Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO
11

3
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 4

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 1


MODYUL SA SHS
PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK

KUWARTER 3
LINGGO 4

Tekstong Naratibo

Development Team

Writer: Juliet D. Abellon / Antonio Q. Albis Jr.


Editor: Antonio Q. Albis Jr.
Reviewers: Zorayda S. Paguyo / Rosario Claudia A. Corcuera
Antonio Q. Albis Jr.
Layout Artist: Antonio Q. Albis / Aprilyn R. Ramos
Management Team: Vilma D. Eda

Arnel Bandiola

Lourdes B. Arucan

Juanito V. Labao

Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 2


Ano ang Matututuhan Mo?

Napakahalagang papel ang ginagampanan ng mga kagamitang pampagtuturo sa


ikatatamo ng mas mataas na antas na karunungan lalo na sa larang ng edukasyon.
Magsisilbing kasangkapan ito sa pagkatuto sa buhay ng bawat mag-aaral upang lalong
makaagapay sa mabilis na pag-indayog at pagbulusok ng pagbabago sa modernong
panahon sa makabagong milenyo at upang lalong umunlad ang sibilisasyong
kinabibilangan ng bawat indibidwal tungo sa tugatog ng tagumpay.

Ang modyul na ito ay sadyang ginawa para maipagpatuloy ang daloy ng kaalaman
sa kabila ng mga pagsubok na nakaamba sa paligid. Bahagi lamang ito sa serye ng mga
modyul na iyong tatapusin bilang bahagi ng asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Bigyan mo lamang ng sapat na panahon para
unawain ang bawat bahagi ng modyul na ito at tiyak na maraming kaalaman ang iyong
mapupulot sa pamamagitan ng iyong sariling pagsisikap.

Sa modyul na ito, sinasanay ka na maging lohikal at kritikal sa pagsusuri ng iba’t


ibang anyo ng teksto sa pamamagitan ng mga simpleng aralin at gawain na maghahanda sa
iyo sa pagbuo ng makabuluhang pananaliksik.

Ano ang Inaasahan Mo?

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod:


1. matukoy ang kahulugan, katangian, at elemento ng tekstong naratibo; at
2. maiugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang tekstong naratibo sa
sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.

Paano Mo Matututuhan?

Upang makamit ang mga inaasahan, isakatuparan ang mga sumusunod:


1. basahin at unawain nang mabuti ang kahulugan, katangian at elemento ng
tekstong naratibo,
2. sundin ang bawat panuto na inilakip sa bawat pagsasanay; at
3. sagutin nang tapat ang lahat ng mga pagsasanay.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 3


Magandang buhay! Bago natin simulan ang
Modyul na ito, nais kong kompletuhin mo muna ang
impormasyong hinahanap sa kahon sa ibaba. Isulat ang
mga impormasyon sa MALALAKING LETRA para
madaling mabasa at makita. Isa pang paalala,
kailangan mong matapos ang Modyul na ito sa loob
lamang ng isang linggo kaya’t sikapin at gawin ang
makakaya para tapusin ito.

Pangalan: ________________________________ Strand/Seksyon: _______________


Paaralan: _____________________________________________________________
Guro: ___________________________CP no. ng Magulang: ___________________

Narito ang mga pamantayan at layunin na kailangan mong


isaalang-alang habang pinag-aaralan ang mga paksa at
isinasagawa ang mga pagsasanay. Handa ka na ba?
ALAMIN

Pamantayang Pangnilalaman: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto


ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya,
komunidad, bansa at daigdig.

Pamantayan sa Pagganap: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik


sa mga penomenang kultural at panlipunan sa
bansa.

Kasanayang Pampagkatuto: F11PB-IIId-99:


Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa
binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad,
bansa, at daigdig

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 4


Bago ka tumungo sa mismong talakayan at aralin, nais
kong sukatin muna ang iyong kaalaman tungkol sa mga
konseptong pangwika sa pamamagitan ng Paunang
Pagtataya. Sa ibaba ay mayroong 5 aytem na kailangan
mong sagutin. Paghusayan mo!
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang titik
na katumbas ng iyong sagot.

