Filipino 3 Kalikasan at Proseso NG Akademikong Pagsulat: Performance Task 1 Quarter 3 - Week 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

MICHEL JOY L.

DE GUZMAN
11- AYALA

FILIPINO 3
KALIKASAN AT PROSESO NG AKADEMIKONG PAGSULAT
PERFORMANCE TASK 1
QUARTER 3 – WEEK 3

Ang Konseptong ‘Fantard’ sa Kontekstong Filipino


Felicisimo G. Galletes, Jr.

ABSTRAK

Karamihan sa mga Pilipino ay kilala sa pagiging masugid na tagahanga at pagiging aktibo sa social
media. Sa pamamagitan ng Facebook at Twitter ay karamihan sa kanila ang aktibong nakikibahagi sa mga
usapang may kaugnayan sa kanilang iniidolong celebrity at love team. Ngunit may mga tagahanga na
gumagawa ng mga bagay na nakasisira sa “fandom”. Sa ganitong mga kadahilanan, hindi maiiwasan ang
batuhan ng mga salita sa social media. Ang pag-aaral na ito ay may layuning alamin ang konsepto ng
salitang “fantard” sa kontekstong Filipino kung ano ang kahulugan ng salitang “fantard”, dahilan ng
pagiging fantard, at posibleng epekto nito sa taong gumagamit, taong pinatutungkulan, at sa
pangkabuuang social environment. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng online survey sa pamamagitan ng
Google Form. Limampung (50) kalahok ang tumugon nang lubusan sa sarbey na nasa edad 12 hanggang
44, tatlumpu’t anim (36) ang babae at dalawampu’t apat (24) naman ang mga lalaki. Naging basehan ng
mananaliksik ang pagpili ng mga kalahok sa mga taong aktibo sa paggamit ng social media tulad ng
Twitter at Facebook. Lumabas sa resulta na ang kahulugan ng fantard ay naipangkat sa dalawang
kategorya, ito ay ang obsesyon at adiksyon. Dalawang kategorya rin ang dahilan ng pagiging fantard, ito
ay escapism o pagtakas sa realidad ng buhay at labis na paggugol sa social media. Sa kabilang banda,
tatlumpong porsyento (30%) ng mga kalahok ang hindi pa gumagamit sa salitang fantard. Walong
porsyento (8%) naman ang nagsabing wala itong epekto sa taong gumagamit ng salita. Mahigit kalahati
naman sa mga kalahok ang sumagot na ang epekto ng paggamit ng pagiging fantard ay negatibo sa
pakikipag-ugnayang lipunan sapagkat maaari itong magresulta ng hindi pagkakaunawaan at pag-aaway.
Sa kabilang dako, naniniwala naman ang iba na ang fantard ay isa lamang bagong salitang nauuso ngunit
tiyak ding lilipas sa paglipas ng panahon. Ilan pa sa mga respondente ang naniniwala na maaari rin itong
mauwi sa cyber-bullying. Mula sa nakalap na datos, dalawa ang nangibabaw na kasingkahulugan ng
fantard ito ay panatiko at adik. Sa pagsusuri ng mga resulta, napansin ng mananaliksik na bata pa lamang
ang salitang fantard dahil kakaunti pa lamang ang gumagamit ng salitang ito ngunit ito ay maaari pang
yumabong at maging bahagi ng bokabularyong Filipino sa hinaharap.

Mga Susing Salita: Celebrity, Fantard, Obsesyon, Adiksyon, Cyber-bullying, Panatiko, Adik, Social
Media, Escapism

You might also like