Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 39

Republic of the Philippines

Department of Education

WEEKLY HOME LEARNING GUIDE IN PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikatlong Kwarter

WEEK & LEARNING COMPETENCIES LEARNING TASK MODE OF DELIVERY:


DAY Modular
WEEK 1 Aralin 1: Pagkilala sa Iba’t Ibang Uri ng Teksto
F11PB – IIIa – 98: Tekstong Impormatib • Sagutan ang mga
Natutukoy ang paksang tinalakay Ang tekstong impormatib ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, Gawain sa hiwalay
sa iba’t ibang tekstong binasa at mga impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong na papel
linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na
• Inaasahan na ang
ano, kailan, saan, sino, at paano.
mga gawain ay
matatapos ng mag-
Layunin nito na maging daluyan ng makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, aaral sa loob ng
sapagkat marami ang nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong isang linggo.
uri ng teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay
nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga
pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong • Ang mag-aaral ay
maaring magpasa
nakabatay sa mga tunay na pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong
ng output alinman
inilalahad nito. sa mga sumusunod
na paraan:
Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon sapagkat napauunlad
nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga Personl na
mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa pagpapasa ng
ng peryodiko, pakikinig at panonood ng balita, mga kasaysayan, adbertismo atbp. magulang sa
paaralan

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01

Page | 1 of 39
“Beyond Leading, Innovating, and Nurturing towards Excellence”
Tekstong Deskriptib Online na
Ang tekstong Deskriptib ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng pagpapasa sa
mahusay na paglalarawan. Ang uri ng sulating ito ay naglalayon na makapagpinta ng imahe Group Chat o
Facebook group
sa hiraya ng mambabasa gamit ang limang pandama: paningin, pandinig, panlasa, pang-
amoy, at pandama. Dito maipapamalas ng manunulat ang kaniyang husay at kakayahan sa
• Ipasa ang mga
paglikha ng isang masining na paglalarawan. Mainam kung mapukaw nito ang atensiyon at sagot sa itinakdang
maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang paglalarawan ng isang pangyayari, karanasan, araw sa guro
bagay, lugar, tao atbp. Halimbawa nito ay mga lathalain at mga akdang pampanitikan.

Uri ng tekstong Deskriptib


1. Deskriptib Impresyunistik ay uri ng tekstong naglalarawan na nanagpapakita lamang ng
pansariling pananaw o opinyon at personal na pakiramdam ng sumulat.
2. Deskriptib Teknikal ay uri ng tekstong naglalarawan na nagpapakita ng obhetibong
pananaw sa tulong ng mga tiyak na datos, mga ilustrasyon, at dayagram.

Tekstong Persuweysib
Ang tekstong nanghihikayat o tekstong persuweysib ay naglalahad ng mga mga payahag
upang makapanghikayat o makapangumbinsi sa mga tagapakinig o mambabasa. Ito ay may
layunin na maglahad ng opinyon upang ang manunulat o tagapagsalita ay makahihikayat ng
mga mambabasa o tagapakinig na maniwala sa kanyang posisyon o punto de vista hinggil sa
isang paksa. Kailangang sapat ang katibayan o patunay upang suportahan ang isang isyu,
paksa, o kaisipan nang sa gayon ito ay maging kapanipaniwala. Ang mga halimbawa nito ay
ang mga patalastas, talumpati, editoryal, at sanaysay.

Ito ay nahahati sa tatlong elemento ayon kay Aristotle:


1. Ethos hango sa salitang Griyego na nauugnay sa salitang Etika. Ito ay tumutukoy sa
kredibilidad o personalidad ng manunulat o nagsasalita. Ang mga mambabasa ang
magpapasya kung kapani-paniwala o karapat-dapat na panigan ang tagapanghikayat.
2. Logos salitang Griyego na Logos ay tumutukoy sa pangangatwiran o lohika na
pagmamatuwid ng manunulat o tagapagsalita.
3. Pathos tumutukoy sa emosyon o nararamdaman o saloobin ng mambabasa o tagapakinig.

Tekstong Naratib
Ang pagsulat nito ay maaaring batay sa obserbasyon o nakita ng may akda, maaari din
namang ito ay nanggaling mula sa sarili niyang karanasan. Ito ay maaaring hinango sa totoong
pangyayari sa daigdig (di-piksyon), o nanggaling lamang sa kathang-isip ng manunulat
(piksyon). Ang tekstong naratib ay isang uri ng tekstong naglalayong magkuwento o
magsalaysay. Ito ay nagpapakita ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari na
maaaring nakita, hango sa sariling karanasan, totoong kaganapan o di-piksyon, maaari ding
likhang isip lamang ng manunulat o piksyon. Layunin nito ay makapagbigay–aliw o manlibang

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 2 of 39
sa mga mambabasa. Ang halimbawa ng tekstong naratib ay ang maikling kuwento, alamat, at
nobela.

Mga bahagi ng Tekstong Naratib:


1. Ekposisyon o impormasyon tungkol sa pangunahing tauhan at tagpuan.
2. Mga komplikasyon o kadena ng kaganapan, dito nakikita ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kuwento, ang papataas na aksiyon, rurok, at pababang aksiyon.
3. Resulusyon o denouement ay ang katapusan o huling bahagi ng kuwento dito nabibigyang
solusyon ang tunggalian o suliranin.

Tekstong Prosidyural
Ang tekstong prosidyural ay nagpapaliwanag kung paano ginagawa o binubuo ang isang
bagay. Naglalahad ito ng wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbangin, proseso o paraan
sa paggawa. Layunin nito na makapagbigay ng malinaw na instruksiyon o direksiyon upang
maisakatuparan nang maayos at mapagtagumpayan ang isang makabuluhang gawain. Ang
halimbawa nito ay mga paraan sa pag-aasemble ng bagay o kagamitan, resipi sa pagluluto
atbp.

Tekstong Argumentatib
Tekstong argumentatib ay naglalayong manghikayat, naglalahad ito ng mga oposisyong
umiiral na kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangang pagtalunan o
pagpapaliwanagan. Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.

Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng mga Teksto

Mahalaga ang pagsusuri sa anomang babasahin upang makilala ang uri ng tekstong ating
babasahin. Mainam na magamit natin ang ating kaalaman sa pagsusuri ng teksto ayon sa
kabuuan nito. Maaari nating gamitin ang mga pamamaraan sa pagbasa na ating natutuhan
gaya ng iskiming, iskaning, kaswal, komprehensibo, atbp.

Karaniwan na sa isang mambabasa na sinusubukang paraanan o iiskan ang kabuuan ng isang


akda upang tayo ay makakuha ng idea bago natin ito tuluyang basahin. Kumokonsulta din tayo
sa mga talaan ng nilalaman upang mabatid kung ang akdang ating babahasin ay may
kaugnayan sa mga katanungang hinahanapan natin ng kasagutan, Mainam din na mabatid
muna kung ang nilalaman ng isang teksto ay angkop o akma sa uri o antas ng mambabasa
nito. Mahalaga din na mabatid ang layunin, nilalaman, at maging kung sino ang sumulat ng
teksto upang matukoy ang kapakinabangang hatid nito.

Sa pagbabasa o pakikinig mainam na masuri ng mambabasa o tagapakinig kung ano at paano


isinulat o iniulat ang isang teksto. Kung ang isang teksto ay kakikitaan ng mahalagang
impormasyon mainam na ito ay hanapan ng katibayan ng konsepto sa paglalahad ng akda.
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 3 of 39
Gayundin ang pag-unawa o pagpapakahulugan ng mga salitang ginamit, ang pagsasaalang-
alang sa paraan ng pagkakasulat ng akda, at pag-unawa sa nilalaman ng teksto, maging ang
katuturan ng akda sa disiplinang kinabibilangan nito.

Aralin 2: Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang Ginamit ng


Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa
Hindi naman sa Iahat ng pagkakataon ay kailangang sumangguni sa diksiyunaryo tuwing may
F11PT – IIIa – 88: mababasang salitang mahirap unawain. Maaaring pansamantalang lagyan ng marka ang
Natutukoy ang kahulugan at salita, gamit ang lapis at ipagpatuloy ang pagbabasa. Maaaring gumawa ng tentatibong
katangian ng mahahalagang paghihinuha sa maaaring kahulugan ng salita sa pamamagitan ng gamit nito sa pangungusap.
salitang ginamit ng iba’t ibang uri
ng tekstong binasa Una, BIGKASIN ang salita. Madalas ay nagkakaroon tayo ng ideya o nakikilala natin ang
kahulugan ng salita kapag narinig natin itong binigkas. Sa isang banda, kapag mali ang bigkas
ng salita, nagkakaroon din ito ng ibang pagpapakahulugan. Ikalawa, suriin ang ESTRUKTURA
ng salita. Pag-aralan kung ito ba ay salitang-ugat, maylapi, inuulit, o tambalan. Tukuyin ang
mga bahagi ng salita upang magkaroon ng ideya sa kahulugan nito. Tukuyin din kung sa anong
bahagi ng pananalita ito kabilang, halimbawa, kung ito ay pangngalan, pandiwa, pang-uri, at
iba pa. Tukuyin din kung pormal at di pormal ang katangian ng salita. Pagkatapos, pag-aralan
ang KONTEKSTO. Hulaan ang kahulugan ng salita batay sa kung paano ito ginamit sa loob
ng pangungusap, sa sinundang pahayag, o sa susunod na pahayag. Kapag hindi pa rin
makuha ang kahulugan, kumonsulta na sa diksiyunaryo. Maaari ding tumingin sa glosari ng
aklat kung mayroon ito.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 4 of 39
Gabay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga tanong bilang pag-unawa sa tekstong binasa.

