Quarter 1 - Summative Test AP 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region V
DIVISION OF CAMARINES SUR
Freedom Sports Complex, San Jose Pili, Camarines Sur
PARARAO HIGH SCHOOL
Pararao, Balatan, Camarines Sur
School ID: 302014
S/Y 2021-2022
ARALING PANLIPUNAN 7
SUMMATIVE TEST
KWARTER 1
PANGALAN: _________________________________BAITANG at SEKSYON: ______________ ISKOR:_______
Panuto: I. Basahing mabuti ang bawat pahayag/tanong at piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian.
Isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang .

_______1. Ang paghahating heograpikal ng Asya ay base sa Heograpikal at __________ sona.


A. Kultural B. Sosyal C. Ekonomikal D. Politikal
_______2. Sa rehiyong ito matatagpuan ang dalawang pinakamalaking kapuluan sa daigdig, ang Indonesia at Pilipinas?
A. Silangang Asya B. Timog-Silangang Asya C. Timog Asya D. kanlurang Asya
_______3. Ito ay isa sa tatlong uri ng rehiyong pisikal sa Kanlurang Asya kung saan nagtataglay ng matatabang lupain at
saganang suplay ng tubig.
A. Northern Tier B. Arabian Peninsula C. Fertile Crescent D. Western Plateau
_______4. Sang-ayon sa Paghahating Heograpikal ng Asya, ang kontinente ay hinati sa _____ rehiyon?
A. 4 B. 5 C. 6 D. 7
_______5. Ano ang kapakinabangan ng paghahating heograpikal sa Asya?
A. Nagkakaroon ng pansariling pagkakakilanlan o identidad.
B. Napapabilis ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga usaping pang-ekonomiya, pampolitika at panlipunan.
C. Higit na napapadali ang pagtamo ng kalinangan, kaunlaran at kapayapaan sa mga rehiyon.
D. Lahat ay maituturing na kapakinabangan ng paghahating heograpikal ng Asya.
______6. Ang paghahating heograpikal ng Asya ay base sa heograpikal at kultural na sona kung saan isinasaalang-alang
ang aspektong Pisikal, Historikal at _____?
A. Kultural B. Sosyal C. Ekonomikal D. Politikal
______7. Kadalasan ang rehiyong ito ay hinahati sa dalawang subregion, ang pangkontinente (mainland) at
pangkapuluan (insular)?
A. Silangang Asya B. Timog-Silangang Asya C. Timog Asya D. kanlurang Asya
______8. Anu-ano ang Limang rehiyon ng Asya base sa paghahating heograpikal?
A. Hilaga, Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog at Timog-Silangang Asya
B. Hilaga, Silangan, Kanluran, Timog at Gitnang Asya
C. Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan at Silangang Asya
D. Hilaga, Hilagang-Kanluran, Silangan, Timog at Gitnang Asya
______9. Bakit pinaniniwalaan na ang Fertile Crescent sa Kanlurang Asya ang lundayan o pinagsimulan ng sibilisasyon sa
Asya at sa buong mundo?
A. Ang lugar ay mayroong lupain ng kabundukan at talampas na angkop sa pagpapastol ng mga hayop.
B. Isang malawak na tangway ang lugar na pinaliligiran ng iba’t ibang anyong tubig na angkop panirahan.
C. Nagtataglay ito ng matabang lupain at saganang suplay ng tubig na angkop sa pamumuhay ng mga tao.
D. May katamtamang klima na angkop sa pamumuhay ng mga tao.
______10. Alin ang HINDI ang kapakinabangan ng paghahating heograpikal sa Asya?
A.Nagkakaroon ng pansariling pagkakakilanlan o identidad.
B. Nagkakaroon ng pagsasarili o inclusivity sa larangang politikal, panlipunan at pang ekonomikal na mga patakaran.
C. Napapabilis ang pakikipag-ugnayan at pagtutulungan sa mga usaping pang ekonomiya, pampolitika at panlipunan.
D. Higit na napapadali ang pagtamo ng kalinangan, kaunlaran at kapayapaan sa mga rehiyon.
_______11. Isang yugto ng kaunlaran ng isang lipunan simula sa pamumuhay na nakagawian at
pinipino ng maraming pangkat
A. Kalikasan B. Kabihasnan C. Teknolohiya D. Kultura
_______12. Ang sumusunod ang kapakinabangang nakakamit ng tao sa anyong tubig?
A. Napagkukunan ito ng mga pagkain tulad ng mga lamang dagat
B. Napagtatapunan ito ng mga basura
C. Ginagawa itong tirahan
D. Tinatanman ng mga halaman
_______13. Ang sumusunod ay mga kapakinabangang natatamo ng mga tao sa mga anyong
lupa maliban sa ________.
A. Nagsisilbing natural na depensa o proteksiyon sa mga kalamidad tulad ng bagyo.
B. Nagbibigay-daan sa transportasyon at komunikasyon ng mga tao.
C. Napagkukunan ng ikabubuhay tulad ng mga pagkain at iba pang pangangailangan
D. Wala sa nabanggit ay hindi kapakinabangan sa anyong lupa.
_______14. Ang sumusunod ay mga hakbang na maaaring isagawa upang maging maayos at
mapaigting ang ugnayan ng kapaligiran at tao.
I. Alamin ang gamit at limitasyon ng ating kapaligiran.1
II. Protektahan at iwasan ang mga maling gawain tulad ng pang aabuso sa kapaligiran.
III. Gamitin ang kapaligiran ng naaayon sa kaisipan na ang likas na yaman ay lahat napapalitan at may natural na proseso
