Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MGA SALIGAN SA

PANUNURING
PAMPANITIKAN
Pangkat 3:
Futalan, Clen Anthony
Hosmillo, Raffy T.
Antenor, Angelica
Balotcopo, Arlene D.
Clemeno, Kim P.
Compas, Rana May F.
Escabel, Danica
Garcia, Jessa L.

ANG DULA
Ang dula ayon sa batikang manunulat na si Rene O. Villanueva (2006) ay “Isang
anyo ng malikhaing pahayag.” Ibig sabihin, sumusulat tayo ng dula para magpahayag; o
dahil may ibig tayong sabihin. Hindi kinakailangang mahalaga, dakila, napapanahon o
monumental ang gusto nating sabihin. Ang mahalaga, malinaw sa atin na meron tayong
gustong sabihin, ano man iyon. Sa dula ang pangunahing kailangan ay aksyon at
usapan.

Bukod sa ang dula ay isang pahayag, pansinin na a ng dula ay isang malikhaing


pahayag. Ano ba ang tinatawag na malikhain? Malikhain ang isang pahayag kung ito ay
makintal at mapagparanas. Sa Ingles, impressive and evocative. Makintal: tumitimo,
bumabaon sa sinumang makaranas ng pahayag. Mapagparanas: may kakayahang
magpadama, maranasan ng nakakita o nakarinig. Magagawa ito sa pamamagitan ng
paggamit sa ilang batayang sangkap ng dula: tauhan, banghay, o tema.

Sa dula, kailangang maipakita ang nagaganap o pangyayari na parang


nagaganap ito sa unang pagkakataon. Dula ang tanging anyo na hindi
nangangailangan ng pananaw (point of view) o tagapagsalaysay. Bagaman may mga
dulang gumagamit ng narrator, lalo na sa mga dulang pambata, may kakayahan ang
dula (na siyang ikinatatangi nito sa ibang anyo ng malikhaing pagsulat) na ipahayag
ang karanasan nang walang nagsasalaysay. Sinasabing ang dulang kailangang
gumamit ng ng tagapagsalaysay, karaniwan, ay itinuturing na mahina ang pagsasadula.

Inilahad naman sa websayt na wikipilipinas.org na ang dula ay isang uri ng


panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng
isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.

BATAYANG SANGKAP NG DULA

1. Tauhan (Character) – siya ang kumikilos sa dula. Kapag may tauhan, may
pangyayari. May magaganap na pagbabago.
Uri ng Tauhan
* Tauhang Bilog- tauhang nagbabago ang ugali sa buong kuwento.
*Tauhang Lapad- tauhang nagtataglay ng Isang katangiang madaling matukoy o
predictable.

Katangian ng Tauhan
*Protagonista - Isang kalaban ( Mula sa Sinaunang Griyego, nangangahulugang ang
Isang gumaganap Ng unang bahagi, punong aktor).
* Antagonista - Ang Isang antagonist ay Isang karakter sa Isang kuwento na ipinakita
bilang punong kaaway ng protagonist.

Para kay Rene Villanueva (2006), mahalaga ang tauhan bilang sangkap ng
dula. Isinaad nga sa itaas na ang tauhan ang siyang kumikilos sa dula, kapag may
tauhan may pangyayari at may magagnap na pagbabago. Para makalikha ng isang
tauhan, tatlong bagay ang kinakailangan: pangalan, edad at kalagayan sa buhay.

2. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa
dula.
3. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa
simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon
ng higit na isang suliranin ang isang dula.
4. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
5. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban
sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa
isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
6. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian
7. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa
mga tunggalian
8. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin
at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood.
ANG TALUMPATI

Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid


sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, at magbigay ng kaalaman o
impormasyon.

ANO ANG PANANALUMPATI?

Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pananalumpati ay magalang na


pagsasalita sa harap ng isang publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong
paksa.

*Ang pananalumpati ay maituturing na isang uri ng sining sapagkat maipapakita


dito ang katatasan at kahusayan ng tagapagsalita sa paghihikayat upang paniwalaan
ang kanyang pangangatwiran sa paksang tinatalakay.

*Malimit gamitin ang salitang pagdidiskurso bilang kasingkahulugan, ngunit hindi


kasingkahulugan ng pananalumpati ang panayam, pakikipagtalo o debate at pakikipag-
usap.