A. Tekstong Naratibo B. Maikling Kuwento C. Punto de Vista


D. Banghay E. Paksa o Tema F.Tuwiran at di-tuwirang
Pagpapahayag

____1. Ito ang paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng tauhan sa kanilang dayalogo,


saloobin at damdamin sa tekstong naratitbo.
____2. Dito makikita ang daloy ng pagsasalaysay sa tekstong naratibo
____3. Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.
____4. Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat
maglahad ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya.
____ 5. Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang
tunay na pangyayari sa buhay.

Bilang pagsisimula sa paggalugad mo ng karunungan sa


linggong ito ay malugod kitang inaanyayahan na muling
bakasin ang lilim ng iyong isipan baka kung sakaling iyo
nang naulinigan ang mga konseptong pag-aaralan.
BALIKAN

Sa naunang aralin ay iyong natutuhan ang tekstong persuweysib. Ito ay may


layuning manghikayat at nangungumbinsi sa mga mambabasa kung paano mag-isip o
kumilos hinggil sa isang tiyak na usapin. Mayroon din itong tatlong paraan ng
panghihikayat ayon kay Aristotle: ang Ethos, Pathos, at Logos. Sa pagsulat ng tekstong
ito hindi dapat magpahayag ng mga personal at walang batayang opinyon ang isang
manunulat

Magaling! Lubos na makatutulong ang muli mong pagbakas


sa naunang aralin kaya ngayon naman ay makakaya mong
tuklasin, pagnilayan at unawain ang panibagong aralin!
TUKLASIN

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 5


Panuto: Pansinin ang graphic organizer sa ibaba.

Kasukdulan
Sunod-sunod at Papataas
ng mga Pangyayari

Wakas

Simula

Ang isang tekstong naratibo ay karaniwang naisasaayos sa ganitong banghay.


Nagsisimula ito sa isang simulang maaaring nagpapakilala sa mga tauhan at/o batayang
pangyayaring iikutan ng teksto. Susundan ito ng mga sunod-sunod na pangyayaring papataas
ang kawilihan hanggang sa makarating sa kasukdulan. Agad itong susundan ng wakas.

Halina’t dagdagan pa natin ang iyong kaalaman at


palalimin ang iyong pag-unawa tungkol sa tekstong
naratibo. Tara, basahin at unawain nating mabuti ang
mga impormasyong nakalahad sa ibaba.
SURIIN

TEKSTONG NARATIBO

• Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,


nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan na may maayos na pagkasunod-
sunod mula sa simula hanggang katapusan.
• Nakapagtuturo ng kabutihang asal, mahalagang aral, at mga pagpapahalagang
pagkatauhan tulad ng kahalagahan ng pagiging mabuti at tapat, na ang kasamaan ay
hindi magtatagumpay laban sa kabutihan, ang kasipagan at pagtitiyaga ay nagdudulot
ng tagumpay at iba pa.
• Ang batayan nito’y maaaring mga sariling karanasan, mga pangyayaring
napakinggan/narinig, nakita/nasaksihan/napanood, nabasa/natunghayan o nabalitaan.

Mga Layunin ng Tekstong Naratibo


1. Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na pangyayari.
2. Makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakalilibang o nakapagbibigay-aliw at saya.
3. Makapagturo ng kabutihang asal at mahahalagang aral.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 6


Paraan ng Pagkukuwento
a. Maaaring magkuwento gamit ang flashback o magsisimula sa isang nakalipas na
pangyayari. Gagamitin na paraan ang nakaraan upang masuportahan ang idinetalyeng
impormasyon. Tinatawag din itong deductive.
b. Maaaring gumamit ng panimula papunta sa wakas ng ikinukuwento. Ito ang maaaring
pinakasimpleng paraan ng pagkukuwento sapagkat nagsisimula sa kung saan talaga
ang panimula at magtatapos sa kung saan talaga ang katapusan. Tinatawag din itong
inductive.
Mga Halimbawa:
1. Maikling kuwento
2. Nobela
3. Kuwentong-bayan
4. Mitolohiya
5. Alamat
6. Tulang pasalaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota,
parabula, science fiction