1. Ano-anong mga salita sa loob ng teksto ang hindi mo masyadong naunawaan?


2.Ano-ano ang mga estruktura ng salitang napili mo?
3. Bigyang kahulugan ang mga salitang di naunawaan sa binasang teksto?
4. Ano-anong paraan sa pagbibigay kahulugan ang ginamit mo upang mabigyan mo ito ng
kahulugan?
5. Anong katangian ng salita ang natukoy mo sa mga salitang di mo masyadong naunawaan?

Pagpapakahulugan ng Salita
Ang malawak na pagpapakahulugan sa mga salita ay kinakailangan ng tao upang higit na
maging mahusay at epektibo ang pakikipagkomunikasyon.

Narito ang mga paraan kung paano mabibigyang kahulugan ang mga salita o pangungusap.
1. Pagbibigay-kahulugan — ito ang pagbibigay ng kahulugan na mula sa taong may sapat
na kabatiran tungkol sa salita/pangungusap na nais bigyang kahulugan o kaya'y maaaring
mula sa mga diksyunaryo, aklat, ensayklopedya, magasin o pahayagan.
Halimbawa : pambihira - katangi-tangi

2.Pagbibigay ng iba pang kahulugan o barayti ng salita — ito ang pagbibigay ng


magkatulad na kahulugan
Halimbawa : Paghanga- pagmamahal

3. Pagbibigay ng mga halimbawa — ito ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita sa


pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawa.
Halimbawa : Ang buhay ng tao ay parang isang gulong. Minsan nasa ibabaw, minsan nasa
ilalim. Minsan ay nakararanas tayo ng hirap at minsan narnan ay nakararanas ng ginhawa.

4. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap — ito ang pagkakaroon ng iba't ibang


pagpapakahulugan sa salita kapag nilalapian.
Halimbawa : Mata lamang ang walang latay. (sobra ang natanggap na pananakit)
Lagi na lamang akong minamata ni Nene. (nang-aapi o mababa ang pagtingin sa kapwa)
Matalas ang mata ni Totoy. (bahagi ng katawan)

5. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay — ito ang pagbibigay ng


kahulugan sa mga salitang matalinhaga sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga salitang
ginamit. Halimbawa : Di-maliparang uwak – malawak

Kaantasan ng Wika
Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kaniyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan, at
okasyong dinadaluhan. Kaya mahalagang kilalanin ang mga salita upang maging pamilyar sa
katangiang tinataglay nito.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 5 of 39
A. Pormal na Wika - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa
paaralan at pamahalaan.
Halimbawa: asawa, anak, tahanan

2. Pampanitikan o Panretorika- Ito ay ginagamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga


salita ay karaniwang malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa: Kabiyak ng puso, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng Pagmamahalan

B. Impormal na Wika - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, at pangaraw-araw.


Madalas itong gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
1. Lalawiganin- Ito ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa
kakaibang tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na)
Nakain ka na? (Kumain ka na)
Buang! (Baliw)

2. Kolokyal- Pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maaari rin
itong refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang
titik sa salita.
Halimbawa: Meron - Mayroon
Nasan - Nasaan
Sakin - sa akin

3. Balbal- Sa Ingles ito ay Slang. Nagkaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito,
ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (bente pesos)
Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbubuo ng salitang balbal:


1. Paghango sa mga salitang katutubo
Halimbawa: Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga


Halimbawa: Epek (effect)
Futbol (naalis)
Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog


Halimbawa: Buwaya (Crocodile)
Bata (Child/Girlfriend)
Durog (powdered/high in addiction)
Papa (father/lover)

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 6 of 39
4. Pagpapaikli
Halimbawa: Pakialam - paki
Malay ko at pakialam ko -ma at pa
Anong sinabi -ansabe
Anong nangyari -anyare

5. Pagbabaliktad
Halimbawa: Etneb- bente
Kita- atik
Ngetpa- panget
Dehin- hindi

6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa: PUI -Pasyenteng Uusisain at Ipapa-confine
PUM-Pasyenteng Uuwi at Mamalagi sa bahay
AWIT- AW ang sakIT

7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa: Lagpak / palpak -Bigo
Torpe / Tyope /Torpe -naduwag

8. Paghahalo ng Salita
Halimbawa: Bow na lang ng Bow
Mag-MU
Mag-jr (joy riding)

9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa: 45-Baril
143- I love you
50/50- naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa: Puti - isputing
Kulang -kulongbisi

11. Kumbinasyon (Pagbabaligtad at Pagdaragdag)


Halimbawa: Hiya-yahi-Dyahi

12. Pagpapaikli at pag-Pilipino


Halimbawa: Pino -Pinoy Mestiso-Tiso-Tisoy

13. Pagpapaikli at pagbabaligtad


Halimbawa: Pantalon-Talon-Lonta
Sigarilyo-Siyo-Yosi

14. Panghihiram at pagpapaikli


Halimbawa: Security -Sikyo
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 7 of 39
Brain Damage - Brenda

15. Panghihiram at Pagdaragdag


Halimbawa: Get -Gets/Getsing
Cry -Crayola

Gawain 1: Performance Task 1 (15 pts)

Panuto: Pumili ng (2) dalawa sa mga uri ng teksto. Ipakita ang kaibahan ng bawat isa sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sariling pakahulugan sa mga uri nito. Magbigay ng isang
halimbawa na maaaring nabasa o napakinggan. Huwag kalimutang itala ang mga pinagkunan
ng impormasyon. Sundin ang batayan ng Pagmamarka na nasa ibaab. Gawin ito sa nakabukod
na malinis na papel.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 8 of 39
Gawain 2: Panapos na Pagsasanay 1 (Summative Test 1)

A. Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga aytem. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot. Para sa bilang 1-5 tukuyin kung anong uri ng teksto ang iyong binabasa.

1. “Baka makipag-away ka na naman, Impen,” tinig iyon ng kaniyang ina. Nangangaral na


naman. Mula sa kinatatalungkuang giray na batalan, saglit siyang napatigil sa paghuhugas ng
mumo sa kamay. (simula ng “Impeng Negro” ni Rogelio Sikat) (Baisa, AileneG. At Dayag, Alma
M. (2004) Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Phoenix
Publishing House.)
A. Impormatib C. Persuweysib
B. Naratib D. Prosidyural

2. “Maliwanag na sinusubukan na naman sa halalang ito ang luma nang taktikang divide and
rule na pamana ng diktadurang US sa kaniyang mga puppet regimes. Nakasalalay din sa
Batasang election ang pang-militar at pang-ekonomiyang katatagan sa atin ng Amerika… na
ang pananatili dito’y higit namang naglulublob sa kahirapan sa mga mamamayang Pilipino.
Pero hindi na tayo palilinlang. Hindi natin isusuko ang pakikipaglaban natin para sa ating mga
karapatan! Boykotin natin ang election “84!” ( Bautista, Lualhati. (1983) Bata,bata… Pa’no Ka
Ginawa?.Mandaluyong: Carmelo & Bauermann Printing Corp., 1988 at ng Cacho Publishing
House, 1991.)
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

3. Nagising ako kanina, humihingal at pawis na pawis. Nakataas ang kaliwa kong kamay,
naninigas, hindi ko maibaba. Sa panaginip ko, may malaking babae, nakasuot ng itim pero
hindi ko kita ang mukha, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko mailingon ang ulo ko. Madiin
at masakit ang pagkakahawak nya sa ‘kin. Napansin ko na itim ang mga kuko nya, graya ang
kulay ng balat. Nakakatakot. Parang ganito rin ang panaginip ko nung isang linggo. (Ong, Bob.
(2010) Ang Mga Kaibigan Ni Mama Susan. Pasay City: Visprint, Inc.)
A. Argumentatib C. Impormatib
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 9 of 39
B. Deskriptib D. Persuweysib

4. Hinahangaan ko ang aking guro na si Gng. Laderas. Bukod sa dedikasyon niya sa pagtuturo
ay binibigyan din niya ako ng lakas ng loob at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan ko ang
hamon sa aking buhay. Anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa pahayag?
A. Deskriptib Impresyunistik C. Deskriptib Teknikal
B. Obhektibo D. Subhektibo

5. National ID System sa Pilipinas: Pabor ka ba?


A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

6. May iba’t ibang estruktura ang paglalahad ng tekstong impormatib. Ang pahayag na
“Bumaba ang insedente ng mga napahamak sa pagdiriwang ng Bagong Taon (2020) kumpara
sa nakalipas na limang taon,” ay
A. Pagbibigay Depenisyon C. Paglilista ng Klasipikasyon
B. Paghahambing D. Sanhi at Bunga

7. Naglalahad ng mga bagong kaalaman, bagong pangyayari, bagong paniniwala, at mga


bagong impormasyon. Ang mga kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang
buong linaw at kaisahan.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi wasto hinggil sa tekstong impormatib?
A. Iisa lamang ang sinusunod na estruktura ng mga tekstong impormatib.
B. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensiyon ng mga
tekstong impormatib.
C. Hindi sinasagot ng tekstong impormatib ang tanong na bakit.
D. Lahat ng nabanggit.

