Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

2

Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Pagpapahayag ng Ideya o
Damdamin sa Napakinggang
Teksto

CO_Q3_Filipino2_ Module4
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan–Modyul 4: Pagpapahayag ng Ideya o Damdamin sa Napakinggang
Teksto

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Cecilia R. Rubia
Editor: Carolyn R. Reyes, Donna S. Villanueva
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD, Mila D. Calma
Tagaguhit: Joy Marie A. Salvador
Tagalapat: Jenina Elaine T. Naguit, Cherry Lou O. Calison
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio EdD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Milagros M. Peñaflor PhD
Edgar E. Garcia
Romeo M. Layug

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon

Office Address: Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando, Pampanga
Telefax: (045) 598-8580
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2
Filipino
Ikatlong Markahan - Modyul 4:
Pagpapahayag ng Ideya o
Damdamin sa Napakinggang
Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa
sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin
Ang modyul na ito ay idinesenyo at isinulat upang
matutuhan ng mga mag−aaral kung paano
makakapagpahayag ng sariling ideya, damdamin o
reaksiyon tungkol sa napakinggang kuwento batay sa
tunay na pangyayari o pabula. Mahalaga na ang
kasanayan ng mga mag−aaral na makapagpahayag ng
damdamin, ideya o reaksiyon ay maipahayag batay sa
kanilang nararamdaman. (F2-PS-lg-6.1)

Mga Layunin:
1. naipahahayag ang sariling ideya, damdamin o
reaksiyon batay sa napakinggang kuwento o pabula
2. natutukoy ang ibat ibang damdamin o reaksyon sa
bawat pangyayari

Subukin

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Gabayan ang mag-aaral sa pagbigay
ng kaniyang sagot.

1
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Gawain ng mag-aaral

Lagyan ng mukhang masaya (4) kung ang


ipinapahayag ng pangungusap ay nagpapakita ng
masayang pangyayari at mukhang malungkot (r) kung
hindi naman. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
(Maaaring magpatulong sa tagapaggabay upang
maisagawa nang maayos ang gawain.)

_____1. Ipagdiriwang mo ang iyong kaarawan.


_____2. Namatay ang alagang aso ni Angela.
_____3. Tinulungan ng iyong kaibigan ang matandang
babae sa pagtawid sa kalsada.
_____4. Nagkaroon ng sakit ang mga tao sa inyong lugar.
_____5. Sama-samang naghapunan ang buong pamilya.

2
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Aralin
Pagpapahayag ng Ideya o Damdamin
1 sa Napakinggang Teksto

Balikan

Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Babasahin natin ang kasunod na akda upang
sariwain ang diwa ng nakaraang aralin.

Gawain ng mag-aaral:
Maaring magpatulong sa tagagabay sa pagbabasa.
(para sa mag-aaral na hindi pa gaano marunong
magbasa.)

Basahin at unawaing mabuti ang tula. Alamin ang mga


damdamin o ideyang nakapaloob dito.

Ang Batang Pilipino


ni: Maria Cecilia R. Rubia

Ako ay isang batang Pilipino,


Masayahin kahit sino ang kausap ko;
Sa aking magulang ay magalang ako,
Maging sa lahat na kapwa tao.

3
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Ako ay isang batang Pilipino,
Masipag sa pag-aaral, gayundin sa gawaing bahay,
Tinutulungan si nanay, gayundin si tatay;
Kaya aming tahanan ay palaging matiwasay.

Ikaw at ako, mga batang Pilipino,


Pagmamahal sa bansa’y isasapuso;
Mga pangarap, sa bansa’y iaalay ko,
Pagsumikapang tuparin nang tapat at totoo.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat


pangungusap. Sa iyong sagutang papel, isulat ang tsek
(✓) kung ikaw ay sumasang-ayon at ekis (x) kung hindi.

1. Ang mga batang Pilipino ay masayahin.


2. Ang pagmamano at pagsagot ng “po at opo” ay
isang paraan ng pagiging magalang.
3. Nararapat lamang na ang isang bata hanggang
paglaki ay mag-aral nang mabuti.
4. Nasisiyahan ang mga magulang sa mga bata na
marunong tumulong sa gawaing bahay.
5. Ang pagtatapos ng pag-aaral ay nakatutulong
upang umunlad ang isang bansa.

