Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Subject: PILING LARANG Written Work #3 Quarter: 1st

Topic: PROSESO AT BAHAGI NG AKADEMIKONG SULATIN

Name: _LYNNETH DELA CERNA________ Grade/ Section:_12-KINDNESS____

Panuto: Magsaliksik ng isang uri ng akademikong sulatin (Halimbawa: Abstrak, Sanaysay,


Talumpati at iba pa.). Masusing basahin at suriin ang bawat bahagi. Tukuyin kung paano inilahad
ng may-akda ang panimula, gitna at wakas na bahagi ng akda. Isulat sa ibaba ang mga sagot.

I. Pamagat ng Akda: Alamin ang mga kaalaman tungkol sa coronavirus disease (COVID-19)
II.Sanggunian/Link:https://www.canada.ca/content/dam/phacaspc/documents/services/publicatio
ns/diseases-conditions/coronavirus/covid-19-know-the-facts/covid-19-know-the-facts-tgl.pdf
III. Kopya ng akda (if no link is available type the summary/paste here)

IV. Pagsusuri: (Sa pagsusuri, sagutin ang mga gabay na tanong)


Pagsusuri
Bahagi ng Akda (Ano-ano ang inilahad sa bawat bahagi? Paano ito inilalahad? Epektibo
ba o hindi?)
Panimula Ang panimula ay nagsimula sa isang depinisyon ng COVID-19. Ito ay
isang simpleng paglalarawan lamang kung kaya’t madaling mantindihan
ng kahit sinong nagbabasa. Epektibo ito dahil hindi mahaba ang nilagay
na panimula. Ito ay nagbigay ng malakas na impresyon sa akin.
Gitna Maayos na nakahiwalay ang mga datos ayon sa kani-kanilang primarying
ideya katulad ng kung ano ang iba’t ibang mga sintomas, papaano ito
nakakahawa, at kung papaano maiwasan ang virus. Ang mga
impormasyon ay nakaenumerasyon kung kaya’t mas madali itong basahin
kung ikukumpara pag ito ay naka talata.
Wakas Tinapos ng abstrak na ito ang impormasyon tungkol sa kautusan na
ipinatupad upang ipakita kung gaano ka seryoso ang COVID-19.
Naglalawaran ito tungkol sa Kautusan sa ilalim ng Quarantine Act.
Bagamat may talata at enumerasyon ito, hindi ito nagbigay ng lagom ng
mga impormasyon binanggit sa panimula at gitna. Ngunit, ito pa rin ay
epektibo.

V. Gamit ang parehong akda ay ipahahayag ang pagsusuri sa pamamagitan ng:


1. Kawastuang Mekanikal (gramatika, pagbabaybay, pagbabantas, anyo)
2. Nilalaman (impormasyong nais ipabatid ng may akda)
3. Organisasyon (paraan kung paano ipinahahayag ang nilalaman ng akademikong sulatin)

KRITERYA PAGSUSURI

1.Kawastuang Ang gramatika, pagbabaybay, at pagbabantas ay maayos na nakasulat.


Mekanikal Hindi nag caps lock ang hindi dapat, at nag caps lock naman ng mga
panggalang pantangi at an mga unang letra. Hindi rin nag indent at may
dynamic sa estruktura ng mga talata at maliit na parilala.

STEFTISHS 2021-2022 FILIPINO SA PILING LARANG I ERIC DAGUIL


2. Nilalaman Ang COVID-19 ay isang nakakahawang sakit kung saan iba-iba ang mga
sintomas kada tao, Ito ay maiiwasan kung sumunod lamang sa mga
mahalagang tuntunin. Nagpatupad ng Quarantine Act kung saan ang
taong kapapasok lamang ng Canada ay kinakailangang mag quarantine o
mag isolate depende kung may sintomas o wala.
3. Organisasyon Ang panimula ay isinulat sa bold na font kung kaya’t mas madaling
makilala na ito ang simula ng akademikong sulatin. Sunod ay nagsulat
ng isang pangungusap upang sumuporta sa akda. Ito ay sinundan ng mga
elborasyon ng kung ano ang iba’t ibang mga sintomas, papaano ito
nakakahawa, at kung papaano maiwasan ang virus na nakasulat sa isang
maliit lamang na parilala. Ang wakas ay may halong talata at
elaborasyon. Mas napadali hanapin ang konklusyon kung kaya’t
naglagay ito ng palatandaan sa huli.

STEFTISHS 2021-2022 FILIPINO SA PILING LARANG I ERIC DAGUIL

You might also like