Soju's Bed Time Story by Kuya Soju

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 76

Soju's Bedtime Stories

by Kuya_Soju

Mga maiikling kwentong dapat mong basahin bago ka matulog...

=================

Story #01- Lola Koring

Story #01- Lola Koring

(Ang kwentong ito ay para kay DAWN PALMES...)

LABING-APAT na taong gulang ako nang mangyari ang kwentong ito. Nang umagang iyon,
isang nakakagimbal at nakakalungkot na balita ang sumalubong sa akin pagkauwi ko ng
bahay mula sa school. Naabutan kong umiiyak ang Mama ko habang yakap-yakap siya ni
Papa sa may salas.

Nang makita ako ni Mama na nasa bungad ng pintuan ay agad siyang lumapit sa
akin at ako naman ang niyakap niya.

"M-mama, a-ano pong nangyari?" naguguluhan kong tanong.

"Dawn, ang Lola Koring mo... Patay na siya!" At humagulhol na siya.

Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Oo, alam kong maaaring
dumating ang araw na ito dahil ilang buwan na sa ospital si Lola Koring na nanay ng
aking Mama. Na-comatose kasi ito dahil sa inatake ito sa puso. Inihanda ko na ang
sarili ko na iiwan din niya kami ngunit kapag pala nangyari na, doon ko lang
napatunayan na walang kwenta lahat ng paghahanda ko. Napaiyak na rin ako. Sa lahat
kasi ng apo ni Lola Koring ay ako ang paborito niya. Palibhasa, kamukha ko daw siya
noong dalagita pa lang siya. Magkasama kaming natutulog sa aking kwarto noong medyo
malakas pa siya.

Kinabukasan ay agad din na naayos ang burol ni Lola Koring. Dinagsa ng mga
tao ang unang gabi ng lamay. Isa ako sa punong-abala sa pag-aasikaso sa mga bisita
dahil si Mama ay masyadong nilugmok ng pagkawala ng kanyang mahal na ina.

"Dawn... Anak..." Ang pagyugyog ni Papa sa aking balikat ang gumising sa akin
sa pagkakatulog ko. Nakatulog na pala ako sa aking kinauupuan.

"'Pa? Bakit po?"

"Doon ka na matulog sa kwarto mo. May pasok ka pa bukas sa school. Sige


na..."
Gusto ko sanang tumanggi sa sinabing iyon ni Papa pero bigla kong naisip na
may exam nga pala kami bukas. "Sige po, Papa. Teka po, si Mama, nasaan?"

"Tulog na siya sa kwarto namin..."

Nagpaalam na ako kay Papa na aakyat na ako sa itaas.

Patay ang ilaw sa may hagdan paakyat sa aking kwarto. Hindi pa ako
nakakatapak sa unang baitang nang bigla akong matigilan. Biglang nanigas ang buong
katawan ko nang makakita ako ng isang babae na nakatayo sa pinakataas ng hagdan.
Nakatagilid siya sa akin. Hindi ko makita kung sino ba ito dahil sa madilim at ang
ilaw lamang sa labas na naglalagos sa bintana ang nagsisilbing liwanag nang mga
sandaling iyon. Nakasuot siya ng bestidang kulay puti na hanggang tuhod niya. At
ang lalong nagpagimbal sa akin ay nang makita kong nakaangat ang kanyang paa sa
sahig!

Sisigaw na sana ako ngunit bigla siyang nawala sa pagkurap ko ng aking mga
mata.

Ipinilig ko ang aking ulo. Inisip ko na lang na dala lang marahil iyon ng
aking antok. Umakyat na ako at nagtungo sa aking kwarto. Gusto ko pa sanang i-check
si Mama sa silid niya ngunit naisip ko na baka namamahinga na siya. Hindi
makakabuti kung iistorbohin ko pa siya.

Inilapat ko na ang aking likod sa aking kama at pumikit. Nakakatulog na ako


nang konti nang sunud-sunod na katok sa pinto ng kwarto ko ang nagpabalikwas sa
akin. Mabibilis ang mga katok na parang nagmamadali. Bumangon ako para buksan iyon
ngunit wala naman akong nakita. Guni-guni na naman ba iyon?

Sumilip ako sa pasilyo at ganoon na lang ang kilabot at pagtayo ng aking


balahibo nang muli kong makita iyong babae sa hagdan! Nakatayo siya sa harapan ng
pintuan ng kwarto nina Mama at Papa. Mabilis siyang kumakatok doon habang
nakatingin sa akin. Hindi ako maaaring magkamali... Si Lola Koring iyon! Walang
ekspresiyon ang kanyang mukha na nakatingin sa akin habang patuloy pa rin sa
pagkatok!

Nanginginig man ang buong katawan ko sa takot ay kinapa ko ang switch ng ilaw
sa pasilyo. Nang mabuksan ko ang ilaw ay kasabay din niyon ang pagkawala ni Lola
Koring.

Napaisip ako. Bakit kumakatok si Lola Koring sa kwarto ni Mama?

Biglang bumaha ang kaba sa aking dibdib. Nagmamadali kong kinuha sa aking
kwarto ang duplicate ng susi sa kwarto nina Mama. Agad akong pumasok sa silid nila
at doon ay nakita ko si Mama na nakahiga sa sahig at bumubula ang bibig habang may
ilang piraso ng sari-saring gamot sa kanyang kamay...
NANG gabing din na iyon ay dinala namin sa ospital si Mama. Mabuti na lamang at
nailigtas siya ng mga doktor sa pagtatangka nitong magpakamatay. Nalaman kay Mama
na kaya siya nagtangkang magpakamatay ay nabasa niya ang diary ni Lola Koring at
nalaman niya na ampon lamang siya. Kinausap siya ni Papa nang masinsinan at nangako
siya na hindi na niya uulitin iyon.

Hanggang ngayon na bente anyos na ako ay iniisip ko pa rin kung si Lola


Koring nga ba ang babaeng nagpakita sa akin ng gabing iyon. Pero si Lola Koring man
iyon o hindi, nagpapasalamat ako sa kanya dahil siya ang nagligtas ng buhay ng
aking ina.

GOOD NIGHT, SLEEP TIGHT...

=================

Story #02- Manika

Story #02- Manika

(Ang kwentong ito ay para kay NIKKI ARMASA...)

Ako si Nikki. Twenty-three years old. Dala na rin siguro ng aking kapilyahan ay
mahilig akong magbiro sa aking pamilya lalong-lalo na sa aking mga kaibigan.
Gustung-gusto ko talaga na gumawa ng prank sa kanila! Pero para sa akin ay lambing
ko lamang naman iyon.

Minsan nga ay nagbibihis ako bilang white lady tapos tinatakot ko ang mga
kapatid ko. Last month naman ay nilagyan ko ng bubble gum ang upuan ng bestfriend
ko nang kumain kami sa isang coffee shop. Grabe, ang epic lang ng reaksiyon niya.
Natatawa siya na naiiyak!

Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaibang saya at satisfaction kapag


nakikita ko na matagumpay ang aking mga pranks. Alam niyo 'yon. Basta, 'yon na
'yon!

Isang araw, papatulog na ako ng gabing iyon nang bigla akong tawagan ni
Chelsea, kaibigan ko siya at kaklase na rin. Nagtaka ako dahil alas-diyes na ng
gabi. Bakit tumatawag pa ang bruhang ito?

"Hello, Chelsea? Istorbo ka sa tulog ko!" Kunwari ay naiinis kong bungad sa


kanya.

"Asus! Ang aga pa kaya. For sure, nag-fe-Facebook ka lang diyan!" natatawa
naman niyang sagot.

"Ewan ko sa'yo!" sabay tawa ko na rin. "Bakit ka nga pala tumawag? Bayad na
ako sa utang ko sa iyo, ha!"

"Luka-luka ka talaga, Nikki! Ano kasi... gusto mo bang mag-sleep over dito sa
amin? Wala kasi sina mommy at daddy. Umuwi sa probinsiya kanina lang."

"Ha? Pwede naman sana kaya lang gabing-gabi na. Saka tayong dalawa lang?"

"Gaga! Natatakot ka bang magahasa sa daan? Eh, nasa kailang block lang naman
itong bahay namin. Saka tinawagan ko na rin si Danica, pumayag na siya at anytime
ay papunta na siya dito. Gora ka na rin, girl! Masaya ito. Manonood tayo ng x-rated
films!"

Natawa ulit ako sa sinabi ni Chelsea. "Hoy! Hindi ako nanonood ng ganoon, ha!
Sige na, sige na! Pupunta na ako diyan. Magpapaalam lang ako kina Mama..."

"Okey. Bye, Nikki!"

"Bye!" sabay pindot ko ng end button.

After no'n ay nagpunta na agad ako sa kwarto nina Mama. Gising pa siya at
nanonood ng TV. Nagpaalam ako sa kanya na kina Chelsea ako matutulog. Pinayagan
naman niya ako dahil sa malapit lang naman. Kinuha ko ang aking bag at backpack at
doon ko nilagay ang aking pantulog. Nag-ayos na ako at lumabas na ng bahay.

Hindi naman nakakatakot maglakad kahit mag-isa. Marami pang tao sa labas.
Papaliko na ako sa block kung saan naroon ang bahay nina Chelsea nang may mapansin
akong isang bagay sa basurahan. Isang manika! Nilapitan ko iyon at medyo napangiti
ako nang mapansin ko na kamukha niya si Annabelle. Medyo creepy siya, ha... Buhay
na buhay kasi iyong mga mata niya. Parang sa totoong tao talaga. Iyong pagkakangiti
pa niya, parang sa demonyo.Teka nga... I have a great prank idea! Matatakutin pa
naman si Danica. Pwede ko itong ipanakot sa kanya mamaya. Agad kong ang manika at
nilagay sa aking bag. Hindi naman siya malaki kaya kasyang-kasya siya doon.

Ilang sandali pa nga ay nasa bahay na ako nina Chelsea. Naroon na rin si Danica at
nanonood sila ng isang korean movie. May isang bowl ng french fries sa harapan
nila. Tss! Ang hilig talaga ng dalawang ito sa cheesy movies which is ayaw ko. Mas
gusto ko kasi iyong comedy at horror. Minsan kasi ay doon ako nakakakuha ng ideas
ko para sa aking pranks.

"Oh, halika, Nikki! Nood tayo ng Windstruck," yaya sa akin ni Danica.

"Windstruck na naman? Ilang beses niyo na iyang pinanood, ah," sabi ko sabay upo sa
tabi ni Danica. Inilabas ko sa bag ko ang latest book ng 'He's Into Her'. Mabuti na
lang at dala ko ito. Kahit paano ay hindi ako mabo-bore.

Natapos ang movie na pinapanood nila. Nakakatawa sila kasi teary-eyed na naman
sila. Gusto pang manood ng isa pang movie ni Chelsea pero si Danica ay ayaw na
dahil antok na daw siya. Nauna na siyang pumunta sa kwarto para matulog. Bingo!
Umaayon talaga sa akin ang pagkakataon para maisagawa ko ang prank na naiisip ko
kay Danica. He-he...

Nasa kalahatian na ang movie na pinapanood ni Chelsea nang magpaalam ako sa kanya
na iinom sa kusina nila. Pero ang totoo ay hindi lang ako iinom. Kumuha ako ng
isang kitchen knife. Inilagay ko iyon sa aking bag. After niyon ay nagpunta naman
ako sa kwarto na tinutulugan ni Danica. Buhay ang ilaw at tulog na tulog na siya.
Tss... Masyado talaga siyang matatakutin.

Sinimulan ko nang i-set up ang prank ko sa kanya. Inilabas ko na ang manikang


nakuha ko sa daan at pati na rin ang kutsilyo. Tinanggal ko ang tali ko sa aking
buhok at ginamit ko iyon na pantali ng kutsilyo sa kamay ng manika. Kunwari ay
hawak-hawak ng manika iyong kutsilyo. Inilagay ko ang manika sa paanan ng natutulog
na si Danica. Sigurado akong maiihi siya sa takot kapag nakita niya iyon.

Humahagikhik na lumabas na ako ng kwarto at tumabi kay Chelsea na nanonood pa rin


ng movie.

"Bakit tumatawa ka diyan, Nikki? Akala ko natutulog ka na. Ang tagal mo sa kwarto,
ha," puna sa akin ni Chelsea.

"Wala. Nawala ang antok ko, eh." Grabe. Hindi pa rin maalis ang ngisi sa aking
mukha.

Maya-maya ay bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsigaw ni Danica mula sa


kwarto. Napatayo sa kinauupuan niya si Chelsea.

"Si Danica!" aniya.

"Naku, wala iyon. Natakot lang siguro iyon sa prank na-" Hindi ko na naipagpatuloy
ang aking sasabihin nang makita kong humahangos na lumabas si Danica sa kwarto.

Hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na puno ng dugo! Nanlaki ang mga mata ko sa
nakita ko. Agad namin siyang dinaluhan ni Chelsea.

"Tulungan niyo ako! 'Yong manika! Papatayin niya ako!" umiiyak na sumbong ni
Danica.

"Anong manika?" nalilitong tanong ni Chelsea. "Walang manika sa kwarto ko!"

"May hawak siyang kutsilyo! Nagising ako dahil bigla niyang hiniwa ng kutsilyo ang
mukha ko! Umalis na tayo dito!"

Sa sinabing iyon ni Danica ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto. Puno ng dugo ang
kama. At naroon sa ibabaw niyon ang kutsilyo. Pero iyong manika... hindi ko na siya
nakita. Kahit na hinalughog ko na ang kwarto, wala talaga. Hindi kaya nabuhay iyong
manika? O sadyang may buhay talaga iyon? Basta, nakita kong nakabukas ang bintana
sa kwartong iyon...

GOOD NIGHT... SWEET DREAMS!

=================

Story #03- Hotel Room

Story #03- Hotel Room

(Ang kwentong ito ay para kay NISSA DENICE BONGAT...)

ISANG nakakatakot at hindi malilimutang karanasan ang aking naranasan sa isang


maliit na hotel somewhere in Manila. Hindi ko na papangalanan ang naturang hotel
para na rin sa kanilang proteksiyon...

"Ano ba, Kean?!" galit na turan ko sabay tulak sa boyfriend kong si Kean.
Nagulat na lang kasi ako nang bigla niyang ihinto ang kotse sa tabi ng isang
madilim na kalye. Tapos bigla niya akong sinibasib ng halik. Kagagaling lang namin
niyon sa isang bar kaya kapwa medyo lasing na kaming dalawa.

Binigyan ako ni Kean ng hindi makapaniwalang tingin. "'Wag mong sabihin na


ayaw mo pa ring makipag-s3x sa akin? One year na tayong mag-syota, Nissa! Tigang na
tigan na ako!" Hinampas pa nito ng kamay ang manibela.

"So, iyon lang pala ang gusto mo?" at nang-uuyam na ngumiti ako. "Kung iyon
lang naman ang habol mo sa akin, pwes, I am breaking uo with you!"

"What?!"

"You heard me right, Kean! Break na tayo! Ihatid mo na ako sa bahay para
makapagpahinga na ako!"

Ngumisi siya. "Nakipag-break ka sa akin tapos you are expecting na ihahatid


pa kita sa inyo?"

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Get out of my car... Out!"

Nagulat ako sa sinabi ni Kean. "Hindi mo man lang ba ako ihaha-"


"Out!" nagulat ako sa sinabi niyang iyon.

"Oo na! Bababa na! Jerk!" sabay hampas ko ng shoulder bag na dala ko sa mukha
niya. Binuksan ko ang pinto at padabog na bumaba. Malakas ko ring isinara iyon at
saka humarurot na paalis ang kotse ni Kean.

Nagpapadyak ako sa inis. Napaka-ungentleman talaga ng bruhong iyon!

Dapat pala nagpahatid muna ako sa bahay bago ako nakipag-break sa kanya. Hay
naku! Iginala ko ang aking mata sa paligid. Tanging mga street lights lang ang
tanglaw sa daan. Sarado na ang lahat ng establishments at wala akong idea kung
saang parte na ako ng Manila naroon. Medyo liblib na yata ang kalyeng ito kaya wala
nang nagdaraan na jeep o kahit anong sasakyan. Isa pa, gabing-gabi na rin kasi.

Siguro naman may malapit na hotel dito. Kahit iyong mumurahin lang. Bukas na
alang ako uuwi. Chineck ko muna ang wallet ko. Meron pa akong seven hundred pesos
at ilang barya. Sana naman ay magkasya ito...

Naglakad-lakad ako at hindi nga nagtagal ay isang maliit na hotel ang nakita
ko. Pumasok ako at isang matandang lalaki ang nakausap ko sa reception area nila.
Mukhang luma na ang hotel nila. Okey na ito, kesa wala. Three hundred pesos lang
ang binayaran ko para sa six-hours kong pag-stay. Buti na lang mura. Ibinigay na sa
akin ng matandang lalaki ang susi na may keychain na may nakalagay na: Room #06.

Hinanap ko ang Room #06. Nakita ko naman agad. Isinuot ko na ang susi sa
keyhole. Pagkapasok ko ay ni-lock ko rin agad ang pinto at binuksan ang ilaw. Isang
kama na may bed sheet na puti, dalawang unan, isang kumot at may electric fan na
nakapatong sa upuan na yari sa kahoy. Hindi na masama para sa three hundred pesos.

Pinatay ko na ulit ang ilaw at humiga na ako sa kama. Naisip ko na naman si


Kean. Naku!!! Nakakabwisit talaga ang lalaking iyon! Dapat pala sinuntok ko pa siya
sa mukha kanina. 'Di bale, 'pag nagkita ulit kami, gagawin ko iyon. Bwisit siya!

Nagulat ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Isang text message ang
natanggap ko mula kay Kean.

BABE, NASAN KA? SORRY NA... BATI NA TAYO, PLS.

Utot mo, Kean! Hindi ko na siya nireplyan. Pumikit na ako para matulog.
Ngunit hindi pa man ako nakakatulog nang makarinig ako ng isang tunog. Tunog ng
isang susi na ipinapasok sa isang keyhole. Imposible naman na may nagbubukas ng
pintuan ng hotel room ko dahil ang sabi no'ng matanda sa akin kanina ay 'wag ko daw
iwawala ang susi dahil wala silang duplicate. Ah... Baka naman sa kabilang room
iyong naririnig ko o baka guni-guni ko lang. Pumikit ulit ako at nawala na iyong
tunog. Pero ang pumalit naman ay tunog ng door knob na pilit na binubuksan.
Nagmulat ulit ako at ganoon na lamang ang kaba ko nang makita kong gumagalaw ang
doorknob ng pinto!
Sa sobrang takot ko ay nagtalukbong ako ng kumot. Sumilip ako mula sa kumot
upang makita ko ang nangyayari sa aking paligid. Tumigil ang pag-ikot ng door knob
at marahang bumukas ang pinto ng aking hotel room.

Isang bulto ng babaeng may mahabang buhok ang nakita ko na nakatayo sa bungad
ng pintuan. Nakikita ko siya dahil sa ilaw sa may hallway. Sino ba siya? Nagtayuan
na ang balahibo sa buong katawan ko. Halos maihi na rin ako sa sobrang takot ng mga
oras na iyon.

Sinilip ko kung ano ang sunod na gagawin ng babaeng iyon. Ngunit nanatili
lang siyang nakatayo doon. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin. Maya-maya
ay bigla siyang naglakad at umupo sa gilid ng aking kama. At talagang doon pa siya
umupo sa may tabi ko. Ngunit hindi ko naramdaman na gumalaw ang kamang aking
kinahihigaan nang umupo siya. Nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi maalis-
alis ang tingin ko sa kanya upang malaman ko kung ano ang susunod niyang gagawin.

Sa pag-upo niyang iyon ay doon ko nakita ang kanyang hitsura dahil mas
malapit na siya sa akin. Maputla ang kanyang mukha at nanlalaki ang kanyang mga
mata. Kulay itim ang suot niyang damit at may kulay itim din na belo sa kanyang
ulo.

"Alam kong gising ka..." Bigla akong napasigaw nang magsalita ang nakakatakot
na babae. Parang nakakulong sa isang kabaong ang kanyan boses. Ume-echo iyon sa
buong hotel room at nanunuot sa aking tenga.

Agad kong kinuha ang aking bag at nagtatakbo palabas ng hotel na iyon. Takot
na takot ako at pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko. Kinuha ko ang aking
cellphone at dinayal ang number ni Kean. Magpapasundo na lang ako sa kanya at
makikipagbalikan. Makikipag-break na lang ulit ako sa kanya pagkahatid niya sa
akin!

GOOD NIGHT!

=================

Story #04- Kasambahay

Story #04- Kasambahay

(Ang kwentong ito ay para kay JENNY PARAISO...)

AYOKONG umalis sa probinsiya namin sa Bicol pero wala akong pagpipilian. Mahirap
ang buhay doon. Sa edad na seventeen ay lumuwas ako sa Manila kasama ng kababata
kong si Lea upang doon ay makipagsapalaran. Nakapasok siya bilang labandera habang
ako naman ay naghahanap pa rin ng mapapasukan. Sa ngayon ay nakikitira muna ako sa
aking tiyahin ngunit sinabi kong aalis din ako oras na magkaroon na ako ng trabaho.
Day-off ni Lea ng araw na iyon kaya naman niyakag niya akong kumain sa isang
fast food restaurant. Gusto daw niya kasi akong ilibre sa una niyang sweldo...

"Oo nga pala, Jenny, kung wala ka pang nahahanap na trabaho ay may ire-
recommend ako sa'yo. Naghahanap kasi ng kasambahay iyong kapitbahay namin. Paalis
na kasi next week iyong kasambahay nila ngayon. Kung gusto mo, sumama ka na sa akin
pag-uwi ko. Sayang din iyon," sabi sa akin ni Lea.

Tumango ako. "Sige ba! Mas okey kung matatanggap ako doon dahil magiging
malapit tayo sa isa't-isa!"

"Sinabi mo pa! Saka maraming gwapo sa subdivision na iyon!" At parang manok


na kinilig pa si Lea.

Nang araw din na iyon, matapos naming kumain ay sinamahan na ako ni Lea sa
sinasabi niyang bahay. May kalakihan ang bahay. Masasabi kong maykaya ang nakatira
doon. Sa salas ako kinausap ng isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa forty years
old pa lang. Si Lea naman ay naghihintay sa may mini garden sa labas.

Mabait ang lalaki at palaging nakangiti. Nalaman ko sa kanya na siya, ang


asawa niy at ang isa nilang anak na babae ang tanging nakatira sa bahay na ito.
Natanggap ako bilang kasambahay nila. Ang sabi lang ng lalaki ay tulungan ko lang
daw sa mga gawaing-bahay ang kanyang asawa. Nagkasundo naman kami sa sahod ko.

Matapos namin mag-usap at masayang ikuwinento ko kay Lea ang magandang


balita!

