AP3 q1 Mod7 Mga Lugar Na Sensitibo Sa Panganib Batay Sa Lokasyon at Topograpiya v3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay
sa Lokasyon at Topograpiya
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 7: Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa Lokasyon
at Topograpiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Evelyn Camilan


Editor: Maychie T. Batulat, Aiene M. Molina, at Alex Didal
Tagasuri: Ma. Samila L. Advincula, Ramil P. Bingco, at Rosemarie M. Guino
Tagaguhit: Jaime E. Sagayap Jr.
Tagalapat: Razle Jabelo
Tagapamahala:
Ramir B. Uytico Arnulfo M. Balane
Rosemarie M. Guino Joy B. Bihag
Nova P. Jorge Ryan R. Tiu
Thelma Cabadsan-Quitalig Elena S. De Luna
Renato S. Cagomoc Noel E. Sagayap
Geraldine P. Sumbise Avelina P. Tupa

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region VIII


Office Address: Government Center, Candahug, Palo, Leyte
Telefax: (053)-323- 3156
E-mail Address: region8@deped.gpv.ph
3

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 7:
Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay
sa Lokasyon at Topograpiya
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Lugar na Sensitibo
sa Panganib Batay sa Lokasyon at Topograpiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa


paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan
ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa Mga Lugar na Sensitibo sa Panganib Batay sa
Lokasyon at Topograpiya!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano
na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Subukin Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
Tuklasin
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
Pagyamanin
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
Isaisip
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
Isagawa
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

iv
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na


ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

May mga panganib na naidudulot ang ating kapaligiran. Mahalagang


malaman mo kung ano ang mga likas na panganib na ito upang mapaghandaan
at maiwasan ang anumang sakuna na maaaring maidulot nito. Bilang bansang
nasa daanan ng bagyo, nakararanas tayo ng maraming bagyo sa buong taon.
Nakararanas din tayo ng mga pagyanig ng lupa. Hindi natin ito malaman kung
kailan mangyayari. Kung tag-init naman, minsan na tayong nakaranas ng
matinding init ng panahon na nagdudulot ng El Niño, sa tag-ulan naman, sobrang
dami ng ulang nagdudulot ng matinding pagbaha at flash flood.
Sa pag-aaral ng ating sariling lalawigan at rehiyon, mahalagang matukoy
at malaman ang mga lugar na sensitibo sa panganib at ang wastong pagtugon
nito. Bakit kaya? Sa Modyul na ito, tutuklasin natin ang kasagutan sa tanong na
iyan.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makatutukoy ng mga lugar na sensitibo
sa panganib sa sariling lalawigan gamit ang hazard map.
Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang sumusunod.

1
Subukin

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat tanong o pangungusap. Isulat sa


sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Anong lugar ang may mataas na antas na makararanas at


makararamdam nang malakas na lindol?

a. Mga lugar na malapit sa fault line


b. Mga lugar na malayo sa fault line
c. Mga lugar na sobrang malapit sa fault line
d. Mga lugar na sobrang malayo sa fault line

2. Mas mataas ang antas ng pagguho ng lupa sa mga lugar na _______.

a. Malapit sa dagat
b. Nasa patag na lugar
c. Matataas na lugar
d. Mababang lugar

3. Sa nagdaang bagyo, pinalikas ang karamihan sa mga mamamayan na


nasa mababang lugar dahil sa posibleng pagbaha. Ano ang gustong
ipaabot ng sitwasyon?

a. Ang kinalalagyan ng lugar ay may koneksyon sa mga kalamidad na


maaring mangyari.
b. Ang topograpiya ay may kinalaman sa mga kalamidad na nangyayari
sa paligid.
c. Walang koneksyon ang topograpiya sa mga kalamidad na nangyayari
sa paligid.
d. Ang kalamidad ay malimit na nangyayari sa mababang lugar.

2
4. Ang pamayanan na nasa gilid ng dagat o ng karagatan ay mapanganib
sa __________.

a. Storm surge at tsunami


b. Bagyo at baha
c. Lindol
d. Landslide

5. May mga pamayanan sa Silangang Bisayas na nakatayo sa kapatagan.


Anong panganib ang maaring maranasan ng mga mamamayan dito?

a. Baha
b. Bagyo
c. Storm Surge
d. Lindol

3
Aralin Mga Lugar na Sensitibo sa
Panganib Batay sa Lokasyon at
1 Topograpiya

Sa araling ito ay malalaman mo ang mga lugar nga sensitibo sa panganib


batay sa lokasyon at topograpiya. May mga lugar sa ating bansa na malimit
daanan ng mga sakuna tulad ng bagyo, lindol, at baha. Dahil dito, bilang isang
mag-aaral, kailangan mong malaman kun saan ang mga ito para mapaghandaan
mo ang mga di- inaasahang pangyayari na maaaring magdulot ng iyong
kapahamakan.

Balikan

Natatandaan mo pa ba ang iyong nakaraang aralin? Balikan natin ang


iyong mga natutunan sa pamamagitan ng pagkilala ng tamang lalawigan. Isulat
ang iyong sagot sa kuwaderno.

