Armel Tula

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Province of Rizal
Pililla Campus
COLLEGE OF EDUCATION

Pamagat ng Kurso: FIL3 – Pagsusuri at Pagsusulat ng Akdang Pampanitikan


Instraktor: Christian L. Nievera
Mag-aaral: Armel V. Esquelito
Kurso, Taon at Seksyon: BSE-ENG 1B

Balangkas ng Pagsusuri ng Tula

I. Pamagat ng Tula: Sa Aking Mga Kababata ni Dr. Jose Rizal

II. Talambuhay ng May-akda: Si Jose Protasio Rizal ay ang Pambansang Bayani


ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang
kanyang mga magulang ay sina Ginoong Francisco Mercado at Ginang Teodora
Alonzo.Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng
pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.
Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23,
1876 na may mataas na karangalan.Noong 1877, ipinagpatuloy niya ang kanyang
pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid
hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto
rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At
nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris, France at Heidelberg, Germany.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” naglalahad
ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa
pamahalaan ng Kastila.Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P.
Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng
samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng
komersiyo, industriya at agricultura.Noong Hulyo 6, 1892, si Jose Rizal ay nakulong
sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya
namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya
ang mamamayan na magbukas ng paaralan. Hinikayat din niya ang ito sa
pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.Noong Setyembre 3, 1896, habang papunta
siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano, inaresto siya. Noong Nobyembre 3,
1896 ibinalik sa Pilipinas at, sa pangalawang pagkakataon, ikinulong siya sa Fort
Santiago.Noong Disyembre 26, 1896, si Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa
dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga
Kastila.Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios”
(Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na
maging makabayan.Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Jose P. Rizal sa
Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).
III. Kayarian:
A. Uri: Tulang Liriko
B. Sukat: Lalabindalawahing pantig
C. Tugma: Katinig at patinig

IV.Anyo:
A. Tono: Nagbibigay aral na kailangan pahalagahan ang ating sariling wika.
B. Tayutay:
Simili:
Katulad ng ibong nasa himpapawid
At ang isang tao'y katulad,kabagay
Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin

Pagmamalabis:
Sa kanyang salitang kaloob na langit
Pagkat ang salita'y isang kahatulan
Mahigit pa sa hayop at malansang isda

Pagtatao
Kapagka and baya'y umiibig
sa kanyang salitang kaloob ng langit:

Patalinghaga
sanglang kalayaan nasa ring masapit
na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una

Pauroy
Mahigit pa sa hayop at malansang isda

V. Pagsusuri
A. Paksa: Ipinapakita sa tula ang pagpapahalaga ni Dr. Jose Rizal sa kanyang
sariling wika.
B. Simbolo:
Ibong nasahimpapawid- kalayaan
Hayop/malansang isda- masahol at walang alam
Bayan,nayo't at kaharian- Lugar o tahanan
Sigwa- Bagyo o pagsalakay
Poong Maalam-Ang maykapal na may awa at makapangyarihan.
Lunday sa lawa- Napabayaan o nilimot ang wikang pambansa.
Sanglang kalayaan- May kalayaan/ magagawa mo kung ano ang gusto mo.
Salitang angel- Magaganda at mabubuting salita.

VI. Istilo :
Ang istilong ginamit sa tula ay "Tradisyonal" dahil ang anyo ng tulang ito ay may
sukat na lalabindalawahing pantig, at may tugma na patinig at katinig sa hulihang
ng mga taludtod. Ganon din, ang ibang salitang ginamit ay may malalim na
kahulugan.

VII. Teorya:
Teoryang Romantisismo- Dahil ipinapakita sa tula ang pagmamahal sa sariling
wika.
Teoryang Realismo- Dahil ipakita dito kung ano ang nasaksihan at naranasan ni
Dr. Jose Rizal na siya ay bata pa, nakung saan ang mga Filipino ay mas gusto
pang gumamit na Ingles at Kastilang salita sa halip na Tagalog.
Teoryang Sosyolohikal-Isa sa mga problema sa lipunan ay ang paggamit ng
ibang wika at isinasantabi ang ating kinalakihang wika.
Teoryang Arkitaypal- Ipinakita sa tula ang mahahalagang bahagi nito sa
pamamagitan ng paggamit ng ibat-ibang simbolo.

VIII. Bisa ng Akda:


Bisa sa isip- Matapos kong basahin ang tula nakintal sa aking isipan na dapat
natin mahalin at tangkilikin ang ating sariling wika, dahil ito ang nagpapakilala sa
ating ugali, kultura at saan tayu nagmula.

Bisa sa Damdamin- Ang tulang ito ay nagparamdam sa sakin na kailangan natin


buong pusong tanggapin at mahalin ang ating sariling wika.

Bisa sa Kaasalan- Hindi naman bawal magsalita o matuto ng ibang mga


lengguwahe, ngunit nawa ay huwag natin kalimutan at ikahiya ang ating sariling
wika, dahil sabi nga ni Dr. Jose Rizal "Ang hindi magmahal sa kanyang Salita'y
mahigit pa sa hayop at malansang isda". Dahil ang tulang ito ay ginawa ng ating
bayani para sa ating, bilang kabataan upang tayo bilang bagong henerasyon sa
ating bansa ang unang mag mamahal at ipagmamalaki ang ating wika.
Sanggunian

Tula: https://www.google.com/search?q=sa+aking+mga+kabata&sxsrf=APq-
WBvATVjNT2cZVi3dLqdjCW35VHcWdA:1645584918245&source=lnms&tbm=isch
&sa=X&ved=2ahUKEwi4o__D6ZT2AhUCBZQKHQCYCy8Q_AUoAXoECAIQAw&bi
w=1366&bih=667&dpr=1#imgrc=6jqYNHmeqN2iTM

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal: https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-


rizal/?fbclid=IwAR0u-
nclcaktObOjC_C0QprWiiHoY9AGzCeXYyvvxjEfkDIhVLO3_c2YEPo

You might also like