Aralin 35

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALIN 35

Hebreo 4:13

13At walang nilalang na nakatago sa paningin niya, kundi ang lahat ng bagay ay
nakalantad at kitang-kita ng isa na hahatol sa atin sa mga ginagawa natin.

Kawikaan 3:32

32Dahil nasusuklam si Jehova sa mga mapanlinlang, Pero ang matuwid ay matalik


niyang kaibigan.

Zacarias 8:16, 17

16“‘Ito ang mga bagay na dapat ninyong gawin: Magsalita kayo ng katotohanan sa
isa’t isa, at ang inyong mga hatol sa mga pintuang-daan ay dapat magtaguyod ng
katotohanan at kapayapaan.17Huwag kayong magplano sa inyong puso ng
ikapapahamak ng isa’t isa, at huwag kayong manata nang may kasinungalingan;
dahil ang lahat ng ito ay kinapopootan ko,’ ang sabi ni Jehova.”

Kawikaan 24:28

28Huwag kang tumestigo laban sa iyong kapuwa nang walang basehan. Huwag
mong gamitin ang mga labi mo para manlinlang.

Efeso 4:28

28Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw pa; sa halip, magtrabaho siya nang
husto at nang marangal para may maibahagi siya sa nangangailangan.

Roma 13:5-7

5Kaya nga may matinding dahilan para magpasakop kayo, hindi lang dahil sa galit
na iyon kundi dahil din sa konsensiya ninyo.6Iyan din ang dahilan kung bakit kayo
nagbabayad ng buwis; dahil patuloy silang nagsisilbi sa mga tao bilang mga lingkod
ng Diyos.7Ibigay sa lahat ang nararapat sa kanila: sa humihiling ng buwis, ang
buwis; sa humihiling ng tributo, ang tributo; sa humihiling ng takot, ang takot; sa
humihiling ng karangalan, ang karangalan.
Hebreo 13:18

18Patuloy ninyo kaming ipanalangin, dahil naniniwala kaming malinis ang


konsensiya namin at gusto naming gumawi nang tapat sa lahat ng bagay.

Tito 2:10

10at hindi ninanakawan, kundi ipinapakita nilang talagang mapagkakatiwalaan sila,


nang sa gayon, lagi silang magdulot ng papuri sa turo ng ating Tagapagligtas, ang
Diyos.

Awit 44:21

21Hindi ba ito malalaman ng Diyos? Alam niya ang mga lihim ng puso.

Malakias 3:16

16Nang panahong iyon, nag-usap-usap ang mga natatakot kay Jehova, kausap ng
bawat isa ang kasama niya, at pinakinggan silang mabuti ni Jehova. At isang aklat
ng alaala ang isinulat sa harap niya para sa mga natatakot kay Jehova at para sa
mga nagbubulay-bulay sa pangalan niya.

Hebreo 13:18

18Patuloy ninyo kaming ipanalangin, dahil naniniwala kaming malinis ang


konsensiya namin at gusto naming gumawi nang tapat sa lahat ng bagay.

Awit 34:12-16

12Kung nasisiyahan ka sa buhay At gusto mong magkaroon ng maraming


maliligayang araw,13Pigilan mo ang dila mo sa pagsasalita ng masama, Ang mga
labi mo sa pagsasalita ng panlilinlang.14Talikuran mo ang masama at gawin ang
mabuti; Hanapin mo ang kapayapaan at itaguyod iyon.15Ang mga mata ni Jehova
ay nakatingin sa mga matuwid, At ang mga tainga niya ay nakikinig sa paghingi nila
ng tulong.16Pero si Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masama; Buburahin niya
ang lahat ng alaala sa kanila sa lupa.

You might also like