Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Rehiyon V
Kagawaran ng Edukasyon
Dibisiyon ng Camarines Sur
Distrito ng Garchitorena
Mababang Paaralan ng Binagasbasan

Masusing banghay-aralin sa Filipino

Ikalawang baiting-Rizal

I. LAYUNIN
Sa loob ng limampung (60) minuto, ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang ay
inaasahang magagawa ang mga sumusunod na mayroong pitumpu’t limang porsyentong
kahusayan (80% proficiency):

a. nalalaman ang kahulugan ng salitang “magkasingkahulugan”;


b. nakakapagbibigay ng mga halimbawa ng salitang magkasingkahulugan;
c. nakikilala ang mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap;
d. nagagamit ang mga salitang magkasingkahulugan sa pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: “Mga Salitang Magkasingkahulugan”
Sanggunian: Learner’s Material p. 200-204
Kagamitan: Kahon, mga larawan, colored paper, cartolina, laptop, speaker
Kasanayan: Cooperative and collaborative learning

III. PAMAMARAAN

GAWAIN ng GURO GAWAIN ng MAG-AARAL

A. PAGHAHANDA
1. Panalangin

“Tumayo ang lahat. Steven


maaari mo bang pangunahan ang
ating panalangin?”
Opo, Ma’am.
(Tatayo ang lahat ng mag-aaral at
mananalangin)
2. Pagbati
“Magandang umaga mga bata!”
“Magandang umaga din po Bb. Dalabajan!”
3. Pagtatala ng Lumiban sa Klase

“Bago tayo magsimula, tingnan


muna kung sino sa inyong mga
kaklase ang lumiban ngayong
araw.”

“Sino ang lumiban sa klase


ngayon?” “Wala po Ma’am.”

“Mabuti!”
B. BALIK-ARAL

“Mga bata, ano ang ating huling


pinag-aralan sa Filipino?” (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Jingky.” “Ang ating huling pinag-aralan ay ang mga


magkasalungat na mga salita.”

“Mahusay!”

“Ang ating huling pinag-aralan ay


tungkol sa mga salitang
magkasalungat.”

“Sino ang makapagbibigay ng mga


halimbawa ng salitang (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
magkasalungt?”
“mabagal-mabilis.”
“pangalan ng mag-aaral.”
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
“Magaling!”
“Masaya-malungkot.”
“Gloribe.”
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
“Mahusay! Masaya-malungkot.”
“malinis-makalat.”
(tatawag ulit ng mag-aaral)

“Magaling! Ako’y natutuwa dahil


naaalala niyo pa ang ating huling
aralin.”

C. PAGGANYAK

(Maglalagay ang guro ng dalawang


kahon sa ibabaw ng mesa)
“Kahon po.”
“Ngayon mga bata, ano ang nasa
ibabaw ng mesa?”

“May dalawang kahon ako dito sa (Magbibigay ng iba’t ibang opinion o hula ang
harap. Ano kaya ang laman ng mga mga mag-aaral)
kahon na ito?”

“Okay, mga bata, ang laman ng mga


kahong ito ay mga hugis na may
magkasingkahulugn na mga salita.
Pero ang mga hugis sa bawat kahon
ay kalahati lang. Hahanapin niyo ang
kalahati sa kabilang kahon upang “Opo, Ma’am.”
mabuo ang mga hugis at pares ng
mga salita. Naintindihan ba?”

“Ngayon, kailangan ko ng sampung


bata dito para magbunot/kumuha sa
dalawang kahon pagkatapos hanapin
ninyo ang inyong mga kapareha
upang mabuo ang mga hugis.”
(Kukuha ng mga kalahating hugis ang mga
(Magpipili ang guro ng mga mag- mag-aaral at hahanapin ang kanilang
aaral) kapareha)

“Ngayon, maaari niyo bang idikit sa “Opo, Ma’am.”


pisara ang mga hugis na inyong (Magdidikit ang mga mag-aaral sa pisara)
hawak-hawak?”

“Halina’t basahin natin ng sabay- (Magbabasa ng sabay-sabay ang mga mag-


sabay ang mga pares ng salitang aaral)
nakasulat sa mga hugis.”

D. PAGPAPAKILALA ng BAGONG
ARALIN
(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
“Ayon sa inyong ginawa, ano kaya ang
ating bagong aralin ngayong umaga?” “Tungkol po sa mga kalahating hugis.”
“Albert.” (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Okay. Ano pang ibang sagot?” “Ang ating bagong aralin ay tungkol sa mga
salitang magkakapreho po ang kahulugan.”
“Kent.”

“Magaling Kent!”

“Ang ating bagong aralin ay tungkol


sa mga salitang magkapareho ang
kahulugan o mga salitang
magkasingkahulugan.”

