Al Marie Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

KALIKASAN AT KASAYSAYAN NG MAIKLING KWENTO

KWENTO
-Anumang salaysay, nakalimbag man o hindi (U.P diksyunaryong Filipino,2001)
-Maikling salaysay ang maikling kwento.
-Deogracias Rosario, kinilalang “Ama ng maiklig kwento”.

ANG MAIKLING KWENTO AT TRADISYONG ORAL SA PANITIKAN


-Tatlong paniniwala sa kalikasan ng tradisyonal na maikling kwento (Edgar
Allan Poe)
1. Maikli lamang ito at nababasa sa isang upuan.
2. May binuboung banghay ukol sa isang protagonista o pangunahing tauhan.
3. May nilalayon upang makalikha ng isang kakintalan.

Bago pa man naging matatag ang maikling kwento, may pagtatangka na para
mabigyang-hugis ang nasabing anyo.

1. Exemplum o ejemplo (R.C. Lucero, 1994)


2. Cuadro
3. Dagli (1902) o pasingaw (Teodoro Agoncillo, 1965)
4. Pinadalagan o binirisbis (Bisaya)
5. Instantea o rafaga (manunulat sa Wikang kastila)

DAGLI
-Ayon kay Patricia Melendrez-Cruz, ang unang anyo ng maikling kwentong tagalog,
lumitaw sa unang dekada ng pananakop ng Amerika sa mga makabayang
pahayagan.

ANG MAIKLING KWENTO BILANG PAMANANG KOLONYAL


- Ang modernong maikling kwento ang pinakabuso sa mga anyong
pampanitikan sa bansa.
- Ayon kay Rolando Tolentino (2000), ipinakilala ang anyong ito sa
pampublikong edukasyong itinaguyod noong panahon ng Amerikano.
MGA KATANGIAN NG MAIKLING KWENTO:
Ang maikling kwento ay may sariling katangian na
ikinaiiba sa mga kasamahang anyo ng panitikan at dito’y kabilang ang
mga sumusunod :
1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang
suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa
kasukdulan na sinusundan kaagad ng wakas.
5. Nagtataglay ng isang impresyon o kakintalan.

UGAT NG MAIKLING KWENTO

 MITOLOHIYA
Ito’y salaysay tungkol sa iba’t ibang Diyos na pinaniniwalaang mga sinaunang
katutubo. Ang salaysay na ito ay tungkol sa mga kababalaghan at tungkol sa
kanilang mga pananalig at paniniwala sa mga anito.

 ALAMAT
Isinasalaysay sa kwentong ito ang inagmulan ng isang bagay, pook, pangyayari at
iba pa. Pinalulutang din dito ang mahalagang mensahe at mga aral sa buhay.

 PABULA
Ito’y isang uri ng kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang mga tauhan. Bagama’t
kathang-isip lamang ang kwentong ito walang tiyak na batayan. Ang pabula ay
naghahatid pa rin ng mahalagang mensahe at aral ng buhay.

 PARABULA
Ito’y salaysay na hango sa bibliya. Lumulutang ditto ang moral at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at ang paglalahad ay patalinghaga.

 KWENTONG BAYAN
Ipinapakita sa salaysay na ito ang pag-uugali, tradisyon, paniniwala, pamahiin, at
kultura ng isang lipi. Inilalahad din ditto ang mga suliraning hinarap ng tribu na
siyang mag-iiwan ng aral at tiyak na mensahe sa mga mambabasa.
 ANEKDOTA
Ito’y nagsasalaysay ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga pangyayari’y
kapupulutan ng mga aral sa buhay.

MGA BAHAGI NG MAIKLING KWENTO


Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi ito ay ang Simula, Gitna, at Wakas

1. Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman
kung sino-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat
isa. Maaring bida, kontrabida o supportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na
pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kalian
naganap ang kwento. At ang bahagi ng sulranin ang siyang kababasahan ng problemang
haharapin ng pangunahing tauhan.

2. Gitna

Ang gitna ay ibinubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian at kasukdulan. Ang saglit


na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot
sa suliranin. Ang tunggalian naman sng bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliranin kakaharapin, na
naminsan ay sa sarili sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasuksulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang pinaglalaban.

3. Wakas

Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging


nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasan ng magiging resolusyon ng kwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo. Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging
winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung
minsan. Hinahayaan ng may akda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang
mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng
kuwento.

