Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MASUSING BANGHAY ARALIN

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. Naipapaliwanag ang gamit ng matatalinhagang pahayag.
b.Nakabubuo ng pangungusap gamit ang matatalinhagang pahayag.
c. Nakakagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag
II.PAKSA AT NILALAMAN
a. Paksa:Matatalinhagang Pahayag
b.Sanggunian: Aklat
Peralta, Romulo N., et.al (2014). Panitikang Asyano.Pasig City
Curriculum Guide, pahina 181
b. Kagamitan: Powerpoint Presentation , Google meet, laptop,
III.PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PANIMULANG GAWAIN
1. Panimulang Dasal

(Magtatawag ng mag-aaral upang Sa ngalan ng ama,anak ng espiritu santo amen.


pangunahan ang panalangin.) Ama maraming salamat po sa panibagong araw.
Naway patnubayan niyo po kami sa araw araw na
ito,bigyan niyo po kami ng sapat na talino upang
mas maunawaan po namin ang aming
tatlakayan .AMEN

Amen.

2. Pagbati
Magandang Umaga sa ating lahat Magandang Umaga rin po Ma’am
klas!

Kumusta ang inyong araw Klas! Mabuti naman po Ma’am

Nagagalak akong malaman na kayo


ay nasa mabuting kalagayan.

B. PAGGANYAK
Bago tayo dumako sa ating pinakapangunahing
Yes po ma’am
paksa nais kong ayusin niyo ang aking
inihandang jumbled letter?
Maliwanag po ba klas!
IDYOMA
AMOYDI
SALAWIKAIN

SAALWKIANI
KASABIHAN
KSABAHNAI

TYAUTAY
TAYUTAY

C. PAGLALAHAD
Ngayon klas! Ang inyong inayos na mga salita
y may kaugnayan sa ating paksa. Handa na ba
kayong makinig klas!

Ang matatalinhagang pahayag ay ang mga


ekspresyong may malalalim na salita o hindi tiyak
na kahulugan. Ito ay humuhubog sa pag- unawa o
kaisipan ng mga tao.
Ang Panitikan ay masasabing masining kung ito ay
ginagamitan ng mga simbolo at mga
matatalinhagang pahayag. Sa pamamagitan ng
paggamit dito ay nagiging misteryoso ang isang
akda. Lumalalim ang mga pahayag na siyang
nagbibigay kulay at ganda sa isang panitikan.

D. PAGTATALAKAY

Ang ilan sa matatalinhagang pahayag ay ang mga


idyoma, salawikain, kasabihan, tayutay kasama ang
mga simbulo tulad ng pagpapakahulugang
metaporikal na ginagamit sa isang akda. Ang
Idyoma ay nakasulat sa anyong parirala, nakatago
sa likod ng salita ang tunay na kahulugan nito.
Halimbawa nito ay ang pariralang naniningalang
pugad (nanliligaw), di mahulugang karayom
( matao) at marami pang iba. Samantala ang
kasabihan naman ay isang bukam- bibig ng mga tao
na hango sa kanilang karanasan tulad ng “ Sa
kapipili, ang nakuha ay bungi” na ang ibig ipahiwatig
nito ay ang taong mapaghanap at di-makuntento,
minsan ay lalong mamalasin.
Ang Salawikain ay ang yong pataludtod na
nagsisilbing tuntunin o kautusang kinikilala at
pinatibay ng karanasan at batayan ng magandang
pag- uugali tulad ng salawikaing “ Kung may
sinuksok, may madudukot,” “ Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.”
Ang tayutay naman ay may mga iba’t ibang uri tulad
ng pagwawangis, pagtutulad, pagsasatao,
pagmamalabis, pag-uyam, sinekdoke at marami
pang iba.

E. PAGLALAPAT
Gawain 1:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang kahulugan ng mga


matatalinhagang pahayag sa bawat bilang. Isulat ito
sa patlang bago ang bilang.
____1. Kabiyak ng dibdib
____2. Ilista sa tubig
____3. Tulog mantika
____4. Matalim ang dila
____5. Agaw- buhay
____6. Magdildil ng asin
____7. Ang tumakbo nang matulin,
____8. ‘Pag di ukol ay hindi bubukol

a. pag- isipang mabuti bago umaksiyon


b. naghihingalo
c. asawa
d. mahirap gisingin
e. maghihirap
f. kalimutan
g. masakit magsalita

V. PAGTATAYA
Gawain 2
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga
matatalinhagang salita.
1. Anak dalita (mahirap) -
2. Usad pagong(Mabagal na pagkilos)-
3. Mababaw ang luha (Madaling maiyak)-
4. Makapal ang palad (Masipag)-
5. Butas ang bulsa (Ubos ang pera)-

II. TAKDANG ARALIN


Suriin ang mga elemento ng elehiya at ating talakayin sa susunod nating tagpo.
Inihanda ni:
JERLY S.
JAVIER
BSED-FILIPINO 4

You might also like