na ito ay pinamumunuan ni Jim Lovell, 42 yrs old, isang engineer na mayroon na ding ibang
karanasan sa paglipad dahil naging miyembro na rin ito ng ibat-ibang misyon gaya ng Apollo 8.

Sumunod naman dito ay si Jack Swigert, 38 yrs old, isa ding engineer at dating piloto ng US Air-Force na
nakadestinong maging piloto ng Command Module.

At ang pinakahuli naman ay si Fred Haise, 35 yrs old, engineer at piloto ng mga fighter jets ng US Marine
Corps at US Airforce na siya namang nakatalagang maging piloto ng Lunar Module.

----------------------------------------------

Ang nakatakdang paglipad ng Apollo-13 naman ay ginagabayan ng Mission Control ng NASA sa


Amerika. Andito din ang mga Flight Controllers, oh yung mga taong nakikipagusap sa mga astronaut
habang nasa outer space, sa madaling salita, sila ang may hawak sa buhay ng tatlong astronaut.

Noong una ay kinakabahan ang mga tao sa mangyayari sa misyong ito dahil sa number 13, isang number
na sumisimbolo sa salitang malas, sa kabila nito, hindi ito pinansin ng NASA at itinuloy pa din ang
nakatakdang paglipad nito.

--------------------------------------

April 11, 1970, 2:30PM ng hapon, ito na ang oras ng paglipad ng Apollo-13. Ang buong america ay
nanood sa kanilang mga tv sa bahay.. Inaasahan nila na sa anumang oras ay makakatapak na naman ang
mga amerikanong astronaut sa buwan....

paglipad ng rocket palabas ng earth ay maayos naman ang naging takbo. pero hindi alam ng karamihan na
may problema pala ang wires malapit sa highly flammable oxygen tank.

-----------------------------------------------------

hindi pa ito nakakalayo ay tinamaan na ito ng kamalasan. Isang makina ng rocket ang biglang tumigil ng
wala sa oras, dahilan upang mataranta ang mga tao sa Mission Control Room. Ang mga Engineers sa loob
ay ginawa ang lahat ng kalkulasyon sa mga natitirang makina ng rocket upang malaman kung ligtas pa ba
silang makakalabas sa kalawakan, at makalipas lamang ang ilang segundo, kinumpirma ng Mission
Control na kaya pa din nitong ituloy ang nakatakdang biyahe. At matapos ang 2hrs at 30 minuto, tuluyan
na nga itong nakalabas earth

-------------------------------------

Lumipas ang 55hrs, April-13, normal at walang naging aberya ang biyahe nito. Makikita pa sa Mission
Control Room ang live feed ng lahat ng mga nangyayari sa loob nito. Nasaksihan ng mga tao ang
masasayang pagmumukha ng mga astronauts. Pinapakita pa ng mga ito kung paano sila nabubuhay sa
outer space, mula sa kanilang pagtatrabaho, sa kanilang pagkain, hanggang sa kanilang pagtulog. At
kabilang sa mga taong nanonood sa mga astronauts, ay ang kanilang pamilya. Kampante ang lahat, pero
walan silang kamalay-malay sa trahedyang paparating.

----------------------------------------

April 14, 56hrs na ang nakalipas, habang may distansiya ang Apollo-13 sa Earth ng 330,000 miles,
namonitor ng Mission Control na di-gumagana ang isang pressure censor ng isa sa mga liquid oxygen
tanks ng Service Module.

Dahil dito, inutusan nila si Swigert na buksan ang switch ng fans na nasa loob ng tangke para mahalo
lamang ito at makakuha ng tamang reading. Ngunit 1 minuto lamang ang lumipas, nakarinig ng malakas
na pagsabog ang tatlong astronaut kasunod ng pagloloko ng kuryente na umepekto sa paglipad ng
spacecraft, at pagkaputol ng komunikasyon sa Earth sa loob ng 5 segundo.

----------------------------------

Ilang sandali pa’y, nagsalita na si Swigert na sinundan naman ni Lovell, at sinabing : “Okay, Houston,
We’ve had a problem here”

___________________________________________________

Noong una’y akala nung dalawa na nagpprank lamang si Haise. akala nila si haise ang may likha ng
malakas natunog. dahil kilala nila itong mahilig magprank sa kanila. Ngunit seryoso ang mukha nito at
sinabing hindi siya ang may gawa nito, kaya medyo kinabahan na sila

----------------------------------------------------

Ilang minuto pa, nakita ng Mission Control ang mabilis na pagbaba ng level ng mga oxygen tanks, ngunit
inakala lamag nila na nagloloko na naman ang mga ito. At ng silipin ni Lovell ang labas ng bintana,
nagulat siya dahil nakita niya ang mabilis na pagtagas ng liquid oxygen sa outer space. At dahil kailangan
din ng fuel cells ang oxygen para makaproduce ng kuryente, ibig sabihin, ay unti-unti na silang
nauubusan ng hangin sa loob ng Apollo-13. Dahil sa kakulangan ng hangin, ang bago na lamang nilang
misyon ngayon ay ang makabalik sa Earth ng buhay. at hindi na makapunta ng buwan

-----------------------------------------------------

Ang Lunar Module na gagamitin sana para makalapag sa buwan ay may hiwalay na battery at oxygen
tanks, dahil dito ay inutusan ng Mission Control ang mga astronauts na sumakay dito at gawing pinaka-
lifeboat, para makatakas sa tiyak na peligro.