MGA HANGARIN NG PANANALUMPATI

a. Magbigay-kabatiran - Makapagbigay ng bagong kaalaman o


makapagdaragdag ng bagong kaalaman sa mga tagapakinig.
b. Makapagturo - makapagturo o makapagpaliwanag ng isang paraan o
paniniwala tungkol sa isang kaisipan.
c. Makapanghikayat - may hangaring makapanghikayat ng publiko o tagapakinig
ng katotohanan at kabutihan ng isang kaisipan.
d. Magkapagpaganap o Makapagpatupad - ito’y mga talumpating naglalayong
magpaganap o magpatupad na karaniwang ginagamit sa pagpapasinaya ng
isang proyekto o batas.
e. Manlibang - hangaring dapat maging laging kakambal ng unang apat sapagkat
ang bawat talumpati, anuman ang hangarin, ay dapat makawili sa tagapakinig.

MGA BAGAY NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA


PANANALUMPATI

1. WASTO AT MALINAW NA BIGKAS NG SALITA


2. TINIG
3. TINDIG
4. KILOS
5. KUMPAS

1. WASTO AT MALINAW NA BIGKAS NG SALITA


• Huwag kainin ang iyong sinasabi
• Gumamit ng tamang bilis ng salita
*Unang napapansin ng manonood
*Maaaring makapukaw ng atensyon
*Para maging kaaya-aya
*Upang hindi maging sanhi ng katatawanan
*Upang hindi mawalan ng gana ang awdyens

2. TINIG
• Mag karoon ng varayati sa lakas ng boses
*Masyadong malakas ay nakakainis
*Masyadong mahina ay nakakantok
*Ibatay ang lakas ng boses sa damdaming ipapahayag
*Magagamit sa pag bibigay ng interes sa tagapakinig

3. TINDIG
• Maaring sinyales ng nerbyos o kakulangan ng paghanda
• Iwasan sa pamamgitan ng: Pag tayo ng diretso Pagrelaks ng mga balikat Umiwas yumuko at
kumuba.

4. KILOS
• Iangkop ang ang ekspresyon ng mukha, huwag mag kamot ng ulo, ayusin ang pwesto ng
kamay
*Nag bibigay ng buhay sa mga salita
*Nag papakita kung hand o kung hindi handa ang ispiker
*Sobra’t kakulangan ay maaaring makasira sa pag sasalita
• Ang Kilos ay mahalaga rin sa pag sasalita dahil hindi sapat ang salita lamang upang
mauunawaan ang sinasabi kundi lalo higit kilos at ekspresyon ng mukha. Kung minsan, kahit
wlang binibigkas ay nakapaghahatid pa rin ito ng mensahe bunga ng kios o galaw ng katawan.

5. KUMPAS
• Mayroong 55%-65% ng ating komuniksyon
• Nakapagpapadali ng pag-unawa at retensyon ng mensahe
• May dalawang uri: Kumpas na kinaugalian at Kumpas na mapaglarawan.

Kumpas na mapaglarawan at Kumpas na kinaugalian


1. Palad na nakalahad sa harap, bahagyang nakabukas ang dalawang bisig. Nagpapahiwatig
ng bukas ng damdamin.
2. Palad na nakataob at ayos na patulak Nagpapahiwatig ng pagtanggi o di pagsang-ayon.
3. Kumpas na parang may itinuturo - Ginagamit upang tumawag ng pansin.
4. Kumpas na paturo - Panghamak, panlilibak, pagkagalit, panduro, paninisi.
5. Kumpas na pasubaybay - Ginagamit ito kung nais bigyan ng diin ang magakaugnay na diwa.
6. Palad na nakataob, at ayos na padapa - Ginagamit upang pakalmahin ang kalooban ng mga
awdyens.
7. Palad na nakayukom - Nagpapahayag ng isang masidhing damdamin gaya ng galit, lungkot,
panlulumo at pagtitimpi.

MGA URI NG TALUMPATI

a. Daglian o Biglaan (impromptu). Ang mananalumpati ay di binibigyan ng


pagkakataong makapaghanda. Kabud na lamang tinatawagan.
b. Maluwag (extemporaneous). Ang mananalumpati ay may inihandang sasabihin
at may panahong mapag-aralan ang publiko at makagawa ng balangkas ng
talumpati, ngunit hindi nagsasaulo.
c. Handa (prepared set). Sadyang inihanda at sinulat ang talumpati upang basahin
o sauluhin sa pagbigkas.