4
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Tuklasin

Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Makinig ka nang mabuti habang binabasa ko
ang kasunod na akda. Maghanda ng papel at lapis
upang maitala ang mahahalagang ideya o kaisipan
mula sa inyong narinig. (Para sa batang hindi pa
gaanong marunong magsulat, maari pa rin siyang
tanungin ng kaniyang sagot.)

Gawain ng mag-aaral:
Makinig nang mabuti sa tagapaggabay upang
masagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa
napakinggang teksto.

5
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Si Andy Bubuyog at Ang Kaibigan Niyang si Tong Tutubi
ni: Maria Cecilia R. Rubia

Si Andy ay kilala sa kanilang lugar bilang isang


masipag na bubuyog. Halos araw-araw ay wala siyang
ginawa kung hindi lumipad at maghanap ng nektar.
Samantala, si Tong naman ay isang tutubi. Kabaliktaran ni
Andy si Tong sapagkat siya ay mahilig maglaro, palipad-
lipad at kung saan-saan nakakarating. Sa kabila ng
pagkakaiba ng kanilang katangian, sila ay matalik na
magkaibigan.
Isang araw, dumating ang malakas na bagyo at
tumagal ng ilang araw ang ulan. Nagutom si Tong tutubi
sapagkat wala siyang makain. Halos mawalan na siya ng
pag−asa. Nang tumila ang ulan ay dali−dali siyang
lumabas at nalungkot sa kanyang nakita. Sira ang lahat
ng nasa paligid niya. Nakatumba ang mga puno at
nakadapa ang mga pananim.
“Tama! Pupunta ako sa kaibigan kong si Andy!
Marami siyang imbak na pagkain”, ang wika ni Tong.
Kaya, agad siyang pumunta sa kaniyang kaibigan.
“Tong! Anong nangyari sa iyo?” Ang tanong ni Andy.
“Gutom na gutom na ako kaibigang bubuyog” ang wika
ni Tong.
Pinapasok ni Andy ang kaniyang kaibigan at
pinakain.
“Maraming salamat kaibigang bubuyog! Kung hindi
dahil sa iyo ay baka namatay na ako sa gutom.”

6
CO_Q3_Filipino2_ Module4
“ Mula ngayon ay mag−iipon na rin ako ng pagkain.”
Ang sabi ni Tong at masaya siyang nagpaalam sa
kaniyang kaibigan.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa isang sagutang


papel.
1. Si Tong ay isang tutubi na mahilig _________.
2. Anong katangian mayroon si Andy Bubuyog?
3. Kung ikaw si Andy, bibigyan mo rin ba ng pagkain si
Tong? Bakit?
4. Anong damdamin ang mararamdaman mo sa
sinapit ni Tong tutubi?
5. Magiging masaya ka ba kung tutulong ka sa mga
nangangailangan?

Suriin

Gabay ng magulang/guro:
Gabayan ang mag-aaral na maisagawa nang
maayos ang kasunod na gawain. (Para sa batang
hindi pa gaano marunong magbasa at magsulat,
maari siyang tanungin ng kaniyang sagot)

Gawain ng mag-aaral:
Magpatulong sa tagapaggabay sa pagbasa at
pag-unawa ng mga sumusunod na gawain (Para sa
mag-aaral na hindi pa gaano marunong magbasa
at umunawa.)

7
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Ang pagpapahayag ng sariling ideya o damdamin at
reaksiyon tungkol sa napakinggang kuwento batay sa
tunay na pangyayari/pabula ay nakasalalay sa
damdamin ng nagbabasa. Nagkakaroon ng epekto ang
damdamin ng nakikinig sa pagbibigay niya ng ideya o
opinyon batay sa mensaheng narinig.