Buti na lamang at hindi pa ito nagagamit, kung nagkataong nagamit na ito at pabalik na sila sa earth
siguradong mamamatay silang lahat. ang problema, ang lunar module ay nakadesign lamang sa 2 tao.
kaya limited ang oxygen sa loob

--------------------------------------

April 14, 61hrs na ang nakalipas mula noong pagalis nila sa earth, noong una’y binalak pa ng Mission
Control na pabalikin ang mga astronaut direkta mula sa rutang pinanggalingan nito, ngunit dahil sira na
ang Service Module at wala na itong sapat na power para itulak ang Apollo-13 pabalik sa Earth, naisipan
nilang tahakin ang mas mahabang ruta paikot sa buwan.

Ngunit dahil hindi nakadisensiyo ang Lunar Module sa mga ganitong pagkakataon, kinailangan pa ng
mga engineers mula sa Mission Control na gumawa ng bagong software para makontrol nila ito at
magamit pabalik.., kaya sa pagkakataon na ito ay aabutin ang mga astronaut ng 4 na araw bago makabalik
sa Earth.

----------------------

Ilang sandali pa’y nagbibiyahe na sa malamig at madilim na kalawakan ang tatlong astronaut, walang
katiyakan kung makakabalik pa ba sila ng buhay. Wala silang matanaw kundi ang buwan. at dahil sa
sobrang lamig, halos hindi nila makain ang pagkain at mainom ang tubig, at ito’y naging sagabal din
upang sila’y makatulog.

Pero hindi dito magtatapos ang lahat, bagamat may sapat na oxygen ang Lunar Module, problema naman
ngayon ay ang pagaalis ng carbon dioxide sa loob nito, dahil masama ang sobrang carbon dioxide sa
katwan natin kung ating malalanghap ulit

------------------------------------------------------

Sa tulong ng mabilis na pag-iisip ng Mission Control at mga astronaut, gamit ang mga tape at ilang piraso
ng papel at plastic, nagawan nila ito ng paraan at nagsimula ng bumaba ang level ng carbon dioxide sa
loob nito.

Sa mga sumunod na oras, nanlulumo naman ang pamilya ng mga astronauts sa Earth. Pinapanood nila
ang TV at nakikita nila ang kabuuan ng sitwasyon, ngunit wala silang magawa kundi ang magdasal para
sa kaligtasan ng kanilang mga mahal sa buhay.

Sa kabilang banda naman, pinagbawalan ng Mission Control silang tatlo sa pagbubuga ng kanilang ihi sa
outerspace, dahil bawat buga nito ay nagdudulot ng maliit na pagbabago sa anggulo ng ruta ng Apollo-13,
isang kritikal na elemento para makabalik sila sa Earth. Dahil dito, pinigilan nilang uminom ng tubig, at
dala ng pagod at puyat, nagsimula ng magkaroon ng infection at lagnat ang isa sa mga astronaut.

------------------------------------

Makalipas ang halos apat na araw, ay mukhang ligtas ng makakabalik ang Apollo 13 sa Earth sa kabila ng
trahedyang nangyari. Ngunit nagkagulo na naman ang Mission Control sa kanilang natuklasan. Kulang sa
anggulo ang spacecraft para makapasok sa Earth, ibig sabihin ay maaring tumama lamang ito sa gilid ng
Earth at tumalbog papunta sa madilim at walang katapusan na kalawakan.

-------------------
Dahil dito, nagtulong-tulong ang mga engineers sa Mission Control upang makuha ang kalkulasyon ng
tamang anggulo. Kanila naman itong ibinigay sa mga astronaut para sundin sa pamamagitan ng
pagkontrol sa Lunar Module. naging matagumpay naman ang pagkontrol nila dito

Ilang oras bago pumasok sa Earth, kinailangan ng bumalik ng 3 sa Control Module upang maghanda na
sa paglapag, ngunit hindi sila makapasok dito dahil ilang araw itong hindi umaandar dahilan para halos
magyelo ito sa lamig. At sa mabilis na pag-iisip ng mga Engineers sa Mission Control, ginabayan nila ang
3 .upang mapaandar ulit ang Control Module gamit ang natitirang power ng mga baterya na naging
maganda naman ang kinalabasan.

-----------------------------------------

Ng makabalik ang mga ito sa loob, limang oras bago lumapag sa Earth, ay inalis na ng 3 ang nakadikit at
sumabog na Service Module, at doon nila nakita sa unang pagkakataon ang pinsalang tinamo nito ng
humiwalay ito sa kanilang spacecraft. Sumunod naman dito ay inalis na din nila ang Lunar Module, ang
lifeboat na nagligtas sa kanila sa loob ng 4 na araw.

Makalipas ang 6 na araw mula ng lumipad ito, April 17, 1970 ay pumasok na sa Earth ang Control
Module ng Apollo-13. Lahat ng tao ay nakasubaybay at nanonood sa madamdaming pagbabalik ng mga
astronaut na nakaligtas sa bingit ng kamatayan.

---------------------------------------------

Nag-aapoy ito sa sobrang bilis at dahil dito’y naputol ang komunikasyon . Ang spacecraft ay nakatakdang
bumagsak sa South Pacific Ocean. Tahimik ang Mission Control room, lahat ng mga kamag-anak ng 3ay
nagdadasal. Ilang beses nila itong sinubukang tawagan ngunit walang sumasagot. Ilang minuto pa’y
nakarinig na sila ng tinig mula sa 3, ligtas ang mga ito. Napuno ng saya at palakpakan ang Mission
Control room, habang naiyak naman sa gayak ang mga kaanak nito.

Nakaligtas ang silang 3. Nabuhay sila upang ikuwento ang kanilang malagim na karanasan. Sa kabila ng
kanilang trahedyang kinaharap, hindi nag panic ang mga ito, at sa tulong ng mabilis na pag-iisip ng mga
tao sa Mission Control, walang buhay ang nawala at nasayang para sa isang palpak na misyon.

________________INSERT CHANNEL OUTRO____________________

You might also like