May Iba’t Ibang Pananaw O Punto De Vista (Point Of View) sa Tekstong Naratibo
1. Unang Panauhan – sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga
bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit ng panghalip na
ako.
2. Ikalawang Panauhan – dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang
pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na ka o ikaw
subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang pagsasalaysay.
a. Maladiyos na panauhan – nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga
tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag niya ang iniisip,
damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.
b. Limitadong panauhan – nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa mga
tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
c. Tagapag-obserbang panauhan – hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman
ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita o naririnig niyang
pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang isinalaysay.
3. Ikatlong Panauhan – ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay isinasalaysay ng
isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip na ginagamit niya sa
pagsasalaysay ay siya. Ang tagapagsalaysay ay taga-obserba lang at nasa labas siya sa
mga pangyayari.
4. Kombinasyong Pananaw o Paningin – dito ay hindi lang iisa ang tagapagsalaysay
kaya’t iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa pagsasalaysay. Karaniwan
itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang mga pangyayari ay sumasakop ng
mas mahabang panahon at mas maraming tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.

May Paraan ng Pagpapahayag o Paglalahad ng mga Tauhan sa Kanilang Diyalogo,


Saloobin, at Damdamin sa Tekstong Naratibo
1. Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ang tauhan ay direkta o tuwirang nagsasaad
o nagsasabi ng kanyang diyalogo, saloobin, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng
panipi.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 7


Hal: “Donato, kakain na ,Anak,” tawag ni Aling Guada sa anak na noo’y
abalang-abala sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa
kanyang kinalalagyan, “Aba’y kayganda naman nireng ginagawa mo, Anak! Ay
ano ba talaga ang balak mo, ha?”

2. Di-Direkta o Di-Tuwirang Pagpapahayag – ang tagapagsalaysay ang naglalahad


sa sinasabi, iniisip, o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag.
Hindi na ito ginagamitan ng panipi.

Hal: Tinatawag ni Aling Guada ang anak dahil kakain habang ito’y abalang-abala
sa ginagawa at hindi halos napansing nakalapit na pala ang ina sa kanyang
kinalalagyan. Sinabi niyang kayganda ng ginagawa ng anak at tinanong din niya
kung ano ba talaga ang balak niya.

May Mga Elemento ang mga Tekstong Naratibo


1. Tauhan – ang bilang ng tauhang magpapagalaw sa tekstong naratibo ang
pangangailangan lamang ang maaaring magtakda nito.
Paraan Sa Pagpapakilala Ng Tauhan
a. Expository – ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao
ng tauhan at
b. Dramatiko – kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kaniyang pagkilos o
pagpapahayag
Uri ng Tauhan:
a. Pangunahing Tauhan – bida; umiikot ang mga pangayayari sa kuwento simula
hanggang sa katapusan
b. Kasamang Tauhan – karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan
c. Katunggaling Tauhan – kontrabida; siyang sumasalungat o kalaban ng
pangunahing tauhan
d. Ang May-akda – sa likod ay laging nakasubaybay ang kamalayan ng
makapangyarihang awtor.
Dalawang Uri ng Tauhan ayon kay E. M. Froster
1. Tauhang Bilog (Round Character) – isang tauhang may multi-dimensiyonal o
maraming saklaw ang personalidad
2. Tauhang Lapad (Flat Character) – tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang
katangiang madaling matukoy o predictable
2. Tagpuan at Panahon – tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganap ng mga
pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon (oras, petsa, taon) at maging sa
damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng
kasayahang dala ng pagdiriwang, takot, romantikong paligid, matinding pagod,
kalungkutan at iba pa.
3. Banghay – maayos na daloy o pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong
naratibo upang mabigyang-linaw ang temang taglay ng akda.

Karaniwang Banghay o Balangkas ng isang Naratibo


• Pagkakaroon ng isang epektibong simula kung saan maipakilala ang mga tauhan,
tagpuan, at tema (orientation or introduction)
• Pagpapakilala sa suliraning ihahanap ng kalutasan ng mga tauhan partikular na ang
pangunahing tauhan (problem)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 8


• Pagkakaroon ng saglit ng kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong
gagawin ng tauhan tungo sa paglutas sa suliranin (rising action)
• Patuloy sa pagtaas ang pangyayaring humantong sa isang kasukdulan (climax)
• Pababang pangyayari na humantong sa isang resolusyon o kakalasan (falling
action)
• Pagkakaroon ng isang makabuluhang wakas (ending)
Anachrony O Mga Pagsasalaysay Na Hindi Nakaayos Sa Tamang
Pagkakasunod-Sunod
• Analepsis (Flashback) – dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa
nakalipas.
• Prolepsis (Flash-forward) – dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
• Ellipsis – may mga nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.
4. Paksa o Tema – sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong
naratibo.