ng pagpapanumbalik.
IV. Sumunod sa mga patakaran at batas ukol sa pangangalaga at paggamit ng kapaligiran.
Alin sa sumusunod ang maaari mong isagawa?
A. I at II B. II at III C. I, II at IV D. I, II, III at IV
_______15. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pag-aralan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa Asya maliban sa isa, alin
ito?
A. Gamit ang malilikom na mga kaalaman, magkakaroon tayo ng kabatiran sa heograpiya ng Asya na magiging daan
upang matukoy natin ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay bilang Asyano.
B. Ang kaalaman sa pisikal na katangian ng Asya ay lubusang magpapayaman sa mga Asyano.
C. Bilang Asyano, tayo ay nabibilang sa kontinente ng Asya kung kaya’t mahalaga ang kaalaman sa heograpiya at
katangiang pisikal upang lubos na makilala ang lahing Asyano.
D. Ang kaalaman sa kapaligiran o katangiang pisikal ng Asya ay makakatulong
_______16. Alin sa sumusunod na aspekto ng pamumuhay ng tao ang pangunahing
nabibiyayaan sa ugnayan ng kapaligiran at tao?
A. Politikal B. Sosyolohikal C. Teknolohikal D. Ekonomiya o Pangkabuhayan
_______17. Ang sumusunod ay mga kapakinabangang nakakamit ng tao sa anyong tubig
maliban sa _______.
A. napagkukunan ito ng mga pagkain tulad ng mga lamang-dagat
B. napagtatapunan ito ng mga basura
C. nagsisilbi itong daan para sa transportasyon at komunikasyon
D. napapakinabangan ito bilang atraksiyon sa mga turista
_______18. Ang sumusunod ay mga kapakinabangang natatamo ng mga tao sa mga anyong lupa maliban sa ________.
A. Nagsisilbing natural na depensa o proteksiyon sa mga kalamidad tulad ng bagyo.
B. Nagbibigay-daan sa transportasyon at komunikasyon ng mga tao.
C. Imbakan o tapunan ng mga solid waste at iba pang basura ng tao.
D. Napagkukunan ng ikabubuhay tulad ng mga pagkain at iba pang pangangailangan
_______19. Ang sumusunod ay mga hakbang na maaaring isagawa upang maging maayos at mapaigting ang ugnayan ng
kapaligiran at tao maliban sa ___________.
A. Alamin ang gamit at limitasyon ng ating kapaligiran.
B. Protektahan at iwasan ang mga maling gawain tulad ng pang aabuso sa kapaligiran.
C. Gamitin ang kapaligiran ng naaayon sa kaisipan na ang likas na yaman ay napapalitan at may natural na proseso ng
pagpapanumbalik.
D. Sumunod sa mga patakaran at batas ukol sa pangangalaga at paggamit ng kapaligiran.
________20. Ang sumusunod ay kahalagahan ng pag-aaral sa ugnayan ng tao at kapaligiran
sa Asya maliban sa isa, alin ito? upang matukoy natin ang pagkabuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
A. Bilang Asyano, tayo ay nabibilang sa kontinente ng Asya kung kaya’t mahalaga ang kaalaman sa heograpiya at
katangiang pisikal upang lubos na makilala ang lahing Asyano.
B. Ang kaalaman sa kapaligiran o katangiang pisikal ng Asya ay makakatulong upang matukoy natin ang pagkabuo at pag-
unlad ng kabihasnang Asyano.
C. Gamit ang malilikom na mga kaalaman, magkakaroon tayo ng kabatiran sa heograpiya ng Asya na magiging daan
upang matukoy natin ang kahalagahan nito sa ating pamumuhay bilang Asyano.
D. Ang kaalaman sa pisikal na katangian ng Asya ay lubusang makakatulong
upang maging mariwasa ang pamumuhay ng mga Asyano.
_______21. Ito ang may pinakamalaking deposito ng ginto sa mundo.
A. Georgia C. Turkeministan
B. Oman D. Kyrgyzstan
_______22. Ito ang pinakamalaking tagapag-luwas ng petrolyo sa buong daigdig.
A. Saudi Arabia C. Israel
B. Jordan D. Oman
_______23. Ito ang pangunahing pananim sa China na siyang nangunguna sa produksiyon nito sa buong mundo.
A. Palay C. Mais
B. Trigo D. Barley
________24. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, talampas, disyerto, at
kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
D. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng
mga Asyano.
_______25. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa, at mga ilog na lubhang
napakahalaga sa pamumuhay ng mga tao. Ang ilog ng Tigris at Euphrates sa Iraq, Indus sa India, at
Huang Ho sa China ay ilan lamang sa mga ilog na gumanap nang malaking tungkulin sa kasaysayan ng Asya. Ano ang
mahalagang gampaning ito?
A. Ang mga ilog na ito ay pinag-usbungan ng mga kauna-unahang kabihasnan sa rehiyon at sa buong daigdig.
B. Maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Asya ang naganap sa mga ilog na ito.
C. Madalas magdulot nang pinsala at pagkabawi ng buhay tuwing may mga pagbaha sa mga ilog na ito.
D. Ang mga ilog na ito ay nagsilbing daanan ng mga barkong pangkalakalan ng mga bansang kabilang sa rehiyon.