-----***-----

FIRST DAY ko ngayon sa aking trabaho bilang kasambahay ng pamilyang Palmes. Hindi
ako nahirapan dahil mababait silang lahat sa akin.

Sumapit na ang gabi. Katatapos ko lang hugasan lahat ng pinagkainan namin.


Matapos manood ng TV ng buong pamilya ay umakyat na ako sa itaas kung saan naroon
ang aking silid. Hindi naman iyon kalakihan. Sapat lang na tulugan ko at lagayan ng
aking mga gamit.

Paghiga ko sa aking kama ay agad akong nakatulog dahil sa medyo pagod din
ako...

-----***-----

"JENNY... Jenny..."

Bigla akong nagising nang makarinig ako ng boses ng isang matandang babae na
tinatawag ang aking pangalan. Garalgal ang boses na akala mo ay humihingi ng
tulong. Akala ko ay guni-guni ko lamang iyon ngunit naulit ang pagtawag na iyon sa
akin. Hindi ko alam na may kasama pala silang matanda dito.

"Jenny..." 'Ayon na naman.

Bumangon na ako at tiningnan ko ang oras sa king cellphone. Alas-dos pa lang


ng madaling araw.

Lumabas ako ng aking silid. Madilim ang buong kabahayan. Malamang ay tulog na
rin sa oras na ito ang mga kasama ko sa bahay. Muli ay narinig ko ang matandang
tumatawag sa akin. Pinakinggan ko iyong mabuti at nalaman kong nanggagaling iyon sa
pinakadulong silid sa itaas.

Pinuntahan ko ang nasa dulong pintuan at kumatok. "May kailangan po ba kayo?"


tanong ko.

"Jenny... Jenny..."

Marahil ay hindi ako marinig ng matandang nasa loob. Hindi ko rin naman pwedeng
lakasan ang aking boses dahil magagambala ko ang pagtulog ng aking mga amo. Nalaman
kong hindi naka-lock ang pinto nang ikutin ko ang seradura. Pumasok ako at
sumalubong sa akin ang kadiliman ng silid na iyon. Kumurap-kurap muna ako bago
nasanay sa dilim ang aking mata. Agad kong nakita ang switch ng ilaw ngunit hindi
iyon sumindi. Baka pundido na ang ilaw...

"Jenny..." Ayun na naman ang boses ng matandang babae.

Nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kanyang kama paharap sa akin at sa wari ko ay


nakatingin siya sa akin. Hindi ko lang masigurado dahil sa medyo madilim. Basta
nakikita ko ang bulto ng kanyang katawan.

"Sino po ba kayo? Pasensiya na po kayo at bago pa lang ako dito. Saka, paano niyo
po nalaman ang pangalan ko-"

"Nauuhaw ako... Ikuha mo ako ng tubig..." Tila nahihirapan na utos niya.

Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan nang tumayo siya. Dahan-dahan ang
kanyang pagkilos senyales na matanda na talaga siya.

"S-sige po... Ikukuha ko po kayo," sabi ko na lang. Hindi ko na siya tinanong pa


kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Wala naman akong natatandaan na nagkita
kami kaninang umaga. Tanging sina sir, ma'am at ang anak nilang babae ang nakilala
ko.

Agad akong nagtungo sa kusina at kumuha ng isang basong tubig. Medyo binilisan ko
na lang dahil baka mapagalitan pa ako. Medyo bugnutin pa naman ang matatanda.
Pagbalik ko sa kwarto niya ay nandoon pa rin siya sa kung saan ko siya iniwan.
Nakatayo at parang nakatingin sa akin.

"Heto na po ang tubig niyo," sabi ko sabay abot ng tubig. Hindi niya iyon kinuha.
Matagal na nakaunat ang kamay ko para iabot sa kanya ang tubig ngunit hindi niya
talaga inaabot. Nakakatakot naman ang matandang ito. Inilagay ko na lang ang baso
ng tubig sa ibabaw ng maliit na mesa sa tabi ng kama. Tinanong ko siya kung may
kailangan pa siya ngunit hindi niya ako sinagot. Nagpaalam na ako sa kanya upang
bumalik sa aking higaan.

Hanggang sa bago ako matulog ay iniisip ko pa rin iyong matanda sa pinakadulong


silid. Sino kaya siya? Baka naman nanay ni sir o kaya ni ma'am...

-----***-----

KINABUKASAN ay naging abala na agad ako sa paghahanda ng almusal dahil may pasok sa
opisina si Sir. Kumakain na sila nang bigla kong maalala iyong matandang babae.
Siguro ay hindi na siya nakakababa sa sobrang tanda niya kaya dapat kong dalhan
siya doon ng pagkain. Pero bakit kahapon ay hindi nila ako inutusan na gawin ito?
Ah, siguro ay sila na ang nagdala ng pagkain sa matanda kahapon.

"Jenny, anong gagawin mo?" tanong sa akin ni ma'am nang makita niya na kumuha
ako ng tray at pinggan.

"Ah, dadalhan ko lang po ng pagkain si lola sa itaas..." nakangiti kong


sagot.

Napansin ko ang pamumutla ni ma'am. Tumigil siya sa pagkain at nilapitan ako.


"Sinong lola, Jenny? W-walang lola sa bahay na ito."

"Pero, ma'am, nagpakuha pa nga siya ng tubig-"

Biglang sumabat si sir. "Jenny, ikaw at kaming tatlo lang ang nasa bahay na
ito. Kung may maririnig ka man na tumatawag sa iyo kapag gabi, 'wag mo na lang
pansinin, okey? Sige na, hugasan mo na muna iyong mga ginamit mo sa pagluluto."

"S-sige po, sir. Pasensiya na po." Naguguluhan na ibinalik ko ang tray at


pumunta sa lababo para hugasan ang mga ginamit ko sa pagluluto.

Narinig ko na nag-uusap-usap silang tatlo habang kumakain ngunit parang


sinasadya nila na huwag iparinig sa akin ang usapan nila. Pero isang pangalan ang
malinaw na naulinigan ko. Pangalan ng isang matandang babae... LOLA KORING...

GOOD NIGHT!
=================

Story #05- TV

Story #05- TV

(Ang kwentong ito ay para kay STEVE CONTEH...)

MARAMI sa atin ang mahilig sa second hand o segunda manong bagay. Damit man iyan o
gamit sa bahay. Pero, sa pagbili ba natin ng mga bagay na may nauna nang magmay-
ari... nakakasigurado ba tayong wala itong dalang kababalaghan?

-----***-----

BUNSO sa limang magkakapatid si Steve Conteh, labingdalawang taon na gulang. Isang


tipikal na teenager. Siya lamang ang nag-iisang lalaki sa mga magkakapatid kaya
naman pakiramdam niya ay isa siyang outcast sa kanila. Iba ang hilig ng kanyang mga
kapatid na babae sa kanya. Madalas siyang pagkaisahan. Hindi naman niya magawang
sumagot sa mga ito dahil sa mapapagalitan siya ng kanyang mga magulang. Minsan na
kasi siyang sumagot sa panganay nilang kapatid at siya pa ang napagalitan kahit na
mali ang kanilang panganay.

Ang madalas nilang pag-awayan na magkakapatid ang ang panonood ng telebisyon.


Hilig kasi niya ang panonood ng basketball sa gabi. Ngunit kasabay ng basketball ay
ang pag-ere ng pinapanood na soap opera ng kanyang mga kapatid na babae.

Tulad ng gabing iyon, gustung-gustong manood ni Steven ng TV dahil halos


isang linggo nasiyang hindi nakakapanood ng basketball. Inagaw niya ang remote
control sa panganay nilang kapatid at inilipat niya ang palabas sa TV sa paborito
niyang programa. Agadna nagsumbong ang kanyang ate sa kanilang ina.

"Ano ka ba naman, Steve? Napakawala mong ugali! Nakita mo na ngang nanonood


ang iyong mga kapatid!" saway ng kanyang ina.

Walang nagawa si Steve kundi ang magpaubaya.

Kinabukasan, sa kanyang pag-uwi mula sa school ay isang matandang lalaki ang


nakita niyang nagtitinda ng lumang TV.

"Second hand na TV! Bili na kayo! Mura lang!" Nakakaanyaya ang sigaw ng
matandang lalaki kaya nilapitan ito ni Steve.

"Manong, magkano po iyang TV niyo?" tanong niya.

"Limang daan lang, totoy! Bibilhin mo ba?"


Nag-isip si Steve. Meron naman siyang perang nakatabi. Higit pa iyon sa
limang daang piso. Binili niya ang TV. Lahat ng nasa kanilang bahay ay nagulat nang
may iuwi siyang maliit na TV. Inilagay niya iyon sa kanyang kwarto.

Agad niyang ineksamin ang TV kung may sira ba ito. At may napansin siyang
kulay pulang mantsa sa gilid nito. Parang matagal na ito doon. Kumuha siya ng
basahan at kinuskos ang mantsa ngunit hindi iyon natanggal. Inisip na lang ni Steve
na isa iyong pintura.

Pagsapit nga gabi, pagkatapos kumain ng hapunan ay excited na nagpunta si


Steve sa kanyang kwarto upang manood ng TV. Agad niya iyong inilagay sa paborito
niyang programa-ang basketball. Masayang-masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay
nakapanood siya ng walang mga kapatid na nangingialam sa kanya.

Matapos manood ay pinatay na niya ang TV at humiga. Kailangan na niyang


matulog dahil may pasok pa siya kinabukasan...

-----***-----

NAALIMPUNGATAN ng gising si Steve naman maramdaman niya ang biglang paglamig sa


kanyang silid. Kahit inaantok pa ay bumangon siya upang patayin ang electric fan na
nakatutok sa kanya. Hindi na niya inisip kung bakit biglang lumamig. Matapos iyon
ay humiga siyang muli at pumikit upang matulog. Ngunit hindi pa man siya tuluyang
nakakatulog nang bigla siyang kinilabutan nang may maramdaman siyang tila mainit na
hininga sa kanyang tenga!

Napabalikwas siya ng bangon at nahihintakutan na nagpalinga-linga. Wala


namang tao sa kanyang silid maliban sa kanya.

Napagawi ang tingin niya sa TV. Napapitlag si Steve nang bigla iyong mabuhay
pero dahil madaling araw na ay wala na doong palabas kundi ang kulay asul na screen
lamang.

'Naupuan ko ba iyong remote?' tanong niya sa sarili ngunit nakita niya ang
remote sa kanyang paanan. Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niyang takutin ang
kanyang sarili. Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Hinugot na rin niya ang
saksak nito. Naisip niya na second hand nga lang pala ito kaya maaaring may sira
iyon kaya nabubuhay mag-isa.

Humiga siyang muli. Tiningnan niyang muli ang TV. Napabangon siya nang
mapansin niya na may tila kulay puting usok ang namumuo sa screen ng TV. May
konting takot na bumangon sa kanyang dibdib nang oras na iyon. Gumalaw-galaw ang
kulay puting imahe sa telebisyon hanggang sa maging mukha iyon ng lalaki! Isang
galit na galit na lalaki!

Sa sobrang takot niya ay nadampot niya ang remote at ibinato iyon sa TV.
Tatakbo sanan siya palabas ng kanyang silid nang makakita siya nang isang matangkad
na lalaki na nakatayo sa pintuan! Kulay pula ang mata nito at ang labis na
ikinatakot niya ay nang makita niyang kamukha ito ng mukha na nakita niya kanina sa
TV. Malakas siyang napasigaw. Maya maya lang ay biglang pumasok ang kanyang nanay
sa kanyang silid.

Pinagalitan siya nito dahil sa kanyang pagsigaw. SInabi ni Steve ang kanyang
naranasan ngunit pinagbintangan pa siya ng ina na nagdo-droga. "Pero, 'nay!
Maniwala naman kayo! May multo 'yong TV! Hindi ako nagda-drugs! Twelve pa lang
ako!" giit niya.

"May multo na kung may multo! Basta matulog ka na, Steve! Nakakabulahaw ka!"

"D-doon na lang po ako tutulog sa kwarto niyo!" aniya.

-----***-----

KINABUKASAN, pagkauwi sa school ay agad na dinala ni Steve ang TV sa isang junk


shop. 'Di bale nang hindi siya makapanood ng basketball basta 'wag lang niyang
maranasang muli ang nangyari ng gabing iyon. Ayaw na rin niyang alamin pa kung ano
ang nakaraan ng TV na iyon. Pero nalulungkot pa rin siya dahil nalagasan siya ng
limang daang piso.

GOOD NIGHT!

=================

Story #06- Stalker

Story #06- Stalker

(Ang kwentong ito ay para kay GREY MISTY/ CITADEL...)

BUMALIK ako sa Pilipinas mula sa Dubai dahil sa magpapakasal na ako sa aking long
time boyfriend na si Carlos. Halos sampung taon na rin kasi ang relasyon namin
bilang magkasintahan at hindi na rin ako bata sa edad kong trenta. Isa akong writer
sa isang kilalang magazine sa Dubai. Nag-resign na rin ako sa trabaho kong iyon
dahil sa ang gusto ko ay dito na lang sa Pilipinas manirahan. Magtatayo na lang
siguro ako ng negosyo dito.

Naging napakasaya at memorable ng kasal namin ni Carlos. Nakakatuwa lang na siya


lang ang gumastos sa kasal namin kahit na ini-insist ko sa kanya na hati na lang
kami. Ayaw niya talagang pumayag.

Lumipat kami sa bahay na matagal na naming ipinatayo sa isang subdivision sa


Cavite. Hindi iyon ganoon kalaki ngunit para sa nagsisimulang tulad namin ni Carlos
ay ayos na iyon. Naging matiwasay at tahimik naman ang unang buwan namin sa bahay
na iyon. Nagtatrabaho si Carlos bilang isang head nurse sa ospital dito rin sa
Cavite habang ako naman ay sa bahay lang at nag-iisip ng negosyong bubuksan ko. Ang
buong akala ko ay habangbuhay na tahimik ang aming patira sa bahay na iyon.
Hanggang isang araw...

-----***-----

NAGDIDILIG ako ng mga tanim kong roses sa harapan ng bahay namin ng umagang iyon.
Patapos na sana ako nang makarinig ako ng tunog ng shutter ng camera. Medyo nasilaw
pa ako sa flash na tumama sa aking mukha. Medyo kinabahan ako nang may makita akong
isang lalaking nakasuot ng black na jacket at black na pants sa kabilang kalye. May
hawak siyang camera na nakatutok sa akin.

"Sino ka?" pasigaw na tanong ko sa lalaki. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil
nakayuko siya at may suot na cap. Nang sitahin ko siya ay agad siyang sumakay sa
motor na nasa harapan niya at nagmaneho palayo.

Nagtataka na sinundan ko ng tingin iyong lalaki.

Simula noon ay palagi ko nang nakikita sa kung saan-saan ang lalaking iyon. Ganoon
pa rin ang suot niya-black na jacket at pants at cap. Kapag namimili ako sa
supermarket, sa park at kahit sa simbahan. Medyo nababahala na ako sa lalaking
iyon. Bakit palagi ko siyang nakikita? Stalker ko ba siya?

Sinabi ko kay Carlos ang tungkol sa lalaking iyon. Pinaalalahanan niya ako na
palaging mag-iingat. Bumili na rin kami ng isang aso upang kahit papaano ay
maaalarma kami kung sakaling may ibang tao sa aming bakuran. Binilhan pa niya ako
ng pepper spray para may pang-protekta daw ako sa aking sarili kapag may hindi
ginawang maganda iyong lalaki sa akin. Pero mabuti na lamang at hindi niya ako
nilalapitan. Kahit na ganoon ay natatakot pa rin ako sa kanya...

-----***-----

ISANG GABI, mahimbing na natutulog kami ni Carlos nang magising ako dahil tahol ng
tahol ang aso namin sa labas. Papungas-pungas na bumangon ako upang sumilip sa
bintana. Ganoon na lamang ang paggapang ng takot sa aking buong katawan nang makita
ko kung bakit tumatahol iyong aso. Tinatahulan nito ang isang lalaki na nakatayo sa
harapan ng aming gate! At ang nakakatakot pa lalo doon ay parang nakatingin siya sa
gawi ko!

Nagmamadali na lumayo ako sa bintana at ginising si Carlos.

"Carlos, gising!" sabi ko habang niyuyogyog siya sa balikat.

"Bakit?" tanong niya nang magising na siya.

"Iyong lalaki na stalker ko, 'andoon siya sa labas!"


"Ano?!"

Hinila ko si Carlos sa may bintana ngunit pagsilip namin doon ay wala na iyong
lalaki pero patuloy pa rin sa pagtahol iyong aso.

"Wala naman, eh," palatak ni Carlos.

"I swear, nakita ko siya! Nakatayo siya doon at parang nakatingin siya sa akin!"
nanginginig na sumbong ko.

Kinabig ako ni Carlos at ikinulong niya ako sa mga bisig niya. "'Wag kang mag-
alala, Citadel... 'Andito lang ako. Matulog na ulit tayo, okey?" masuyo niyang sabi
na nagpakalma sa akin...

-----***-----

KINABUKASAN ay pinalagyan namin ng double-lock ang mga pintuan at mga bintana.


Mabuti na rin ang nag-iingat. Wala kaming ideya sa kung ano ba ang kayang gawin ng
lalaking iyon. Nang araw din na iyon ay pang-gabi ang pasok ni Carlos sa ospital
kaya mamayang gabi ay mag-isa lang ako...

"I-lock mo ang mga bintana at pinto, ha..." paalala ni Carlos nang siya ay paalis
na.

Tumango ako. "'Wag kang mag-alala, Carlos. Tatandaan ko iyan..." sabi ko.

"Mag-iingat ka, Citadel. I love you!"

"I love you, too, Carlos..." ginawaran niya ako ng matamis na halik sa labi at
umalis na siya upang magtungo sa trabaho.

Pagkaalis niya ay ni-lock ko na ang lahat ng bintana at pintuan kahit na medyo


maliwanag pa sa labas. Pagsapit ng ala-sais ng gabi ay nagluto na ako ng aking
dinner. Matapos magluto ay kumain na ako kaagad. Kapag mag-isa lang ako kapag gabi
ay natutulog ako ng maaga. Nang antukin na ako sa kapapanood ng TV ay pinatay ko na
iyon at nagpunta na sa kwarto namin ni Carlos. Pinatay ko muna ang lahat ng ilaw
bago humiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata...

-----***-----

NAALIMPUNGATAN ako mula sa aking pagkakatulog nang maramdaman ko na gumalaw ang


kama. Napakadilim ng buong paligid. Babangon sana ako para tingnan kung bakit
gumalaw ang aking kama nang may marinig akong magsalita.
"Umuwi agad ako mula sa ospital dahil nag-aalala ako sa iyo, Citadel..." boses iyon
ng aking asawa.

Hindi na ako bumangon pa. Napaka-sweet talaga ng asawa ko. Hindi ko na rin siya
sinagot at tiningnan pa dahil antok na antok pa rin ako. Tumalikod ako sa gawi niya
at naramdaman ko na humiga na si Carlos sa tabi ko. Yumakap siya sa likuran ko at
nakatulog na ulit ako.

-----***-----

PAGKAGISING ko kinaumagahan ay nagtaka ako nang hindi ko makita si Carlos sa aking


tabi. Inakala ko na nasa banyo siya ngunit walang tao doon. Inikot ko ang buong
bahay ngunit wala talaga siya. Bumalik ako sa kwarto namin upang magpalit ng damit.
Pagbukas ko ng aming aparador ay nagulat ako nang may makita ako doon na sumbrero.
Hindi ako maaaring magkamali! Ito ang sumbrero na suot palagi ng stalker ko!

Nanginginig na kinuha ko ang sumbrero at isang papel ang nahulog mula doon.
Nalaglag iyon sa sahig. Dinampot ko ang papel. Nanginginig pa rin ako sa takot.
Halos panawan ako ng ulirat ng mabasa ko ang nakasulat doon: NAGUSTUHAN MO BA ANG
YAKAP KO, CITADEL?

GOOD NIGHT!

=================

Story #07- Paralyzed

Story #07- Paralyzed

(Ang kwentong ito ay para kay MARLYN MASBANG FABIAN...)

ANG sleep paralysis ay isang sleep disorder kung saan nakararanas tayo ng hindi
tayo makagalaw habang tulog bagama't gising ang ating diwa. Hindi tayo makasigaw o
makapagsalita o kahit makagalaw man lang. Sinasabing ang pagtulog ay para
makapagpahinga ang isang tao ngunit paano kung ito rin ang maging daan upang
maranasan mo ang isang pangyayaring magbibigay sa iyo ng bangungot habangbuhay? Ako
si Marlyn at ito ang aking kwento ng kababalaghan...

-----***-----

ANG kwentong ito ay halos isang taon na ang nakakalipas. Meron akong pinsan na
nagngangalang Jessica. Parehas kaming eighteen years old that time. Si Jessica ay
kilala bilang matatakutin sa aming magpipinsan. Hindi ko alam kung paranoid lang ba
siya o sadyang malikot lang ang kanyang imagination. Ako kasi, personally ay hindi
naniniwala sa mga multo, aswang at kung anu-ano pang mga bagay na para sa akin ay
hindi naman kapani-paniwala.
Magkalapit lang ang bahay namin kaya naman madalas ay tumatambay siya sa amin kapag
naiiwan siyang mag-isa sa kanila. Aniya, natatakot daw siya sa kanila dahil may
nakikita itong babaeng nakasuot ng kulay itim na damit doon. Tinatawanan ko lang
siya. Sinasabi ko sa kanya na dahil sa pagiging matatakutin niya ay kung anu-ano na
ang nakikita niya.

Buwan ng Abril ng panahon na iyon. Nagkasundo ang pamilya ni Jessica at pamilya ko


na magpunta sa Boracay upang magbakasyon doon ng tatlong araw. Naayos agad ang mga
dapat ayusin para sa bakasyon na iyon. Pero sa lahat ay ako siguro ang hindi
excited sa pagpunta sa Boracay dahil sa ilang beses na akong nakapunta doon kasama
ang aking mga kaibigan.

Isang araw bago ang pag-alis namin papuntang Boracay nang magkaroon ng mataas na
lagnat si Jessica. Ayon sa kanya ay sobrang sakit ng katawan nito. Malamang ay
trangkaso na iyon.

Agad na nagpunta sa bahay namin ang mommy ni Jessica upang ipaalam sa amin ang
kalagayan nito.

"Naku, Mely, hindi makakasama si Jessica sa atin sa Boracay. Napakataas ng lagnat.


Hindi naman pwedeng hindi kami tumuloy at sayang ang plane ticket..." ani ng mommy
ni Jessica sa nanay ko.

"Ganoon ba? Eh, sinong magbabantay sa kanya?" tanong ni nanay dito.

"Iyon na nga ang pinoproblema ko, walang magbabantay kay Jessica..."

"Ako na lang po ang magbabantay kay Jessica," pagpresinta ko.

