Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ating tatalakayin ngayon ang kahalagahan ng paggalang at pagsunod sa magulang, nakatatanda at may

awtoridad dahil dito tunay ngang isang napakalaking hamon sa mga kabataan tulad mo ang birtud or
Virtue ng paggalang at pag-sunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad

Sa araling ito na inaasahan na birtud or virtue na pagsunod at paggalang ay mauunawaan at lalong


ikakaunlad ng iyong pagkatao at pakikipagkapwa
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagtitibay sa kahalagahan ng paggalang. Nagsisimula sa
pamilya ang kakayahang kumilala sa pagpapahalaga

A. Ang pamilya bilang hiwaga- Kaya di nakapagtataka na kahit mapalayo tayo sa ating pamilya ay
naroon parin ang ating pagpapahalaga sa kanila
B. Ang pamilya bilang halaga- dahil mahalaga sa atin ang pamilya sinisikap natin maging mabuti sa
lahat ng oras
C. Ang pamilya bilang presensiya- Sa tuwing humaharap tayo sa pagsubok ang ating pamilya ang
dapat natin unang sandigan

Paraan ng pagpapakita ng paggalang sa magulang

A. Kapag ang magulang ay nagtakda ng hangganan dapat natin itong igalang sa pamamagitan ng di
pag-aabuso- halimbawa ang pagkatok sa kwarto ng iyong mga magulang bago pumasok o
paghingi ng permiso bago kainin ang ano mang pagkain nakatago sa refrigerator ay
nagpapakita ng paggalang
B. Naipapakita mo naman ang paggalang kung naiingatan mo ang mga bagay na iyong ginagamit at
hinihiram…..
C. mahalaga din sa ating mga magulang ang pagtupad mo sa oras na itinakda halimbawa
Umuwi kang maaga at di na kung saan saan pa pumupunta ng walang paalam
D. ang pagiging maaalahanin ay nagpapakita ng paggalang sa kanila ay pag-alala sa mahahalagang
okasyon sa kanilang buhay tulad ng kanilang kaarawan
E. kasama din dito ang paggalang sa kanilang pananalita at pakikinig sa kanilang mga sinasabi o
pinapayo

Paggalang sa mga Nakatatanda:

Hindi lamang lOLO at lola Kung hindi mga taong mas malaki ang agwat na edad sa iyo

Ang pagpapakita ng paggalang sa mga nakatantanda ay isang magandang bahagi ng kultura ng


mga Pilipino simula pa lamang ang mga bata ay tinuturuan gumamit ng po at opo sa kanilang
pakikipag-usap at pagmamano sa mga nakatatanda.

Narito ang mga ilang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga nakakatanda ayon sa aklat ng
respect for erderly noong 2004 maipapakita na ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng

A. pag-aaruga at pagsisilbi sa kanila na isinaalanag –alang ang pakikipagayos na pakikiusap dapat


lamang tandaan na maging mas maingat gagamitin salita sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda
dahil habang tumatanda mas nagiging emosyonal or sensitive ang kanilang pakiramdam

B. Sa dami ng karanasan nila sa buhay kaligayahan para sa kanila ang makapagahagi ng kanilang
karanasan
C. Habang cla ay tumatanda ay mas nangangailangan sila ng madaming suporta o tulong mula sa
kanilang mahal sa buhay

Samantala narito naman ang ilan sa mga Paraan ng Pagpapakita ng Paggagalng sa mga taong may
awtoridad…

Alam nyo ba kung sino? Magaling ito ay mga guro, police o mga taong namamahala sa ating
komunidad.. READ

Maging magandang halimbawa sa kapwa sa kung gayon makikita ng ibang tao ang iyong paraan ng
paggalang at pagsunod sa kanila at siya naming gagayahin ng iyong kapwa gayundin read

Ang mga taong may awtoridad ay sinisiguro ang kabutihan ng mas nakakarami o kabutihan panlahat

Maipapakita mo ang iyong paggalang at pagsunod sa iyong mga magulangm nakatatanda at may
awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang HALAGA dahil ditto kinikilala at pinahahalagahan mo ang
kanilang tungkulin hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong magagandang pag-uugali at mga
pagpapahalaga

You might also like