9. Nagtataglay ng impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang tao, lugar,


at bagay. Madali itong makilala sapagkat ito ay tumutugon sa tanong na ano.
A. Argumentatib C. Impormatib
B. Deskriptib D. Persuweysib

10.Isang pamamaraan ang photo essay o paggamit ng larawan o litrato sa pagsasalaysay o


paglalahad ng anomang bagay at pangyayari. Anong uri ng teksto ang photo essay?
A. Deskriptib C. Persuweysib
B. Impormatib D. Prosidyural

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 10 of 39
B. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mahahalagang salitang ginamit sa binasang teksto.
Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o
hugasan gamit ang sabon at tubig.
A. Palagian B. Malimit
C. Mabilisan D. Lahat ng ito

2. Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan.


A. Hindi alam B. Wala sa katinuan
C. Hindi apektado D. Wala sa nabanggit

3. Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, ay sumusunod sa tamang respiratory
hygiene.
A. Pagtakip ng ilog at bibig B. Paghuhugas ng paa
C. Pagpapahinga D. Pagpapapawis

4. Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa


bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao.
A. Talsik na likido na nagmula sa ilong at bibig
B. Talamsik ng tubig sa kanal
C. Tulo ng tubig sa gripo
D. Patak ng ulan sa bubong

5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.
A. Pagtigil C. A at B
B. Pagpirmi D. Paghinto

C. Panuto: Tukuyin ang katangian ng mahahalagang salitang nakaitim na ginamit sa teksto.


Piliin at isulat sa inyong sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

6. Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong maibibigay sa ’yo, ikaw ay maituturo
sa tamang health facility, at maiwawasan mong makahawa sa iba.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal

7. Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa


mapagkakatiwalaang awtoridad.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal

8. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang


sintomas at gagaling.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 11 of 39
9. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na
ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig
o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal

10. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa
lagnat at tuyong ubo.
A. Pambansa B. Pampanitikan
C. Lalawiganin D. Balbal

WEEK 2 Ang Pagsulat ng Ilang Halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng Teksto


F11PS – IIIb – 91 Alam na alam mo na ba ang iba’t ibang uri ng teksto tulad ng tekstong impormatibo, naratibo,
Naibabahagi ang katangian at persweysib, deskriptibo, argumentatibo, at prosidyural? Tukoy na tukoy mo na ba ang
kalikasan ng iba’t ibang tekstong pagkakaiba-iba at mga katangian ng mga ito? Tingnan nga natin kung hanggang saan ang
binasa kaalaman mo dito. Magbalik tanaw nga tayo sa tekstong deskriptibo.

Ang layunin ng ganitong teksto ay mapalutang ang katangian ng tao, bagay, lugar o hayop.
F11PU – IIIb – 89: Paano ang paglalarawan?
Nakasusulat ng ilang halimbawa
ng iba’t ibang uri ng teksto May tinatawag tayong subjektibong paglalarawan mula sa mayamang imahinasyon ng
manunulat samantalang ang objektibo ay may pinagbabatayang katotohanan. Mayroon
tayong karaniwang paglalarawan gamit ang limang pandama, ito ay ang paningin, pandinig,
panlasa, pang-amoy at pandama (5 senses).

Teknikal na Paglalarawan na kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong


teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan.
Masining, di literal ang paglalarawan at ginagamitan ng matalinhaga o idyomatikong
pagpapahayag gaya ng tayutay.

Sa pagbuo ng tekstong impormatib, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan ng


nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman sa paksa, kung
kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o
pinagkukunan nila ng datos ay kailangang mapapagkatiwalaan at may kredibilidad.
Makabubuti rin kung ang paksa ay napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang
maunawaan ng mambabasa ang mga isyu sa lipunan.

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya,


almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa
pahayagan.

Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong impormatib:

Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag kung hindi
malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan ay maaaring
magbunga ng di pagkakaunawaan.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 12 of 39
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang
layunin sa pagpapaliwanag.

Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa na
ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.

Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at talata


sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.

Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatib?


Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya kung ipagpapatuloy
ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit sa kawilihan ng bumabasa.

Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng


sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng
bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala, isang pangungusap, o
isang talata.

Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptib ay ang pagpapahayag ng ating nakikita,


naririnig, at nadarama.
Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng
mga mambabasa o tagapakinig.
Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na gumuguhit ng mga
tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura ang ginagamit, ang isang
manunulat ng tekstong deskriptib naman na nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay
salita ang ginagamit upang ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan.

Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat isaalangalang

Maingat na pagpili ng paksa: Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga mag-aaral
sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.

Pagpili ng sariling pananaw: tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang
kaniyang inilalarawan.

Pagbuo ng isang pangunahing larawan: Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing


pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat na bigyang-
diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan.

Wastong pagpili ng mga sangkap: Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong
sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama ang
napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 13 of 39
Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw
sa pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.

Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang pangyayari kaya


ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay nya’y magiging mabisa sa
pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa kaisipan ng bumabasa o nakikinig.
Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at makapagbibigay nang
malinaw na larawan.

Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri sa dalawa;

1. Pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang
karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat.

Sa halimbawang ito pansinin ang mga salitang matitingkad at may salungguhit:


“Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito rin ang ayos ng
bakuran nila. Sariwa at malago ang mga halaman, naghuhunihan ang mga ibon sa sanga ng
punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang mabangong halimuyak ng bulaklak. Ang kanilang
bahay sa loob ng bakod na mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago.
Naroon din ang mga hawla ng kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno na
may malalagong halamang nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga
araw! Isang buong taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.”
Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1969.

Hindi ba’t ang mga salitang sariwa, malago, mabango, may tinik, halos wala, malalago ay kay
dali mong naunawaan? Dahil ang mga ito ay may mababaw lamang na pakahulugan at tiyak
ko na madalas mo din itong ginagamit sa iyong pakikipagtalastasan.

2. Masining na paglalarawan- dito ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita


ang isang buhay na buhay na larawan. Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat.
Ibinibigay niya ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama.

Sa halimbawang ito:
“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako
inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay maikli ang kaniyang
pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako makita. Kailangang di ko na
masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga mata. Kailangang di ko na mamalas ang
pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang di ko na makita ang panginginig ng kaniyang mga
daliri. Ito rin ang katumbas ng kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha. Manila: Pioneer Press,1968.

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang
uhaw na uhaw…”

Sa halimbawang ito mauunawaan sa kaisipang nakapaloob sa teksto na ang ina ay inilarawan


bilang isang tahimik at hindi palakibo na kung magalit ay tiyak na nakatatakot ang kaniyang
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 14 of 39
nagiging itsura. Masasalamin sa teksto ang pananabik ng bata sa pagmamahal ng kaniyang
ina. Mapapansin na ang mga salitang matingkad at may salungguhit ay may higit na malalim
na kahulugan kaysa sa karaniwang kahulugan nito.

Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng


impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.

May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at impormasyon sa mga tao


upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang ligtas, episyente at angkop sa
paraan.

Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga sumusunod:
1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o
kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian ng isang
bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag-
aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkasunod-sunod kung
alin ang gagamitin. Maaaring hindi Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural
na hindi gagamit ng anomang kagamitan.
3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang
proyekto.
4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng
prosidyur na isinagawa.

Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di


kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng prosidyur.

Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan upang
maging mas malinaw ang pagpapahayag ng instruksiyon.

Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.

May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong prosidyural.


1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa instruksiyon.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkasunod-
sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.

Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay, dami, atbp.