_________ 1. Dito naganap ang unang misa sa Pilipinas.


_________ 2. Ang lalawigan sa Rehiyon VIII na maraming kuwebang
matatagpuan.
_________3. Dito makikita ang makasaysayang Hill 120.
_________4. Matatagpuan dito ang bantog na Sohoton National Park.
_________5. Makikita dito ang isla ng Sambawan.

4
Tuklasin

Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot.

Ang Rehiyon VIII ay nasa Silangang bahagi ng Bisayas. Ito ay nakaharap sa


________________ kaya madalas na dinadaanan ng bagyo. Halos lahat ng mga
lugar dito ay nakararanas ng daluyong o “storm surge”.
Hindi lang bagyo ang natural na panganib sa rehiyon. Dahil sa ang buong
bansa ay nakatuntong sa tinatawag na “Pacific Ring of Fire” kung saan maraming
aktibong bulkan kaya hindi maiiwasan na maramdaman ang _________ sa halos
lahat ng lalawigan nito.
May mga lugar din sa rehiyon na malapit sa __________ kaya ito ay
nakararanas ng malakas na pagyanig o paglindol.
May ilang bahagi ng rehiyon na napapaligiran ng matataas na bundok kaya
ito ay mapanganib sa ____________.
Ang mga _________________ at nasa gilid ng ilog ay mapanganib sa baha.

5
Suriin

Bagyong Yolanda Hinagupit ang Silangang Visayas

Biyernes, Nobyembre 8, 2013, libo-libong mga tao ang nakaranas ng


hagupit ng Bagyong Yolanda. Ang Lungsod ng Tacloban, bayan ng Tanauan, sa
lalawigan Palo at ang Basey sa Lalawigan ng Samar, ang nakaranas nang
matinding lakas ng hangin na nagdulot ng storm surge. Ang ibang mga lugar
kagaya ng Guiuan sa Silangang Samar, ibang parte ng Leyte, Samar at Kabisayaan
ay hindi rin nakaiwas sa malakas na hangin na dala nito. Libo-libo ang namatay,
nasiraan ng mga ari-arian, at kabuhayan.
Ayon pa sa National Disaster Risk Reduction and Management Council
(NDRRMC) umabot na sa Php 13 182 975 034.00 ang mga nasirang
impraestruktura at Php 11 356 327.76 na mga produktong pang-agrikultura.
Karamihan sa mga namatay ay nagmula sa Silangang Visayas.
Sa dalang pinsala ng bagyo, hindi madaling bumangong muli para sa mga
lalawigang naapektuhan lalo na yong nawalan ng hanapbuhay.
Sa panahong kagaya nito, ipinakita ng mga tao ang pagtutulungan sa
kapwa. Umabot sa Php 527 477 440.62 ang relief assistance na nalikom para sa
mga biktima sa bagyo. Maliban sa tulong na nakuha o natanggap ng mga biktima
mula sa mga kababayang Pilipino, tumulong din ang mga taga ibang bansa gaya
ng Amerikano, Hapones, Koreano at iba pa.
Ang Rehiyon VIII ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko, kaya malimit itong
dinadaanan ng bagyo. Subalit hindi lang bagyo ang natural na panganib sa ating
rehiyon. Ang buong bansa ay nakatuntong sa tinatawag na Pacific Ring of Fire
kung saan maraming lugar ang may aktibong bulkan at paggalaw ng mga
kontinente. Ang dulot nito ay ang karaniwang nararanasan nating lindol sa iba’t
ibang panig ng bansa. Anong paghahanda ang dapat gawin sa mga panahon ng
lindol? Bagaman hindi nalalaman kung kailan magkakaroon ng sakuna, ano ang
paghahanda na maaaring gawin upang maiwasan ito?

6
Mahalaga na makaalam sa mga panganib na maaaring idulot sa
kapaligiran. Pansinin ang Eastern Visayas Storm Surge Hazard Map sa ibaba.
Dito makikita ang mga lugar na may posibilidad na maapektuhan ng storm surge.
Saang lugar ang madaling bahain? Bakit mo nasabi ito? Ano-anong
impormasyon ang maaari pang makita sa mapang ito?

Eastern Visayas Storm Surge Hazard Map

Bukod sa panganib ng bagyo, mapanganib din ang paglindol. Pansinin ang


Fault Line Map o Earthquake Hazard Map ng Leyte sa ibaba. Ang mapang ito ay
nagpapakita ng mga lugar na maaaring maging sentro ng paglindol. Ang may
mga kulay ay tumutukoy ng mga lugar na malaking porsyento ang pagkakataon
na mangyayari ang paglindol. Batay sa mapa, saang mga lugar ito sa ating
rehiyon? Ano ang paghahanda na dapat gawin upang maiwasan ang sakuna?

7
Leyte Earthquake Hazard Map

8
Pagyamanin

A. Panuto: Kilalanin sa loob ng kahon ang mga lugar na hinihingi ng tanong.


Isulat sa puwang ang tamang sagot.

ilog
bundok
dagat
mataas na lugar
mabatong bundok

1. Ang mga bahay na malapit sa _______ ay posibleng hampasin ng


malalaking alon oras na mataas ang tubig dagat at may bagyo.