Napatingin sa akin si nanay at ang mommy ni Jessica.

"Sigurado ka, Marlyn?"

"Opo, tita... Ako pong bahala sa anak niyo. Ang totoo po kasi niyan ay tinatamad
talaga akong sumama sa Boracay dahil ilang beses na akong nakapunta doon."
Paliwanag ko.

"Naku, thank you, Marlyn!" tuwang-tuwa na turan ng mommy ni Jessica sa akin.

-----***-----

KINABUKASAN nga ay umalis na papuntang Boracay ang buong pamilya. Ako na lang ang
naiwan mag-isa sa aming bahay pero kailangan kong lumipat muna kina Jessica upang
bantayan siya. Nagsilid ako ng ilang damit at mga personal na gamit ko sa isang
bag. Para hindi na ako pabalik-balik dito sa bahay. Bago umalis ay ibinilin na rin
sa akin ng mommy ni Jessica kung anu-anong gamot ang iinumin ng anak niya.

Bago pa gumabi ay nagtungo na ako sa bahay nina Jessica. Naabutan ko siyang


nakahiga sa sofa at nagbabasa ng aklat. Nilapitan ko siya at inagaw sa kanya ang
binabasa.

"Hey! Ano ba, Marlyn. Akin na 'yan," aniya.

"Hindi ka pa pwedeng magbasa, Jessica. Baka mabinat ka. Dapat pagbalik dito nina
tita, eh, magaling ka na..." sabi ko.

Humalukipkip siya. "Bakit pa kasi ako nagkasakit? Eh di, sana kasama ako sa
Boracay. Ikaw, Marlyn, okey lang sa'yo na hindi ka nakasama?"

"Gosh! Ayoko na, 'no? Kung sa Puerto Galera pa sila pupunta, sasama ako."

"Ganoon? Pero, thank you, 'insan. Kasi sinamahan mo ako dito."

"'Wag ka ngang magdrama diya. Pag naiyak ako, iiwan kita!" biro ko sa kanya.

-----***----

IPINAGLUTO ko ng sopas si Jessica para sa hapunan. Habang ako naman ay corned beef
na lang ang inulam. After niyang kumain ay pinainom ko na siya ng gamot. Naghuhugas
na ako ng pinagkainan namin nang mapansin ko na nasa tabi ko pa rin siya.

"Oh, bakit hindi ka pa umakyat sa room mo para makapagpahinga ka na?" tanong ko sa


kanya.

"Ayoko. Hihintayin na lang kita. Marlyn, tabi tayo sa pagtulog, ha. Please..."

Napapalatak ako. "Masyado ka talagang matatakutin!"

"Eh, basta. Tabi tayo!"

-----***-----

MAGKATABI kami sa kama ni Jessica. Tulog na siya habang ako ay nagpapaantok pa sa


pamamagitan ng pagbabasa ng aklat na kanina ay binabasa niya. Nang antukin na ako
ay inilapag ko na ang aklat sa side table at pumikit na ako para matulog...
Makalipas lang ang ilang sandali ay tuluyan na akong nakatulog at wala na akong
kamalay-malay sa nangyayari sa paligid.
----***----

BIGLANG nagmulat ng kusa ang aking mga mata. Kung kanina ay nakatagilid akong
natulog, ngayon ay nakatihaya na ako at ang mata ko ay nakatutok sa kisame. Alam ko
sa sarili ko na tulog pa ako pero bakit nakabukas ang aking mga mata?

Sinubukan kong gumalaw ngunit kahit ang mga daliri ko sa kamay ko ay hindi ko
maiangat. Ang tanging naigagalaw ko lamang ay ang aking eyeballs. Umikot ang aking
mata sa gawi ni Jessica at nakita kong tulog na tulog pa rin siya. Sinubukan kong
ibuka ang aking bibig upang tawagin siya pero pati dila ko ay hindi ko maigalaw.
Walang kahit na anong tinig ang lumalabas sa aking bibig.

Panaginip ba talaga ito? O baka naman... isang bangungot!

Natigilan ako nang makarinig ako nang yabag ng paa. Palakas nang palakas at parang
papalapit sa amin. Napatingin ako sa nakabukas na pintuan ng kwarto. Nanghilakbot
ako nang makakita ako doon ng isang matangkad na babae na nakasuot ng mahabang
damit na kulay itim. Mahaba din ang kanyang buhok na abot sa beywang dito.
Nakakatakot ang mukha niya. Nanlalaki ang kanyang mga mata at ka-tuldok lamang ang
itim sa gitna ng mata nito!

Naglalakad iyon papalapit sa amin. Gusto kong gisingin si Jessica nang oras na iyon
pero paano? Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita.

Takot na takot ako ng sandaling iyon. Ramdam ko ang butil-butil na pawis sa aking
noo. Hindi ko kilala ang naturang babae pero isa lang ang sigurado ako... Hindi
siya tao!

Tumigil ang babae sa aking ulunan. Nagsusumikap pa rin ako na maigagalaw ko ang
aking katawan ng oras na iyon. Matagal na nakatayo ang babae doon. Hanggang sa
bigla siyang dumukwang sa mukha ko. Kitang-kita ko na ang mukha niya sa malapitan.
Nakakatakot ang kanyang mga mata. Pati na rin ang kanyang bibig na bahagyang
nakabukas. Ang ilang hibla ng buhok ng babae ay sumasayad na sa aking balikat kaya
naman ganoon na lamang ang pagtatayuan ng aking balahibo dahil sa takot.

Gusto kong ipikit na lang ang aking mga mata upang hindi na makita ang nakakatakot
na babae ngunit hindi ko magawa!

Sana kung panaginip lang ito... sana ay magising na ako...

GOOD NIGHT!

=================

Story #08- Demon Inside


Story #08- Demon Inside

(Ang kwentong ito ay para kay XERUN SALMIRRO...)

NOTE: Ang kwentong ito ay FICTION lamang. Gawa lamang ito ng imahinasyon ng author.
Salamat po.

SINASABI ng iba na kapag tulog ang tao ay humihiwalay ang kaluluwa sa katawang-lupa
nito. Naglalakbay daw ito kaya nagkakaroon ng mga samu't saring panaginip. Masaya,
malungkot at mga nakakatakot na panaginip na nagdudulot ng bangungot sa isang tao.
Sinasabi rin na kapag tulog ang isang tao, dito tuwang-tuwa ang mga demonyo. Dahil
kapag umaalis ang kaluluwa ng tao, nababakante ang katawan nito at maaaring gamitin
ng demonyo ang walang kalaban-laban na katawan. Lalo na't kung ang taong iyon ay
mahina ang pananampalataya sa Diyos!

Matagal ko nang kilala si Xerun. Isang simpleng binata na masayang naninirahan


kasama ang kanyang ama, ina at dalawang kapatid na babae sa isang simpleng tahanan.

Minsan ko na siyang nakitang umiyak nang muntik na silang maghiwalay ng kanyang


nobya. Mahal na mahal niya kasi ang naturang babae. Minsan ko na rin siyang
nakitang nakatawa... masaya. At iyon ay nang magkabalikan sila ng kanyang
minamahal.

Masipag na lalaki si Xerun. Nagtatrabaho ng labing-dalawang oras sa isang araw


upang kumita para sa pamilya at para sa sarili. Nag-iipon din siya para sa
pagpapakasal nila ng kanyang nobya. Gusto na niyang lumagay sa tahimik. Gusto na
niyang magkaroon ng sariling pamilya sa tamang panahon.

Palagi siyang nagdadasal bago matulog. Kapag nasisilip ko siya sa kanyang kwarto ay
nakikita ko siyang nakaluhod sa harap ng altar. Nakapikit at umuusal ng panalangin.
"Panginoon, maraming salamat Po sa mga biyayang ipinagkakaloob Niyo sa akin. Sana
po ay patuloy Niyo akong bigyan ng lakas upang magampanan ko ng ayos ang aking
trabaho. Ilayo Niyo po ako at ang pamilya ko sa sakit at kapahamakan. Amen." Iyon
ang gabi-gabi niyang dinadasal. Naririnig ko siya.

Kapag may oras, hindi nakakalimutan ni Xerun na dumaan sa simbahan. Minsan ay


nakita ko na siyang pumasok doon. Lumuhod at nagdasal...

Minsan ko na rin siyang nakita na puno ng problema nang isang dagok sa buhay ang
dumating sa kanyang pamilya.

"'Tay, naman! Bakit kayo nagkautang kay Gardo? Alam niyo naman na sindikato iyon?"
halos maiyak na tanong ni Xerun sa kanyang ama na nakaupo sa upuan habang sapo ang
ulo.

"Inaya niya kasi ako ng sugal kasama ang mga kaibigan niya, anak. Natalo ako.
Inalok niya akong umutang sa kanya pero natalo lang din nila iyong inutang ko sa
kanila..."

Minsan ko na ring nakitaan ng takot ang mukha niya nang sumugod sa bahay nila si
Gardo. Galit na galit ito at naniningil. Wala silang naibigay na pera. Sinaktan ni
Gardo ang kanyang ina. Hindi napigilan ni Xerun ang kanyang sarili. Sinuntok niya
si Gardo. "Wala kaming utang sa iyo! Nilinlang mo ang tatay ko! Demonyo ka!" galit
na sigaw pa niya.

Ngumisi lang si Gardo. "Sige, magmatigas kayo! Pagsisisihan niyo ang lahat ng ito!"
pagbabanta ni Gardo.

Minsan ko na rin siyang nakitaan ng labis na paghihinagpis nang minsan na umuwi


siya galing sa trabaho. Pang-gabi siya noon kaya umaga na nang nakauwi siya. Nasa
hindi kalayuan pa lamang siya mula sa kanilang bahay nang makita niya na maraming
tao at mga pulis sa harapan ng bahay nila. Nagmamadali ang kanyang mga paa na
lumapit doon. At nalaman niya na walang awa na pinaslang ang kanyang buong pamilya
nang gabing nagpapakasubsob siya sa trabaho!

Isang napakalungkot na pangyayari. Tumigil ang mundo ni Xerun. Hindi na siya


pumapasok sa trabaho. Pati ang nobya niya ay hiniwalayan na siya. Hindi na kumakain
bagkus ay palaging alak ang hawak. Palaging nakakulong sa kanyang madilim na
kwarto. Umiiyak, nagwawala at kinakausap ang sarili. Wala siyang ibang sinisi kundi
ang kaniyang Diyos. Palagi naman siyang nagdadasal. Bakit nangyari ito? Nagkulang
ba ang kanyang pananampalataya?

Ang pagtulog na lang ang pahinga niya sa lahat ng sakit na kanyang dinaranas. Iyon
na lang ang pagkakataon niya para maging payapa. Ngunit paggising niya, babalik na
naman siya dati. Iiyak. Maglalasing. Kakausapin ang sarili at sisisihin ang Diyos.

Minsan ay sumilip ako sa kanyang silid. Lango na siya sa alak. Nakita ko siyang
ibinato ang bote sa dingding. Kumalat ang nagkapira-pirasong bubog sa sahig.
Gumapang si Xerun paakyat sa kanyang kama at natulog. Nakatingin lang ako sa kanya
ng sandaling iyon.

Hanggang sa may makita akong anino. Isang nakakatakot na anino. Maeron itong
tatlong sungay at mga kamay na may mahahabang kuko. Isang demonyo. Laway na laway
sa walang kalaban-laban na katawan ni Xerun! Gumuho na ang pananampalataya sa Diyos
kaya madali niyang maaangkin ang katawang iyon. Pinasok ng demonyong iyon ang
katawang-lupa ni Xerun. Nang magising siya ay namumula na ang kanyang mga mata.
Naglalaway at tumatawa. Hindi na siya si Xerun dahil pinasok na ng demonyo ang
katawan niya habang tulog.

At ako, alam niyo ba kung nasaan ako? 'Andito ako... Sa loob ng katawan ni Xerun.
At ako... ang demonyong nasa loob niya!

GOOD NIGHT!
=================

Story #09- Tagu-taguan

PAALALA: Kung ayaw niyo po ng maikling horror story, wag niyo na po itong basahin.
Lahat po ng stories dito ay ONE SHOTS. Ang mga ending din po ng kada-story dito ay
BITIN o kaya ay OPEN ENDING. Kayo na po ang mag-iisip ng kung ano ang mangyayari
after ng ending ng bawat kwento. Ayun po, medyo masakit lang po kasi na porket
bitin ang story dito ay sasabihin na agad na panget. Masakit lang po. Iyon lang...
Salamat po.

Story #09- Tagu-taguan

(Ang kwentong ito ay para kay RANCE MAY GUILLES...)

"OH, Rance, ikaw na muna ang bahala sa kapatid mong si Rico. Bantayan mo ng maayos,
'yan. Huwag na huwag mong pagpapalaruin sa labas at baka makalingat ka at mabundol
iyan ng tricycle. Pakainin mo rin ng ayos at painumin ng vitamins niya," walang
patid na sabi sa akin ng aking Mama habang pinapanood ko siya sa paglalagay niya ng
mga damit niya sa kanyang travelling bag.

"'Ma, ilang beses niyo nang sinabi iyan sa akin," kakamot-kamot sa ulo na sabi ko.
"Huwag po kayong mag-alala sa amin ni Rico dahil kaya na naman ang mga sarili
namin."

Ang tinutukoy na Rico ni Mama ay ang bunso kong kapatid na pitong taong gulang.
Pauwi kasi ng Manila sina Mama at Papa ngayong araw na ito dahil may namatay ang
nanay ni Mama. Bale, lola namin. Hindi kami maaaring sumama dahil sa parehas kaming
may pasok ng kapatid ko at nagkataon na exam week pa. Isa pa ay may tinatapos din
akong thesis.

Maya maya na nga ay lumabas na sa banyo si Papa. "Tapos ka na bang mag-empake,


Lilia?" tanong ni Papa kay Mama.

"Patapos na ako, sandali lang," anito. "Teka, nasaan ba si Rico?"

"Nasa salas po. Nanonood ng Spongebob..." sagot ko.

Nang matapos na si Mama sa pag-eempake ay iniwan ko na sila sa kwarto nila para


makapagbihis. Nagpunta ako kay Rico at nakinood ng TV sa kanya. Ilang sandali lang
nag lumipas ay lumabas na sila ng silid na iyon. Si Papa ang may bitbit ng
travelling bag. Agad kaming tumayo ni Rico upang ihatid sila sa may pintuan.

Niyakap kami nina Mama at Papa.

"Sana naman po, hindi magalit ang kaluluwa ni Lola Koring kasi hindi kami
makakasama..." sabi ko.
Ngumiti si Mama at ginulo ang buhok ko. "Maiintindihan naman kayo ng lola niyo,
Rance. Alam niyo kung gaano siya kabait noong buhay pa siya, 'di ba?" Tumango ako
at malungkot na ngumiti.

Minsan lang kasi namin nakakasama ang lola namin na iyon. Bukod kasi sa malayo ang
lugar namin sa kanila ay hindi pa kasundo ni Mama ang kapatid niyang babae na nag-
aalaga kay Lola Koring. Nadadalaw naman namin si lola doon pero maswerte na ang
isang beses sa isang taon.

"'Wag kang mag-alala, Rance. Si Lola Koring niyo na lang ang pupunta dito sa inyo!"
natatawang pananakot ni Papa.

"Papa!" pinandilatan ko siya ng mata.

"Hay naku, Henry! Tinakot mo pa ang mga bata! Oh, sige, Rance... Aalis na kami at
baka gabihin na kami masyado. Ang mga bilin ko, ha..." sabi ni Mama at umalis na
nga sila.

-----***-----

INILIPAT ko sa kwarto ko ang TV ng gabing iyon. Wala namang pasok kinabukasan kaya
okey lang na manood ako buong magdamag. Matapos kong pakainin, painumin ng vitamins
at linisan ng katawan si Rico ay pumunta na kami sa aking kwarto.

"Rico, dito ka muna matutulog katabi ko, ha," sabi ko sa kanya. Palagi kasing
katabi nina Mama na matulog nag kapatid kong iyan kahit na may sariling kwarto na
siya. Matatakutin kasi!

Tumango siya. "Opo, Ate Rance! Pero ate pwede po ba tayong maglaro muna bago tayo
matulog?"

"Ha? Bakit maglalaro ka pa? Gabing-gabi na. Kaya nga dito ko inilagay ang TV para
malibang ka habang nagpapaantok."

"Please, ate! Please..." nagmamakaawa pa talaga siya.

Hay! Mukhang hindi ko kayang i-resist nag ka-cute-an ng kapatid kong ito.

Pinisil ko ng may kasamang panggigigil ang kanyang pisngi. "Naku!!! Kung hindi ka
lang cute, eh. Sige na nga! Anong laro ba ang gusto mo?"

"Tagu-taguan!"
"Sigurado ka?"

"Opo, ate. Kasi hindi ako sinasali ng mga bata sa labas kapag naglalaro sila ng
tagu-taguan. Masyado pa daw akong bata. Kaya please, ate... laro tayo ng tagu-
taguan..."

"Oo na!"

"Yehey! Thank you, ate. Ako ang tatago tapos hahanapin mo ako." Anito.

Pumayag na lang ako sa gusto ng kapatid ko. Mabuti na rin siguro iyon kasi kapag
napagod siya kakalaro ay siguradong makakatulog na siya. Mas okey na ito kesa
pagbasahin niya ako ng story book para makatulog. Ang boring kaya no'n. Baka ako pa
ang unang antukin.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laro naming tagu-taguan ni Rico. Isinubsob ko na


ang mukha ko sa kama upang makapagtago na si Rico. Nang matapos na ako sa
pagbibilang ng hanggang sampu ay nag-umpisa na akong hanapin siya. Narinig ko na
lumabas siya ng kwarto ko kaya alam kong wala siya dito.

"Rico... Nasaan ka na?" pakantang sabi ko.

Nakita kong nakaawang ang pinto ng kwarto nina Mama. Napangiti ako. Mukhang hindi
ako mahihirapang hanapin ang kapatid ko. Ang galing ko talaga. Pagpasok ko sa
kwarto nina Mama ay hindi ko na binuksan ang ilaw dahil sapat na ang liwanang na
nagmumula sa labas. Napansin ko na nakabukas ang closet at bahagyang gumagalaw-
galaw pa ang pinto niyon. Naku naman, talagang hindi ginalingan ng kapatid ko ang
pagtatago niya. Walang challenge!

Dahan-dahan akong humakbang palapit sa closet. Ipinasok ko ang kamay ko sa loob at


hinawi ang mga nakahanger na damit. Nang may makapa akong kamay ay hinawakan ko
iyon. "Huli ka, Rico!" malakas kong sigaw sabay tawa. Hinigit ko siya pero parang
nag bigat-bigat niya. Hindi ko na pinansin na malamig ang kamay niya basta panay
ang hila ko sa kanya ngunit hindi ko siya mailabas sa closet. Doon na ako biglang
kinabahan. "Ano ba, Rico! Lumabas ka na nga diyan!"

"Ate, anong ginagawa mo diyan?" Biglang nagtayuan ang balahibo ko sa aking buong
katawan nang marinig ko ang boses ni Rico sa aking likod. Nanlaki ang mga mata ko
nang paglingon ko sa aking likod ay nakita kong nakatayo si Rico sa may pintuan.

Mabilis kong tiningnan ang kamay na hawak ko at napasigaw ako nang malakas nang
makita kong hindi iyon kamay ng isang bata kundi kamay ng isang matanda dahil kulu-
kulubot na iyon! Bibitawan ko na sana ang kamay ngunit ito naman ang humawak sa
kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niyon kaya mas lalo akong napasigaw.

"Ricooo!!! Tulong!!!" sigaw ko.


Sa pagsigaw ko na iyon ay agad din naman akong binitiwan ng kulubot at malamig na
kamay. Tumakbo ako kay Rico at tumakbo kami papunta sa kwarto ko habang karga ko
siya. Magkayakap kaming napasiksik sa kama. Nanginginig ang buong katawan ko sa
sobrang takot at sa bilis ng mga pangyayari.

Alam kong hindi tao ang nasa closet nina Mama. Alam kong isa iyong kaluluwa. Sa
malamig at kulubot na kamay na iyon, naisip ko na baka iyon ay si Lola Koring.
Dinadalaw kami dahil hindi kami makakapunta sa burol niya!

GOOD NIGHT!

=================

Story #10- Earphone

Story #10- Earphone

(Ang kwentong ito ay para kay SheMae Jijiera WP/ Sheryl Mae Basco...)

ANG hilig ko sa pakikinig sa musika ay natigil simula nang mangyari sa akin ang
nakakakilabot na pangyayaring iyon. Apat lang kami sa bahay. Ako, si Ate Kyla, si
Mama at si Papa. Isang call center agent si Ate Kyla. Habang ako naman, sa edad
kong nineteen ay naghahanap na ako ng aking trabaho para naman kahit papaano ay
makatulong ako sa aking pamilya.

Isang araw, nagulat kaming lahat nang lumabas si Ate Kyla sa kwarto niya na puro
pantal ang kanyang braso. Iyon pala ay maraming anay sa kanyang kama at
pinagkakagat siya. Agad na itinapon namin ang kanyang higaan dahil baka kumalat pa
ang anay sa ibang parte ng bahay.

"Kyla, doon ka muna matulog mamayang gabi sa kwarto ni Sheryl habang hindi pa
napapalitan iyong kama mo. Tutal naman ay malaki ang higaan niya," sabi ni Mama kay
Ate.

Pumayag naman ako sa gusto ni Mama. Ganoon na nga ang nangyari. Nang gabing iyon sa
kwarto ko siya natulog. Nakaugalian ko na ang magpatugtog ng mga favorite kong K-
Pop songs gamit ang aking cellphone na nilalagyan ko pa ng speaker para mas
malakas. Ang weird ko, pero mas nakakatulog ako kapag maingay. Hindi iyon
nagustuhan ni Ate Kyla kaya naman bumalikwas siya ng bangon at pinagsabihan ako.

"Ano ka ba naman, Sheryl? Pwede bang patayin mo na iyang sounds mo? Sa tingin mo
makakatulog ako niyan? Alam mo naman na maaga pa ang pasok ko bukas, 'di ba?"
naiinis na sabi niya sa akin.

"Pero, ate, ako naman ang hindi makakatulog kapag pinatay ko 'yong music! Sanay na
ako na maingay kapag natutulog ako, eh," nakalabi ko namang katwiran.
Kakamot-kamot na bumaba ng kama si Ate Kyla. "Isusumbong kita kina Mama!" banta pa
niya at lumabas siya ng kwarto ko.

Maya maya nga ay kasamang bumalik ni ate si Mama. Sinabihan ako ni Mama na patayin
na ang patugtog ko pero hindi ako nagpatinag. Nangatwiran ako na kwarto ko iyon at
ako ang masusunod. Wala silang nagawa kaya naman magdamag na may nakatakip na unan
sa tenga ni Ate Kyla.