MGA DAPAT TANDAAN UPANG MAGING KAAKIT-AKIT ANG


PAGBIGKAS NG TALUMPATI

a. Kasiglahan ng mananalumpati sa kaniyang pagbigkas


b. Kasanayan sa pagharap sa publiko; kasanayan sa pagbigkas ng talumpati
c. Pagpapalagay na ang pagtatalumpati ay isa lamang pakikipag-usap
d. Pagsupil sa nerbiyos - ang mananalumpating ninenerbiyos ay dapat munang
mag alis ng nerbiyos
e. Masidhing hangad na maiparating ang kahulugan ng sinasabi sa pang-unawa ng
nakikinig.

TATLONG KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG PAKSA NG


TALUMPATI

a. Napapanahon - maaaring hinggil sa isang kasalukuyang pangyayari, o sa


hinaharap na may kabuluhan sa publiko
b. Kapaki-pakinabang sa publiko - dapat pag-aralan ang mga katangian at
pangangailangan ng publiko
c. Katugon ng layon ng talumpati - laging alalahanin ang limang layunin. Dapat
magbihasa sa pagpili ng wasto at bagay ng paksa ang mananalumpati.
Magmasid at magsuri sa pananalumpati ng mga kinikilala at batayog na orador.

PAGYAYARI NG TALUMPATI

a. May simula sa dapat kahalataan ng hangarin ng mananalumpati.


b. May katawan, na nagtataglay ng kalamnan ng talumpati.
c. May pangwakas na nagpapakilala ng kaganapan ng talumpati.

MGA HAKBANGIN SA PAGBABALAK SA PAGSULAT NG


TALUMPATI

a. Paghinang ng tiyak na layunin


b. Paghinang ng panggitang diwa
c. Pagbabanghay (outlining)
d. Pag-uugnay-ugnay ng mga sangkap
e. Pag-aayos

MGA SANGKAP NG TALUMPATI

a. Mga katunayan (facts)


b. Mga kuru-kuro (ideas)
c. Mga damdamin (feelings)

PAMAMARAANG GINAGAMIT SA PAGWAWAKAS NG


TALUMPATI

a. Paglalagom (summarizing)
b. Pagdiriin (emphasis)
c. Pamumukaw ng damdamin (arousing of emotion)

ANG TULA

Hindi mapapasubalian na marami nang tao o kilalang manunulat ang tumalaky at


nagbigay ng kahulugan tungkol sa tula. Kung kaya patuloy pa rin ang tao sa pagbibigay
ng sariling pagpapakahulugan sa tula na batay sa abot ng kanilang kaalaman ukol dito.
Madalas na kahulugan ng nakararami sa tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong, ang mga
saknong ay binubuo ng mga taludtod.

Ayon kay Eugene Evasco at Will Ortiz (2008), ang tula ay sinasabi ring uri ng
sining na may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa ordinaryong pamamahayag.
Karaniwang paraan ng pagsasabi nito ay sa higit na kaunting salita at higit na kaunting
espasyo. Pinayayabong ang anyo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng talinghaga.
Nagpapahayag ang tula ng isang ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga.
Kapag sinabing matalinghaga, may higit itong kahulugan kaysa sa literal nitong
sinasabi. Halimbawa, sa pahayag na “kumukulo ang dugo,” hindi ito literal na
nangangahulugang nakikita ng nagsabi ang pagkulo ng dugo. Ibig nitong sabihin na
nagagalit ang isang tao, o di kaya’y nawawala ang pasensiya, maaaring kaugnay nga
ito sa literal na pagtaas ng presyon ngunit sa matalinghagang pakahulugan.

Nagbigay din ng kahulugan si Rufino Alejandro at ito ang kaniyang


pagpapakahulugan. “Ang tula ay nangangahulugang likha at ang makata ay tinatawag
na manlilikha.” Sinabi naman ni Amado V. Hernandez na ang tula ay hindi pulos na
pangarap at salamisim, hindi pawang halimuyak, silahis, aliw-iw at taginting. Ang tula ay
walang di nagagawang paksain.