KAHALAGAHAN NG MAIKLING KUWENTO

Ang maikling kuwento ay marami ring palinabang. Ilan na rito ay ang mga
sumusunod:

1. Ang mga taong nagmamadali ay makakabasa nito sa isang upuan lamang dahil
nangangailangan lamang ito ng kauting panahon para matapos,
2. Nagbibigay ito ng kasiyahan sa isang tao pagkatapos magbasa,
3. Nagpapasigla sa isang tao na magbasa pa ng ibang kuwento, at
4. Nagiging isang paraan ito upang mabalik ang hilig ng isang tao sa pagbabasa.
ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO
Mayroong walong elemento ang maikling kwento:

1. BANGHAY
- Ito ay ang tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Mayroong limang(5) bahagi ang banghay.
 Panimula –kung saan at paano nagsimula ang wika.ang bahaging ito ang
nagbibigay-interes na ipagpatuloy ng bumabasa ang kwento. Ang mga awtor ay may
kanya-kanyang istilo sa simula upang makapanghikayat sa mga babasa.
 Saglit na kasiglahan-ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa
kwento.
 Kasukdulan- dito na nangyayari ang problema sa kwento. Ito’y kinasasabikang
bahagi ng mga bumabasa sahil ito ang nagbibigay ng kasagutan o lumulutas sa
suliranin.
 Kakalasan-ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema. Ito rin ang bahaging nagpapakita kung nabigyan ng kalutasan ang
suliranin.
 Wakas-ito ay tumutukoy kung paano o nagwakas o natapos ang kwento.

2. TUNGGALIAN/SULIRANIN
- Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban
sa kalikasan o kapaligiran.
- Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kanyang kahaharapin.

3. TEMA
- Ito ang pang-isipang iniikutan ng mga pangyayar sa akda. Tinatawag itong
pinakaluluwa ng maikling kwento sapagkat ditto nakapaloob ang kabuuan ng tema at
kahulugan ng isang kwento.
- Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang
maikling kwento. Ang kaisipang ito a ng binibigyan ng laying maikintal sa isipan ng
mga mambabasa.
4. TAUHAN
- Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

5. TAGPUAN
- Ito tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

6. DIYALOGO
- Ang panalita o diyalogo ay bumubuhay sa kwento, nagbibigay dito ng diwa,
nagpapasulong sa nangyayari at nagpapatindi ng damdamin.
- Ang usapan ng mga tauhan. Kailangan ang diyalogo ay magawang natural at hindi
artipisyal.

7. HIMIG
- Ito ang kulay ng damdamin na umusbong sa kwento.

8. PANINGIN
- Nagsasaad kung saan sapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat
maglahad ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya.
MGA URI NG KWENTO BATAY SA LAYUNIN
May dalawang uri ng kwento batay sa layunin na pagkakasulat nito.
1. Pampanitikang Kuwento
2. Komersiyal na Kuwento

PAMPANITIKANG KWENTO
Pampanitikang kuwento o Literacy fiction, ang kwentong isinulat alang-alang sa
kasiningan. Sa ganitong uri ng pagkakasulat ng kuwento, hindi naisasantabi ng kuwentista
ang kaniyang malikhaing bisyon sa akda. Isinasaalang-alang niya ang mga patnubay sa
mainam na pagsulat, higit sa kung anu pa mang udyok sa malikhaing proyekto.
Maingat ang pakakagamit niya ng salita. Kadalasan nama’y tumututok siya sa isang
element ng kuwento para pagyamanin ito. Nag-eeksperimento rin siya sa mga paraan ng
pagkukuwento.

MGA KATANGIAN NG PAMPANITIKANG KUWENTO:


1. Orihinal na ideya
2. Mianam na pagkakasulat
3. Inobasyon sa wika
4. May natatanging estillo sa pagkukuwento
5. Pagtalakay sa mga napapanahong usapin
6. Paglalaro sa anyo/tradisyonal na banghay
7. Walang pangingimi at pangahas sa pagpili ng paksa
8. May katimpian ng ng emosyon sa loob ng teksto
9. Paggamit ng sariwang simbolo o talinghaga
10.Bumabaklas sa pormula o gasgas na banghay

May mga palagay na ang mga ganiting uri ay mahirap maintindihan dahil mataas na
pilosopiyang kaakibat sa paglikha ng akda. Karaniwang tinutugon din ng mga pampanitikang
kuwento ang kaligayahang pansining o pang-estetika ng kuwentista o ng mga kakilala
niyang manunulat. May mga paniniwala pang ang pagsulat ng ganitong uri ay para sa mga
matatalino at intelektwal na mambabasa lamang at limitado sa espayo ng akademya.