Sa bahaging ito ay sisikapin mong pagtibayin ang


iyong pag-unawa at mga kasanayan sa araling binasa.
Sagutin ang mga naihandang gawain para sa iyo.
Alam kong kayang-kaya mo ito! Paghusayan mo!
PAGYAMANIN

Panuto: Pilin ang pinakaangkop na sagot na hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa malalaking
titik ang napiling sagot.
1. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong naratibo, maliban sa isa:
A. talambuhay B. nobela
C. maikling kuwento D. Haiku
2. Sa pananaw na ito, gumagamit ang manunulat ng mga panghalip na ka o ikaw sa
pagsasalaysay.
A. unang panauhan B. ikatlong panauhan
C. ikalawang panauhan D. kombinasyong pananaw
3. Nagsimula si Maria sa pagiging mahirap, inaapi at walang kakampi sa buhay. Ang
ganitong katayuan niya sa buhay ay nagbago sa bandang huli ng kuwento. Ang dating
kawawang tao ay naging palaban at tinitingala ng karamihan. Anong uri ng tauhan si
Maria?
A. tauhang lapad B. katunggaling tauhan
C. tauhang bilog D. kasamang tauhan

4. Ito ay uri ng banghay kung saan ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
A. karaniwan B. prolepsis
C. analepsis D. ellipsis

5. Ito ang pinakalayunin ng tekstong naratibo.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 9


A. nanghihikayat B. nagsasalaysay
C. nangangatwiran D. nagbabalita

Kagila-gilalas! Narito ang ilang mga konsepto na


kailangang isaisip upang lubos na matalunton ang mga
ISAISIP napag-aralan.

Sa bawat araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring


naibabahagi o naikukuwento niya sa iba. Isa sa mga layunin ng tekstong naratibo ay
makapagsalaysay ng mga pangyayaring nakapanlilibang o nagbibigay-aliw o saya.
Nakapagturo ito ng kabutihang-asal at mga pagpapahalagang pangkatauhan. Isang
pagkukuwento ng mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod mula sa simula
hanggang sa katapusan.
Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong
naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring kaniyang sinasalaysay. May iba’t ibang
pananaw o punto de vista, mga paraan ng pagpapahayag o paglalahad ng mga tauhan, at
elemento ang tekstong naratibo.

Malapit na! Alam kong sabik ka ng mapagtagumpayan


ang kabuuan ng modyul na ito, kaya isang banat pa,
ISAGAWA kayang-kaya mo itong isagawa!

Panuto: Isa sa mga katangian ng tekstong naratibo ay ang pagkakaroon ng maayos na


banghay na magpapakita sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Gamit ang iyong bond
paper o papel, sundin ang proseso sa ibaba ng mga pangyayaring bubuo sa banghay sa isang
akdang iyong nabasa sa aklat o napanood na pelikula o teleserye. Isalaysay ang mga bahagi
nito na hinihihingi ng bawat kahon.
______________________________________
(Pamagat ng nabasa o napanood)

SIMULA (paglalahad o paglalarawan sa tauhan at tagpuan):

_______
KASUKDULAN (kapakapanabik na pangyayari sa kuweto):

_______
KAKALASAN (dito mabibigyang kasagutan ang inilahad na suliranin o problema):

_______
SAGLIT NA KASIGLAHAN (paglalahad ng suliranin o Prolema):

_______

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 10


WAKAS (paglalahad sa pagtatapos ng kuwento):

_______

Mahusay! Ngayon, magkakaroon tayo ng maikling


pagsusulit sa kabuuan ng aralin. Natitiyak kong
TAYAHIN masasagot mong lahat ang mga tanong. Hala, bira!

PANGWAKAS PAGTATAYA
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat sa patlang ang titik
na katumbas ng iyong sagot.

A. Tekstong Naratibo B. Maikling Kuwento C. Punto de Vista


D. Banghay E. Paksa o Tema F. Tuwiran at di-tuwirang
Pagpapahayah
____1. Ito ang paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng tauhan sa kanilang dayalogo,
saloobin at damdamin sa tekstong naratitbo.
____2. Isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip na hango sa isang
tunay na pangyayari sa buhay.
____3. Ito ang sentral na ideya kung saan umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo.
____4. Nagsasaad kung saan dapat talakayin ang paksa at kung sinong tauhan ang dapat
maglahad ng mga pangyayaring makikita at maririnig niya.
____5. Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang katapusan.