E. PAGTATALAKAY

(Isusulat ng guro ang kahulugan ng


salitang magkasingkahulugan)

Magkasingkahulugan-ay mga
salitang magkatulad ang
kahulugan o pareho ang ibig (Magbabasa nang sabay-sabay ang mga mag-
sabihin. aaral)
“Basahin natin ng sabay-sabay ang
kahulugan ng magkasingkahulugan

“Ilan sa mga halimbawa ng mga


salitang magkasingkahulugan ang
mga idinikit ninyo dito sa pisara.”
(Magbabasa ang mga mag-aaral ng mga
“Halina’t basahin natin ulit ang mga halimbawa)
halimbawa.”

“Ngayon, maliban sa mga halimbawa


na nasa pisara, sino pa ang
makapagbibigay ng mga halimbawa (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ng mga salitang
“Malaki-malawak.”
magkasingkahulugan?”

“Rica Mae.”

“Magaling! Ang mga salitang Malaki


at mlawak ay mga salitang
magkasingkahulugan.” (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“Sino pa ang makapagbibigay ng “guwapo-pogi.”


halimbawa?”

“Ronil.”

“Mahusay Ronil! Ang guwapo at pogi (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
ay magkapareho ang kahulugan.”
“masipag-masinop.”
“Mayroon pa bang ibang sagot?”
“Nicajoyce.”

“Magaling!”

“Ngayon, meron akong mga larawang “Opo, Ma’am.”


ididikit dito sa pisara. Ang gagawin
ninyo ay tukuyin kung aln sa mga
larawan ang mgkasingkahulugan.
Naintindihan ba?”

(Ididikit ng guro ang mga larawan)

(Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)


“Sino ang makakatukoy sa
magksingkahulugan sa unang mga “maitim at madilim po Ma’am.”
larawan?”

“Mary Grace.”

“mahusay!” (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)

“mahirap at dukha po.”


“Sino naman ang sa pangalawang mga
larawan larawan?”

“Rona.” (Magbabasa ang mga mag-aaral)

“magaling!”
(Ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga
“Ngayon, basahin natin ang mga tanong ng guro)
nakasulat sa ibaba ng mga larawan.”
“matigas at matibay po.”
“sino naman ang makakatukoy sa
magkasingkahulugan sa huling mga
larawan?”
(Magbabasa ang mga mag-aaral)
“Ang matigas at matibay ay
magkasingkahulugan na mga salita.”

(Ang guro ay patuloy na


magtatanong hanggang sa huling
larawan)

“Basahin natin ang mga sagot ng


inyong mga kaklase.”

F. PAGSASABUHAY
(Hahatiin ng guro ang klase sa
tatlong pangkat)

Unang Pangkat:
Hanapin ang
magkakaparehang larawan
upang makabuo ng mga
magkasingkahulugan na salita
ayon sa mga larawan.

Ikalawang Pangkat: “Opo, Ma’am.”


Bilugan sa pangungusap ang
magkasingkahulugan na mga
salita.

Ikatlong Pangkat:
Gamitin sa pangungusap ang
mga sumusunod na mga
salitang magkasingkahulugan.

G. PAGBUBUOD
“Mga bata naintindihan niyo ba ang
ating aralin ngayong umaga?”

“Titingnan ko kung naintindihan niyo


nga ang ating aralin. Mayroon pa
tayong isang gawain.”

(Magbibigay ang guro ng name tag


na ang nakasulat ay mga salitang
magkasingkahulugan)

“Pakidikit ang mga kapirasong papel


sa inyong dibdib. Ang gagawin niyo
ay hanapin ang inyong mga kapareha
o hanapin ang kasingkahulugan ng
salitang napunta sa inyo.”
“Opo, Ma’am.”

(Gagawin ng mga bata ang gawain)


“Habang hinanap ninyo ang inyong
kasingkahulugan, magpapatugtog
ako. Dapat bago matapos ang tugtog
ay mahanap niyo na ang inyong
kapareha.”

“Naintindihan ba mga bata?”

“Ako’y lubos na natutuwa dahil


naintindihan ninyo ang ating aralin.”

IV. PAGTATAYA
Pangalan: _____________________________________________________________________________

Panuto: Sa loob ng 10 minuto, piliin sa kahon ang kasingkahulugan ng mga


salita sa ibaba.

mayaman pandak maliit

maganda masaya maputi

1. marikit- __________________ 4. maligaya - _______________

2. mapira- ____________________ 5. munti- ______________

3. mababa- ____________________

V. TAKDANG ARALIN
Gumuhit ng mga magkasingkahulugan na mga salita o bagay.

Inihanda ni:
Gng. Ma. Cecilia L. Cervantes
panalangin

dasal
halakhak
tawa

Makupad
mabagal

For the name tag

MAKISIG-
MATIKAS
BERDE-
LUNTIAN
ASUL-BUGHAW
ALIPIN-
KATULONG

You might also like