Madalas din, ang mga ganitong kuwento ay kapwa manunulat din ang bumabasa at
tumatangkilik. Kung kaya, ang ganitong uri ay naakusahan ng elitismo o makitid na paglikha
ng pagkukuwento. Nasa toreng garing daw ang mga kuwentista.

KOMERSIYAL NA KWENTO
Komersiyal na kuwento o Commercial fiction. Ito ay nilikha alang-alang sa negosyo o
sa komersiyo. Pagsusulat ito na may katapat na kabayaran. Kung gayon, nakasalalay sa
salapi ng tagapaglathala o patnugot ng magasin ang sabihin, maaaring diktahan ng
tagapaglathala kung ano ang dapat isulat ng kuwentista, ayon na rin sa panlasa ng masa o
ng nakararami.

Maraming problema sa komersyal na kwento. Sinasabing banta ang mga ito sa


kasiningan ng anyo. Kapag komersyal ang layunin ng manunulat, nawawalan siya ng
kalayaan kung ano ang dapat niyang isulat. Bawat magasin ay may patakaran editorial. Ibig
sabihin, may mga paksain lamang na dapat talakayin. May mga wikang dapat pangalagaan-
iyon lamang wikang higit na mauunawaan at gumagamit ng mga salitang katanggap-
tanggap sa publiko. Bawal ang mga eskandaloso at bulgar na pananalita:

Bawal ang naglahok ng mga kolokyal, balbal, o ang tinatawag na salitang kanto. Sa
komersiyal nababawasan ang pagkakataong makapag-experimento, Ang pagpasok
progresibo at abanteng ideya, magpakilala ng inobasyon ng wika. Kung kaya, binabatikos ng
mga kritiko ang mga kuwentistang “natali” na sa komersiyalismo ng kanilang sining.
Dagdag pa, pinararatangan ang komersiyal na kwento ng pagiging didaktiko,
konserbatibo, at paulit-ulit o gasgas.

Kabilang sa maituturing na komersiyal na kuwento ang mga nasa komiks, nobelang


romansa, erotiko, pornograpiko, kababalaghan pantasya at katatakutan.
Sa kanluran at sa iba pang panig ng daigdig, an mga komersiyal na katha ay
palagiang nasa listahan ng mga madaling mabenta at popular na aklat. May iba’t ibang tipo
at pormula ang mga kathang ito na ginagamit ding bansag sa mga uri ng komersiyal na
pelikula. Isa-isahin natin ang mga anyo nito:
1. KABABALAGHAN
Tumutukoy sa mga kathang may mga elemento supernatural; nilikha ito bilang panakot sa
mambabasa at kinakasngpan nito ang mga kinatatakutan ng mga mambabasa tulad ng
nilalang sa ibang mundo o ibang panahon, kamatayan, at kabaliwan.

2. MISTERYO

Kathang makabanghay na umiinog sa paglutas ng espiya o detektib ng mga palaisipan tulad


ng isang kamatayan o aksidente.

3. KRIMEN

Kathang tinatalakay ang misteryo, imbetasyon, at paglutas sa karimarimarim na kreming


naranasan ng indibidwal o grupo ng tao.

4. THRILLER

Kathang makapigil-hininga sa paggamit ng mga panggulat ng mga panggulat at pambitin.

5. KATHANG SIYENSYA

Katha tungkl sa bentahe ng teknolohiy at epekto ng siyensiya sa isang lipunan, sa mga


malalayo o imbentong daigdig, o mga problemang lumitaw dulot ng pag-usbong ng mga
imbensyon; nilikha ito para makapagmuni ang mambabasa sa kalagayan ng lipunan sa
kasalukuyan.

6. ROMANSA

Kinatha bilang aliwan ng babae ukol sa pakikipagsapalaran sa pakikipagkaibigan,


pakikipagkasintahan at maging buhay may asawa.