Kumusta? Siguro nasagot mo nang tama ang bawat tanong. Kung ganoon, binabati
kita dahil sa wakas ay malapit mo nang matapos ang modyul na ito at tiyak na naintindihan
mo nang maigi ang iyong aralin. Sana ay magamit mo sa iyong pang-araw-araw na buhay
ang iyong mga napag-aralan sa modyul na ito.

Bilang pagtatapos sa linggong ito,


kinakailangan mong mapagtagumpayan ang
huling pagtataya na inilaan para sa iyo.
Naniniwala akong kayang-kaya mo ito.
Paghusayan!
KABUUANG PAGSUSURI

WRITTEN WORK
CLAIM-EVIDENCE-REASONING STRUCTURED CONSTRUCTED
RESPONSE TEST ITEM
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa
binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 11


PANUTO: Basahin nang maigi ang teksto. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na
katanungan. Sumipi rin ng mga bahagi mula sa teksto na magpapatunay sa iyong mga sagot
sa bawat bilang.
TEKSTO: Isang Basong Gatas

Isang mahirap na batang lalaki ang naglalako ng mga paninda sa bahay-bahay upang
makapag-aral. Gutom na gutom siya isang araw, ngunit nang tingnan niya ang natitira niyang
pera, hindi ito sapat para makabili kahit isang tinapay. Nagdesisyon siyang kumatok sa isang
pintuan para humingi ng pagkain, subalit nang mabuksan ang pinto at lumabas ang isang
magandang dalaga, napahiya siya at humingi na lamang ng isang basong tubig.
Sa tingin ng dalaga ay gutom na gutom siya, kaya’t sa halip na tubig ay dinalhan siya
ng isang basong gatas. Ininom ito ng bata nang dahan-dahan at saka nagtanong,

“Magkano po ang utang ko sa inyo?”


“Wala kang utang sa akin,” ang sagot ng dalaga. "Tinuruan kami ng aming ina na huwag
tumanggap ng bayad para sa isang nagawang kabutihan.”

“Kung ganoon po ay nagpapasalamat ako mula sa kaibuturan ng aking puso.”


Nang lisanin ng batang si Edward Santos ang bahay na iyon, hindi lamang
naramdaman niyang mas lumakas siya, mas malaki na rin ngayon ang paniniwala niya sa
Diyos at sa kapwa tao. Kanina lamang ay nakahanda na talaga siyang sumuko at ihinto ang
lahat ng kanyang pagsusumikap dahilan sa matinding hirap na dinaranas.
Ilang taon pa ang nakaraan, ang babaeng iyon ay nagkaroon ng malubhang sakit at
nalagay sa bingit ng kamatayan. Naguluhan ang mga doktor sa kanilang lugar. Hindi nila
kaya ang kaso nito, kaya’t nagpasyang ipadala siya sa Maynila para doon ipasuri. Doon,
ipinatawag ang mga dalubhasa upang mapag-aralan ang pambihirang kaso ng pasyente. Si
Dr. Edward Santos, lalo na, ay ipinatawag upang konsultahin. Nang marinig ng batang doktor
ang bayan kung saan nanggaling ang pasyente, may kakaibang ningning na kumislap sa
kanyang mga mata. Agad, tumayo siya at bumaba sa bulwagan ng ospital papunta sa kuwarto
ng babaeng binabanggit.
Nakasuot-doktor, pumasok si Dr. Santos upang makita ang babae. Agad niya itong
nakilala. Nagbalik siya sa silid-konsultahan at binuo sa sarili na gagawin niya ang lahat
upang ang buhay ng babae ay mailigtas. Magmula noon, espesyal na atensiyon ang ibinigay
niya rito.

Pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban, naipanalo rin sa wakas ang buhay ng


maysakit. Bago iuwi, hiningi ni Dr. Santos ang listahan ng babayaran ng pasyente upang
maaprubahan.

Tiningnan niya ito, sinulatan sa isang gilid, at ipinadala sa kuwarto ng pasyente.