Pag-aralan ang teksto sa ibaba na naglalaman ng isang plano para sa pagpapaunlad ng isang
negosyo.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 15 of 39
Hakbang sa Pagpaplano:

Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O gusto mong simulan ito sa
itaas kaagad.
Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Layun mo ba agad na kumita at
mabawi ang iyong ipinuhunan o nais mo munang mapalago ito hanggang sa tuluyan na itong
makilala.
Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo? Napagpasyahan mo ba kung
ikaw lang ang mamamahala o may iba ka pang nais makasama sa iyong plano. Kaya mo bang
mag-isa o kinakailangan mo ang tulong ng iyong kamaganak bilang sekretarya, manananggol,
at iba pang sasalo sa ibang tungkulin sa negosyo mo? Sa iyong palagay, kakayanin mo bang
magtagumpay mag-isa sa negosyo o talagang kakailanganin mo ang tulong nila?
Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang iyong nais unahin o dapat pagtuunan ng
pokus sa iyong negosyo. Ang pangangailangan ng kostumer, ang lokasyon ng iyong negosyo,
ang iyong kasanayan o kahusayan, ang iyong kapital.
Ikalima, isipin mo ang paghahanap ng mga taong puwede mong pagkatiwalaan, may
kakayahan at karunungan, at may responsibilidad habang ikaw ay namamahala ng ibang
trabaho? Iayos mo ang mga patakarang dapat sundin ng iyong tauhan upang maging
matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.

Pagsasaayos ng mga Talatakdaan sa Planong Negosyo


1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at mahabang panahon (1-2 taon).
2. Maging tiyak at detalyado.
3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong pahayagan, radyo, telebisyon, at midya.
4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala lamang
5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat lapitan kasama na rito ang mga
numero ng telepono, pagers, cellphones, value message at e-mail.
6. Magkaroon ng mga promo para makaiwas sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
7. Isaayos ang perang nakalaang gugugulin. Magpasya ka kung magkano ang gugugulin sa
mga promosyon. Kung ikaw ay nababahala sa pag-aanunsiyo, mabuti pang itigil ang iyong
negosyo. Sabi nga nila “no gain no risk.”
8. Iwasan mo ang manggaya sa iba. Pag-aralan ang mga istratehiya ng iyong kakumpetensiya.
9. Upang makatipid sa badyet, palitan ang mga istratehiyang hindi nagpapakita ng magandang
resulta.
10.Simulan mo na ang iyong plano.

Gawain 1: Performance Task 2


Panuto: Pumili ng isa sa mga larawan sa ibaba at gumawa ng isang sulating deskriptib. Isulat
ito sa malinis na papel. Gawing batayan ang rubrik na nasa ibaba.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 16 of 39
RUBRIK

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 17 of 39
Gawain 2: Panapos na Pagsasanay 2 (Summative Test 2)

I. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisapan sa talata.
Pumili ng sagot sa ibaba. Titik lamang ang isulat.

Sa pagsulat ng tekstong ____(1)______ mahalagang isaalang-alang ang katumpakan


ng_____(2)______ nito. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman
sa _____(3)______, kung kaya’t dapat sila ay may mga ____(4)____ pinagbabasehan.
Dagdag pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng _____(5)_____ ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad.

A. Datos B. Impormatib C. Nilalaman D. Paksa E. Sanggunian

II. Panuto: Piliin ang hinihingi sa bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang napiling
sagot.

1. Ang uring ito ng paglalarawan ay nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito
naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng naglalarawan.
A. Kakaibang paglalarawan B. Madulang paglalarawan
C. Masining na paglalarawan D. Pangkaraniwang paglalarawan

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 18 of 39
2. Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na
larawan. Dito ay ibinibigay ng manunulat ang isang buhay na larawan ayon sa kanyang
namalas at nadama.
A. Kakaibang paglalarawan B. Madulang paglalarawan
C. Masining na paglalarawan D. Pangkaraniwang paglalarawan

3. Ang ____________________ ay ang pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at


nadarama. Ang pangunahing layunin ng pagpapahayag na ito ay ang pagbuo ng isang malinaw
na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig.
A. Pangangatuwiran B. Paglalahad
C. Paglalarawan D. Pagsasalaysay

4. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na kaalaman ang mga mag-
aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang karanasan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap

5. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang inilalarawan.


A. Pagbuo ng pangunahing larawan B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw D. Wastong pagpili ng sangkap

III. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ang hinihingi sa bawat aytem. Pumili ng sagot sa
ibaba:

A. Inaasahan o Target na Awtput B. Mga Kagamitan


C. Metodo D. Ebalwasyon

1. Nais kong makabuo ng isang magarang kabinet na may apat na hanay upang magamit ng
aking nanay sa pagsasaayos niya ng mga gamit namin sa kusina.
2. Salamat at nabuo ko na ang kabinet, tama lang ang sukat, nakatutuwa dahil nagustuhan ni
nanay ang aking disenyo.
3. Kakailanganin ko ng martilyo, pako at mga kahoy na may sukat na 2x2 sa pagbubuo ko ng
kabinet.
4. Kukulayan ko ng kulay tsokolate ang kabinet upang ito ay umayon sa pintura ng aming
kusina kung kaya bibili rin ako ng kulay puti at kulay tsokolateng pinturang pangkahoy.
5. Una, bibili na ako ng mga sapat na kagamitan para sa pagbubuo ko ng kabinet.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 19 of 39
WEEK 3 Pagsulat: Cohesive Devices
F11WG – IIIc – 90 Gamit ng Cohesive Devices
Nagagamit ang cohesive device
sa pagsulat ng sariling Kung ang mga pangungusap, idea, at detalye ay malinaw na nagkakaugnay sa isang
halimbawang teksto
konteksto, madali na itong maunawaan ng mambabasa. Malaking tulong ang tamang paggamit
ng mga cohesive devices para makabuo ng makabuluhang teksto. Kung ang isinulat ng awtor
ay malinaw na naunawaan at naisabuhay ng mambabasa, nangangahulugang nagtagumpay
ang awtor sa kaniyang isinulat.

1. Reperensiya (Reference) Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging
reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap.Tinutukoy nito ang anapora at
katapora.
Anapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangalan na binanggit sa pangungusap o talata.

Katapora- tumutukoy sa mga panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang


pangalan na binanggit sa hulihan ng pangungusap o talata.

2. Substitusyon-Paggamit ng ibang salitang ipinapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 20 of 39
3. Elipsis- May ibinabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang naunang
pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

4. Pang-ugnay- Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng “at” sa pag-uugnay ng sugnay sa


sugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito, higit na
nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-uugnay.

5. Kohesyong Leksikal- Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng


kohesyon. May dalawang uri ito.

5.1. Reiterasyon kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 21 of 39
5.2. Kolokasyon- mga salitang magkapareha o magkasalungat.

Gawain 1: Performance Task 3 (25 pts)


Panuto: Sumulat ng isang tektong deskriptibo gamit ang mga cohesive devices sa
pamamagitan ng isang Travel Brochure. Lapatan ng pamagat. Gawing gabay ang kriterya sa
ibaba sa iyong susulating tekstong deskriptibo. Gawin at isulat sa isang oslo paper o short
bond paper.

Batayan sa pagsulat ng teksto:


1. Ang mga larawan ng mga lugar ay matatagpuan sa rehiyon. Halimbawa: Mga lugar sa
CALABARZON na iyong napuntahan
2. Ang layunin sa pagbuo at pagsulat mo ng travel brochure.
3. Kinakailangang Obhetibo at Subhetibo ang katangian ng paglalarawan.

Kriterya sa Pagmamarka:
Nilalaman – 15
-Husay ng pagsulat at paglalarawan
-Paggamit ng angkop na datos tungkol sa lugar
Organisasyon – 10
-Paggamit ng angkop na cohesive devices o kohesyong gramatikal
TOTAL: 25 PTS

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 22 of 39
Gawain 2: Panapos na Pagsasanay 3 (Summative Test 3)

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang ginamit na cohesive device (Panghalip) sa bawat
pangungusap at tukuyin kung ito ay anapora o katapora. Dalawa (2) ang sagot sa bawat
bilang.

__________1. Nasa bagong milenyo na tayo, kasabay ang mabilis na pagbabago sa


larangan ng paggawa ng pelikula.
__________2. Tayo ngayon ay nasa panahon ng impormasyon, kaalinsabay ang paggamit
ng bagong teknolohiya sa paggawa ng pelikula.
__________3. Hindi nag-shooting ang mga artista, bagkus dumalo sila sa isang rally.
__________4. At kahit mabigo ka, huwag kang mag-aalala. Hindi iyan ang sukatan ng worth
mo bilang tao.
__________5. Ipaglaban mo ang karapatan mo, write a story, hug your parents. Napagod
silang lahat para mapa-graduate kayo.

Panuto: Basahin at sagutin ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang
papel.

6. Sa bahagi ng pananalita, ang siya, tayo, iyan, ito, doon, at sila ay mga halimbawa ng
___________.
A. Pandiwa B. Pangatnig C. Panghalip D. Pangngalan

7. Alin sa mga pahayag ang gampanin ng cohesive devices sa pagsulat?


A. Nagiging mas malinaw at maayos ang daloy ng kaisipan ng isinusulat.
B. Nagiging maganda ang nilalaman gamit ang mga ito sa pagsulat.
C. Nagiging malawak ang paglalahad sa paksa.
D. Nakaaakit basahin ang isang teksto.

