Mga Tauhan Sa El Filibusterismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Tauhan sa El Filibusterismo

Simoun
 ay si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere.
 Nagkukunwaring mayamang mag-aalahas na nakasalaming may
kulay upang hindi makilala ng mga nais niyang paghigantihan.
 Naging kaibigan at tagapayo rin siya ng Kapitan Heneral.

Basilio
 ay estudyante ng medisina.
 Kasintahan niya si Juli.
 Kalaunan ay naging kakampi niya si Simoun.

Isagani
 ay isang estudyanteng makata.
 Pamangkin ni Padre Florentino.
 Kasintahan niya si Paulita.
 Isa rin siya sa mga mag-aaral na sumusuporta sa hangarin na
magkaroon ng eskwelahan para sa wikang Kastila ang Pilipinas.

Kabesang Tales
 Ama nina Juli at Carolino.
 Siya ay isang magsasaka na naging tulisan na naghimagsik na
tinugis noon ng pamahalaan.
 Naghangad ng Karapatan sa lupang sinasaka na inaangkin ng mga
pari.
Tandang Selo
 Ama ni Kabesang Tales.
 Nabaril ng kanyang sariling apo.

Placido Penitente
 Ay probinsiyanong estudyante na nag-aaral sa Maynila.
 Ang mag-aaral na nawalan ng ganang magtapos ng pag-aaral dahil
sa mga suliraning pampaaralan.

Juli
 Anak ni Kabesang Tales.
 Apo ni Tandang Selo.
 Kapitan siya ni Basilio.
 Hinalay ni Padre Camora na matagal nang may pagnanasa sa kanya.

Paulita Gomez
 Kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez.

Don Custodio
 Kilala rin sa tawag na “Buena Tinta” ang tagapagpasya sa usaping
Akademya ng Wikang Kastila.

Ginoong Pasta
 Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal.
Ben-Zayb
 Isang manunulat sa pahayagan ngunit hindi totoo sa kanyang mga
salita.
 Ginagawan niya ng sariling bersyon ang mga pangyayari o balita.
 Laging iniisip ang pansariling kagustuhan at hindi ng katotohanan.

Padre Camora
 Ang mukhang artilyerong Kura ng Tiyani.
 Ang paring gumahasa kay Juli.
 Nagkaroon siya ng sugat sa kamay at bukol sa ulo dahil sa panloloob
sa bahay-liwaliwan.

Padre Fernandez
 Ay isang Dominikanong propesor.
 Isang paring may malayang paninindigan.

Padre Salvi
 Isang Pransiskanong dating kura ng San Diego.
 May pagtingin kay Maria Clara.

Padre Sibyla
 Dominikanong vice-rector ng Universidad ng Santo Tomas.

Padre Florentino
 Ang amain ni Isagani.
 Pinagtapatan ni Simoun ng tunay niyang katauhan bago siya
malagutan ng hininga.
Juanito Pelaez
 Estudyanteng kabilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.
 Mag-aaral na may kayabangan ngunit kinagigiliwan ng mga propesor.
 Nakatuluyan ni Paulita Gomez sa bandang huli.

Macaraig
 Mayamang estudyanteng sumusuporta sa pagtatago ng Akademya
ng Kastila ngunit biglang nawawala sa oras ng kagipitan.

Sandoval
 Estudyanteng Kastila na kapanalig ng mga mag-aaral sa usapin ng
Akademya ng Wikang Kastila.

Pecson
 Kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa Akademya ng
Wikang Kastila.
 Isa sa mga mag-aaral na nagtalumpati sa panciteria Macanista de
Buen Gusto kung saan ay kanyang tinuligsa ang mga pari.

Tadeo
 Kabilang sa mga estudyanteng nagsusulong para sa Akademya ng
wikang Kastila.
 Isang estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang may sakit
ngunit nakakapasa parin sa klase.
Carolino
 Anak ni Kabesang Tales at kapatid ni Juli.
 Isa siyang guwardiya sibil.
 Nakapatay sa kanyang lolo na si Tandang Selo.

Ginoong Leeds
 Ang misteryosong Amerikano na nagtatanghal sa perya.

Donya Victorina
 Pilipinang nagpapanggap na Europea.
 Tiyahin siya ni Paulita Gomez.

Quiroga
 Isang negosyanteng Tsino.
 Nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
 Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni Simoun ang mga
sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan.

Mataas na Kawani
 Kapanalig ng mga Indio.

Kapitan Basilio
 Isa sa mga Kapitan ng San Diego.

Kabesang Andang
 Ina ni Placido na taga-Batangas.
Hermana Bali
 Ang nanghimok kay Juli upang manghingi ng tulong kay Padre
Camora na mapalaya ang kasintahan ni Basilio.

Hermana Penchang
 Ang mayaman at madasaling amo o pinaglingkuran ni Juli noong
mga panahong kailangan niya ng pandagdag na salapi para may
ipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan.

You might also like