MGA BAHAGI NG TULA

Narito ang mga bahagi ng tula ayon kina Evasco at Ortiz (2008):

1. Talinghaga – “kung walang talinghaga, walang tula.” Karaniwang binabanggit ang


ganitong pahayag ng mga guro ng panitikan. Sinabi ni Virgilio Almario na ang
talinghaga ay ang buod ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang
pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng salita habang isinasagawa ang tula.
Ipinakakahulugan nito na may mga karanasan (panlabas) ang isang tao o manlilikha
ng tula na kailangan nitong iproseso sa kaniyang sarili (panloob) upang magamit sa
kaniyang paghaharaya o paggamit ng imahinasyon. Kailangang pandayin ang
anumang panlabas na karanasan tungo sa loob (utak at damdamin) upang
maihayag ang talinghaga. Dito makikita na sa pagtula at paggamit ng talinghaga, hindi
lamang damdamin ang ginagamit kundi isip at kamalayan upang mapahusay
ang pagtula.
2. Persona – ang tawag sa nagsasalita sa loob ng tula. Maaaring ang makata rin ang
persona subalit maaaring maging magkaiba ang dalawa. Sa loob ng tula, maaaring
lumikha ng iba’t ibang persona ang makata. Maaaring ang makata ay lalaki subalit
ang kaniyang persona ay isang babae. Maaaring may gulang o edad na ang makata
subalit ang persona na nagsasalita sa kaniyang tula ay isang bata. Maaaring walang
asawa ang makata subalit ang persona sa loob ng kaniyang tula ay isang taong may
asawa’t anak. Maaari rin namang maging sahig ang persona ng tula o iba pang mga
bagay na walang buhay na bibigyang-buhay ng makata sa pamamagitan ng
kaniyang imahinasyon.
3. Tugma – pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa
isang saknong ng tula. Pag-uulit ang namamayaning prinsipyo sa pagtutugma.
Nauulit ang dulong tunog ng panghuling salita ng sinundang taludtod. Tandaan:
tunog o ponema ang inuulit, hindo titik. Sa mas payak na pagsasabi, mga salita (sa
dulo ng dalawa o higit pang taludtod) ang pinagtutugma. Magkatugma ang anumang
dalawa o higit pang salita kung ang mga ito ay nagtatapos sa iisa o
magkapamilyang tunog o ponema.
4. Sukat – pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa
isang saknong ng tula. Tulad sa pagtutugma, pag-uulit ang namamayaning prinsipyo
sa pagsusukat. Bilang ng pantig na inuulit.
5. Imahen – hindi lamang ang detalye ng larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay
anumang pandamang pisikal. Inilalarawan nito ang mga pandamdam tulad ng
pandinig, pandama, pang-amoy, biswal, panlasa na bumubuo ng isang imahen. Sa
pagtula, mahalaga ang pagpapakita at hindi paglalahad lamang. Ito ang panuntunan
ng makata na show, don’t tell. Kapag nais ipadama ng makata ang kalungkutan ng
tauhan o persona ng tula, hindi niya sasabihing “malungkot ang persona.” Bagkus,
iisip siya ng paraan kung paanong ipadarama sa pamamagitan ng imahen ang
karanasan ng kalungkutan ng tauhan o ng persona. Kailangang kongkretong
madama ng mambabasa ang isinusulat ng makata. Tingnan ang ilang halimbawa ng
pagpapakita at hindi paglalahad lamang.
6. Tono – Hindi lamang awitin ang may tono o himig. Maging ang ating paraan ng
pagsasalita ay mayroon ding tono. Maaaring ang tono ng pagsasalita ng isang tao
ay galit, nanunuya, sarkastiko, tapat, nagmumuni, o dili kaya nama’y masaya. Ang tono
ng tula ang siyang nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula.
Makatutulong ang pagbabasa nang malakas upang marinig ang tono ng persona.

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (Lyric Poetry) – ito ay nagpapahayag ng


damdamin ng makata batay sa kanyang karanasan o likha ng malikhaing
guniguni. Nauuri ito sa soneto, elehiya, oda, pastoral at dalit.
2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) – naglalarawan ng mahahalagang tagpo
o pangyayari sa buhay tulad ng kabayanihan o kagitingan, panganib sa
pakikidigma, kabiguan o suliranin partikular sa pag-ibig at suliraning pantahanan.
Ang mga uri nito ay epiko, awit , balad at korido.
3. Tulang Pandulaan (Theater Poetry) – itinatanghal ito sa entablado. Saklaw ng
uring ito ang komedya, trahedya, monologo, sarswela, melodramang tula at iba
pa.
4. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) – Ang tulang patnigan ay isang uri ng
pagtatalong patula na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip.
Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

You might also like