8. Ang paggamit ng cohesive devices ay upang maiwasan ang pag-uulit ng:


A. salita B. parirala C. mensahe D. pangungusap

9. Sa mga cohesive devices, saan nabibilang ang anapora at katapora?


A. Substitusyon B. Pang-ugnay C. Reperensya D. Elipsis

10. Alin sa mga sumusunod ang nakatutulong upang maging malinaw at maayos ang
kaisipan ng isang teksto?
A. talata B. estruktura C. talasalitaan D. cohesive devices

11. Anong bahagi ng pananalita nabibilang ang anapora at katapora?


A. Pandiwa B. Panghalip C. Pang-abay D. Pangngalan

12. Nasira ko ang portfolio mo. Tutulungan na lang kitang gumawa.


A. Elipsis B. Leksikal C. Pang-ugnay D. Substitusyon

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 23 of 39
13. Ang magkapitbahay ay nag-uusap kung ano ang puwede nilang ibigay nadonasyon sa
barangay. Nagbigay si Lenie ng limang kabang bigas at si Lorry nama’y apat.
A. Elipsis B. Leksikal C. Pang-ugnay D. Substitusyon

14. Ang pamahaang lokal ay ginawa ang lahat para makaiwas sa sakit na nakamamatay at
ang mga mamamayan naman ay dapat sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng
pamahalaan.
A. Substitusyon B. Pang-ugnay C. Leksikal D. Elipsis

15. Sa gitna ng pandemya higit na apektado ang maralitang pamilya. Naghihirap sila kaya
kailangang magtiis at magtipid sa ayudang kanilang natatanggap.
A. Substitusyon B. Pang-ugnay C. Leksikal D. Elipsis
WEEK 4 Pangangalap ng Datos
F11EP – IIId – 36: Basahin ang bahagi ng panayam sa ibaba:
Nakakukuha ng angkop na datos
upang mapaunlad ang sariling (Bahagi ng isang panayam)
tekstong isinulat
Si Thea ay nakatakdang magsagawa ng isang panayam sa kanilang Barangay Chairman
F11PB – IIId – 99: tungkol sa kanilang pagkapanalo bilang “Pinakamahusay na Gulayan sa buong Distrito ng
Naiuugnay ang mga kaisipang Masipag.
nakapaloob sa binasang teksto sa (Isang umaga, humahangos na dumating sa barangay hall si Thea dahil siya ay huli sa oras
sarili, pamilya, komunidad, bansa, na pinag-usapan para sa isang panayam) Gusot ang kaniyang damit, hindi man lang nakuhang
at daigdig magsuklay ng buhok at tila doon pa lamang magbabalangkas ng kaniyang mga itatanong.
Hindi nakahanda subalit pinilit niyang humarap upang makakuha ng datos na kaniyang
kinakailangan.

Thea: Magandang umaga po Brgy.Chairman!


Brgy.Chairman: Magandang umaga rin naman sa iyo Bb. Thea Alonzo.Kanina pa po kami
nag-aantay sa inyo. Ang akala po namin ay hindi na kayo makararating sa sinabing oras. Kung
maaari po sana ay bukas na tayo magsagawa nitong panayam.
Thea: Paumanhin po Kapitan!
Brgy. Chairman: Ikinalulungkot ko po ngunit nahuli po kasi kayo sa oras na ating napag-
usapan.
Nakaalis si Thea sa lugar nang malungkot at naghihinayang sa nasayang na oras at
pagkakataon.

Sagutin ang mga tanong:


1.Ano ang nangyari sa isinagawang panayam?
2.Bakit hindi nagawang makakuha ng tagapanayam ng kinakailangang datos?

Pangangalap ng Datos
Walang saysay ang isang pananaliksik kung wala itong sustansiya- nilalaman, diwa, bigat at
katatagan.
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 24 of 39
Ang isang mahusay na pananaliksik ay nakabatay sa ilalatag na mga datos.
Kapag nakakuha ng datos at naihanay ito sa maayos na paraan, hindi na maaaring
pagdudahan ang nilalaman at pamamaraan ng proseso sa pagbuo ng pananaliksik.
Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang datos.
Kung walang datos, walang susuriin o sasaliksikin.

Pinagkukunan ng Datos
Primarya o pangunahing sanggunian – ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng
mahahalagang impormasyon ukol sa paksa ng pag-aaralan.
Nagsimula sa sinabi ng nakasaksi.
Sekondaryang sanggunian – makikita ang sariling interpretasyon batay sa pangunahing
impormasyon.
Ginawang pagsasama-sama ng mga nakalap na ebidensiya.

Mga Pangunahing Sanggunian


 Liham
 Talaarawan
 Pakikipanayam
 Saloobin mula sa survey
 Orihinal na gawang sining
 Orihinal na larawan
 Orihinal na pananaliksik
 Mga isinulat na panitikan
 Testimonya sa lumang manuskrito, pahayagan, dula, awit, pelikula at iba pa.

Mga Sekondaryang Sanggunian


 Archive (artsibo) na materyal mula sa:
 aklat
 palabas
 manuskrito
 pahayag ng isang tao
 buod ng anumang akda

Malaki ang kaugnayan ng datos upang palakasin ang paksa, layunin, at kabuuan ng
pananaliksik.
Makatutulong ang datos sa pagpuno ng mga kakulangan ng iba pang pag-aaral, pagpapatatag
ng pangangatuwiran inilalatag ng pananaliksik na tinapatan ng datos bilang patunay, at
pagsasakonteksto ng teorya upang ito ay maisagawa.

Mga Dapat Ihanda sa Pangangalap ng Datos


 Personal na gamit

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 25 of 39
 kasangkapan at kagamitan
 Tape recorder
 Kamera
 Laptop
 Kagamitang pang-video
 Kuwaderno (diary/talaarawan, talaan,listahan ng kalahok at kaugnay na impormasyon
ukol sa kanila)

Pananaliksik sa pamamagitan ng Interbyu (Interview)

Ang pagsasagawa ng interbyu ay kilala rin bilang pakikipanayam. ito ay isang uri ng
komunikasyon kung saan nagkakaroon ng tapatang paguusap o pagtatanong ang dalawang
taong may nais malaman sa isa’t isa. Ito ay isang pakikipagpulong ng isang tao sa kanyang
kapwa ns nais niyang kunan ng mga impormasyong maiuulat o maipalilimbag.

Isang uri ng pagtatanong upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion, kaisipan o


tanging kaalaman ukol sa isang paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla na karaniwa’y
nagmumula sa tanyag na tao o kilalang otoridad na kinakapanayam.

Uri ng Pakikipanayam o Interbyu


Ang pagsasagawa ng isang panayam o interbyu ay maaring;
a. Pormal – nagtatakda ng araw, lugar at tao na iinterbyuhin.
b. Di-Pormal – ito ay walang tinatakdang oras, panahon o tao. Ito ay biglaan at maaring kahit
sino ang pakapanayam.

Pakikipanayam na nagbibigay ng kabatiran (informative) – isinasagawa upang makakuha


ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman sa bagong ideya, sa isang taong
nakasaksi sa isang pangyayari o isang taong maaaring mapagkunan ng balita.
Opinyon (opinion interview) – isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinyon mula
sa taong bantog o kilalang awtoridad.
Lathalain (feature interview) – pakikipanayam sa isang sikat na tao o isang taong may
makulay na karanasan upang makakuha ng kaalaman sa kanyang katauhan na magiging
kawili-wili sa madla.
Pangkat (group interview)
A. Natatanong na reporter (inquiring reporter type) – iisa ang tanong na sinasagot ng mga
kinapanayam at sa pasumalang na pagtawag.
B. Simposyum (symposium) – nagtatanong ang reporter ng mga magkakaugnay na tanong
sa bawat kapanayam na naakalang dalubhasa sa napiling larangang pinaghanguan ng
katanungan. Ang bawat kapanayam ay dalubhasa sa kani-kanilang linya.
C. Pandiyaryo (press interview) – pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong
kilala gaya ng pangulo ng bansa o isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa
pambansang aktibidad.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 26 of 39
Pananaliksik sa pamamagitan ng isang Surbey (Survey)

Ito ay isang uri ng pananaliksik na ginagamit upang makakuha ng inpormasyon sa paggamit


ng isang sagutang papel. Tinuturing itong pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos. Ang
sagutang papel ang nagsisilbing tulay upang makapagpalitan ng mga ideya, opinyon,
impormasyon, at kaisipan ang mga mananaliksik. Ito ay ginagamit upang makuha ang
average na bilang ng kanilang pananaliksik. Ito ay isang pag-aaral na ginagamit upang
masukat ang isang pagaaral nang hindi direktang nagtatanong sa isang tao.

Gawain: Panapos na Pagsasanay 4 (Summative Test 4)

Panuto:Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na sagutang
papel.