7. KATHANG PAMBABAE

O di kaya’y chick lit. Kilala rin bilang postfeminist fiction, ito’y mga kuwento, kadalasang hitik
sa siste at katawa-tawang sitwasyon sa buhay pag-ibig ng mga modernong babae sa
kalunsuran.
May baryasyon ang ganitong uri ng katha para naman sa kalalakihang mambabasa.
Tinatawag itong dick lit o lad lit.

MGA URI NG KUWENTO BATAY SA BILANG NG MGA SALITA

Tinatawag na flash fiction ang kuwentong binubuo ng 1,000 hanggang 2,000 libong salita.
May ilang nagsasabing binubuo ito ng 200 hanggang 1,000 salita. May mga puristang editor
ang sasabing maaring maisulat sa 75 hanggang 100 salita ang isang flash fiction. Kilala rin
ito sa tawag na sudden ficton, micro short short fiction at postcard fiction.

Isa sa pinakamalaking kuwentong naisulat ng establisadong kuwentista ay binubuo lamang


ng anim na salita. Kinatha ito ni Ernest Hemingway: “for sale. Baby shoes. Never worn.”
(Ipinagbibili. Sapatos ng sanggol. Hindi pa nagagamit.) Buong-buo ang kwento sa
napakaikling kathang ito; tila ito ay pamagat ng isang balita o isang patalastas. Pero tulad
ng tula, bukas ito sa maraming interpretasyon.

Naging laganap ang flash fiction nang nagng popular sa daigdig ang internet at weblog.
Naghahanap ang mga surfer o tumatangkilik ng internet ng tekstong mabilis basahin at
nagbibigay ng kakintalan kaya lumitaw ang napakaikling maikling kwento. Dikta rin ito san g
panahon na mabilis ang takbo ng buhay at nagnanais ng mabilisang resulta sa anumang
ginagawa tulad ng pagbabasa.

MGA URI NG KWENTO BATAY SA PAMAMARAAN

Natukoy ni Teodoro A. Agoncilio (1965) buhat sa kaniyang pag-aaral sa maikling kuwentong


Tagalog mula 1886-1948 ang uri ng kuwentong buhay sa pamamaraan o teknik na pinili ng
kuwentista.

Kabilang sa mga natukoy niya ay ang mga sumusunod:


1. Kuwentong pangkatutubong kulay

-isang katha na ginagamit ang pamamaraang katutubong kulay sa mga tagpong


panlalawigan o sa mga eksenang agrikultral sa katha, kaya mahalaga ang pananaliksik sa
kuwentong-bayan, kasaysayan, etnograpiya, heograpiya ng partikular na lugar na napili
bilang lunan.

2. Kuwentong makabanghay

-kilala ring plot-oriented na katha, na nilikha batay sa mga kilos, sa mga aksiyon at
mga reaksyon ng bawat tauhan at sa magiging epekto nito sa ugnayan ng mga tauhan.

3. Kuwentong makakaisipan

-isang uri ng pilosopikal na akda, higit na pinalalawig ng konsepto, at pinatalim ang


pagkamatulain ng prosa kaysa sumasailalim sa masuyong pagmumuni ang kuwentista bago
isulat ang ganitong uri ng
Katha.

4. Kuwentong makakapaligiran

-mga kathang namumuhunan sa masusing paglalarawan ng lunan at sa panahon,


gamit ang lahat ng salik ng mga pandama, bilang integral sa pagpipinta ng mga emosyon sa
katha.

5. Kuwentong makatauhan

-isang kuwento na nakatuon sa kasaysayan, pag-unlad, trahedya, tagumpay,


emosyon, at katauhan ng isa o higit pang tauhan at mga sa katha. Nakasalalay ang kuwento
sa mithiin ng tauhan at mga paraan nito upang makamit ang ninanaisa sa loob ng kuwento.
Kilala rin ito bilang character-driven na katha. Mahalaga sa ganitong kuwento na masalimuot
ang pagkakahulma sa pisikal, sosyolohikal, at sikolohikal na katangian ng tauhan.
6. Kwento ng Pag-ibig
-ito ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.

7. Kwento ng Pakikipagsapalaran
-nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento pakikipagsapalaran.

8. Kwento ng katatakutan
-naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak.

9. Kwento ng Katatawanan
-ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambasa.

You might also like