-----***-----

KINABUKASAN, pagkauwi ni Ate Kyla ay nagulat na lang ako nang bigyan niya ako ng
kulay itim na earphone. Agad ko naman na tinanong siya kung para saan iyon.

"Para sa ating dalawa. Naiwanan kasi ng katrabaho ko kahapon, so, kinuha ko na


lang. Marami naman siya niyan, eh. Mag-earphone ka na lang mamayang pagtulog natin
para makatulog ako! Grabe, hindi ako nakatulog ng ayos dahil sa sounds mo, Sheryl!"
ani Ate Kyla.

Hmm... Mukhang magandang idea nga itong earphone. Parehas kaming magbe-benefit nito
ni Ate Kyla.

-----***-----

ORAS na ng pagtulog. Tulad kagabi ay sa kwarto ko pa rin muna matutulog si Ate


Kyla. Nauna na siyang matulog sa akin dahil may pasok pa siya kinabukasan. Nanood
pa kasi ako ng Two Wives. Bago ako mahiga ay kinuha ko na iyong earphone na
ibinigay niya sa akin kanina. Isinaksak ko na iyon sa aking cellphone at inilagay
ko na sa aking tenga pagka-play ko ng music. Wow! Okey 'to, ha! Mas okey pala kapag
naka-earphone kasi mas kulong sa tenga ko iyong pinapakinggan ko. Hanggang sa
ipikit ko na ang aking mga mata upang matulog...

-----***-----

NAGISING ako nang may maramdaman ako parang kumikiliti sa aking tenga. Hindi ko
alam kung anong oras na pero madilim pa rin. Papungas-pungas na kinapa ko ang aking
tenga at nalaman ko na naroon pa rin ang earphone. Papatulog na ulit ako nang
parang may naririnig akong bumubulong sa tenga ko kasabay ng music na napapakinggan
ko doon.

Parang boses ng isang lalaki na may malaking boses. Bumango ako dahil baka naman
nasa kwarto ko si Papa, ngunit wala siya dito. Tiningnan ko si Ate Kyla. Tulog na
tulog naman siya. Maya maya ay nawala na ang bumubulong kaya humiga na ulit ako.
Saktong pagpikit ko ay muli ko na namang narinig ang bumubulong. Parang
nanggagaling iyon sa loob ng earphone! Kinikilabutan na tinanggal ko sa aking tenga
iyon. Pinakinggan ko ang paligid ngunit wala akong naririnig na bumubulong. Ibig
sabihin ay sa earphone ko siya naririnig!
Tiningnan ko ang earphone at huming nang malalim. Hindi naman kaya epekto na ito ng
palagi kong pakikinig ng music? Siguro nga...

Isinalpak ko ulit ang earphone sa aking tenga at muli ko na namang narinig kasabay
ng music ang lalaking bumubulong. Pero sa pagkakataong ito ay medyo malinaw na...

Pilit kong inintindi iyong binubulong ng lalaki...

"Sumama ka... Sumama ka... Sumama ka sa akin..."

Hindi ko alam pero parang natatakot ako sa naririnig ko. Sumama daw ako sa kanya?
Pinakinggan ko ulit nang mabuti.

"Sumama ka sa akin... Sumama ka... Sumama ka sa akin..."

Hanggang sa biglang nawala na iyon. Pati ang music na pinapakinggan ko. Tumahimik
ang buong paligid. Sa sobrang tahimik ay parang naririnig ko na ang sariling tibok
ng aking puso...

"SUMAMA KA SA AKIN SA KAMATAYAAANNN!!!"

Napasigaw ako sa sobrang takot nang may biglang sumigaw na lalaki sa earphone. Agad
kong tinanggal iyon sa aking tenga at itinapon sa sahig. Napasiksik ako sa ate ko
dahilan para magising siya.

"Sheryl, anong nangyari? Bakit ka sumigaw?"

Takot na takot na yumakap ako sa kapatid ko. "'Yong earphone, ate... M-may lalaki!
May lalaki!" nanginginig kong sabi.

Nang gabing iyon ay tinapon na namin ang earphone. Pinagtapat kasi sa akin ni Ate
Sheryl na ang may-ari ng earphone na iyon ay kasamahan niya sa trabaho na
nagpakamatay dahil iniwan ito ng nobya.

GOOD NIGHT!

=================

Story #11- Visitor

Story #11- Visitor

(Ang kwentong ito ay para kay TIMOTHY BRAVO...)


AKO si Timothy, mahiyain at mapag-isa na tao. Madalas nasa kwarto lang ako lalo
na't meron kaming bisita. Hindi rin ako mahilig makipagsalamuha sa aking mga pinsan
hindi katulad ng kapatid kong si Terrence. Matanda ako ng dalawang taon sa kanya.
Kabaligtaran ko si Terrence dahil kung ako ay mahiyain siya naman ay hindi. Madalas
siyang magdala ng kaibigan niya sa bahay at minsan ay dito pa sa bahay natutulog.

Tulad ng araw na iyon, nakaupo ako sa salas nang dumating si Terrence kasama ang
pinsan namin na si Louie. Sabi nila ay bukas daw ang third eye nito. Iyong tao na
nakakakita daw ng mga multo at kung anu-ano pang elemento. Nang makita ko pa lang
sila sa pintuan ay tumayo na agad ako at pumunta sa aking kwarto. Hindi talaga ako
kumportable na may ibang tao sa bahay namin maliban sa aking pamilya.

Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay naupo na lamang ako sa aking kama. Maya
maya ay narinig ko ang boses ng aking nanay.

"Oh, Louie, 'andito ka pala!"

"Naku, opo, tita... Makikitulog po sana muna ako dito sa inyo kung okey lang sa
inyo," boses naman iyon ni Louie. "May pupuntahan po kasi bukas na company malapit
dito sa bahay niyo. Eh, kailangan po na maaga ako doon..."

"Oo naman, Louie. Walang problema sa akin. Doon ka na lang matulog mamaya sa kwarto
ni Timothy," sabi pa ni nanay.

Ha? Nakakaasar naman si nanay, oh.

Bakit naman dito pa niya papatulugin si Louie? Alam naman niya na hindi ako sanay
na may ibang kasama sa kwarto ko. Pero, kilala ko si nanay, eh. Palaging nasusunod
ang mga gusto nito. Wala na nga siguro akong magagawa. Isang gabi lang naman na
matutulog dito ang pinsan kong si Louie. Titiisin ko na lang.

-----***-----

PINATAPOS ko muna silang lahat na kumain bago ako naghapunan. Nanonood na sila
nanay, Terrence at Louie ng TV sa salas nang matapos ako. Nang dumaan ako sa salas
ay nagpaalam na ako sa kanila na pupunta na ako sa kwarto ko para magpaantok.
Masyado yata silang tutok sa panonood ng programa sa TV kaya hindi na nila ako
binigyan ng pansin.

Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at pumunta na sa aking kwarto.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga koleksiyon ko ng aklat sa aking maliit na


book shelf. Magbabasa na lang ako ng aklat hanggang sa antukin ako. Isang horror
book ang napili ko. Nabasa ko na iyon pero uulitin ko na lang. Lahat naman kasi ng
naroon ay nabasa ko na.
Humiga na ako sa kama upang umpisahan na ang pagbabasa. Nakaka-tatlong pahina
pa lamang ako nang marinig ko ang pag-ikot ng door knob ng aking pintuan. Mukhang
matutulog na rin si Louie.

Mabilis kong inilapag ang aklat sa aking tabi at nagkunwaring natutulog.


Hindi kasi ako kumportable. Baka mamaya kausapin pa niya ako. Ito na kasi talaga
ang ugali ko. Sobrang mahiyain! Bahagya kong iminulat ang aking mga upang masiguro
ko na si Louie nga ang pumasok sa aking kwarto. Hindi nga ako nagkamali. Siya nga.

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagtutulog-tulugan. Ididiretso ko na ito sa


totoong tulog, tutal naman ay medyo inaantok na ako.

Pero hindi yata ako makakatulog nito dahil sa sobrang likot pala matulog ni
Louie. Tuluyan ko nang iminulat ang aking mata at nakita kong parang hindi siya
mapakali sa pagkakahiga. 'Andoon iyong papaling siya sa kaliwa at kanan. Dadapa
tapos titihaya. Hindi naman siya nananaginip dahil sa nakabukas ang kanyang mga
mata.

Ano bang problema niya?

Hindi na ako nakatiis kaya naman bumangon na ako. "Louie, may problema ba?"
sabay hawak ko sa kanyang likuran.

Nang hawakan ko siya ay bigla siyang tumigil sa paggalaw. Lumingon siya sa


akin. Merong kakaiba sa tingin niya. Parang... takot na takot siya. Bigla akong
kinilabutan nang maisip ko na baka may nakikitang multo si Louie sa kwarto ko.

"L-louie? A-ano ba? May nakikita ka ba? 'W-wag mo naman akong takutin..."
Natatakot kong sabi sa kanya.

Nanatili siyang tahimik habang naroon pa rin ang takot sa kanyang mukha.

Bigla na lang siyang tumalikod ng pagkakahiga sa akin at dinig na dinig ko


ang mumunti niyang pagdadasal. Napalingon tuloy ako sa paligid ko. Umaasa ako na
makakakita ako ng duguang babae na naputi pero wala akong nakita...

-----***-----

MALIWANAG na nang magising ako. Wala na sa tabi ko si Louie. Nag-inat muna ako ng
konti at lumabas na ng aking kwarto. Nadatnan ko sina Louie, nanay at Terrence sa
may pintuan. Mukhang aalis na si Louie dahil nakabihis na siya at bitbit ang
kanyang bag.

"Salamat nga po pala sa pagpapatuloy niyo sa akin dito, Tita... Terrence,


thank you!" Narinig kong sabi ni Louie.
"Wala iyon, Louie. Bukas palagi ang bahay namin para sa'yo. Ingat ka nga pala
sa pupuntahan mo, ha..." Si nanay naman iyon.

"Ah, tita, may sasabihin sana ako sa inyo."

"Ano iyon, Louie?"

"Hanggang ngayon po pala ay hindi pa rin umaalis dito si Timothy, 'no? Kagabi
kasi, nakita ko siya sa kwarto niya. Katabi ko siya sa pagtulog... Hindi ko nga
pong maiwasan ang hindi matakot kasi kung ano iyong hitsura niya nang magbigti siya
sa kwarto niya ay ganoon po ang hitsura niya nang makita ko siya kagabi..." Biglang
napagawi ang tingin ni Louie sa akin. Bahagya siyang ngumiti at muling tumingin sa
aking nanay. "Sige po, tita... aalis na po ako," anito.

GOOD NIGHT!

=================

Story #12- Banyo

Story #12- Banyo

(Ang kwentong ito ay para kay GIO KARLO/ G.K. BRILL...)

ISANG nakakapangilabot na pangyayari sa aking buhay ang hinding-hindi ko


makakalimutan. Simula nang mangyari sa akin iyon ay tumiim na sa utak ko na hindi
naman pala masama na minsan ay makinig sa mga sinasabi ng ibang tao...

-----***-----

BWISIT naman, oh! Bakit naman ngayon pa umulan kung kailan pauwi na ako? Nananadya
ba ang langit at talagang gusto akong mabasa. Napatakbo tuloy ako mula sa
paglalakad ko. Nagtatakbo ako papunta sa isang bukas na restaurant na walang
masyadong tao.

"Hay... Kainis!" sabi ko pagkaupo ka sa bakanteng upuan.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ko ang aking braso at buhok
na basang-basa na. Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang oras. Naku
naman... Alas-diyes na ng gabi. Lalo akong nabwisit nang makita ko na bahagya nang
tumataas ang tubig sa labas dahil palakas nang palakas ang ulan.

Agad kong tinawagan ang kaibigan ko na may kotse-si Owen.


"Hello, Gio?" Medyo maingay sa background ni Owen. Alam ko na nasa birthday
party ito ng girlfriend nito. Doon nga ako galing, eh. Umuwi lang ako dahil
nabwisit ako kasi binubuyo pa rin nila ako doon sa ex ko na invited din doon.

"Owen, papasundo sana ako sa'yo, eh. Okey lang ba?"

"Naku, sorry, pare. Hindi ako pwede. 'Andito ako sa party ni Jessa! Birthday
niya!" Si Jessa ang girlfriend nito.

"Alam ko. Diyan nga ako galing, gago! Sunduin mo ako dito sa..." sandali kong
ibinitin ang sasabihin ko. Iginala ko ang paningin ko para malaman ko kung ano ang
pangalan ng restaurant na kinaroroonan ko. "Blue Fins Restau-"

"Hindi nga sabi ako pwede, pare. Sige na. I have to go. Bye!" At dial tone na
ang narinig ko.

'Gago ka, Owen!' Inis na mura ko sa kanya sa isip ko.

Hindi niya maiwan-iwanan ang girlfriend niyang mukhang sandok!

Paano na ako uuwi nito? Wala nang nagdaraan na sasakyan dahil baha na nga.
Hindi na ako nito makakauwi sa apartment ko. Dapat pala ay hindi na ako umalis doon
sa party. Nagtiis na lang sana ako na biruin nila doon sa ex-girlfriend ko na
niloko lang ako.

'Ang tanga-tanga mo talaga, Gio!' Paninisi ko sa aking sarili.

"Ah, sir... Magsasara na po kami..." Napatingala ako sa waiter na nagsalita.

Pagtingin ko sa paligid ko ay doon ko lang napagtanto na mag-isa na lang pala


ako na naroon sa restaurant. Wala akong nagawa kundi ang lumabas na. Sumilong na
lang ako sa gilid ng naturang restaurant upang kahit papaano ay hindi ako mabasa ng
ulan.

Nagpalinga-linga hanggang sa dumako ang mata ko sa building na nasa tapat ng


restaurant. Isa iyong hotel. Doon na lang kaya ako magpalipas ng magdamag? Kinuha
ko ang wallet ko at tiningnan ang laman. May sapat pa naman akong pera.

Nagbilang ako ng hanggang tatlo at parang sinisilihan ang puwit na nagtatakbo


ako pakabila ng kalsada. Agad akong pumasok at muntik na akong mapasigaw sa sobrang
takot nang imbes na magandang babae ang nasa receptionist tulad ng karaniwang mga
hotel ay isang payat na matandang babae na puro puti na ang buhok ang naroon.

"Mag-che-check in ka ba?" tanong pa niya sa garalgal niyang boses.


"Ah, eh... Opo," sagot ko.

"Wala na kaming bakante," sagot naman niya.

Napanganga ako. "Ha?! Sa laki ng hotel niyo, wala na?"

"Marami ang naka-check in ngayon dahil naulan."

"Kahit isang room na mumurahin lang?"

"Wala na talaga-"

"Niloloko niyo ako, eh! 'Ayan, oh. May nakasabit pang isang susi!" sabay turo
ko sa doon sa sabitan ng susi. May nag-iisang susi na naroon at sigurado akong susi
iyon ng isa sa mga kwarto nila dito sa hotel.

"Hindi na namin pinapagamit ang Room 606..."

"Pero, bakit?"

"Basta!" giit niya.

"Please naman po. Kahit ngayong gabi lang. Wala akong pakialam kahit ano ang
dahilan niyo kung bakit hindi niyo iyon pinapagamit. Ang gusto ko ay isang kwarto
lang at karapatan ko iyon! Magbabayad naman ako, eh! Maaatim niyo ba na matulog ako
sa labas habang-"

"Oo na! Oo na! Ang dami mong sinasabi!" putol ng matanda sa pagsasalita ko.
Napa-yes ako sa loob-loob ko. "Ilang oras ba ang gusto mo?"

"Eight hours."

Kumuha siya ng papel at nagsulat doon. Resibo yata.

"Seven hundred fifty lahat..." sabay kuha niya ng susi. "Pero, isa lang ang
bilin ko sa iyo. 'Wag na wag mong gagamitin ang banyo sa kwartong iyon..."

Kahit medyo nawe-weirduhan ako sa sinabi ng matanda ay um-oo na lang ako.


Medyo napapagod na rin kasi ako at kailangan ko na ang isang malambot na kama na
mahihigaan. Walang elevator kaya naghagdan ako paakyat sa sixth floor.

Agad ko namang nakita ang Room 606. Mukhang okey naman pala itong kwarto. May
aircon at malinis din. Nakakapagtaka lang kung bakit parang ayaw itong ipagamit sa
akin no'ng matanda. Ang akala niya yata ay wala akong pambayad. Eh, kahit nga
sampung kwarto sa hotel na ito ay kayang-kaya kong rentahan.

'Oh, tama na, Gio. Nahangin na, eh!' Saway ko sa aking sarili.

Pero ang sabi nga pala no'ng matanda ay 'wag kong gagamitin iyong banyo dito.
Bakit kaya? Ang weird niya talaga...

Bahala na nga. Ang importante ay may pagpapalipasan na ako ng gabi.

-----***-----

SH*T! Puputok na ang pantog ko!

Naputol pa ang tulog ko dahil sa bigla akong nakaramdam ng naiihi ako. Pero,
ang sabi sa aking ng no'ng matanda ay 'wag ko daw gagamitin iyong banyo dito.
Alangan naman na dito ako umihi sa mismong kwarto. Hindi naman ako ganoon ka-
bastos.

Ah, bahala na nga. Hindi ko na lang sasabihin doon kay lola na ginamit ko ang
banyo. He-he.

Halos talunin ko iyong kama pagbaba ko kasi pakiramdam ko ay sasabog na ihi


ko. Ganito kasi ako pag malamig at umuulan, madalas akong umihi.

Pagbukas ko ng banyo ay may naramdaman akong napakalamig na hangin na parang


humampas sa aking mukha. Nagtaasan din ang balahibo ko sa braso nang walang
dahilan. Saglit akong natigilan at pumasok na ako at nagmamadali na tinungo ang
inidoro at umihi. Pagka-flush ko ay bumalik na ulit ako sa kama upang mahiga.

Niloloko yata talaga ako ng matandang iyon. Wala namang kakaiba doon sa
banyo, bakit niya ako pinagbabawalan na pumunta doon?

Papatulog na ako ulit nang biglang bumukas ng kusa ang ilaw sa kwarto. Maya
maya ay narinig ko ang pag-ingit ng pinto ng banyo at nang tingnan ko iyon ay
nakita kong bumubukas iyon ng kusa kahit wala namang hangin. Doon na ako nakaramdam
ng takot lalo na ng may marinig akong yabag ng mga paa na nanggagaling sa loob ng
banyo!

At mula sa nakabukas na pinto ng banyo ay sumungaw ang mukha ng isang


pamilyar na tao-iyong matanda sa reception area!

Nakangiti siya. Isang nakakatakot at napakalaking ngiti!


Puro puti ang kanyang mata katulad ng kanyang puting buhok. Umaagos ang
malapot na dugo sa kanyang buong mukha hanggang sa suot niyang damit.

"Hindi ba ang sabi ko ay 'wag kang pupunta sa banyo ko!" sigaw niya sa akin
ngunit hindi bumubuka ang bibig niya at hindi napapalis ang nakakakilabot na ngiti
niya.

Malakas akong napasigaw at nagtatakbo palabas ng Room 606. Pagdating ko sa


reception area ay isang babaeng nasa mid-20's ang naabutan ko na naroon.

"M-may multo! May multo!!!" takot na takot na sigaw ko sa babae.

"Sir, ano po bang nangyari?" Nagtatakang tanong no'ng babae.

Kwinento ko sa pagitan ng paghingal ko ang lahat. Simula nang mag-check in


ako at isang matandang babae ang nag-assist sa akin hanggang sa makita ko siya sa
banyo.

Pagkatapos kong magkwento ay biglang napa-sign of a cross iyong babae. "Naku,


sir, mukhang napaglaruan kayo ni Lola Nora."

"Sinong Lola Nora?"

"Iyong matandang namatay doon sa Room 606. Nag-check in kasi siya dito kasama
ang anak niya. Nadulas siya doon sa banyo at humampas ang ulo niya sa bowl. Pero
ang kwento, sinadya siyang patayin ng anak niya para makuha ang kayamanan niya...
Pasensiya na kayo, sir. Ililipat ko na lang po kayo ng room," sabi pa sa akin no'ng
babae.

Kaya pala. Kaya pala ayaw niya akong papuntahin sa banyo sa Room 606 dahil...
makikita ko siya doon!

GOOD NIGHT!

=================

Story #13- Lock Your Door

Story #13- Lock Your Door

(Ang kwentong ito ay para kaya JASS CRUZ/ JASMINE...)

"TITO ROEL!!!" Malakas at nanghihilakbot kong sigaw pagkapasok ko sa kwarto na


iyon.
Halos bumaligtad ang aking sikmura nang makita ko ang kanyang hitsura. Halos
maligo na siya sa sarili niyang dugo habang padapa siyang nakahiga sa sahig.
Kitang-kita ko pa ang dugong bumubukal sa kanyang ulo. Sa tabi niya ay naroon ang
isang TV na ginamit ng lalaking iyon na pangpukpok sa ulo nito.

Lalapitan ko pa sana ang aking tito ngunit may mga kamay na pumigil sa akin
para gawin iyon. Kamay ng isang pulis na ngayon lang dumating kung kailan nakatakas
na ang lalaking iyon! Wala na... Huli na ang lahat. Kung hindi ko sana nakalimutan
na gawin ang bagay na iyon ay hindi sana ito mangyayari...

-----***-----

BAGO mangyari ang kaganapan na iyon ay masayang-masaya pa kaming nagkukwentuhan ng


aking tito at tita sa salas tungkol sa magaganap na birthday ng huli. Wala kasing
anak sina Tito Roel at Tita Glenda kaya kinuha nila ako sa probinsiya upang pag-
aralin dito sa Manila. Hindi na ako nagdalawang-isip noon na sumama sa kanila dahil
sa inisip ko na hindi naman ako kayang pag-aralin ng mga magulang ko ng kolehiyo.
Isa pa, gusto ko rin talaga ang makapagtapos ng pag-aaral upang balang-araw ay
makatulong ako sa aking pamilya.

"Bakit kasi kailangan pa nating maghanda, eh, ang tanda ko na?" Natatawang
sabi pa ni Tita Glenda.

"Ano ka ba naman, Glenda, forty-five years old ka na sa susunod na araw kaya


dapat talagang handaan ka. Saka, ayaw mo no'n, dahil sa birthday mo darating dito
sa bahay ang iba mong kapatid. Parang reunion niyo na rin, 'di ba?" sagot naman ni
Tito Roel.

"Oo nga naman, tita. Miss ko na rin ang nanay, eh..." dugtong ko pa. Kapatid
kasi ni Tita Glenda ang aking nanay.

"Hay... ano pa nga ba ang magagawa ko, eh, dalawa kayo. Sige na, payag na
ako." Natatawa pa niyang sabi.