1. Ito ay isa sa kinakailangan sa pananaliksik sa aklatan.


A. kard ng awtor B.kard katalog
C.kard ng paksa D.kard ng pamagat

2. Ano ang kagamitang kailangang ihanda ng tagapanayam?


A. cellphone B.papel at ballpen
C.recorder D.lahat ng nabanggit

3.Ito ang pinakamadaling paraan ng pagkalap ng datos.


A.pag-iinterbyu B.pagsasarbey
C. pagtatanong D. pananaliksik

4 Ito ay pakikipanayam sa sikat na tao na may malaking karanasan tungkol sa paksa ng


iyong pananaliksik.
A. feature interview B.non-feature interview
C.formal interview D.structured interview

5.Ang mga nabanggit sa ibaba ay mga dapat isaalang-alang sa araw ng panayam maliban
sa;
A. ipakilala ang sarili nang may paggalang
B. ihanda na ang mga katanungan sa papel
C.magtakda lamang ng oras ng panayam
D.hayaang maunang dumating ang kakapanayamin
6. Pinakamahalagang bahagi ng pananaliksik, narito ang sustansiya, diwa at nilalaman ng
buong saliksik.
A. datos B. interbyu C.sanggunian D. sarbey

7. Ito ay isinasagawa upang makakuha ng impormasyon mula sa isang taong may kinalaman
sa bagong ideya, sa isang taong nakasaksi sa isang pangyayari o isang taong maaaring
mapagkunan ng balita.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 27 of 39
A. feature interview B.opinion interview
C.informative interview D.press interview

8. Ito ay pakikipanayam ng maraming reporters sa isang taong kilala gaya ng pangulo ng bansa
o isang tanyag na dayuhan at iba pang may kinalaman sa pambansang aktibidad.
A. feature interview B.opinion interview
C.informative interview D.press interview

9. Ito ay isinasagawa upang makakuha ng komentaryo o opinyon mula sa taong bantog o


kilalang awtoridad.
A. feature interview B.opinion interview
C.informative interview D.press interview

10. Ito ay walang tinatakdang oras, panahon o tao. Ito ay biglaan at maaring kahit sino ang
pakapanayam.
A. pormal B.opinion interview
C. informative interview D.di-pormal

WEEK 5 Mga Kaisipang Nakapaloob sa Tekstong Binasa


F11PS – IIIf – 92: Sa pagbasa at pag-aaral ng teksto, inaalam natin kung ano ang kaisipan o mensaheng nais
Naipaliliwanag ang mga kaisipang ipahatid ng awtor. Ang kaisipan ng teksto ay binubuo ng pangunahing kaisipan at pantulong
nakapaloob sa tekstong binasa na kaisipan.

Ang pangunahing kaisipan ay ang mensahe na nakapaloob sa isang larawan o teksto. Ito
ang nais ipaunawa ng manunulat sa kaniyang mambabasa. Karaniwan itong matatagpuan sa
unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto ngunit may ilang istilo ang manunulat
na ang pamaksang pangungusap ay nasa hulihan, kung kaya ang pangunahing kaisipan ay
maaaring matagpuan sa hulihan ng teksto.
Tandaan! May pagkakataong hindi lantad sa teksto ang pangunahing kaisipan.
Ang pantulong na kaisipan naman ay nagbibigay-linaw sa pangunahing kaisipan.
Nagtataglay ito ng mga mahahalagang impormasyon na nakatutulong sa mambabasa upang
higit na maunawaan ang teksto. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad
ng pangalan, lugar, paglalarawan, datos o istadistika at iba pa upang pagtibayin ang
pangunahing kaisipan.

Basahin ang talata sa ibaba.

Ano ang pangunahing kaisipan sa talata? Kung sinabi mong “ang pagiging mahalaga ng gulay
sa katawan ng tao,” tama ka! Saan ito makikita? Ito ay nasa katapusan ng talata. Ang mga
unang binanggit na pangungusap ay itinuturing na pantulong na kaisipan. Makukuha natin ang

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 28 of 39
mga pantulong na kaisipan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga tanong na maaaring mag-
ugnay sa naisip mong pangunahing kaisipan tulad ng ano, sino, saan, kailan, bakit, at paano.
Ang pagtamo ng mga kaisipang nakapaloob sa isang akda ay isang kasanayang magandang
taglayin ng sino mang indibidwal. Kapag natutukoy natin ang kaisipang nakapaloob mula sa
tekstong ating binabasa ay lubos nating nauunawaan ang nais iparating na mensahe nito.

Maaari nating gamitin ang dayagram sa ibaba upang mahimay-himay ang kaisipan sa tekstong
ating binabasa.

Gawain 1: Performance Task 4 (20 pts)


Panuto: Bumuo ng pangunahin at mga pantulong na kaisipang mahihinuha mula sa mga
larawan sa ibaba.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 29 of 39
Gawain 2: Panapos na Pagsasanay 5 (Summative Test 5)
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon tulad ng pangalan, lugar,


paglalarawan, datos at iba pa upang pagtibayin ang pangunahing kaisipan.
A. paksang pangungusap B. pangunahing ideya
C. pansuportang detalye D. pantulong na kaisipan

2. Ito ay tumutukoy sa kung tungkol saan ang teksto.


A. detalye B. ideya C. opinion D. paksa

3. Alin sa sumusunod na salita ang hindi ginagamit bilang pantukoy ng pantulong na kaisipan?
A. ano B. bakit C. ilan D. sino

4. Ito ay karaniwang matatagpuan sa unahang bahagi o pamaksang pangungusap ng teksto.


A. paksang pangungusap B. pangunahing kaisipan
C. pantulong na kaisipan D. sumusuportang detalye

5. Alin sa mga pahayag ang pangunahing kaisipan?


A. Napakabait na bata ni Julius.
B. Madaling utusan ang batang iyan.
C. Magalang siyang makipag-usap sa tao.
D. Masunurin siya sa kaniyang magulang.

6. Ito ay tumutukoy sa mensaheng nais ipahatid ng awtor.


A. kaisipan B. pananaw C. saloobin D. tema

7. Sino sa sumusunod na manunulat ang may-akda ng tekstong “Bunga ng Kasalanan”?


A. Cirio H. Panganiban B. Liwayway Arceo
C. Lualhati Bautista D. Severino Reyes

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 30 of 39
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang angkop na pantulong na kaisipan sa pahayag na ito?
“Ang mabait kong mga magulang ay kayamanang ibinigay sa akin.”
A. Ginagabayan nila ako sa lahat ng desisyon na aking ginagawa.
B. Hindi matatawaran ang kanilang sakripisyo para sa kanilang anak.
C. Lubos na pagmamahal ang ipinadarama sa atin ng ating mga magulang.
D. Ang magulang ay isa sa pinakamagandang regalo na ipinagkaloob sa mga anak.

9. Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa pantulong na kaisipan, maliban sa


A. Ito ay itinuturing na sentrong bahagi ng akda.
B. Ito ay nakatutulong upang mapalitaw ang pangunahing kaisipan.
C. Sa tulong nito ay mas nauunawaan ng mambabasa ang diwa ng teksto.
D. Maaaring bumuo ng mga tanong na may kaugnayan sa pangunahing kaisipan upang
matukoy ang mga ito.

10.Ang sampaguita ay mabangong bulaklak. Gustong-gusto ko ang amoy nito. Tuwing Linggo
ay bumibili nito ang nanay ko sa labas ng simbahan. Ang sampaguita ay paborito kong
bulaklak. Ano ang pangunahing kaisipan ng pahayag?
A. Paborito ko ang amoy ng sampaguita.
B. Mabangong bulaklak ang sampaguita.
C. Laging bumibili ng sampaguita ang nanay ko.
D. Natatangi ang sampaguita sa lahat ng uri ng bulaklak.

11.Ang mga pahayag ay ukol sa pangunahing kaisipan, maliban sa


A. May mga pagkakataong hindi ito lantad sa teksto.
B. Ito ay nagtataglay ng mga mahahalagang impormasyon.
C. Karaniwan itong matatagpuan sa unahang bahagi ng akda.
D. Ito ay ang mensahe na nais ipahiwatig ng awtor sa mga mambabasa.

12.Ang mga taong mahilig magbasa ay nakakukuha ng iba’t ibang kaalaman. Maaari nilang
gamitin ang kaalaman na ito sa kanilang mga buhay. Nalilinang din nito ang bokabularyo ng
mambabasa. Ano ang pangunahing kaisipan na maaaring mahinuha mula sa pahayag?
A. Marami kang natututuhan na salita.
B. Mahalaga sa kalusugan ang pagbabasa.
C. Kawili-wiling gawain ang pagbabasa araw-araw.
D. Mayaman sa kaalaman ang taong mahilig magbasa

13.Maraming kapangyarihan ng musika ang natuklasan ng mga siyentipiko. Alin sa


sumusunod na pansuportang kaisipan ang hindi angkop sa pahayag?
A. Kayang magpaalis ng stress sa isang tao ang pakikinig nito.
B. Nakapagpapagaan rin ito ng utak tulad ng memorya, emosyon at iba pa.
C. Nakatutulong ito upang mapalawak ang kaalaman sa iba’t ibang larangan.
D. Nakagagamot ito ng problema sa puso, depresyon at insomnia o di pagkatulog.

