Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik
(Performance Task Ikatlong Markahan)
Pangalan ng mga miyembro:
1. Pangilinan, Lorraine Jan
2. Tan, Nicole
Antas at Seksyon: 11SENG03
Guro sa Filipino 1: Bb. Maria Venus G. Solares, MAEd
“Ang Alamat ng Batang Manunulat” ni Rowin C. de Leon ay tungkol sa isang
bata na noong nangangarap lamang magkaroon ng isang libro at ginawa ang lahat upang kaniyang mabili ang libro na ito, ay naging isang mahusay na manunulat. Dito, isinalaysay kung paano niya nakamit ito - mula sa kanyang pag-arte ng iyak para lamang makuha ang kanyang kauna-unahang aklat, hanggang sa kung paano siya hinubog ng panitikan na maging mas mapagmatyag sa kanyang mundong ginagalawan. Maigi niyang ikunwento na ang panitikan ay hindi lamang napalawak ang kaniyang imahinasyon kundi naipakita din nito ang mapait na realidad ng mundo. Na mayroong mga bagay na nangyayari na hindi natin nasasaksihan ngunit maaaring ibunyag ito sa isang panitikan. Sa huli, ang mga aral na kanyang natutunan at eksperyansang naranasan sa bawat kwento na kanyang nabasa ang nagsilbing instrumento upang ipahiwatig niya nang maayos at maliwanag ang mensahe sa kanyang bawat akda, na nakatulong din sa pag unlad ng kanyang pagsulat.
Ang tono ng awtor ay nakakaganyak at naipakita o naparamdam niya ito sa
pamamagitan ng direktang pagbabahagi ng kanyang mga karanasan simula nung nag umpisa pa lamang siyang mag sulat hanggang sa kanyang pangarap na maging isang matagumpay at mahusay na manunulat. At bilang isang mambabasa ang naramdaman namin habang binabasa ito ay nahikayat kami at na inspire na mas magbasa pa nang magbasa dahil sa dami ng naitulong nito sa kanya maaaring ganito din ang maging epekto ng panitikan sa amin. Ang mahalagang kaisipang nakuha namin dito ay lahat tayo ay may sari-sariling pangarap na balang araw ay gusto nating makamit. Sa pamamagitan ng pagsisikap, makakamit mo ito. Sa bawat proseso sa pagkakamit ng pangarap ng bawat isa, lahat ay nakakaranas ng paghihirap at nasa saatin nalang kung ipagpatuloy natin ito o hindi. Lahat ng matagumpay na manunulat ay malalampasan lahat ng paghihirap na ito lalo’t na kung ikaw ay mayroong paniniwala sa sarili at sa sariling kakayahan. Naipakita din dito na kahit ang maliliit na karanasan natin sa buhay ay maaaring maging dahilan ng isang malaki at malawak na pangarap na magdadala sa atin sa isang magandang kinabukasan na puno ng kaalaman ‘di lamang sa talinong akademiko ngunit talinong magagamit din natin sa ating pakikisalamuha sa buhay.
Maiuugnay ko ang sarili ko sa aking akdang binasa sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mga parehas na katangian ng manunulat. Ang manunulat ay hindi tumigil upang mapaunlad nya ang kanyang sarili bilang isang indibidwal at pagpapatupad ng kanyang pangarap. Kahit man maymga salik na nakakaapekto sa pagtupad ng kanyang pangarap, nagpursigi pa rin siyang makamit niya ito. At ako, bilang isang indibidwal, ginagawa ko rin ang lahat ng aking makakaya upang magtagumpay. Sa pag uugnay naman sa pamilya, ang obligasyon ng ating pamilya ay suportahan tayo mula sa simula hanggang wakas upang mas isipin natin na kaya natin makamit ang ating pangarap at andiyan sila upang gabayan tayo sa ating lakbay. Masaya ako na meron din akong pamilya na kayang gampanan ang obligasyon na iyon sa kabila ng sarili naming mga problema kamakailan lang. Sa komunidad, ang mga aspeto na nag kaugnay sa tekstong binasa ko ay ang mga bagay na nag ambag sa aking pagkatao at yun ang mga pangyayaring nagbigay ng mga inspirasyon at motibasyon. Sa buong bansa at daigdig, malinaw na nabanggit dito ng manunulat na sa pagbabasa ng panitikan ay kaniyang napagtanto na tayong mga mamamayan ang siyang tutulong sa ating mga bansa at sa buong daigdig na din kung sisimulan nating ang pagbabago mula sa ating mga sarili. Ito ang malinaw na pagsasalaysay na hindi lamang pagbabago o pagpapalawak ng pananaw ng isang tao ang maaaring epekto ng panitikan kundi pati na din ang pag udyok sa mga tao na mas maging mabuting mamamayan para sa kanilang bansa na nakakatulong na din sa pagunlad ng mundo. a. Pag-uugnay sa Komunindad (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa iyong lipunang ginagalawan) b. Pag-uugnay sa Bansa (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa iyong bansa) c. Pag-uugnay sa Daigdig (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa daigdig) * Patalata ang lahat ng bahagi ng reaksyong papel