-----***-----

PAGSAPIT ng ala-singko ng hapon ng araw na iyon ay umalis na si Tita Glenda upang


pumasok sa trabaho. Isa kasi siyang supervisor sa pagawaan ng mga computers. Pang-
gabi siya ng araw na iyon kami kaming dalawa na lang ni Tito Roel ang naiwan sa
bahay.

Matapos makapaghapunan ay hinugasan ko na ang mga pinagkainan namin. Nanonood


si Tito Roel ng NBA nang matapos na ako. Kinuha ko sa kanya ang remote at nilipat
sa isang channel kung saan may TV series akong pinapanood.

"Ako muna manonood ngayon, tito, ha. Ako naghugas ng plato, eh!" sabay ngiti
ko sa kanya.

"Oo na, sige na! Naku, bukas ng gabi ay uunahan na kita ng paghuhugas ng mga
plato para ako ang may karapatan sa TV!"

Nagkatawanan kaming dalawa sa sinabi niya. Ganoon kami ka-close na parang


magkapatid lang ang turingan namin. Maya maya ay tumayo na si Tito Roel. Doon na
lang daw siya manonood sa kwarto nila ng tita ko. May maliit kasing TV doon. Bago
siya pumasok sa kwarto nila ay pinagbilinan niya ako na i-lock ko ang pintuan
namin.

"Sige po, tito. Ako pong bahala..." sabi ko.

"'Wag mong kakalimutan ang utos ko, Jasmine. I-lock mo iyong pintuan sa harap
pati 'yong sa likod. Nakita ko kasi sa balita kanina na may parang serial killer na
gumagala dito sa lugar natin. Isang pamilya ang nabiktima noong isang gabi, ah."

"Opo, hindi ko kakalimutan, tito. Good night po!"

"Good night, Jasmine..." anito at pumasok na ito sa kwarto.

Medyo ipinagsawalang-bahala ko ang sinabing iyon ni Tito Roel. Serial killer


daw... For sure, hindi naman iyon totoo. Minsan kasi, medyo OA lang ang mga balita.
Sasabihin na serial killer pero ang totoo kaya pinatay ang pamilyang iyon ay baka
may kaaway ang nanay or tatay ng pamilyang iyon.

-----***-----

HALOS alas dose na ng hatinggabi nang matapos ako sa aking pinapanood kaya naman
antok na antok na ako. Kung hindi ko lang talaga paborito ang programang iyon,
hindi ako magpupuyat ng ganito. Pinatay ko na ang TV at nagpunta sa ikalawang
palapag ng bahay. Naroon kasi ang aking silid.

Pagkahiga ko sa aking kama ay doon ko lang naisip ang sinabi sa akin ni Tito
Roel na i-lock ko iyong mga pintuan bago matulog. Gusto ko pa sanang bumangon para
gawin iyon pero talagang antok na ako at inabot na rin ako ng katamaran. Inisip ko
ng mga sandaling iyon na wala namang mangyayaring masama. Ipinikit ko na lang ang
aking mga mata upang makatulog na.

-----***-----

NAGISING ako bigla nang makarinig ako ng pagkalampag na parang nanggagaling sa may
kusina. Aakalain ko sana na pusa lang iyon pero bigla iyong sinundan ng kalunos-
lunos na pagsigaw ni Tito Roel. Impit lang ang sigaw niya pero ramdam ko na parang
dumaranas siya ng walang hanggan na sakit.
Napabalikwas ako ng bangon at nagmamadali na lumabas ng aking kwarto upang
alamin kung ano ang nangyayari. Pababa na sana ako ng hagdan nang bigla akong
magulat nang makita ko na papaakyat si Tito Roel. Duguan siya at may saksak ng
kutsilyo sa tiyan. Nakabaon pa sa kanyang tiyan ang kutsilyo!

"Tito, a-anong nangyari sa inyo?!" nanghihilakbot na tanong ko.

"J-jasmine! Bumalik ka sa kwarto mo. M-magtago ka! Bilis!" hirapang utos


niya.

"Pero... b-bakit po?" Nalilito kong tanong. Hindi ko na alam kung


sasaklolohan ko ba siya o aakyat ulit pataas dahil iyon ang gusto niya.

"Magtago ka, Jasmine! Bilisan mo!"

"O-opo!" At natataranta na bumalik ako sa aking silid.

Bahagya kong iniawang ang pinto upang silipin si Tito Roel. Nakita ko na
isang matangkad na lalaki ang lumapit sa kanya. May hawak itong patalim. Sino ang
lalaking iyon? Papaano siya nakapasok sa loob ng bahay?

Bigla akong natigilan sa tanong kong iyon sa aking sarili. Oo nga pala, hindi
ko na-i-lock ang pinto! Kaya nakapasok ang lalaking iyon dahil hindi ko ni-lock ang
mga pinto bago ako matulog kanina!

Naituptop ko ang aking kamay sa aking bibig nang biglang undayan ng saksak ng
lalaki si Tito Roel sa dibdib. Hindi ako pwedeng sumigaw. Hindi pwede dahil
makikita ako ng lalaking iyon!

"S-sino ka? B-bakit mo i-ito g-ginagawa sa a-akin?" hirapang tanong ni Tito


Roel.

Malakas na tumawa iyong lalaki bago ito sumagot. "Dahil galit ako sa mga
taong hindi kinakandado ang kanilang mga pintuan sa gabi! Galit ako sa mga
iresponsableng tao! Alam mo kung bakit? Dahil... dahil pinasok ng isang hayop na
lalaki ang bahay ko noon at walang awa na pinatay ang mag-iina ko! Hindi kasi nila
na-lock ang pinto ng bahay noon. Ngayon, ako naman ang papatay sa mga taong
kinakalimutan na ikandado ang kanilang mga pintuan!" At muli itong tumawa.

Pagkasabi nito niyon ay isa pang saksak sa dibdib ang ibinigay nito kay Tito
Roel. Kitang-kita ko kung paano hilahin ng lalaki ang aking tito pababa ng hagdan.
Wala akong ideya kung saan niya ito dadalhin at kung ano ang gagawin niya dito.

Isinara ko na ang pinto ng aking kwarto at hindi ko kinalimutan na i-lock


iyon. Umupo ako sa isang sulok at doon ako umiyak nang tahimik. Wala akong ginawa
kundi ang magdasal na sana ay makaligtas si Tito Roel sa kung sinumang hayop na
iyon!
Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ito! Kung ni-lock ko lang sana ang pintuan,
hindi ito mangyayari.

-----***-----

NAKALIGTAS ako sa pangyayaring iyon ngunit ang trauma na nakuha ko ay mukhang


matatagalan bago mawala. Namatay si Tito Roel sa paraang hindi makatao. Puno ng
saksak ang kanyang katawan at hinampas pa ng TV ang kanyang ulo. At ang lalaking
may gawa niyon sa kanya ay gumagala pa rin ngayon.

Labis ang pagdadalamhati namin ng Tita Glenda ko. At upang kahit papaano ay
hindi na niya maalala ang nangyari sa tito ko ay ipinabenta niya lahat ng gamit sa
kwarto nila. Kabilang na ang TV na madalas panooran ni Tito Roel. Ang huli kong
balita ay sa isang twelve years old na lalaki na ang pangalan ay Steve naibenta ang
TV na iyon...

GOOD NIGHT!

=================

Story #14- Ang Lalaki Sa Bintana

Story #14- Ang Lalaki Sa Bintana

(Ang kwentong ito ay para kay BRIDGETTE CAMINOC/ GETTE...)

AKO si Bridgette o mas kilala sa pangalan na Gette sa aking pamilya at sa ilang


malalakpit kong kaibigan at kakilala. Sixteen years old pa lang ako. Well, hindi
tungkol sa aking sarili ang ikukwento ko sa inyo kundi tungkol sa lalaki sa
kabilang bahay...

-----***-----

NAKAHIGA ako sa kama ko ng umagang iyon nang biglang umulan. Tumayo ako at
napadungaw sa bintana ng aking kwarto. Napangiti ako dahil sa wakas ay umulan na
rin. Matagal na rin kasi na nabubwisit ako sa sobrang init palagi ng panahon.
Mabuti na lamang at mukhang simula na ng tag-ulan. Mas gusto ko kasi ang maulan
kesa sa mainit.

Isasara ko na sana ang bintana ng aking kwarto dahil bahagyang pumapasok doon
ang patak ng ulan nang may makita akong isang closed van na tumigil sa harapan ng
bahay na katapat ng aming bahay. Mula sa closed van ay bumaba ang tatlong lalaki at
nagtungo sa bahay na nasa aming harapan.
Napakunot-noo ako.

'May titira na ba doon sa bahay na 'yon?' Naibulong ko sa aking sarili.

Matagal na kasing abandonado ang bahay na iyon. Mahigit limang taon na rin
siguro. Limang taon na rin na may nakalagay na 'House and Lot For Sale' sa kulay
green na gate ng bahay na iyon. Natatandaan ko pa nga, kalaro ko pa ang anak na
babae ng may-ari niyon noong bata pa ako. Pero ang alam ko umalis sila dahil nag-
migrate na sila sa Canada.

Mabuti naman pala at may titira na sa bahay na iyon. Kapag kasi nagigising
ako sa gabi ay hindi ko maiwasan na hindi tingnan ang bahay na iyon. Glass window
kasi ang bintana ko at walang kurtina, dagdag pa na nasa ikalawang palapag ang
kwarto ko kaya nakikita ko talaga. Malaki ang bahay at palaging madilim kasi wala
ngang tao. Kaya kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko. Baka may multong magpakita
sa akin sa isa sa mga bintana ng abandonadong bahay.

Pero dahil may nakatira na doon ay mawawala na siguro ang kilabot na


nararamdaman ko kapag tumitingin ako sa bahay na iyon.

-----***-----

SA GITNA ng aking pagtulog ay nagising ako. Alas-tres y media ng madaling araw -


ayon sa wall clock ko. Bakit ba palagi na lang akong nagigising ng ganitong oras?
Limang gabi na akong ganito. Napansin ko nga, simula nang may tumira na doon sa
kabilang bahay sa tapat namin ay palagi na akong nagigising ng ganitong oras.

Tulad ng dati ay napagawi na naman ang aking mata sa bahay na iyon. Ngunit wala na
ang takot dahil sa may ilaw na sa bakuran niyon. Napansin ko ang isang bintana na
nakabukas sa bahay sa tapat. Bukas ang ilaw at may lalaki na nakadungaw doon.

Marahan akong lumapit sa bintana ko upang mas mapagmasdan ang naturang


lalaki. Sa wari ko'y hindi nagkakalayo ang edad namin. Mas matanda lang siguro siya
ng ilang taon sa akin. Hindi naman ganoon ang layo ng bahay na iyon sa bahay namin
kaya malinaw kong nakikita ang lalaki. Parang nagmamasid siya sa paligid na ewan.
Hindi ba siya makatulog o tulad ko rin siya na naalimpungatan lang?

Maya maya ay kumaway iyong lalaki sa akin. Nanlaki ang mata ko at napaupo
upang itago ang sarili ko sa kanya.

Nakakahiya! Kumaway siya sa akin, ibig sabihin ay nakita niya ako! Kanina pa
ba niya ako nakikita? Baka isipin niya na pinapanood ko siya. Nakakahiya talaga!

Pagapang na tinungo ko ang aking kama dahil baka makita ako ng lalaking iyon
sa kabilang bahay. Bakit kasi tinagalan ko pa ang pagtingin sa lalaking iyon, eh.
Iniisip niya siguro na ang landi ko.
Ay naku, bahala nga siya. Hindi naman kami magkakilala kaya bakit ako
mahihiya sa kanya.

-----***-----

NANG sumunod na gabi ay naulit ang pangyayaring iyon. Nagising ako ng alas tres ng
madaling araw at nakita ko na naman ang lalaki sa kabilang bahay na nakadungaw sa
bintana. Kumaway siya ulit sa akin at sinenyasan ako na 'wag na akong umalis sa
bintana ko. Napangiti naman ako nang umakto siya na parang nagmamakaawa kaya hindi
na lang ako umalis doon. Hindi ko alam pero parang nag-eenjoy ako na makipagtitigan
sa kanya. Nakakaramdam ako ng kaginhawaan...

Hanggang sa tatlong sunod na gabi na nangyayari iyon. Hindi ko alam pero


pwede naman na mag-usap kami kapag umaga pero hindi nangyayari iyon. Kapag nakikita
ko kasi siya na lumalabas ng bahay nila ay nahihiya akong magpakita sa kanya.

At nang ika-apat na gabi na naulit iyon ay gumanti na ako ng kaway sa kanya. Mula
sa king kinaroroonan ay nakita ko na ngumiti siya sa akin. Nang sumenyas ako na
babalik na ako sa pagtulog ay bigla siyang nag-flying kiss sa akin. Biglang namula
ang magkabilang pisngi ko sa ginawa niya. Sinara ko na lang ang aking bintana at
kinikilig na humiga sa aking kama.

-----***-----

KINAUMAGAHAN ay lumabas ako ng bahay at nagpunta sa ming bakuran. May mini garden
kasi doon ang aking nanay na maraming rosas at daisies. Doon ako madalas tumambay.
May duyan kasi doon na nakatali sa matandang puno ng mangga. Umupo ako sa duyan at
bahagyang iniugoy ang aking sarili.

Mula sa loob ng bahay namin ay nakita ko na lumabas si nanay. Bibili na


siguro siya ng almusal. Paglabas niya ng bakuran namin ay nagulat ako nang bigla
siyang lapitan niyong lalaki sa kabilang bahay na madalas kumaway sa akin sa may
bintana.

Dahil sa hindi naman ganoon kalayo ang kinaroroonan ko sa kanila ay dinig na


dinig ko ang kanilang pag-uusap.

"Magandang umaga po. Ako po iyong anak ng bagong lipat diyan sa tapat. Ako po
si Nathan..." sabi no'ng lalaki kay nanay.

So, 'Nathan' pala ang pangalan niya. Sa wakay ay alam ko na rin!

"Ah, ganoon ba... Ako naman si Brenda. Tawagin mo na lang akong 'Aling
Brenda'..." magiliw na sagot ni nanay. "May maitutulong ba ako sa iyo, Nathan?"

"Wala naman po, Aling Brenda. Itatanong ko lang po sana kung ano iyong
pangalan no'ng babae na nakikita ko doon sa bintanang iyon," sabay turo ni Nathan
sa bintana ng kwarto ko. Kakamot-kamot pa siya sa likod ng ulo niya na parang
nahihiya.

Biglang namutla si nanay sa sa sinabi ni Nathan. "S-si Gette? Anak ko siya...


N-nakikita mo siya?"

"Opo. Tuwing alas-tres ng madaling araw. Kinakawayan ko po siya tuwing


nakikita ko siya. May insomnia po kasi ako kaya-"

"Nathan, h-hindi maaari ang sinasabi mo!" puto ni nanay sa sinasabi ni


Nathan.

"Ho? Bakit po?"

"D-dahil kaming dalawa lang ng asawa ko ang nakatira sa bahay namin. At si


Gette... isang taon na siyang patay! Nagpakamatay siya sa parehas na araw na
nagpakamatay ang nobyo niyang si Timothy. T-tumalon sa bintana ng kanyang kwarto si
Gette at tumama ang ulo siya sa bato habang si Timothy naman ay nagbigti sa kwarto
nito. Tutol kasi kami ng tatay niya sa relasyon nila dahil sa mga bata pa sila at
dahil siguro doon kaya sila nagpakamatay..."

Kitang-kita ko ang pagbakas ng kilabot sa mukha Nathan.

Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil sigurado ako na mamayang gabi ay hindi na


ako kakawayan ni Nathan mula sa kanyang bintana...

GOOD NIGHT!

=================

Story #15- CCTV

Story #15- CCTV

(Ang kwentong ito ay para kay SARAH LEE/ CAT LEE...)

NAPA-YES ako pagkagising ko ng umagang iyon. May kasama pa iyong pagtalon-talon sa


aking malambot na kama. Yes! Sobrang saya ko ngayong araw na ito. Ngayong araw kasi
ang alis ng aking daddy para sa business trip niya sa Australia. Ilang araw na rin
kasi akong inaaya ng friends ko para mag-bar hopping pero hindi ako makasama dahil
sa 'andito ang aking super strict na daddy na kung ituring ako ay parang fourteen
years old! I am old enough na naman para higpitan pa niya. Tapos sakto pa na nasa
vacation ang mommy ko kaya wala na talagang makakapigil sa akin para maging free!

"Ate Sarah, anong ginagawa mo? Para kang palaka diyan!" Tumigil ako sa
ginagawa ko nang biglang pumasok sa aking room ang super kulit kong little sister
na si Charm. Seven years old pa lang siya pero kung magtaray 'yan ay talagang talo
pa ako.

"Ah, wala. Nag-eexercise!" palusot ko.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Exercise or you're happy because daddy will
leave? Isusumbong kita-"

"Hoy, hindi, ah! Alam mo, ikaw talaga-Teka nga! Bakit pumapasok ka sa kwarto
ko nang hindi ka man lang kumakatok, ha!"

"May permission ako ni daddy. Pinapababa ka na niya dahil paalis na siya!" at


naka-crossed arms na tinalikuran ako ni Charm. Lumabas na siya ng room ko.

After kong maghilamos at mag-brush ng teeth ko ay bumaba na ako para puntahan


si daddy. Naabutan ko siya sa living room na karga si Charm. Nang lumapit ako para
halikan siya sa pisngi ay ibinaba niya muna si Charm.

"Ingat po kayo, daddy!" nakangiti kong sabi sa kanya.

"I know that smile, Sarah. You're happy dahil one month akong mawawala dito.
Magagawa mo na ang gusto mo, 'di ba?" aniya.

Naglungkot-lungkutan ako. "Of course not, daddy! Malungkot po ako kasi wala
nang magmamando dito sa akin. And besides, 'wag niyo naman ako masyadong
husgahan..."

"Oh, well. Kahit wala naman ako dito ay mamo-monitor ko pa rin kayo dito ni
Charm."

Napakunot ako ng noo sa sinabi niya.

"What do you mean by that?"

"May mga darating na tao dito mamaya para i-install ang CCTV cameras dito sa
loob at labas ng bahay. At naka-link iyon sa laptop ko kaya malalaman ko kung anong
oras ka naalis at nauwi, Sarah. You can't lie to me!"

Aapela pa sana ako ngunit nagpaalam na si daddy. Hindi na namin siya inihatid
sa airport dahil sa kagustuhan na rin niya.

Nakakainis! Bakit naman papakabitan ni daddy ng CCTV itong bahay?! Paano na


ang bar hopping ko with my friends? Ang outing, sleep overs and everything? Hay!
Bahala na nga. Hindi ako mapipigilan ng CCTV cameras na iyan!
-----***-----

PAGSAPIT ng tanghali ay may dumating na limang lalaki na mag-i-install ng CCTV


cameras sa bahay. Meron sa salas, sa kitchen, sa stair papunta sa second floor at
sa may labas. Mabilis naman nilang nagawa ang kanilang trabaho kaya bago gumabi ay
tapos na sila.

After ng dinner ay biglang nag-text sa akin ang friends ko na Riley at may


party daw sa bahay nila. Kasama daw ang lahat ng friends namin. Ganoon talaga
kaming magkakaibigan. Nagpa-party kahit wala namang okasyon.

Um-oo na agad ako kay Riley.

Pupunta ako at wala akong pakialam sa CCTV na iyan. Ngayon pa ba na wala si


daddy? Saka for sure, panakot lang naman ni daddy na naka-link iyon sa laptop niya.
I am too smart para maloko niya. Kilala ko si daddy...

-----***-----

HALOS alas-tres na ng madaling araw nang matapos ang house party ni Riley. Medyo
lasing na ako pero kaya ko pa namang mag-drive pauwi.

"Are you sure kaya mong umuwi, Sarah? Marami namang rooms-"

"No, Riley. Kilala mo ako. Hindi ako nakikitulog sa ibang bahay kapag lasing
ako, okey?" sabi ko sa kanya nang akmang pipigilan niya akong umuwi.

Kumibit-balikat siya. "Okey. Just text me kapag nakauwi ka na sa inyo para


alam ko kung safe ka."

"Sure! Akong bahala. Bye, Riley!"

"Bye, Sarah. Be safe!"

Halos thirty-minutes lang akong nag-drive at nasa bahay na ako. Bago ako
bumaba ng kotse ko ay tinext ko muna si Riley na nasa bahay na ako...

-----***-----

PAGPASOK ko ng bahay ay sumalubong sa akin ang kadiliman. Hindi ko na binuksan pa


ang ilaw dahil kahit nakapikit ako ay kabisado ko ang loob ng bahay. Makakapunta
ako sa aking kwarto kahit gaano pa iyan kadilim.
Pero nang paakyat na ako sa hagdan papunta sa aking silid ay nagulat ako nang
biglang bumukas iyong sa salas. Napatingin ako sa CCTV na nasa may itaas ng hagdan
at napamura sa aking sarili. Mukhang may sensor pa ang lecheng CCTV na 'yon, ah!

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil ang nasa isip ko lang ng mga oras na
iyon ay ang humiga at matulog sa aking napakalambot na kama - wala nang iba!

Finally! Narating ko na rin ang aking room. Padapa kong ibinagsak ang katawan
ko sa kama at agad na ipinikit ko ang aking mata. Ngunit hindi pa man nakakalipas
ang isang minuto nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinatamad na kinuha ko sa
aking bulsa ang nagwawala kong phone at kumunot ang aking noo nang isang unknown
number ang nabasa ko sa caller ID na tumatawag sa akin.

"Hello? Who's this?" sagot ko.

"Sarah!" boses iyon ni daddy.

Agad akong umayos ng upo sa aking kama at pilit na ginawang normal ang aking
boses. "Daddy! Oh, hi po. B-bakit po kayo napatawag?"

"Alam kong kakauwi mo lang ngayon, Sarah! Drunk, huh?"

Nakagat ko ang labi ko sabay tirik ng aking mga mata. So, totoo nga naka-link
sa kanya ang CCTV cameras dito sa bahay.

"Okey, fine. Ngayon nga lang ako umuwi pero I am not drunk, daddy. I swear-"

"At nagdadala ka na rin pala ng lalaki sa bahay, ha?! Paalisin mo 'yan or


you'll be grounded, Sarah!"

"What? Lalaki? A-anong lalaki? Wala akong dinadala-"

"The CCTV's footages will never be wrong. 'Wag mo akong niloloko. Bakit
nagdala ka ng lalaki diyan sa bahay, ha!"

Hindi ko talaga maintindihan ang inaakusa sa akin ni daddy. Paano niya nasabi
na may lalaki akong kasama, eh, mag-isa lang naman akong umuwi. Bigla ko tuloy
binuhay ang ilaw sa aking room at wala naman akong nakitang lalaki o kahit na sino.