Iba’t ibang damdamin ang maaaring madama ng


taong nakarinig nito. Ilan sa mga halimbawa ng
damdamin ay ang mga sumusunod:

-masaya -pagkamangha -pagkaligalig


-malungkot -galit
-naiiyak at
-nayayamot -pagkainip
paghanga
-natatakot -pagkahiya

Pagyamanin
Gabay ng magulang/guro:
Gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng
kasunod na gawain.

Gawain ng mag-aaral:
Humingi ng tulong sa tagapaggabay upang
maisagawa nang wasto ang kasunod na gawain.
(Para sa mag-aaral na hindi pa gaano marunong
magbasa at at umunawa.)

8
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Pagtapat-tapatin. Hanapin sa hanay A ang mga
pangungusap na nagpapahayag ng damdamin, ideya o
reaksiyong may kaugnayan sa mga larawan na nasa
hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang
papel.
A B

1. Natuwa si Aling Marya nang


a.
bigyan siya ni Sabel ng inumin
matapos siyang maglinis ng
bahay.

2. Nakakita si Mateo ng ibon sa b.


puno na umaawit.

3. Nanalo sa isang patimpalak


c.
si Nene.

4. Sama-samang nanonood ng
d.
telebisyon ang mag-anak.

5. Napagod ka sa paglilinis ng e.
iyong kwarto.

9
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Isaisip

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maari pa ring magbigay ng sagot ang
mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa niya
kayang isulat ang kaniyang sagot.

Gawain ng mag-aaral:
Sagutin ang gawain sa pamamagitan ng pagsulat o
pagsasabi nito. Suriin ang larawan. Tukuyin ang
damdaming ipinakikita nito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. 4.
Natatakot Nagulat
Nahihiya Nagagalit
Nalulungkot Nahihiya

2. 5.
Masaya Nagagalit
Kinakabahan Nahihiya
Nagugutom Naiinggit

3.
3.
Nahihiya
Nalilito
Masaya
10
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Isagawa

Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maari pa ring magbigay ng sagot ang
mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa niya
kayang isulat ang kaniyang sagot. (Basahin nang
may wastong ekspresiyon ang mga sumusunod na
situwasyon)

Gawain ng mag-aaral
Makinig nang mabuti sa tagapaggabay habang
binabasa ang bawat situwasyon. Sa iyong sagutang
papel, isulat ang letra ng napiling akmang sagot
batay sa iyong reaksiyon, damdamin at ideya. Piliin
ang sagot sa loob ng parihaba. (Maaaring
magpatulong sa tagapaggabay kapag hindi mo
kayang pa kayang magsulat.)

A. masaya B. malungkot C. nagulat


D. naiinggit E. napapagod F. kinakabahan

1. Umuwi ng bahay si Ysabel galing paaralan. Inilapag


niya ang kaniyang gamit at siya ay naupo.
2. Inutusan si Emman ng kaniyang nanay na pumunta
ng palengke upang bumili ng gulay, subalit siya ay
naligaw.
3. Namatay ang alagang aso ni Selya.
4. Nagkita ang magkaibigang Rhizalyn at Angela sa
plasa.

11
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Tayahin

Gabay ng magulang/guro:
Sabihin: Makinig nang mabuti habang binabasa ko ang
bawat situwasyon. Pagkatapos, ipahayag ang
damdamin o ideya batay sa iyong napakinggan.
(Maaaring tanungin ang bata ng kaniyang sagot
kung hindi pa siya gaanong marunong magsulat.)

Gawain ng mag-aaral:
Dugtungan. Tukuyin ang ipinahahayag na damdamin
batay sa situwasyong binabasa ng iyong
tagapaggabay. (Maaaring gawing karagdagang
batayan ang larawang nakaguhit sa loob ng kahon
para maipahayag ang damdamin.)

