Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sino ang Presidente mo?

Ano nga ba ang pulitika? Kapag tayo ay nakakarinig ng ganitong salita, tayo ay
napapaisip, ano nga ba talaga ang pulitika? Ito ba’y nakabubuti sa atin? O sadyang
bulag lamang tayo sa kung ano ang tunay na nangyayari sa inang bayan? Pulitika
pa rin ba kung maituturing kapag pansariling interes ang ipinapairal? O pulitika ito
kung tawagin dahil naglilingkod sa bayan ng walang hinihintay na kapalit?
Tuwing sasapit ang panahon ng halalan, ang mga politico ay may kani-kaniyang
paraan ng pagpapabango ng pangalan sa publiko. Nariyan ang nagkalat ng posters
kung saan-saan na nag papangit at nagparumi ng paligid. Sarisaring patalastas sa
telebisyon na ibinibida ang kanilang plataporma, proyektong matagumpay na
naipatupad, gayundin ang patutsadahan sa mga karibal na politico, paglalabas ng
mga kasiraan ng mga katunggali sa posisyong hinahangad maibalik, upang
manatili muli o kaya maitaas ang pwesto sa pamahalaan.
Ang isang kandidato ay dapat mayroong pagpapahalaga at respeto sa
buhay,pamilya,magulang,batas,kapangyarihan,simbahan at lipunan. Pinanatili
niya ang kaniyang dignidad at karapatan hindi para sa sarili bagkus ay para sa
lahat.
Ngayong paparating na eleksyong 2022, ang mga kandidato sa pagka Presidente
ay sina Sara Duterte, BongBong Marcos, Isko Moreno, Cynthia Villar, Ping Lacson,
Leni Robredo at Manny Pacquiao. Sino ang iyong Presidente? Para saakin, ang
aking presidente para sa darating na eleksyong 2022 ay si BongBong Marcos. Si
BongBong Marcos ang aking gusto dahil saaking palagay, si BongBong Marcos ang
pinaka nararapat na maging Presidente kumpara sa ibang mga kandidato. Sa aking
palagay, ang dapat iboto na pinuno ay responsable at hindi lang tatakbo para sa
pansariling interes kundi ay para sa lahat. Sa aking opinion, ibinoboto ang isang
tao sa pagka pinuno dahil ang mga mamamayan ay may tiwala sa taong kanilang
iboboto.

You might also like