Natatakot ang babae na buksan ito at basahin, sapagka’t natitiyak niya na hindi niya ito
kayang bayaran. Binuksan niya ang listahan at ito ang kanyang nabasa:
“Bayad na ng buo dahil sa isang basong gatas.”

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 12


Lagda,
Dr. Edward Santos

Mainit na luha ng kaligayahan ang umagos sa mga pisngi ng babae habang nalulunod
sa kaligayahan ang kanyang puso. Nanalangin siya: “Salamat po, O Diyos ko, na ang pag-
ibig Mo ay kumakalat sa iba’t-ibang lugar sa pamamagitan ng mga kamay at mga puso ng
tao.”
Halaw sa link: https://buklat.blogspot.com/2017/12/isang-basong-gatas-kuwentong-may-aral.html

TANONG (QUESTION): Kung ikaw ang bata sa teksto, paano mo pahahalagahan ang
iyong buhay para maging isang kapaki-pakinabang sa lipunang iyong ginagalawan?

SAGOT (YOUR CLAIM):

Kopyahin mula sa teksto ang dalawang ebidensyang magpapatunay sa iyong sagot:

EBIDENSYA 1:

EBIDENSYA 2:

Ipaliwanag kung paano sinusuportahan ng iyong mga ebidensya ang iyong sagot:

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 13


PALIWANAG (REASONING):

SUSI SA PAGWAWASTO

SUSI SA PAGWAWASTO
SUBUKIN

PAUNANG PAGTATAYA

1. F
2. B
3. E
4. C
5. A

PAGYAMANIN
1. D
2. C
3. C
4. C
5. B
TAYAHIN

PANGWAKS PAGTATAYA

1. F
2. B
3. E
4. C
5. A

Ang sagot ng mga mag-aaral sa mga gawain sa iba pang bahagi ay maaaring magkakaiba-iba.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 14


SANGGUNIAN

AKLAT
Atanacio, Heide C., Yolanda S. Lingat, and Rita D. Morales. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: C & E Publishing Inc.

Bandril, Lolita T., Voltaire M. Villanueva, Alma T. Bautista, and Diana F. Palmes. 2016.
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City:
Vibal Group Inc.

Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace.2016. Pinagyamang Pluma: Pagbasa Pagsusuri
ng Iba't Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City, Quezon: Phoenix
Publishing House, Inc.

Bernales, R. et.al. (2016) Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik. Mutya Publishing


House, Inc: Malabon City

SANGGUNIANG ELEKTRONIKO
Bitmoji.com
https://www.123rf.com/clipart-
vector/middle_school.html?sti=lvj9eom9vi3pwvvyu2|&mediapopup=41741867
https://www.123rf.com/photo_81304793_stock-vector-student-stress-icon.html
https://webstockreview.net/image/why-clipart/21648.html
http://www.priscillaloebenberg.com/random-house-expands/
https://www.sachinrekhi.com/how-to-find-your-ideal-customer
https://www.123rf.com/photo_35969895_black-head-with-group-of-colorful-question-mark-
icon-in-brain-isolated-on-white-background.html
https://www.dreamstime.com/image-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-
wearing-glasses-woman-holding-magnifying-glass-business-woman-image134074704
https://www.kissclipart.com/psychologist-clipart-psychology-psychologist-clip-q3z9nj/
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-mwyrb
https://spirit-riding-free-fan.fandom.com/wiki/Oliver
https://www.pngguru.com/free-transparent-background-png-clipart-bqyeo
https://wikiclipart.com/testing-clipart_7483/
https://www.clipartmax.com/so/spotlight-clipart/2/
https://www.brandeps.com/icon/K/Key-03
https://tenor.com/view/walk-man-books-study-gif-15377165
https://www.slideshare.net/girliesurabasquez/banghay-ng-maikling-kuwento
https://www.elcomblus.com/ang-tekstong-naratibo-kahulugan-katangian-elemento-at-
halimbawa/
https://www.academia.edu/34109192/Ang_Tekstong_Naratibo
https://www.scribd.com/presentation/398522581/TEKSTONG-NARATIBO-O-
NAGSASALAYSAY-pptx

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 15


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education-Schools Division of Laoag City
Curriculum Implementation Division (CID)

Brgy. 23 San Matias, Laoag City 2900


Contact Number: (077)771-3678

Email Address: laoagcity@deped.gov.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 11 Page | 16

You might also like