14.Ang kamatis na napagkakamalang gulay ay isa palang masustansiyang prutas na


nagtataglay ng Bitamina A at C. Ayon sa mga dalubhasa, ang madalas na pagkain ng kamatis
ay nakatutulong upang makaiwas sa kanser sa bituka (colon cancer). Ano ang pangunahing
kaisipan ng pahayag?
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 31 of 39
A. Ang kamatis ay isang uri ng prutas.
B. Ang kamatis ay nagtataglay ng mga bitamina.
C. Mahalaga sa kalusugan ng tao ang pagkain ng kamatis.
D. Makatutulong ito upang maiwasan ang kanser sa bituka (colon cancer).

15.Bakit mahalaga ang pagtukoy sa mga kaisipang nakapaloob sa isang teksto?


A. upang lumawak ang ating kaalaman
B. upang makapulot ng magagandang aral
C. upang mabatid ang kahalagahan ng akdang binasa
D. upang malaman ang nais iparating na mensahe ng teksto

WEEK 6- Paggamit ng Mabisang Paraan ng Pagpapahayag sa Reaksyong Papel


7
F11PU – IIIfg – 90: Narito ang ilang mga popular na linya na ginampanan ng mga sikat na aktor. Pansinin ang
Nagagamit ang mabisang paraan mga sumusunod na linya na binanggit ng popular na aktor at aktres na gumanap sa pelikula.
ng pagpapahayag:
a. Kalinawan 1. “Siguro kaya tayo iniiwanan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas
b. Kaugnayan magmamahal sa’tin – ‘yung hindi tayo sasaktan at paasahin…’yung magtatama ng lahat ng
c. Bisa sa reaksyong papel na mali sa buhay natin” -John Lloyd “One More Chance 2007”
isinulat
2. "I know what you're doing here. Just be careful with them, hindi lahat ng puso kasing tibay
ng sa 'kin." - Clarisse (Andi Eigenman), Camp Sawi

3. “Oh yes kaibigan mo ako, kaibigan mo lang ako… And I’m so stupid to make the biggest
mistake of falling in love with my bestfriend!!!” -Jollina Magdangal “Labas Kita Okey Lang
1998”

4. “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong
patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, e yung na
sa’yo na pinakawalan mo pa.” -Toni Gonzaga “Starting Over Again 2014”

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang napuna mo sa bawat pahayag?
2. Mayroon bang pagkakatulad o pagkakaiba sa mga ito?
3. Anong uri ng pahayag ang mga nabanggit?
4. Bakit mahalagang malaman ang uri ng mga pahayag?

Iba’t ibang Uri ng Pahayag


Paglalahad
Ayon kay Arrogante (1994), ang paglalahad ay isang pagpapaliwanag na obhetibo o walang
pagkampi na may sapat na detalye at pawang pampalawak ng kaalaman sa paksang
binibigyang-linaw nang lubos upang maunawaan nang may interes.
Halimbawa:
Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang sakit sa
paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula sa bawat tao. Dahil

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 32 of 39
ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit natututo pa tayo tungkol sa
COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa komunidad ng Minnesota ay
nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 sa ating estado, at umaasa kami sa
tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang
may sakit. Hindi namimili ang virus.
https://www.health.state.mn.us/diseases/coronavirus/materi als/basicstagalog.pdf

Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. Katulad ito ng pagkukuwento
ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang
uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
Halimbawa:
Tuwing umagang mananaog siya upang umigib, pinagpapaalalahanan siya ng ina. Huwag daw
siyang makikipagbabag. Huwag daw niyang papansinin si Ogor. Talaga raw gayon ito,
basagulero. Lagi niyang isinasaisip ang mga biling ito ngunit sadya yatang hindi siya
makapagtitimpi kapag naririnig niya ang masasakit na panunukso sa kanya sa gripo, lalung-
lalo na mula kay Ogor.
http://magbasanatayo.blogspot.com/2010/06/impengnegro-ni-rogelio-sikat.html

Pangangatwiran
Ang pangangatwiran o pagmamatuwid ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang
katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason. Ang
pangangatwiran ay kasingkahulugan ng pagbiibigay-palagay, paghuhulo, pag-aakala,
pagsasapantaha o paghihinuha.
Halimbawa:
Ano ang mapapala ninyo kung iboto ang aking katunggali gayong hindi siya naging pinuno ng
kanyang klase o ng kanyang barangay kaya? Balita ko’y under de saya pa yata!

Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang anyo o paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay
tungkol sa isang tao, isang hayop, sa isang bagay, isang lugar o sa isang pangyayari sa
pamamagitan ng makukulay, mahuhugis o maanyo at iba pang pandama.
Halimbawa:
Pinagtaasan siya ng kilay ng kanyang kaibigan nang ipagtapat niyang umiibig siya sa isang
kahig isang tukang binata.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 33 of 39
Gawain 1: Performance Task 5 (25 pts)
Panuto: Mula sa mga paksang nakalahad, bumuo ng sariling reaksyon batay sa hinihinging
uri ng pagpapahayag.

1. Karanasan habang nasa ilalim ng ECQ/GCQ inyong baranggay ( Pagsasalaysay )


2. Balik- Eskwela sa Kabila ng Pandemya ( Pangangatwiran )
3. Pansamantalang pagtigil sa pag-ere ng ABS-CBN. ( Paglalahad )
4. Middle Class: Dapat bang bigyan din ng ayuda ng ating gobyerno? ( Pangangatwiran )
5. Frontliners: Sa Panahon ng Pandemya ( Pagsasalaysay )

Gawain 2: Panapos na Pagsasanay 6(Summative Test 6)


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang
sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel kung PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN,
PANGANGATWIRAN, o PAGLALAHAD.

1. Ang tagumpay ng mga anak sa kinabukasan ay nakasalalay sa pagpapalaki sa kanila ng


kanilang magulang.
2. Bakit mo ako pipilitin na kumain ng gulay? Kung ikaw nga ay hindi rin kumakain ng gulay!
3. Nakatulala na lamang ang mga tao, nagbubulangang tila hindi malaman abf mainam na
gagawin maliban sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.
4. Sa ilalim ng demokrasya ang ating pakahulugan sa tunay na kalayaan ay dapat malinaw.
Ang kalayaan ay hindi kasarinlan.
5.Kaming nga bantay-kanto ay kinatutuyuan daw nila ng dugo dahil mababaw raw ang aming
kaligayahan.
6. Pasyahan na ang kababaihan ay dapat magkaroon ng pantay na Karapatan o ekwalidad sa
kalalakihan sa lahat ng aspekto sa buhay.
7. Noong una talaga, nagdadalawang isip ako kung paniniwalaam ko ba ang mga naririnig ko,
ngunit nang Makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galling sa espada ng mga
anghel, naiintindihan ko na lahat dahil ito ay pagpapakita ng pakikipaglaban sa kasamaan.
8. Ang ibig sabihin nang paglalakbay ay pag-alis at pagpunta sa isang lugar upang maranasan
ang mga kultura rito.
9. Sa takot ni Pilato na maalis siya sa tungkulin bilang gobernadora, nagpakuha siya ng tubig
at sa harap ng mga tao ay nagsabing “Wala akong kasalanan sa dugo ng banal na tao iyan.
Kayo ang bahala”.
10. Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi
siya nagbalik-aral.
11. Nakipagsiksikan ako sa pawisan, at ngayo’y amoy-suka’t amoy-anghit ng mga taong
nakapaligid sa kung anong kasiya-siyang tanawin.
12. Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 34 of 39
13. May mga bagay sa ating buhay na mahirap at hindi maipapaliwanag kung bakit ito
nangyayari. Maaring ito’y isnang trahedyang iniiwasan nating mangyari o isang pangyayaring
ating tinatawag na ‘hulog ng langit’.
14. Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging
kaawa-awa kung sila ay lalagpak.
15. Ayon sa Department of Social Welfare and Development, mahigit sa 4 milyong mga bata
ang napipilitang magtrabaho sa halip na mag-aral at maglaro.

WEEK 8 Reaksyong Papel


F11EP – IIIj – 37: Kahulugan ng Reaksyong Papel
Nakasusulat ng mga reaksyong
papel batay sa binasang teksto Ang reaksyong papel ay maituturing na isang uri ng sulatin kung saan ang may akda ay
ayon sa katangian at kabuluhan makakapagbigay ng sariling ideya at opinion patungkol sa binasang teksto.
nito sa:
a. pamilya, b. komunidad c. bansa https://www.bestessays.com/glossary/reaction_paper.php
d. daigdig
Ano nga ba ang kaibahan ng pagsulat ng reaksyong papel sa ibang sulatin? Ang isang
reaksyong papel ay naglalahad ng sariling opinyon at mga natutunan ng isang manunulat
patungo sa isang teksto o pangyayari. https://kingessays.com/reactionpaper.php

At mula rin sa coursehero.com sa pagsulat ng reaksyong papel mahalaga ring isaalang-alang


ang sarili at ang mga maaring makabasa ng isinulat. Maaring ang mismong pamilya,
komunidad, bansa at maging ang daigdig ay maabot ng iyong isinulat, lalo pa sa panahon
ngayon na napakabilis ng teknolohiya. Laging tandaan na ang bawat isa ay mayroong
responsibilidad sa sarili at sa kapwa.