"Daddy, wala akong dinadalang lalaki dito sa bahay. Kilala mo ako, hindi ko
gawain ang ganiyan!"

"Then check your email. Isinend ko doon ang katarayan mo!"


"Watch your words, daddy!"

"Check it now!"

Hindi na ako nagsalita. Kinuha ko na agad ang aking laptop at tiningnan ang
e-mail na sinasabi niya. Nakita ko naman agad dahil nasa pinakauna iyon. Dinownload
ko muna ang attachment na video at nang matapos iyon ay agad kong pinanood.

Nakita ko doon iyong paakyat na ako sa hagdan. At ganoon na lang ang


paggapang kilabot sa aking katawan nang makita ko na may kasama nga akong lalaki
paakyat ng hagdan! Pero para lang siyang anino dahil kulay itim lang siya pero
hugis tao. Parang nakaakbay siya sa akin at kasabay kong umaakyat ng hagdan.
Naputol lang ang video nang pumasok na ako sa kwarto ko.

"Ano, Sarah? Napanood mo na?" tanong niya. "Paalisin mo na ang lalaking


dinala mo diyan or else uuwi ako ng Pilipinas ngayon din! 'Wag mo akong subukan!"

Parang nawalan na ako ng kakayahan na magsalita ng sandaling iyon. Gimbal na


gimbal ako sa napanood ko!

-----***-----

HINDI lang iyon ang huling insidente na may nangyaring kababalaghan sa aming bahay.
One week after ng pangyayaring iyon ay tinawagan na naman ako ni daddy. Galit na
galit siya dahil umuwi na naman daw ako ng madaling araw. Nakita daw niya sa CCTV.
Pero, I swear to God! Hindi ako lumabas ng bahay that night. Naroon lang ako sa
kwarto ko buong araw.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ba ang mga nakikita ni
daddy sa CCTV na hindi namin nakikita dito sa bahay...

GOOD NIGHT!

=================

Story #16- Signos Ng Kamatayan

Story #16- Signos Ng Kamatayan

(Ang kwentong ito ay para kay HANS REPATO...)

SABI ng marami, ang kamatayan ay isa sa mga bagay na hindi mo kayang iwasan. Isa
itong pangyayari sa buhay na kinatatakutan ng karamihan sa atin. Isang pangyayari
na maaaring maganap sa oras o lugar na hindi mo inaasahan. Maaaring sa pagtulog mo
ay hindi ka na magising o sa paglalakad mo ay tamaan ka ng ligaw na bala.

Pero paano kung mabigyan ka ng signos ng kamatayan? Magagawa mo nga bang


iwasan ang iyong katapusan?

-----***-----

ANG kwentong ito ay tungkol sa sixteen years old na lalaki na si Hans - isang
simpleng high school student.

Isang gabi, naglalakad na siya kasama ang dalawang kaklase. Papunta na sila
sa bus stop kung saan sila sasakay pauwi sa kani-kanilang mga bahay. Kakagaling
lang nila sa bahay ng isa pa nilang kaklase. Gumawa kasi sila ng project sa English
na kailangan na nilang ipasa bukas.

"Haaay... Grabe talaga si Sir Perez! Pahirap siya sa atin. Look, one week
lang ang ibinigay niya sa atin para tapusin 'yong project natin sa subject niya!"
reklamo ni Sheila habang hinihilot ang sariling kamay na nangangawit.

"Sinabi mo pa! Tapos ang baba naman magbigay ng grades!" segunda naman ni
Joey.

"Hayaan niyo na nga, guys. Atleast, nagiging responsable tayo kasi kailangang
tapusin agad 'yong project. Saka, natapos na naman natin, eh, kaya 'wag nang
magreklamo," sabi naman ni Hans.

"Palibhasa, hindi ka natatakot na mababa ang ibigay na grades sa'yo ni Sir


Perez kasi matataas naman ang grades mo sa ibang subjects!"

"Hoy, hindi rin, Joey!" tutol niya.

Ilang sandali pa nga ay narating na nila ang bus stop. Panay ang reklamo ni
Sheila dahil lumipas na ang kinse minutos pero wala pa ring dumarating na bus.

Napatingin si Hans sa relo na nasa kanyang bisig. "Kaya naman pala. Alas-
diyes na. Mahihirapan na talaga tayo nitong sumakay. Pero 'pag may bus naman na
dumaan, paniguradong hindi na punuan. Atleast, kumportable tayo sa byahe," aniya.
Ganoon talaga si Hans. Tinuruan siya ng kanyang magulang na maging positibo ang
pananaw sa buhay.

Malamig ang hangin na dumadampi sa balat nila habang naghihintay sila ng bus sa bus
stop. Pare-parehas silang pagod na at antok.

Ilang sandali pa ang lumipas at dumating na ang bus na kanina pa nila


hinihintay. Nang tumigil iyon sa kanilang harapan at bumukas ang pinto ay agad
silang pumasok doon.
Isang matandang babae na puro kulay puti na ang hanggang balikat na buhok ang
nakita nila na tanging pasahero. Nakaupo ito sa pangatlong upuan mula sa unahan.
Hindi niyl alam ngunit sa upuan sa katapat nito sila umupo. Hindi na lang nila
pinansin ang nakakatakot nitong aura dahil sa pagod.

Halos limang minuto pa lamang ang itinatakbo ng bus nang huminto iyon at
isang estudyanteng babae naman ang sumakay. Nahinuha nilang estudyante ito dahil sa
suot nitong school uniform. Umupo ito sa likuran ng bus driver.

Tumayo na nga ang konduktor na natutulog kanina upang tanungin sila kung
saan sila patungo at upang magbayad na rin sila ng pamasahe. Matapos iyon ay muling
umupo ang konduktor sa upuan sa tabi ng driver.

Naunang bumaba sina Sheila at Joey kay Hans dahil mag kapitbahay lang ang
dalawa. Habang siya naman ay sampung minuto pa ang tagal ng byahe mula sa binabaan
nina Joey at Sheila bago siya makauwi sa bahay niya.

Ipipikit pa lamang ni Hans ang kanyang mga mata upang umidlip sana kahit
sandali nang maramdaman niya na may tumabi sa kanya. Laking gulat pa niya nang
malaman niya na tinabihan siya sa upuan no'ng matandang babae.

Nanlaki ang mga mata ni Hans nang bigla siyang hawakan ng matandang babae sa
braso. "L-lola?! B-bakit po?" Nakaramdam agad siya ng takot dahil sa paraan ng
pagkakatingin sa kanya ng matanda. Parang may sinasabi ang mga mata nito na hindi
nito masabi. "W-wala po akong barya!" aniya pa. Baka kasi naghihingi lang naman ito
ng limos.

Mariin na umiling ang matanda. "Bumaba na tayo..." bahagya lang bumuka ang
bibig na matanda kaya halos hindi niya iyon maintindihan. Idagdag pa ang
nakakarinding ugong ng aircon ng bus na hindi na yata nalilinis.

"Ano po iyon?" kinusot pa ni Hans ang tenga niya baka sakaling maintindihan
niya ang mahinang pagsasalita ng matandang ayaw pa ring bitiwan ang kanyang braso.
Napakalamig ng nanginginig nitong kamay!

"Bumaba na tayo!" Ngayon ay malinaw na niya itong narinig.

Kumunot ang noo ni Hans. "Ha? A-ayoko po. Hindi pa po ako dito bababa, lola.
Saka bakit po ba?"

"Bumaba na tayo!" mariin nitong giit.

Wala nang nagawa si Hans nang pumara na iyong matanda. Hinila na siya nito
pababa ng bus. Sumunod na lang siya dito kahit nagtataka. Pagkababa nila at nang
umibis na paalis iyong bus ay saka siya nagtanong...
"Lola, bakit niyo ba ako kinukulit na bumaba?" nagtatakang tanong ni Hans.

"Hindi mo ba nakita iyong babaeng sumakay? Wala siyang ulo nang makita ko
siya! Ibig sabihin niyon ay mamamatay na siya at maaaring maaksidente ang bus na
sinasakyan natin at iyon ang maging sanhi ng kanyang kamatayan! Maaaring madamay
tayo sa aksidenteng iyon at mamatay. Isa iyong signos ng kamatayan!"

Biglang gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Hans pagkarinig niya ng


sinabing iyon ng matandang babae. Hindi niya alam kung papaniwalaan ba niya ito o
hindi. Pero siguro nga ay wala namang masama kung paniwalaan niya ang sinabi nito.

"G-ganoon po ba, lola? S-salamat po kung ganoon. Ang mabuti pa po ay dito na


lang din tayo maghintay ng bus..." aniya.

Nagpasalamat na rin siya sa matanda dahil paano kung totoo nga ang sinasabi
nito? Paano kung maaksidente nga ang bus na binabaan nila dahil nakita nitong
walang ulo iyong babae na kasakay nila? Utang niya sa matandang ito ang buhay niya.

Hindi pa man sila nagtatagal mula sa pagkakatayo sa gilid nang kalsada nang
makarinig sila ng malakas at sunud-sunod na busina ng isang sasakyan. Pagharap ni
Hans sa kanyang kaliwa ay nanlaki ang kanyang mata nang isang pagewang-gewang na
ten wheeler truck ang paparating at tinutumbok ang kanilang kinaroroonan!

Sumalpok ang truck na tila nawalan ng preno sa kanilang dalawa ng matanda.


Wala na siyang naramdamang sakit nang mayupi ng malaking gulong ng truck ang
kanyang ulo at sumabog ang kanyang utak sa kalsada.

-----***-----

HANGGANG ngayon ay isang katanungan pa rin ang gumugulo sa aking isipan. Ano kaya
ang mangyayari kung hindi bumaba si Hans ng bus... mabubuhay kaya siya? O siguro,
katapusan na talaga niya ng gabing iyon kaya bumaba man o hindi siya ng bus ay
mamamatay at mamamatay pa rin siya...

Ikaw, papaniwalaan mo ba kung sakaling makakita ka ng signos ng kamatayan?

GOOD NIGHT!

=================

Story #17- Co- Teacher

Story #17- Co-Teacher


(Ang kwentong ito ay para kay RONALYN GEROY DOCIL...)

"PEREZ, Joshua..."

"Present po, Teacher Ronalyn!"

"Repato, Hans..."

Hindi ko alam kung bakit biglang natigilan ang mga estudyante ko nang
banggitin ko ang pangalan na iyon. Isa akong high school teacher sa isang
pampublikong paaralan dito sa Bulacan. Nakaugalian ko na kasi na mag-roll call bago
ako magsimulang magturo.

Inulit ko ang pagtawag sa pangalan na 'Repato, Hans'.

Maya maya ay tumayo ang class president na si Andrea.. "Teacher, hindi niyo
pa po ba alam? Patay na po si Hans. Kagabi lang... Nasagasaan po siya ng isang
truck na nawalan ng preno..."

Labis akong nagimbal sa nalaman ko na isa pala sa mga estudyante ko ang


namatay kagabi. Sayang... matalinong bata pa naman si Hans.

-----***-----

NAPATIGIL ako sa paglabas ng school para umuwi na nang may tumawag sa aking
pangalan. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang bagong guro na si
Teacher Magda. Papalapit siya sa akin at maaliwalas ang kanyang mukha. Kumaway pa
siya sa akin na ginantihan ko naman ng isang kaway din.

"Sabay na tayong umuwi, Ronalyn," aniya nang makalapit na siya sa akin.


"Nakita ko kasi kahapon kung saan ka umuuwi. Nadadaanan mo pala ang apartment kung
saan ako naka-stay.

"Gano'n ba? Sige... Walang problema," ani ko.

Marahil ay nakikipagkaibigan itong si Magda. Napansin ko kasi na isang linggo


na siya dito sa school pero wala pa akong nakikitang nakakausap niya. Hindi ko alam
kung siya ba ang iniiwasan o siya ang umiiwas. Pero sa palagay ko naman ay mabait
siya. Siya pa nga ang unang nag-approach sa akin, eh.

"Kumusta nga pala?" tukoy ko sa pagtuturo niya.

"Ayun, medyo nahihirapan na mag-adjust. First time ko, eh."


"Masasanay ka din. Sa una, makukulitan ka sa mga bata pero pag tagal-tagal
mas maiisip mo ang kagustuhan mo na matuto sila. Ang sarap niyon sa pakiramdam!"

Bahagyang napatawa si Magda. "Ang talinghaga mo naman, Ronalyn..." anito.

Naglalakad na kami pauwi nang isang lalaki ang napansin ko sa kabilang panig
ng kalsada. Hindi ko naman sana siya papansinin kung hindi ko lang nakita na
sinusundan niya kami ng tingin ni Magda. Nakasuot siya ng itim na jacket at may cap
sa ulo na kulay pula. Matangkad din siya ngunit hindi ko makita ang mukha niya
dahil sa medyo madilim na.

Dahil sa nakaramdam ako ng takot ay kinalabit ko ang co-teacher ko. "M-


magda... tingnan mo 'yong lalaki sa kabila. Ang creepy niya. P-parang sinusundan
niya tayo ng tingin," bulong ko.

"'Asan?"

"'Yon, oh! 'Yong nakasuot ng jacket na itim."

"Naku, oo nga. Don't worry, kung may gagawin man siya sa atin ay hindi naman
siya magtatagumpay. Tingnan mo, ang dami pang tao dito."

Sabagay, tama si Magda. Madali kaming makakahingi ng saklolo kung sakali.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makauwi na kami sa kanya-kanyang


mga bahay.

-----***-----

SIMULA noon ay naging magkaibigan na kami ng bagong teacher na si Magda.


Kinabukasan ay magkasabay ulit kaming umuwi at nakakapagtaka na nakita na naman
namin iyong lalaki. Hindi na lang namin siya pinansin. Ngunit nang sumunod na araw
pa ay nakita na namin siya ngunit mas natakot na ako dahil wala na siya sa kabilang
panig ng daan, bagkus ay nasa daraanan na namin siya!

Tapos nagkataon pa na wala nang mga tao sa labas dahil gabing-gabi na. Late
na kasi kami nakauwi dahil may tinapos pa akong research sa school. Wala kasing
internet connection sa bahay, eh, sa school ay meron. Nagpahintay na lang ako kay
Magda. Mabuti na lang at pumayag siya.

"Magda, 'ayan na naman siya! Anong gagawin natin?" kinakabahan kong bulong.

"Tumawid tayo sa kabila..." sagot ni Magda.

Ngunit nang tumawid na kami pakabila ay ganoon din ang ginawa ng lalaki.
Dahil alam naming dalawa na susundan pa rin kami ng misteryosong lalaki kung
papakabila na naman kami ay lakas-loob kami na naglakad palapit dito.

Nang dumaan na kami sa harapan niya ay napasigaw ako nang bigla niya akong
hawakan sa kamay.

"Sumama ka sa akin!" Nagbigay ng kilabot sa akin ang malagom na boses na


lalaki.

Pumalag ako ngunit sadyang mahigpit ang pagkakapit ng lalaki sa kamay ko.
Hanggang maglabas ng ballpen si Magda at ginamit nito iyong panaksak sa braso ng
lalaki. Napasigaw ito sa sakit at nabitiwan niya ako. Iyon na ang naging
pagkakataon namin para makatakbo palayo.

"Ang mabuti pa ay doon ka na lang muna sa apartment ko matulog!" sabi ni


Magda sa akin habang tumatakbo kami.

"Sige!" sagot ko agad.

Ayoko kasing maglakad pauwi mag-isa. Mamaya ay sundan ulit ako ng lalaking
iyon, eh. Nang lingunin ko ang kinaroroonan ng lalaki ay wala na siya.

-----***-----

KAPWA humihingal kami ni Magda nang makarating kami sa apartment niya. Hindi
mawala-wala ang panginginig ng buong katawan ko sa sobrang takot dahil sa nangyari
kanina. Ang buong akala ko ay katapusan ko na talaga.

"Okey na ang tutulugan natin..." ani Magda. Nakasuot na siya ng pambahay.


"Magpalit ka na rin ng damit sa kwarto. Magkasing-sukat lang naman tayo ng katawan,
eh."

"S-sige... S-salamat..." Hindi ko maikubli ang panginginig sa aking


pagsasalita.

"Ronalyn, 'wag ka nang matakot. Safe ka na dito," aniya.

Ngumiti ako at pumasok na sa kanyang kwarto upang magpalit ng damit.

Saktong katatapos ko nang magbihis nang pumasok si Magda. May dala siyang
isang baso ng gatas.

"Here. Inumin mo ito para maging okey ang tulog mo at para kumalma ka rin..."
Agad ko namang inabot ang baso ng gatas at nagpasalamat sa kanya. Dire-
diretsong ininom ko iyon. Hindi naman siya mainit. Maligamgam lang. Medyo gumaan
nga ang pakiramdam ko matapos kong uminom.

Kinuha na sa akin ni Magda ang baso at ipinatong iyon sa side table.


"Inaantok ka na ba, Ronalyn?" seryosong tanong niya.

"Hindi pa..." sagot ko.

"Sigurado ka?"

Nang ikurap ko ang aking mata ay bigla akong nakaramdam ng pagkaantok. Unti-
unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata at parang hinihila na ako ng kama
para matulog na.

"P-parang inaantok na a-ako..." sabi ko sa nanlalabo kong paningin.

"Sige lang, Ronalyn... Matulog ka na..." At bago ko tuluyang ipikit ang aking
mga mata ay nakita ko ang makahulugang ngiti ni Magda.

-----***-----

ARAY... Ang sakit ng ulo ko... Ano bang nangyari?

Nasa kama pa rin ako ni Magda. Ngunit agad akong napabalikwas ng bangon nang
makita ko iyong lalaki na palagi naming nakikita sa daan. Nakatayo siya sa may
paanan ng kama.

"A-anong ginagawa mo dito?!" nahihintakutan kong tanong habang yakap ko ang


aking sarili.

Pagtingin ko sa isang sulok ng kwartong iyon ay nakita ko si Magda. Nakatali


ang kanyang mga kamay at paa habang nakahiga siya. May busal ang kanyang bibig at
nanlilisik ang kanyang mga mata.

"A-anong ginawa mo sa kaibigan ko?! Hayop ka!"

Agad kong tinakbo ang kinaroroonan ni Magda at akmang papakawalan ko siya


nang magsalita iyong lalaki.

"Sige, pakawalan mo siya kung gusto mo nang mamatay!" makahulugan nitong


sigaw.

Natigilan ako at may pagtataka na tiningnan siya. "A-anong i-ibig mong


sabihin?"

"Hindi mo kilala ang sinasamahan mo. Alam mo ba na ang Magda na 'yan ang
pumatay sa kapatid kong babae? Tulad mo, kinaibigan din niya ang kapatid ko. Dinala
sa bahay niya dati at pinatay!"

Napailing ako. Isang bahagi ng utak ko ang nagsasabi na baka totoo ang
isiniwalat ng lalaki. Tiningnan ko si Magda. Nanlilisik pa rin ang kanyang mga
mata.

"Matagal ko nang sinusundan ang Magda na iyan," patuloy ng lalaki.


"Ipinangako ko kasi sa aking sarili na hindi na ako papayag na makapang-biktima pa
ang demoyong iyan! Mabuti na lang at sinundan pa rin kita dito. Alam mo bang
nilagyan niya ng pampatulog ang ininom mong gatas kanina! Pinatulog ka niya para
mapatay ka niya at makain! Nang makakita ako ng pagkakataon ay nakipagpambuno ako
sa kanya at naitali ko siya agad bago pa niya maisagawa ang nais niyang gawin
sa'yo."

"Makain?" naguguluhan kong tanong.

Hindi na nagsalita ang lalaki. Lumapit siya sa akin at hinila ako palabas ng
kwarto. Nagpunta kami sa kusina at binuksan niya ang refrigerator. Umalingasaw ang
nakakasulasok na amoy. Nagimbal ako sa aking nakita sa loob ng ref. May mga braso
ng tao, bituka at kung anu-ano pang lamang-loob na sigurado ako na sa tao. May
dalawa ring pugot na ulo sa may freezer.

Bumaligtad na ang sikmura ko at sumuka na ako sa sahig.

Sinarahan na ng lalaki ang refrigerator.

"A-ang ibig mong sabihin, isang cannibal si Magda?" tanong ko nang


mahimasmasan na ako.

"Marahil, oo. Pero ang sigurado ako ay sumasamba siya sa diablo! At marami
siyang kasama. Hindi siya nag-iisa kaya mag-iingat ka sa pakikipagkaibigan sa mga
taong hindi mo kilala..."

Sa mga sinabi ng lalaki at mga nakita ko ay naniwala ako na totoo nga ang
sinasabi niya. Marahil kaya niya ako laging sinusundan ay upang bigyan ng babala
laban kay Magda.

"Maraming salamat nga pala sa'yo. Teka, anong gagawin natin kay Magda?"

"Dadalhin natin siya sa pulisya. Matibay na ebidensiya laban sa kanya ang mga
parte ng katawan ng tao sa ref niya laban sa kanya," ani ng lalaki.
Ngunit nang balikan namin si Magda sa kwarto niya ay wala na siya doon. Ang
tanging naiwan doon ay ang tali na ginamit ng lalaki para igapos siya. May
pagtataka na nagkatinginan kami. At simula nga noon ay wala na kaming narinig pang
balita kay Magda...

-----***-----

MAKALIPAS ang tatlong buwan...

"Happy first monthsary, Ronalyn!" sabi ni Lemeul sabay alis ng piring sa


aking mga mata.

Ganoon na lang ang aking ngiti nang tumambad sa akin ang ayos ng dining table
sa bahay ni Lemeul. May espesyal na putahe doon at isang bote ng alak. May mga
rosas sa pinakagitna ng table. At talagang napaka-romantic ng ambience.

Hindi ko mapigilan ang hindi kiligin ng sandaling iyon.

Biruin mo nga naman, ang lalaking nagligtas ng buhay ko noon ay nobyo ko na


ngayon. Oo, si Lemeul ang lalaking nagligtas sa akin mula kay Magda.

"Ang sweet naman!" pakli ko.

Inalalayan na niya ako paupo. Agad niyang sinalinan ng alak ang kopita ko.

"Happy monthsary to us!" sabi ko.

"Happy mothsary!" ani Lemeul.

Pinagbangga namin ang aming mga kopita at ininom ko ang alak na naroon.

Hindi ko alam, ngunit ilang sandali lang ay bigla akong nakaramdam ng


pagkaantok.

"Inaantok ka ba, Ronalyn?" nakangising tanong sa akin ni Lemeul.

Nahihintakutan akong napatingin sa kanya.

'H-hindi!' Sigaw ng utak ko.

Tumayo ako ngunit nabuwal lang ako dahil sa labis na antok. Yumukod si Lemeul
at hinawakan ako sa baba. Itinaas niya ang mukha ko para makita niya.
"Hindi ba't sinabi ko na hindi nag-iisa si Magda? At hindi ba't sinabi ko
sa'yo na mag-iingat ka sa pakikipagkaibigan sa mga taong hindi mo kilala..." aniya
at tuluyan na akong nawalan ng malay-tao.