II. ENUMERASYON: Magbigay ng (20) dalawampung bansa na makikita sa kontinente ng ASYA.

1. _______________ 11. _______________


2. _______________ 12. _______________
3. _______________ 13. _______________
4. _______________ 14. _______________
5. _______________ 15. _______________
6. _______________ 16. _______________
7. _______________ 17. _______________
8. _______________ 18. _______________
9. _______________ 19. _______________
10. _______________ 20. _______________

III. TAMA o MALI. Basahin at isulat sa patlang kung ang pahayag ay wasto, isulat ang TAMA at kung hindi
wasto isulat ang MALI.
______1. Etnolingguwistiko ang tawag sa pagkakaparepareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura,
wika , at etnesidad.
______2. Insular ang tawag sa bahagi ng mga lupaing nasa karagatan.
______3. Mainland ay ang tawag sa mga bahagi ng lupain na nasa labas at hindi kabilang sa kabuoan ng kontinente.
______4. Sa pagtukoy ng direksyon, tayo ay gumagamit ng pangunahing direksyon it ay ang Hilaga, Silangan, Kanluran,
Timog at Timog Hilaga.
______5. Ang klima na mayroon sa kabuuan ng Asya ay ang lahat ng uri ng klima.
______6. Ang asya ay nahahati sa limang rehiyon.
______7. Ayon kay Moni (2011) ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa
isang lipunan.
______8. Pilipinas, ito ay matatagpuan sa Hilagang Asya.
______9. Ang Bundok Everest o Mt. Everest ay matatagpuan sa Asya.
______10. Topograpiya ang tawag sa iba’t-ibang anyong lupa tulad ng bundok, hanay ng kabundukan, talampas at
disyerto.
______11. Ang Timog Asya at Timog Silangang Asya ay binubuo ng mga bansang agricultural.
______12. Maraming punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal, lauan, kamagong, ipil, pulang narra,
mayapis, at iba’t-ibang species ng dapo ay nasa kagubatan ng Singapore.
______ 13. Liquified gas ang pangunahing mineral ng Malaysia habang tanso naman ang sa Pilipinas.
______ 14. Malaki ang reserbang bakal at karbon ng India.
______ 15. Dumadaloy sa Nepal ang mga Ilog ng Indus, Ganges, at Brahmaputra.

Inihanda ni:
Bb. Mary Kathlene L. Llorin
Subject Teacher
Lagda ng Magulang:

___________________

You might also like