Apat na bahagi ng Reaksyong Papel

1. Introduksiyon- ito ang pupukaw sa interest ng mga nagbabasa. Sa parteng ito, kailangang
ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo
hanggang apat na mga pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan.
Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa papel.
2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa
mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol
sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong papel.
4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay
ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon na iyong
nailahad. https://kingessays.com/reaction-paper.php

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 35 of 39
Gawain 1: Performance Task 6 (25 pts)
Panuto: Gumawa ng sariling reaksyong papel patungkol sa “COVID-19 Vaccination”.
Isaalang alang ang pagkakaroon ng Introduksyon, Katawan, Kongklusyon, at Wakas. Isulat ito
sa isang malinis na papel. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba.

Gawain 2: Panapos na Pagsasanay 7(Summative Test 7)


Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa pagbibigay o paglalahad ng isang opinion o kaisipan na maaring


sumang-ayon o sumasalungat sa mga sitwasyong may kinalaman sa gawi ng mga tao, bagay,
pook at pangyayari.
A. Liham C. Tekstong Naratibo
B. Reaksyong Papel D. Pagsulat ng Pananaliksik

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kaibahan ng reaksyong papel sa iba


pang sulatin?
A. Ito ay naglalahad ng mga impormasyon.
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 36 of 39
B. Ito ay naglalahad ng mga argumentong paksa.
C. Ito ay naglalahad ng mga sulating may proseso.
D. Ito ay naglalahad ng mga opinyon at sariling ideya tungkol sa binasa

3. Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga mambabasa?


A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

4. Bakit kinakailangang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito ipamahagi sa mga
mambabasa?
A. Upang hindi malito ang mambabasa
B. Upang magkaroon ng maayos na daloy ng ideya.
C. Upang maisabuhay ng mambabasa ang binasang akda
D. Upang matugunan ng may-akda ang kawilihan ng mambabasa.

5. Nabasa mo sa isang teksto ang tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang babae sa


kaniyang kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya siya iniwan. Alin sa
sumusunod na reaksyon ang posibleng maibigay mo?
A. Lalaban ang pag-ibig kung kinakailangan.
B. Ang tunay nap ag-ibig ay dapat pahalagahan.
C. Hindi nagtatagal ang tunay nap ag-ibig sa mundo.
D. Masakit makita na mamatay na lamang ang isang pag-ibig.

6. Ito ay bahagi ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling kaisipan ukol sa
pangunahing ideya.
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

7. Nagkaroon kayo ng isang Gawain kung saan susulat kayo ng reaksyong papel. Nang
maipasa mo ito sa iyong guro, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo itong iwasto batay sa
ibinigay niyang komento dito. Ano ang dapat mong maging tugon?
A. Tatawanan ko na lamang ang komento ng aking guro.
B. Hindi ko papansinin ang mga komento niya.
C. Pag-aaralan ko ang mga komento at isasagawa.
D. Uunawain ko ang mga ito para para hindi siya magalit.

8. “Masayang umuwi ang mag-anak dahil kumpleto na ang kanilang pamilya. Totoo nga ang
kasabihan na “Kung mahal ka, babalikan ka.” Minsan talaga dumarating ang pagkakataon na
nakakaranas tayo ng mga pagsubok sa buhay. Mga pagsubok na nagpapatatag upang mas
lumalim pa ang relasyon ng isang nagkaka-isang pamilya.” Ito ay mula sa reaksyong papel na
may pinamagatang Sandigan. ito ay tumutukoy sa pamilya. Sa anong bahagi ng reaksyong
papel napapaloob ang talata?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon
TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 37 of 39
9. Kinukondisyon ng nalalapit na eleksyon sa Mayo ang ating kolektibong pag-iisip bilang
mamamayan ng Pilipinas. Bahagyang hinuhubog nito ang ating kilos at salita na siyang
kumakatawan sa ating pag-asa at mga pangarap para sa ating sarili at para sa ating bansa.
Dahil nakatuon ang atensyon natin sa nalalapit na eleksyon at dahil hindi maiwasang pag-
usapan ang mga pambansang isyu na kadalasa’y mga pambansang suliranin (tulad ng
kurapsyon at kahirapan), nagkakaroon tayo ng natatangi at mas malawak nap ag-mumuni-
muni sa ating sosyolohikal at political na sitwasyon, na tila naming nambubuyo sa ating
pakiramdam ng kaibigan. Ito ay mula sa isang reaksyon sa “Ang Demokratikong Sistema at
ang mga Modelo ng pamumuno sa Pilipinas” mula kay Paolo A. Bolanos. Sa anong bahagi ng
reaksyong papel napaploob ang talata?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

10. “Sigaw ni Juan ang salitang Pagkakaisa ang kailangan, pero hindi alam ni Juan kung ano
at paano gagawin ang pagkakaisa kung ang bawat Juan ay nahahati sa kani-kanilang partido
at sumisigaw ng kanya-kanyang pagkakaisa. Kung kailangan natin ng pagbabago, at
pagkakaisa tungo sa makabagong Pilipinas na walang kurapsyon, sinimulan natin sa pagtigil
ng pagpuna at batikos ng bibig. Kung ano man ang susunod, ikaw Juan ang nakakaalam.” Ito
ay mula sa isang reaksyon na “kurapsyon sa bansa” mula kay Tani Michaels. Sa anong bahagi
ng reaksyong papel napapaloob ang talata?
A. Wakas B. Katawan C. Kongklusyon D. Introduksyon

11-13. Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng sumusunod?


11.Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi malilimutan. Sa
tekstong ito napakaraming tanong ang nabuo sa aking isipan. Una aanhin ko nga naman ang
maraming salapi kung hindi ko naman kasama ang mga mahal ko sa buhay. Masarap mabuhay
sa mundong ito ng may kasama ka sa lungkot at saya ng iyong buhay. Naantig ang aking puso
sa mga pahayag ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Nagbigay ito ng
inspirasyon sa akin para mas lalo ko pang mahalin ang aking mga magulang at pamilya.
A. bansa B. daigdig C. komunidad D. pamilya

12.Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya lang naman si Dr.
Jose P. Rizal ang isa sa hinahangaan kong bayani ng ating bansa. Pero bakit parang nawalan
na ng pagpapahalaga ang mga taong nasa likod ng pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil
ba sa pera? Dahil alam nila na malaki ang kikitain nila sa pagtatayo nito. Kung ako ang
tatanungin hindi ako sang-ayon sa pagtayo nito. Naging pambansang photoboomer tuloy siya.
Nasan na ang kahalagahan ng ating pambansang bayani? Sana nabigyan ito ng hustiya.
Nasaan na ang ganda ng monumento ni Dr. Jose Rizal.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 38 of 39
13.Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga paalaala sa mga taong magkakaroon ng panayam
para sa inaapplayang trabaho. Napakahusay ng may akda nito dahil marami akong
naunawaan at natutunan sa kanya. Paniguradong magiging maayos ang aking pananamit at
maging ang aking itsura para sa panayam. Dapat lagi tayong maghanda at mag insayo sa
harap ng salamin. Dapat maging simple lamang tayo sa ating pananamit.
A. bansa B. sarili C. komunidad D. pamilya

14. Sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel, lahat ay inaasahan maliban sa


__________________.
A. pangungusap na naglalahad ng personal na pag-atake o pagtuligsa.
B. isang panimula na nagtataglay ng isang pagganyak para sa mambabasa.
C. pagbibigay at pag-iiwan ng isang magandang bagay na mapupulot sa paksa.
D. pagtalakay na nagpapakita ng iyong malalim at makabuluhang pananaw sa paksang
tinatalakay

15. Isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino ay ang salitang “nabansot”.
Kapag ang isang bagay raw ay dapat pang lumaki ngunit itoý tumigil na sa paglaki, ang bagay
na ito raw ay nabansot. Marami raw uri ng pagkabansot, ngunit ang pinakamalungkot na uri
raw ay ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Ano ang damdamin ang ipinakikita ng
manunulat sa reaksyong papel na ito?
A. matinding galit B. panghihinayang
C. kalungkutan D. kasiyahan

Inihanda ni:

DAISY A. SARMIENTO KRIZZA CASSANDRA A. DIMARANAN


Subject Teacher Subject Teacher

Binigyang Pansin ni:

LORENA A. CONSTANTE
Academic Group Head, HUMSS A&B (Languages)

TCNHS-ISHS-CIU-FR-056-R01 Page 39 of 39

You might also like