GOOD NIGHT!

=================

Story #18- Closet Game

Story #18- Closet Game

(Based on Creepypasta's 'The Closet Game'. Ang istoryang ito ay orihinal na


isinulat ni SOJU.)

(Ang kwentong ito ay para kay LHESZXLHIE GODOY/ Lheslhie...)

(Ang kwentong ito ay para kay AIRA THEREJIA STORIES/ Aira...)

(Ang kwentong ito ay para kay RIZZA TRUE SIABOC/ Rizza...)

KINUHA ni Lheslhie ang milk tea na nasa tabi niya at lumagok nang ilan doon.
Humikab siya at nag-inat ng mga nangangalay na braso. Ipinaling rin niya sa kaliwa
at kanan ang ulo dahil sa pati ang leeg at batok niya ay nananakit na rin.

Nakasalampak siya sa sahig ng kanyang kwarto kasama ang dalawang kaibigan at


kaklase na sina Aira at Rizza. Tig-iisa ang tatlo ng kaharap na laptop at busy sa
pag-re-research at pagkalap ng infos about sa baby thesis nila. Fourth year high
school na sila. Graduating kaya sunud-sunod na ang projects na ipinapagawa ng mga
subject teachers.

"Hay... This is so nakakapagod na!" reklamo ni Lheslhie at sandaling itinigil


ang pagtipa sa keyboard.

"Wow! Pag pagod, nagiging conyo na? 'Anyare sa'yo, Lheslhie?" biro ni Rizza.

"Tumigil ka nga, Rizza!" at pabirong umirap Lheslhie dito. "Bakit pa kasi


namatay si Teacher Ronalyn? Ang panget kayang adviser ni Teacher Thalia. Ang daming
pinapagawa!"

"Naalala ko na naman tuloy si Teacher Ronalyn... Grabe 'yong ginawa sa kanya,


'no? Wakwak ang tiyan at walang lamang-loob. Tao pa ba ang gumawa niyon sa kanya?"
Umiling si Lheslhie. "Siguro demonyo iyon, Rizza..." sagot niya.

"Speaking of demonyo..." sabat naman ni Aira na nakaharap pa rin sa laptop


nito at parang may binabasa doon. "May paraan pala para makapag-summon ng demonyo
using a closet."

Itinirik ni Lheslhie ang mga mata at hinablot ang laptop ni Aira upang
tingnan ang binabasa nito roon. Naiiling na ibinalik ng dalaga iyon sa kaibigan
sabay tawa nang mahina.

"Fan ka talaga ng Creepy Pasta, Aira!" pakli ni Lheslhie. "Eh, puro hindi
naman totoo ang 'andiyan. Imbento lang 'yan para takutin ang mga matatakutin dito
sa mundong ibabaw."

"Hindi naman lahat ng nandito ay imbento lang, Lheslhie, " pagtatanggol ni


Aira sa paborito nitong website. Mahilig kasi talaga ito sa mga paranormal na
bagay.

"Yeah, right. Ang mabuti pa, imbes na nag-ki-Creepy Pasta ka diyan, mag-
research ka na lang sa thesis natin. Kasi ako, lugaw na ako!" sabi pa ni Lheslhie.

"Wait. May idea akong naisip... Ano kaya kung laruin natin itong closet game
para makatawag tayo ng demonyo!"

Napataas ng kilay sina Lheslhie at Rizza sa sinabing iyon ni Aira. Nababaliw


na yata ang kaibigan nila kaya kung anu-ano na ang sinasabi at naiisip. Marahil ay
nawalan na ng kulubot ang utak nito dahil sa hirap ng topic namin sa thesis.

Kinuha ni Lheslhie ang milk tea ko at inalok iyon sa kaibigan. "Milk tea, you
want? Para mahimasmasan ka na sa kabaliwan mo, Aira. Kung anu-ano nang iniisip ko
kakabasa ng mga katatakutan."

"No, thanks. Hindi ko gusto ang lasa niyan. Pero, seryoso ako, girls! Lets
try this scary closet game!" tila kinikilig pang pilit ni Aira.

Tiningnan na lang nila si Aira. Ipa-kuryente nila kaya utak ng babaeng ito?

Muling nagsalita si Aira. "Okey, ganito na lang para ganahan kayo. We'll play
this scary closet game individually. Uuwi tayo sa kanya-kanyang bahay at doon ito
gagawin-"

"Ayoko!" tutol agad ni Rizza. Matatakutin kasi ito. "Gusto ko nang matapos
itong thesis natin."

"'Yon na nga, eh. Just let me finish, okey? Magugustuhan niyo ito!"
Humalukipkip si Lheslhie. "Sige, pagbibigyan kita this time pero kapag 'yan
ay ka-ek-ekan lang, ikaw ang gagawang mag-isa nitong thesis natin!" banta pa ng
dalaga.

Kumibit-balikat lang si Aira at ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Ganito ang


naiisip ko. Lalaruin natin ang scary closet game nang kanya-kanya. Ang goal natin
ay ang makapagpalabas ng demonyo sa pamamagitan ng larong iyon na nabasa ko sa
Creepy Pasta. At ang hindi makapag-summon ng demonyo... siya ang gagawa ng thesis
natin nang mag-isa."

"P-pero paano kung saktan ako ng demonyo?" natatakot na tanong ni Rizza.

"Kaya nga dapat sundin natin iyong steps para hindi tayo masaktan ng-"

"Alam niyo, hindi naman ako naniniwala na makakapag-palabas tayo ng demonyo


using that stupid closet game," ani Lheslhie na skpetic pa rin. "Tulad ng sabi ko,
that's stupid!"

"Skpetic mo talaga, Lheslhie. Walang masama kung maniniwala ka. Malay mo,
makapag-summon ka ng demonyo, eh 'di, ligtas ka na sa nakakadugong thesis!"
panunudyo pa ni Aira.

Biglang napaisip ni Lheslhie. Sabagay, tama naman ito. Halos duguin na siya
sa pagre-research. Tama, papatulan na lang niya ang kalokohang ito. May naisip na
siyang magandang gagawin! Magkukunwari na lang siya na nakapag-summon siya ng
demonyo sa pamamagitan ng larong sinasabi ng kaibigan.

"Okey, sige na nga. Paano ba laruin iyan?" napipilitang tanong ni Lheslhie


kay Aira.

-----***-----

MALAKAS ang paniniwala ni Aira na makakatawag siya ng demonyo gamit ang scary
closet game na nabasa niya sa isang website. Nang magkaisa sila nina Lheslhie at
Rizaa kanina sa suhestiyon niya ay umuwi na rin sila sa kani-kanilang bahay upang
isagawa ang naturang closet game.

Sigurado naman siya na hindi siya mapapahamak basta susundin lang niya ang
steps.

Mag-isa lang naman siya sa kanyang kwarto kaya maisasagawa niya iyon ng
walang abala.

Pinatay na ni Aira ang ilaw sa silid niya. Dapat daw kasi ay madilim. Nasa
kanang kamay niya ang isang box ng posporo na siyang pangunahing kailangan para sa
closet game na iyon. Binuksan niya ang closet niya at inalis lahat ng damit niya
doon. At dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Malaki naman ang closet niya kaya
kasyang-kasya siya.

'Shut the closet's door, face it, and stand still for two-minutes. No talking
during this period.' Iyon ang pangalawang steps sa closet game.

Pakiramdam ni Aira ay iyon na ang pinakamatagal na dalawang minuto ng kanyang


buhay. Medyo nahihirapan na siyang huming sa loob ngunit kaya pa naman niya. Nag-
uumpisa na rin siyang pagpawisan dahil sa kakulangan ng bentilasyon doon.

'Hold a match in front of you and say out loud, "Show me the light or leave
me in darkness!"'

Kumuha siya ng isang palito ng posporo at itinaas iyon sa harap ng kanyang


mukha. "Show me the light or leave me in darkness!" pasigaw na turan ni Aira.

Biglang nagtaasan ang balahibo niya nang biglang lumamig sa loob ng closet.
Napapikit siya nang tila may maramdaman siyang tumatawag sa kanyang pangalan.

"Aira... Aira... Aira..." tatlong beses. Tila paos ang tinig hanggang sa
mawala na iyon.

Nanginginig na ang buong katawan niya sa takot. Oo, matapang siya sa mga
ganitong bagay pero hindi mawari ni Aira kung bakit parang sinakluban siya ng takot
sa closet game na isinasagawa niya.

'Listen carefully. Do not turn around. If you hear anything, quickly light
the match. Failure to light the match fast enough after hearing whispering "may"
result in a demon grabbing you from behind and dragging you into its realm of
darkness!'

Nang marining ni Aira ang pagbulong na iyon na parang nanggagaling sa likuran


niya ay agad niyang ikiniskis ang posporo sa sindihan nito. Ngunit naputol iyon
kaya agad siyang kumuha nang isa pa. Kinakabahan na ikiniskis niya ulit iyon ngunit
napudpod na lang ang dulo ng posporo ay hindi pa rin iyon sumindi. Kailangan niyang
makapagsindi dahil kung hindi ay hahatakin siya ng demonyo sa impyerno!

'Keep the match lit while you're in the closet. If it goes out then light a
second one...'

Impit na napasigaw si Aira nang may maramdaman siyang kamay na humawak sa


kanyang balikat. Kumuha ulit siya ng posporo at sa pagkakataong iyon ay nasindihan
niya ito. Medyo nakahinga siya nang maluwag nang mawala na ang kamay sa kanyang
balikat.

Tuwang-tuwa na tiningnan niya ang apoy na nasa posporo. Ngunit ang tuwang
iyon ay muling napalitan ng takot nang tila may hangin na umihip sa loob ng closet
at mamatay ang sindi ng posporo. Kumuha siya muli ng posporo ngunit hindi pa man
niya iyon naikikiskis para sumindi ay umapoy na lang iyon ng kusa!

"Aira..." 'Ayon na naman ang pagbulong mula sa kanyang likuran.

'If you heard the whispering or the match lit ON ITS OWN, then you have a
demon in your closet!'

Ngayon ay halos mahimatay na si Aira sa sobrang takot. Sigurado siya, isang


demonyo na ang kanyang natawag dahil kusang sumindi ang posporo.

Ubod lakas na sumigaw si Aira at sinipa ang pinto ng closet para mabuksan
iyon. Takot na takot na tumalon siya sa kanyang kama at nagkulong sa ilalim ng
kumot. Biglang bumaba ang temperatura sa kanyang silid. Hindi niya napigilan ang
sarili na muling tingnan ang closet. At hindi siya maaaring magkamali-mula sa loob
ng madilim na closet ay kitang-kita niya ang isang pares ng nanlilisik at
mapupulang mga mata.

"Aira..." At muli niyang narinig ang makapanindig-balahibo na bulong.

-----***-----

SAMANTALA sa kwarto naman ni Lheslhie ay prenteng nakahiga lang siya sa kanyang


kama habang may nakapasak na earphone sa kanyang tenga. Sigurado siya na sa mga
oras na ito ay ginagawa na nina Aira at Rizza ang para sa kanya ay stupid na closet
game.

Hindi siya tanga at uto-uto para gawin ang bagay na iyon lalo na't hindi siya
naniniwala sa mga multo at demonyo.

Bukas ay dadramahan na lang niya ang dalawa na ginawa niya iyon at sasabihin
niyang nakakita siya ng demonyo sa pamamagitan ng closet game. Magkukunwari siyang
takot na takot at na-trauma.

Napahagikhik si Lheslhie sa naisip niyang iyon. Magmumukha siyang nakakatawa


pero ligtas naman siya sa pag-gawa ng thesis. Hindi na iyon masama.

Maya maya ay napabalikwas siya ng bangon nang tumunog ang kanyang cellphone.
Nang damputin niya iyon ay napakunot-noo siya nang malaman na tumatawag si Aira.

'Ano naman kayang problema ng babaeng ito?' tanong niya sa sarili.

"Hello, Aira? Napatawag-"

"Lheslhie! T-tulungan mo ako! 'Andito siya! Tulungan mo ako!" sigaw ni Aira


sa kabilang linya.

Ngunit tinawanan lang niya iyon. "Hoy, babae! Anong nangyayari sa'yo? Para
kang timang!"

"'Andito siya! Tulungan mo ako, parang awa mo na! Papatayin niya ako!"

Doon ay napakunot na siya ng noo. Tila seryoso kasi ito sa sinasabi nito. O
baka naman dinadramahan lang siya ng kaibigan?

"Sinong 'siya'? Sinong 'niya'?" naguguluhang tanong ni Lheslhie.

Namayani ang sandaling katahimikan at ang tanging naririnig ni Lheslhie ay


ang tila ugong ng hangin sa kabilang linya.

"Ang DEMONYO!" biglang nag-iba ang boses ni Aira nang sabihin nito iyon.
Malaki iyon at parang boses na nanggaling sa isang halimaw.

Pakiramdam naman ni Lheslhie ay nanuot sa tenga niya ang boses na iyon kaya
nahihintakutan na naitapon niya sa kama ang cellphone. Humihingal siya habang
nakatingin doon. Hindi pa rin niya malaman kung papaniwalaan ba niya o hindi ang
mga pinagsasabi ng kaibigan. Pero paano niya maipapaliwanag ang nakakatakot na
boses na narinig niya?

Huminga siya nang malalim at nang damputin niya ang cellphone ay wala na sa
kabilang linya si Aira.

'Ano kaya kung tawagan ko si Rizza?' Naisip niya.

Nag-dial siya sa kanyang cellphone. Saglit lang na nag-ring iyon at


sumalubong sa kanya ang maingay na background. Parang sirena ng isang ambulansiya o
ano. Hindi niya masiguro kung ano. Basta maingay.

"Hello, Rizza?" ani Lheslhie.

Ngunit hindi ang kaibigan ang sumagot sa kabilang linya kundi ang nanay
nitong si Yolly.

"Hello, Lheslhie," parang umiiyak ang boses nito.

Bigla siyang kinabahan. "Tita Yolly, si Rizza? Nasaan siya?"

"L-lheslhie... w-wala na ang k-kaibigan mo!"


"Ano po? A-anong ibig niyong sabihin?"

"Patay na ang anak ko!"

"Ano po?! P-paano po iyon nangyari?" gulat na bulalas ng babae. Hindi siya
makapaniwala dahil kani-kanina lamang ay kasama niya ito.

"Nasunog siya... Sa loob ng closet niya! Hindi ko nga alam sa batang iyon
kung bakit nagsisindi siya ng posporo sa loob ng closet!" at humagulhol na ang ina
ni Rizza.

Nanginginig ang buong katawan na pinutol ni Lheslhie ang tawag. Nanghihina na


napaupo siya sa kanyang kama.

Alam niya kung bakit nagsisindi ng posporo si Rizza sa loob ng closet. Iyon
ay dahil sa closet game.

Sa isipin na iyon ay bigla niyang naalala si Aira kaya naman tinawagan niya
ito. Ngunit tulad ng kay Rizza ay ang nanay din nito ang sumagot sa kabilang linya.

Umiiyak din ang nanay ni Aira at sinabi nitong patay na rin ang kanyang
kaibigan. Nagpakamatay daw ito. Nilaslas daw nito ang sariling leeg sa pamamagitan
ng basag na salamin. Halos humiwalay daw ang ulo sa leeg ng kanyang kaibigan.
Ngunit bago daw ito nagpakamatay ay narinig daw nila na sumisigaw ito na may
demonyo daw sa closet nito at papatayin ito.

Nanlumo si Lheslhie matapos malaman ang nangyari sa kanyang mga kaibigan.


Doon niya napagtanto na maaari ngang totoo ang closet game na iyon. Maaaring
nakapagpalabas si Aira ng demonyo at sa sobrang takot ay nagpakamatay ito. Habang
si Rizza naman ay aksidenteng nasunog ang sarili habang isinasagawa ang closet
game.

Napaiyak na lang siya dahil iniwan na siya ng dalawang kaibigan.

Ang kanyang pag-iyak ay naantala nang marinig niya ang pag-ingit ng kanyang
closet. Nang tingnan niya iyon ay bahagya nang nakaawang ang pinto niyon. Paano
nangyari iyon, eh, nakapinid iyon palagi?

Tila may puwersa na nagtutulak kay Lheslhie na tumayo at lapitan ang closet
niya. Dahan-dahan niya iyong nilapitan kahit na tumatambol ang kanyang dibdib sa
sobrang kaba at takot. Inabot niya ang hawakan ng pinto ng closet at malawak na
binuksan iyon.

Naituptop niya ang kanyang kamay sa kanyang bibig nang makita niya sa loob
niyon ang dalawang kaibigan! Nakatayo ang dalawa ang may nakakatakot na ngiti sa
mga labi. Sunog na sunog ang buong mukha ni Rizza habang si Aira naman ay may
malaking sugat sa leeg. Halos nakahiwalay na ang ulo nito doon!

"Tara, sama ka sa amin!" Tila nanggagaling sa hukay ang boses ng dalawa.

Malakas na napasigaw si Lheslhie nang hablutin nina Rizza at Aira ang kanyang
braso at hilahin siya papasok ng closet!

GOOD NIGHT!

-----***-----

NOTE: Para po sa nagme-message sa akin na nagre-request na gawin ko silang


character sa isa sa mga kwento dito sa 'Soju's Bedtime Stories', ang masasabi ko
lang po ay SORRY. Kasi tapos na po akong kumuha ng mga characters. Kumbaga, FIXED
na po siya. May mga naka-line up na. Pero, wag po kayong mag-alala kasi may
SORPRESA ako sa mga avid readers ko dito. Tambay lang po kayo palagi sa Facebook
account ko para sa announcement. Malay niyo kukuha ulit ako ng characters. ;-) Sa
mga hindi ko pa friends sa FB, wag po kayong mag-alala kasi naka-public naman lahat
ng posts ko kaya mababasa niyo pa rin kung anuman iyong sorpresa ko. Hehe! Search
niyo lang po ang: SOJU WP.

Konting kuwento na lang po ang natitira kaya malapit na pong matapos ang
pagkukwento ko sa inyo dito. Maraming salamat po sa lahat ng BEDTIMERS. Labyu!

=================

Story #19- Lost Phone

Story #19- Lost Phone

(Ang kwentong ito ay para kay ANNE RIVERA...)

"OH, Sarah! Buti naman at pinayagan ka ng daddy mo na pumunta dito sa house party
ni Riley?" tanong ko nang makita ko ang isa sa mga kaibigan ko.

"Well, hindi niya ako pinayagan, Anne. Pero hindi din naman niya alam na
umalis ako ng bahay," ngingiti-ngiting sagot sa akin ni Sarah sabay inom ng punch
na nasa baso.

"Lagot ka pag-uwi mo!"

"Wala siya sa bahay. Ang OA nga, eh. Nagpalagay siya ng CCTV sa house namin
para kahit wala siya, ma-mo-monitor pa rin niya ako. Hindi niya alam na magaling
akong lumusot!"
Nagkatawanan kaming dalawa. Nang lumapit na si Riley sa amin ay iniwan ko
muna sila. Alam ko kasi na gusto ni Riley si Sarah. Para naman makadiskarte ang
mokong na iyon. Medyo torpe kasi.

Nakihalubilo ako sa iba pa naming mga kaibigan. Meron akong malaking circle
of friends. Sixteen kaming lahat dito sa bahay ni Riley na nag-e-enjoy sa party.
Lahat kami ay middle class o di kaya ay mayaman talaga tulad nina Sarah at Riley.

Mabuti na lang at walang kapitbahay na nagagalit sa amin kahit medyo malakas


ang sounds namin.

"Oh, nasaan sina Aileen and the other girls?" tanong ko sa mga lalaki kong
kaibigan na nasa salas at umiinom ng light drinks.

"Nasa pool. Swimming!" sagot ni John.

Shocks! Bakit ba hindi ako nakapagdala ng two piece swimsuit? Para naman
nakapagpatalbugan ako ng kaseksihan. Maybe... next time.

"Guys, groufie naman tayo!" ani Aileen na kakapasok lang. Halatang galing sa
pool dahil sa suot niyang swim suit.

"Yes! Groufie!!!" hiyaw naman ng mga boys na parang asong ulol na nakatanghod
sa katawan ni Aileen.

Hmp! Mas sexy pa naman ako sa kanya.

Inilabas ni Aileen ang phone niya at monopad at nag-pose na kami para sa


groufie.

"Hey, Riley! Pa-open naman ng Wi-Fi mo, oh," ani Aileen na mukhang i-u-upload
agad ang groufie photos namin.

"Okey!" sigaw na sagot naman ni Riley.

Maya maya nga ay kanya-kanya nang kuha ng pictures. Hindi naman siguro masama
kung pati ako ay mag-take ng pictures, 'no? Kaya agad kong binuksan ang bag ko para
kuhain ang aking phone. Pero bigla akong namutla nang hindi ko makita doon ang
phone ko.

"Okey ka lang, Anne? Parang ang laki ng problema mo sa hitsura mo..." pansin
sa akin ni John na katabi ko lang.

"Malaki talaga. I think, I lost my phone..."


"What? Check mo nang mabuti sa bag mo."

"Wala talaga, eh. Wait lang, ha..."

Umalis ako sa grupo nina John at lumapit kina Riley at Sarah na nag-uusap pa
rin.

"Hey, guys..." pang-iistorbo ko sa kanila. Sabay silang lumingon sa akin at


nag-smile. "May nakita ba kayong phone dito na naiwan ko?"

"What kind of phone ba, Anne?" tanong ni Sarah.

"Hmm... iPhone 6 siya."

"Walae, eh. Tawagan mo kaya 'yong phone mo. Hindi naman siguro iyon naka-
silent, 'di ba?"

"Hindi nga..."

Manghihiram sana ako ng phone kina Riley at Sarah pero nagkataon na wala
silang load. Ano ba 'yan? Ang yayaman nila pero load lang, wala pa. Sabagay, sanay
naman kasi kami na through Skype at Viber nag-ko-communicate.

Sa lahat ng mga kaibigan ko na naroon ay si Aileen lang ang may load kaya ang
phone na lang niya ang ginamit ko.

Nang i-try kong tawagan ang number ko ay nag-ri-ring iyon. Pero mukhang hindi
dito sa bahay ni Riley ko iyon naiwala dahil wala kaming naririnig na nag-ri-ring
na phone dito.

Ngunit hindi ko inaasahan na may sasagot sa kabilang linya. Naputol ang pag-
ring at pumalit doon ang tila malalim na paghinga ng isnag lalaki.

"Hello? Ikaw ba ang nakapulot ng phone ko?" tanong ko.

Mahinang tumawa iyong lalaki sa kabilang linya. "Hindi ko ito napulot..."


medyo malaki ang boses niya kaya medyo natakot ako.