1. Nakita mo ang bata na


hindi sinasadyang
nadapa sa harap ng
inyong tahanan kung
kaya ikaw ay
___________________.
(nagulat, natuwa)

12
CO_Q3_Filipino2_ Module4
2. May parating na malakas
na bagyo sa inyong lugar
kaya ikaw ay
___________________.
(nag-aalala, natutuwa)

3. Nakakuha ka ng mataas
na marka sa unang grado
kaya ikaw ay
___________________.
(nagagalak, nahihiya)

4. Gustong-gusto mo nang
lumabas ng bahay at
makipaglaro, subalit hindi
ka pinayagan ng iyong
ama dahil laganap ang
pandemya kaya ikaw ay
___________________.
(magagalit, malulungkot)

5. Niregaluhan ako ni Tiya


Elvie ng alkansiya kaya
ako ay __________________.
(kinakabahan, natutuwa)

13
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Karagdagang Gawain
Gabay ng magulang/guro:
Ipaliwanag sa bata kung paano gawin ang
bahaging ito. Maari pa ring magbigay ng sagot ang
mga bata sa paraang pasalita kapag hindi pa niya
kayang isulat ang kaniyang sagot. (Sikaping
magabayan ang mag-aaral na maisagawa ang
gawain.)

Gawain ng mag-aaral:
Iguhit ang sa bawat pangungusap kung ikaw ay
sang-ayon at kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
_____1. Nadapa ang iyong kamag-aral kung kaya’t
tinulungan mo siyang tumayo.
_____2. Napagod ka sa paglalaro kaya hindi ka na lang
pumasok.
_____3. Tuwing Sabado at Linggo ay tinutulungan mo ang
iyong ina sa gawaing bahay.
_____4. Umuuwi nang maaga mula sa paaralan si Gng.
Roberto pagkatapos magturo upang dalawin ang
kaniyang amang may sakit.
_____5. Nakita ni Duday na dinidiligan ni Sophia ang
halaman kaya, tinulungan niya ito.

Binabati kita! Napagtagumapayan mo ang mga


gawain sa modyul na ito. Umaasa ako na anumang
natutuhan mo ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw
na pakikipagtalastasan at pakikisalamuha sa kapuwa.
14
CO_Q3_Filipino2_ Module4
CO_Q3_Filipino2_ Module4
15
Subukin Balikan Tuklasin
1. 😊 1. ✔ 1. maglaro
2. ✔ 2. masipag
2. ☹
3. ✔
3. Opo, sapagkat siya po ay nagugutom.
3. 😊 4. ✔
5. ✔ 4. Naaawa sapagkat siya po ay
4. ☹
nagugutom., pero naiinis din po dahil
5. 😊
waala siyang ginawa kundi maglaro.
5. Opo
Pagyamanin
Karagdagang Isagawa Tayahin
1. K Gawain
1. E 1. Nag-aalala
2. A 2. Nababahala
1. 2. G
3. Nagagalak
3. B
3. B 4. Malulungkot
4. E 5. natutuwa
4. A
2.
5. D
5. K
3.
Isaisip 4.
1. Nalulungkot
2. Kinakabahan 5.
3. Nagulat
4. Nagagalit
5. Masaya
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino
2(Kagamitan Ng Mag-aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig:
Rex Book Store, Inc.

Garcia, Nilda, Jackelyn Aligante, Melany Ola, Aida Cruz, Erlinda


Castro, Virginia Cruz, Matilde Padalla, Galcoso Alburo, and
Estela Cruz. 2013. Ang Bagong Batang Pinoy Filipino
2(Teacher’s Guide). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig: Rex Book
Store, Inc.

Liwanag, Lydia. 2011. Landas Sa Wika At Pagbasa. 1st ed. Visayas


Avenue Quezon City: EduResources Publishing, Inc.

Salvatus, Grace, Babylen Soner, Nida Santos, and Rianne Tiñana.


2013. Mother Tongue-Based Multilingual Education (Kagamitan
Ng Mag-Aaral). 1st ed. Meralco Avenue, Pasig City: MGO
Enterprises.

Updates, N., Materials, T., Articles, R. and Contributor, B., 2020. Most
Essential Learning Competencies (MELC) KG To Grade 12 SY
2020-2021. [online] DepEd Click. Available at:
<https://www.deped-click.com/2020/05/most-essential-
learning-competencies.html>

16
CO_Q3_Filipino2_ Module4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like