2. Ang mga bahay na nasa gilid ng _______ ay posibleng tangayin ng


rumaragasang tubig dahil sa baha.

3. Ang mga bahay na nasa ibabaw ng ___________ ay mapanganib


kapag malakas at magdamag ang ulan dahil posibleng magkaroon ng
landslide.

4. Lumikas sa __________ kapag mataas na ang tubig baha.

5. Umiwas sa _________ kung mayroon pag-uga ng lupa.

9
B. Pag-aralan ang mapa. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Leyte Landslide Hazard Map

1. Aling mga lugar ang may mataas na posibilidad ng pagguho ng lupa?


Magbigay ng 5.

2. Aling mga lugar ang mababa ang posibilidad ng pagguho ng lupa?


Magbigay ng lima.

3. Aling mga lugar ang katamtaman lang ang posibilidad ng pagguho ng


lupa? Magbigay ng lima.

10
Isaisip

Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ang mga lugar sa Silangan Bisayas na malapit sa dagat ay mapanganib sa


sakuna dulot ng ____________________.
2. Dahil sa ang bansang Pilipinas ay nakatuntong sa tinatawag na “Pacific
Ring of Fire” kung saan maraming aktibong bulkan hindi maiiwasan na
maramdaman ang _____________.
3. May mga lugar din sa rehiyon 8 na malapit sa “fault line” kaya
nararamdaman dito ang _____________________.
4. Ang mga lugar na matataas ay mapanganib sa ____________________.
5. Ang nasa mabababang lugar tulad ng kapatagan ay mapanganib sa
_________________.

Isagawa

Kung ikaw ay nakatira sa lugar na ipinakita sa larawan, anong


panganib ang maaari mong maranasan? Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

1. ________

11
2. __________

3.

4.

5.

12
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot
at isulat ito sa sagutang papel.

1. Mas mataas ang antas na gumuho ang lupa sa Timog Leyte dahil ang
lokasyon nito ay ___________.

A. malapit sa dagat
B. nasa patag
C. nasa mataas na lugar o bundok
D. nasa mababang lugar

2. Naranasan ng mga mamamayan sa Leyte ang isang malakas na paglindol


dahil ito ay nasa _________.

A. malapit sa fault line


B. malayo sa fault line
C. napaliligiran ng katubigan
D. patag na lugar

3. Sa nagdaang lindol, nabahala ang mga tao na maaaring


magkaroon ng tsunami. Pinalikas ang mga tao sa matataas
na lugar para maging ligtas sila sa kapahamakan. Ano ang
gustong ipaabot ng sitwasyon? May koneksiyon ba ang
topograpiya ng lugar sa kalamidad na puweding mangyari?

A. Walang koneksiyon ang topograpiya ng lugar sa kalamidad na


puweding mangyari.
B. Ang kinalalagyan ng lugar ay may koneksiyon sa mga kalamidad na
puweding mangyari.
C. Ang topograpiya lang ng lugar ang may koneksiyon sa mga
kalamidad na puweding mangyari.
D. Wala sa nabanggit

13
4. Anong mga lugar sa Silangang Bisayas ang may mataas na posibilidad na
maranasan ang daluyong o storm surge?

A. Ang mga lugar na malapit sa fault line.


B. Ang mga lugar na malapit sa dagat o karagatan.
C. Ang mga lugar na malapit sa bundok.
D. Ang mga nasa mababang lugar.

5. Bakit madalas na binabayo ng bagyo ang Silangan Bisayas?

A. Dahil ito ay nasa mababang lugar


B. Dahil ito ay nasa malapit sa dagat
C. Dahil ito ay nakaharap sa karagatang pasipiko kung
saan nabubuo ang bagyo.
D. Dahil maraming matataas na bundok dito.

Karagdagang Gawain

Panuto: Sa loob ng kahon, iguhit ang iyong pamayanan. Sa ibaba nito, sumulat
ng tatlong pangungusap na nagpapaliwanag ng kinalalagyan nito, ang
posibilidad na panganib dito at hakbang upang makaiwas sa posibilidad na
panganib.

14
15
Tuklasin
1. Karagatang Pasipiko
2. Pagyanig/paglindol
3. Fault line
4. Pagguho ng lupa
5. Mababang lugar
Isagawa Balikan Tayahin
1. Baha 1. Timog Leyte 1. C
2. Storm surge 2. Samar 2. A
3. Landslide 3. Leyte 3. B
4. Landslide 4. Samar 4. B
5. baha 5. Biliran 5. C
Isaisip Pagyamanin Subukin
1. Storm Surge A. 1. Dagat 1. A
2. Paggalaw ng 2. ilog 2. C
Kontinente 3. bundok 3. A
3. Lindol 4. mataas na lugar 4. A
4. Landslide
5. mabatong bundok 5. B
5. Baha
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Department of Education. n.d. Araling Panlipunan 3: Kagamitan ng Mag-aaral.


Philippines: Department of Education.
Department of Education. n.d. Araling Panlipunan 3: Regional Test Item Bank.
Philippines: Department of Education.

16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like