"Eh, bakit nasa iyo 'yan? Don't tell me, ninakaw mo 'yan sa akin? Sasabihin
ko na agad sa'yo, hindi mo 'yan mapapakinabangan dahil ipapa-lock-"

"Hindi ko ito ninakaw!" galit na sigaw ng lalaki sa akin. "Kung gusto mo


itong makuha, makipagkita ka sa akin at..." ibinitin pa talaga niya ang sasabihin
niya.

"A-at ano?" pigil ang hininga na tanong ko.

"At gigilitan ko 'yang leeg mo hanggang sa maubusan ka ng dugo!"

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Agad kong pinutol ang tawag at ibinalik ang
phone ni Aileen dito.

Isa-isang naglapitan sa akin ang mga kaibigan ko nang makita nila ang takot
sa mukha ko.

"What happened? Sino 'yong kausap mo?" tanong ni Sarah at inutusan nito si
Riley na ikuha ako ng tubig.

Hindi muna ako sumagot hangga't hindi ako nakakainom ng tubig. Feeling ko
kasi ay biglang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Pagbalik ni Riley ay dire-diretsong ininom ko ang isang baso ng tubig na


ibinigay niya sa akin. Matapos iyon ay saka ko sinabi sa kanila ang sinabi sa akin
ng lalaking may hawak ng cellphone kong nawawala.

"Naku, iba na talaga ang panahon ngayon. Ninakawan ka na nga, tatakutin ka


pa!" pakli ni Aileen matapos ang kwento ko. "Tinatakot ka lang ng lalaking 'yon
para hindi ka na maghabol sa phone mo."

Inisip ko na lang na ganoon nga. Hindi ko na lang sineryoso ang sinabi sa


akin ng lalaki na gusto niya akong patayin. Masayang natapos ang party at madaling
araw na akong umuwi. Hindi naman ako lasing kaya hindi na ako naki-sleep over sa
bahay ni Riley. Isa pa'y may pasok pa ako bukas sa trabaho ko.

-----***-----

ANTOK na antok na ipinasok ko ang susi sa keyhole ng pinto ng aking apartment. Mag-
isa lang ako dito dahil gusto ko talagang magpaka-independent. Kaya ko na naman
though nahirapan talaga ako noong una.

Nang makapasok na ako ay hindi ko kinalimutang i-lock ang pinto. Diretso agad
ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Hindi na ako nag-abalang maglinis pa ng sarili
o magtanggal man lang ng make-up dahil antok na talaga ako.

Papikit na sana ang mga mata ko nang isang bagay na nakapatong sa side table
ang nahagip ng mata ko-ang nawawala kong cellphone!
"Oh, my God! 'Andito ka lang pala. Akala ko nawala ka na..." masaya kong
turan sabay kuha sa phone.

Ngunit ang kasiyahan ko ay napalitan ng pangamba at takot nang maalala ko ang


lalaking nakausap ko kanina nang tawagan ko ang cellphone ko. Kung nasa kanya
kanina ang phone kong ito, ibig sabihin ay... Hindi!

Pakiramdam ko ay biglang umikot ang paligid ko at pagtingin ko sa pintuan ng


aking kwarto ay isang nakangising lalaki ang pumasok doon at papalapit siya sa akin
habang may hawak na kitchen knife!

GOOD NIGHT!

=================

Story #20- Copy-Paste

Story #20- Copy-Paste

(Ang kwentong ito ay para kay Jayvel De Guzman...)

NAPANGIWI ako nang buksan ko ang Wattpad account ko. Walang bagong notifications.
Wala man lang nag-vote o comment sa story ko kahit na dalawang araw akong hindi
nakapagbukas.

Mula sa pagkakaupo sa kama ay humiga ako at tumingin sa kisame.

'Tumigil ka na kasi sa pagsusulat, Jayvel! Hindi ka magiging sikat na Wattpad


writer dahil mas marami nang nagsusulat ng gangster stories doon. Eh, 'yon lang
naman ang alam mong isulat!' Sabi ko sa aking sarili.

Muli akong bumangon sabay titig sa laptop. Isa ako sa mga lalaki na
nagsusulat sa naturang website. Mas masaya sana kung mas marami akong readers.
Bumuntung-hininga ako nang i-click ko ang profile ko.

36 following. 7 followers.

Talagang mas marami pa ang pina-follow ko, ah. Nakakalungkot lang.

Teka, ano kaya kung mag-try ako ng ibang genre? Pero, anong genre naman?

Ano kaya kung... horror?


Tama, horror!

Usung-uso ang horror sa Wattpad ngayon. At napapansin ko rin na dumarami na


ang sikat na horror writer ngayon, eh. Why not?

Excited kong in-open ang Microsoft Word ngunit bigla akong natigilan nang
akmang titipa na ang mga daliri ko sa keyboard.

Napangiwi ako.

Ano namang alam ko sa pagsusulat ng horror stories? Eh, puro tungkol sa


gangsters lang alam ko. Tss. Ang hirap naman!

Pero ano kaya kung...

Nagpunta agad ako sa search bar ng Google at nag-type.

'HOW TO COPY-PASTE WATTPAD STORIES'

Enter!

Agad kong clinick ang unang result at napangiti ako. Ito na ang way para
makilala ako sa online writing. Sa nabasa ko sa naturang site ay nalaman ko kung
paano ko maka-copy ang isang story sa Wattpad.

Nagpunta ulit ako sa Wattpad at nag-browse sa mga stories sa horror section.


Isang story ang agad na pumukaw sa akin. Cathcy ang title at marami na ring reads.
Sinilip ko muna ang profile ng naturang writer at medyo nagulat ako nang malaman
kong patay na pala siya. Jackpot!

Siguro naman, hindi na malalaman ng writer na ito na kinopya ko ang story


niya dahil patay na naman siya.

At ganoon na nga ang ginawa ko. Isang story niya ang ki-nopy ko at nilipat sa
Microsoft Word. Iniba ko ang title pati na rin ang pangalan ng characters para
hindi halata. Matapos iyon ay gumawa na rin ako ng book cover.

Nakangiti kong inilipat sa Wattpad ang kinopy kong story mula sa isang patay
ng Wattpad writer. Nang i-click ko ang Save and Publish ay pinatay ko muna ang
laptop ko. Mamayang ten o'clock ng gabi ay i-che-check ko ulit ang account ko sa
naturang website. May isang oras pa ako para umidlip...

-----***-----
TEN O'CLOCK PM...

Nagising ako sa lakas ng alarm ng cellphone. Pupungas-pungas ako na binuhay


ang laptop ko at punta agad sa Wattpad. Ganoon na lang ang saya ko nang makita kong
na may 66 reads na agad ang ki-nopy-paste kong story! At may 6 comments at 13 votes
na rin.

Isa-isa kong binasa ang mga comments...

'This is creepy!'

'First chapter pa lang, panalo na. Update na po author.'

'Looking forward sa next chapter. Ang galing mo, Jayvel!'

'Update na po. Ang ganda. Natatakot na tuloy akong matulog...'

'Ang ganda ng pagkakasulat mo. Keep it up!'

'Pabasa naman po ng story ko. Heto po ang link...'

Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng saya sa mga nabasa ko. First time na
dinagsa ng comments at votes ang story ko. Eer... Hindi ko pala ito story. Pero
kahit na, ang hirap kayang mag-copy-paste. Effort din 'yon, 'no.

Dahil sa mga demand nila ng update ay muli akong pumunta sa profile ng writer
na iyon. Limang chapter pa ang kinopya ko at pinost sa Wattpad account ko. Sunud-
sunod pa ang dumating na comments at votes. Ang dami na ring nagpa-follow sa akin
at nagsasabing ang ganda ng horror story ko. Sobrang saya ko talaga!

Hanggang sa abutin na ako ng alas-dose ng madaling araw kaka-reply sa mga


messages sa akin. Mabuti na lang at wala pang nakakaalam na copy-paste lang ang
story ko na iyon. Kung meron man, alam ko na agad ang gagawin. Delete agad ang
comment at i-mu-mute.

'Sisikat ka na, Jayvel. Sisikat ka na!' sabi ko sa aking sarili habang


nakahiga na ako sa aking kama at nagpapaantok.

Ipinikit ko na ang aking mga mata habang unti-unti akong nakakatulog. Ngunit
ang katahimikan ng gabi ay nabasag nang may biglang kumatok sa bintana sa kwarto ko
na nasa kanan ko lang. Nanggagaling iyon sa labas. Tatlong malalakas at sunud-sunod
na katok na nagpawala ng antok ko.

Tok! Tok! Tok!


Pinakiramdaman ko kung ano iyon o kung masusundan pa ang pagkatok. Baka naman
sanga ng puno. Pero naalala ko na wala nga palang puno malapit sa bintana ng kwarto
ko. Hindi naman kaya halimaw? Halimaw?! P-pero, hindi naman totoo ang mga halimaw.

Tok! Tok! Tok!

'Ayan na naman! Napasiksik na ako sa headboard ng kama ko. Tinatablan na ako


ng takot ng mga oras na iyon. Nagkataon pa na mag-isa ako sa bahay. Baka naman
magnanakaw iyon! Pero, may magnanakaw ba na kakatok muna bago magnakaw? Wala naman,
eh. Siguro naman ay mga bata lang na nakatuwaan na katukin ang bintana ko.
Naglalaro siguro. Pero... bata? Alas-dose ng madaling araw? Imposible!

Sa pagkakataon na iyon ay kinalma ko na ang aking sarili. Ayokong magpaka-


paranoid ngayon. Magka-copy-paste pa ako bukas, eh.

Sinabi ko rin sa sarili ko na oras na maulit ang pagkatok sa bintana ay


bubuksan ko na iyon para malaman ko kung ano ba talaga ang pinagmumulan niyon.

Tok! Tok! Tok!

Napapitlag ako at bumilis ang tibok ng puso ko sa takot.

Mas okey nga sigurong buksan ko na ang bintana. Baka may nang-ti-trip lang sa
akin. Nasa loob ako at nasa labas siya, wala akong dapat ikatakot. Hindi kaagad
siya makakagawa ng kung ano kung balak niya akong saktan dahil may grills naman
iyong bintana ko.

Huminga muna ako ng malalim at naglakad papunta sa bintana. Bubuksan ko na


kaysa mabaliw ako kakakinig sa katok na iyon. Inisip ko na agad na nakakatakot ang
makikita ko para hindi na ako mabigla.

Tinanggal ko na ang lock ng bintana at binuksan iyon.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. Parang tumigil ang aking paghinga at
sa sobrang takot ko ay hindi na ako nakasigaw at nakagalaw.

"Copy-paste pa more!" sabi sa akin ng taong may maputlang mukha. Nanlalaki


ang mapupula niyang mata at may nakakatakot na ngisi sa kanyang mga labi. Mula sa
kanyang bibig at mga mata ay may umaagos na mapula at malapot na dugo!

Siya pala ang kumakatok sa aking bintana...

GOOD NIGHT!
SUSUNOD NA ANG LAST STORY...

=================

Story #21- The Writer (FINALE)

AUTHORS NOTE: Para sa mga walang sawa na sumusuporta sa akin, maraming salamat po.
Finally, 'andito na po tayo sa LAST na story para sa 'Soju's Bedtime Stories'.
Pero, hindi naman ibig sabihin nito ay goodbye na na. Magpapahinga lang po ang SBS
pero magbabalik itong muli! Gusto ko ring magpasalamat sa mga ka-friend ko sa
Facebook na pinayagan akong gamitin ang kanilang mga pangalan para sa maiikling
kwento na isinulat ko dito.

Sana po ay magustuhan niyo ang huling story dito sa SBS. Sino pa ba ang magiging
bida sa last story ng 'Soju's Bedtime Storires' kundi AKO! HAHAHA!

-----***-----

Story #21- The Writer

"MAY sarili kang banyo, closet, kama at sofa. May lababo din at gaya ng gusto mo,
tahimik ang lugar na ito kasi nasa third floor ka..." sabi sa akin ni Ate Lorie.

Inilibot ko ang paningin sa studio-type apartment na iyon. Medyo nagmukhang


maliit iyon dahil sa kama at sofa pero wala namang kaso sa akin iyon. Ako lang
naman ang mag-isang titira dito, eh. Isa pa, mura. Dalawang libo lang kada-buwan.

Tumingin ako sa babaeng may-ari ng apartment at ngumiti. "Sige po. Kukunin ko


na," sabi ko.

"Teka, ano nga palang pangalan mo?" tanong niya.

"Soju po. At isa akong writer..."

-----***-----

MAY saya na inunat ko ang aking mga braso habang nakaharap sa laptop. Finally,
natapos ko na rin ang sinusulat kong collection ng short horror stories na
pinamagatan kong 'Soju's Bedtime Stories'. Matapos ang halos tatlong buwan ay higit
sa dalawampu na pala ang naisulat ko. Konting edit na lang at pwede ko na itong
ipasa sa editor ko.
Sumandal ako sa sofa kung saan ako naroon. Alas-otso pa lang ng gabi pero
inaantok na ako. Sabagay, ganito talaga ako. Antukin sa personal. Dahil medyo
inaantok, ay naisipan kong umidlip muna. Kapag nagising ako mamaya ay isusunod ko
na ang pag-e-edit. O kung tatamarin naman ako sa pag-e-edit, puwede naman akong
gumawa ng update sa mga stories ko sa Wattpad at Booklat.

Pumikit na ako, ngunit agad ding bumukas ang mga mata ko nang makarinig ako
ng kaluskos sa loob ng closet.

Daga?

Iyon ang naisip ko kaya pumikit ulit ako. May kumaluskos na naman doon.

Ipis?

Hindi na ako nagbukas pa ng mata dahil pakiramdam ko ay pinagdamutan ako ng


tulog. Ngunit hindi ko na napigilan ang pagbukas ng mga mata ko nang may marinig
akong muli sa loob ng closet. Hindi iyon isang kaluskos kundi parang tunog ng ulo
na malakas na inihampas sa pader!

Tumayo ako at pinuntahan ang closet binuksan ko iyon. Wala naman akong
nakitang kakaiba sa loob bukod sa mga damit ko na hindi ko pa naaayos dahil sa
kakalipat ko pa lang. Napailing ako.

'Ito ang napapala ko kakasulat ng horror, eh!' sabi ko sa aking sarili.

Humiga na ulit ako sabay pikit. Ilang sandali lang ay para na akong baboy na
humihilik.

-----***-----

GISING ako. Alam ko. Nararamdaman ko. Gising ako.

Pero bakit ganito, hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ko maimulat ang
mga mata ko! Gusto kong sumigaw ngunit tanging mahihinang ungol lang ang lumalabas
sa bibig ko. Hindi kaya, ito ang tinatawag nilang sleep paralysis?

Bigla akong kinilabutan nang maramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na


humawak sa aking dalawang paa. Doon na ako nag-panic pero wala naman akong magawa
dahil hindi ako makagalaw.

Nagdasal ako. Nagdasal hanggang sa maigalaw ko ang hinliliit ng daliri ko sa


kamay. Hanggang sa buong kamay ko na ang naigalaw ko at bigla akong nagising.
Humihingal na napabalikwas ako ng bangon. Agad kong tiningnan ang aking mg paa
ngunit wala akong nakitang kamay na nakahawak doon.
Nailahamos ko ang dalawang palad ko sa aking mukha.

Tumayo ako sa sofa at uminom ng tubig. Nang ilapag ko ang baso sa lababo ay
nagulat ako nang marinig ko na naman ang kalampag sa loob ng closet. Sa pagkakataon
na iyon ay medyo nakakaramdam na ako ng takot dahil sa sleep paralysis na naranasan
ko kanina. Bigla akong naparanoid.

Muling naulit ang kalabog sa closet.

Kahit medyo natatakot ay nilapitan ko pa rin ang closet. Tagaktak na ang


pawis sa aking noo at bahagyang nanginginig ang kamay nang abutin ko ang pinto ng
closet. At ganoon na lang pagsigaw ko nang makakita ako ng tatlong duguan na babae
sa llob ng closet! Bawat isa sa kanila ay may hawak na posporo na may sindi.

Hindi ko na kinaya ang nakita ko at nilukob na ako ng kadiliman...

-----***------

"SOJU... Soju..."

"Hmm..."

"Soju! Hoy!"

Pagmulat ko ng aking mata ay ang nagtatakang mukha ni Ate Lorie ang


sumalubong sa akin.

"A-anong nangyari?" naguguluhan kong tanong sabay bangon.

"Aba, ikaw yata ang dapat kong tanungin, eh. Bakit diyan ka nakahiga sa
sahig? Kanina pa ako katok ng katok, wala namang sumasagot. Kaya ginamit ko na
'yong duplicate key ko at baka 'kako kung ano na ang nangyari sa'yo."

Sinapo ko ang likod ng ulo ko. Napatingin ako sa closet at naalala ko ang
nangyari kagabi. "Ate Lorie, magsabi nga kayo ng totoo, ano ang nangyari sa dating
nakatira sa apartment na ito?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Ha? Wala. Bakit?"

"Anong wala? Bakit may nagpakita sa aking multo kagabi? Sabihin niyo na kasi.
Kung walang nangyari sa dating tumira dito, ano ba ang apartment na ito dati?"

Natigilan si Ate Lorie at lumapit sa closet. Hinawakan niya iyon sa gilid at


nagsalita. "Dating bahay ang apartment na ito. At oo, iyong anak ng may-ari ng
bahay ay namatay sa closet na iyan. Nang gabing mamatay siya, nakakapagtaka na
kasabay din niyang namatay ang dalawa pa niyang kaibigan. Sila marahil ang nakita
mo, Soju."

Sinasabi ko na nga ba. Hindi ako maloloko nitong si Ate Lorie. Horror writer
yata ako!

Itinaas ko ang dalawang kamay ko. "Okey. Aalis na ako dito," pinal na sabi
ko.

"Aba, aba! Kung aalis ka, hindi mo na pwedeng kuhain iyong bayad mo!"

"Aba't-"

"Walang refund!"

"Eh, 'di wala na kung wala. Basta aalis na ako dito. Sorry, ate, pero hindi
ako makakapag-sulat ng maayos kung palagi akong gagambalain ng multo sa apartment
na ito," tugon ko.

-----***-----

NAKALAGAY na sa maleta ang damit ko. Isa-isa kong tinawagan ang mga kaibigan ko
ngunit wala sa kanila ang pwede kong tuluyan ng pansamantala habang naghahanap ako
ng bagong apartment. Mukhang wala akong choice kundi ang mag-stay pa dito hangga't
hindi pa ako nakakakita ng bagong tirahan.

Grabe talaga ang mga kaibigan kong iyon, oh! Birthday ko pa naman ngayon
tapos wala man lang makatulong sa akin. Kahit pa-birthday na lang nila. Puro sila
dahilan na hindi daw pwede sa kanila. Ganito, ganoon... Leche sila! Pag talaga ako
yumaman, hu u sila sa aking lahat.

Tss.

Sumapit na naman ang gabi. Ang oras na kinatatakutan ko dahil natatakot ako
na baka may magparamdam na naman. Nakaupo ako sa sofa at pinapakiramdaman ang
paligid. Sa isip ko ay kinakantahan ko ng 'Happy Birthday' ang sarili ko para kahit
papaano ay mawala ang takot ko.

Wala sana akong balak matulog hanggang umaga pero talagang bumibigat na ang
pakiramdam ko hanggang sa tuluyan na akong makatulog...

-----***-----
"SOJU... Soju..."

"Ate Lorie, antok pa ako..." ungot ko sabay tagilid. Wala na akong pakialam
kahit na sa sofa na naman ako nakatulog.

"Soju..."

"Ano ba, ate-" Natigilan ako sa pagsasalita nang may maramdaman akong malamig
na kamay na humahaplos sa mukha ko.

Nang imulat ko ang mga mata ko ay ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko
kung sino ang humahaplos sa mukha ko. Isang babae na duguan ang mukha at may
mahabang itim na buhok!

Malakas akong sumigaw at agad kong tinakbo ang pinto ngunit hindi ko iyon
mabuksan. Nanatiling nakatayo doon ang babae habang nakatingin sa akin ang
nanlilisik niyang mga mata. Halos atakihin na ako sa puso sa sobrang takot. Pabilis
na nang pabilis ang paghinga ko.

Maya maya ay narinig ko ang pag-ingit ng pinto ng closet. Nang tingnan ko


iyon ay isang lalaki na maputla ang mukha ang lumabas mula doon. Nakatayo lang siya
sa harapan ng closet. Marahan na umangat ang kamay niya at itinuro ko sabay
halakhak. Nakakatakot ang halakhak niya. Nanunuot sa aking tainga kaya naman
napaluhod na ako sa sobrang takot habang nakatakip ang dalawang kamay sa
magkabilang tainga.

Halos mabaliw na ako ng mga sandaling iyon. Nanginginig na ang buo kong
katawan. Mas lalo pa akong natakot nang may sunod-sunod na kumatok sa pintuan.

"Soju... papasukin mo kami..." paulit-ulit na sabi ng mga kumakatok. Parang


nanggagaling sa hukay ang kanilang mga boses.

Hindi ko na kaya!

Mababaliw na ako at sigurado ako na mamamatay na ako sa sobrang takot.

Pikit-mata kong tinakbo ang bintana. Binuksan ko iyon at sumampa. Mas mabuti
nga sigurong mamatay na lang ako sa ganitong paraan kaysa mamatay sa takot dahil sa
mga multo sa pesteng apartment na ito!

Hindi na ako lumingon sa likod ko kahit na narinig kong bumakas na iyong


pintuan. Siguradong sandamakmak na nakakatakot na mga multo ang makikita kong
nakapasok na dito.

Akmang tatalon na ako nang marinig ko na sumigaw iyong mga multo.


"Happy birthday, Soju!!!"

Bigla akong natigilan sa pagtalon. Nanlalaki ang mga mata na lumingon ako sa
aking likuran at hindi na mga multo ang nakita ko kundi ang mga kaibigan ko na may
malalaking ngiti sa mga labi.

"Put-" galit na turan ko.

"We got you, bro! Happy birthday! Palabas lang namin ito. This is just a
birthday prank!" sabi ng isa kong kaibigan.

"Bumaba ka na nga diyan!" sabi pa ng tumatawang isa.

"Hintayin niyo akong bumaba dito at lagot kayo-" Hindi ko na naituloy pa ang
sasabihin ko dahil biglang dumulas ang kamay ko mula sa pagkakapit sa gilid ng
bintana.

Humulagpos ang paa ko. Nakita ko na tumatakbo ang mga kaibigan ko papalapit
sa akin ngunit huli na ang lahat dahil tuloy-tuloy na akong nahulog mula sa
bintana. At naramdaman ko na lang ang paghampas ng mukha ko sa matigas na semento.

Kadiliman...

GOOD NIGHT!

----***----

Maraming salamat! Hanggang sa susunod nating kuwentuhan, Bedtimers...

You might also like