LP FILIPINO Niyebeng Itim

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay- Aralin sa Filipino

Lawak ng Pampagkatuto 1 oras_


Markahan 2_
Linggo 1__
Baitang 9_
Itinakdang Araw Enero 20, 2022

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang


Pamantayang Pangnilalaman
pampanitikan ng Silangang Asya.
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng
Pamantayan sa Pagganap
pagpapahalaga sa pagiging Asyano

 Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento.


(F9PB-IIe-f-48).
 Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang
Kasanayang Pampagkatuto kuwento. (F9PT-IIe-f-48).
 Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa nabasang kuwento. (F9PS-IIe-f-50).

Pangunahing Konsepto Pagsasasalaysay sa kaugalian at uri ng pamumuhay ng Tsina.


Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang


kuwento
I. LAYUNING PAMPAGKATUTO  Nailalarawan ang kulturang nakapaloob sa kuwento,
 Nakasusulat ng maikling kuwento ng katutubong-kulay tungkol sa
sariling karanasan ngayong panahon ng pandemya na may kaugnayan
sa kulturang nabanggit sa nabasa o narinig na kuwento.

Niyebeng Itim- Maikling Kuwento ng Tsina ni Liu Heng


II. NILALAMAN
Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra
Panitikang Asyano 9 pahina
Sanggunian
SLM sa Filipino 9
Department of Education- Davao del Norte
Office Address: Mankilam, Tagum City, Davao del Norte Region XI
Mapagkukunan Telefax: (084)216 0188
E-mail Address: depeddavnor.lrms@deped.gov.ph
https://www.youtube.com/watch?v=dy7zrYjkTug
III. PAMAMARAAN NG
PAMPAGKATUTO
* Panalangin
A. Panimulang Gawain
* Pagtatala ng mga lumiliban sa klase
1. Pagsasanay Gawain 1: Kuwento ay Suriin
Tukuyin ang nais bigyang-pansin sa sumusunod na bahagi ng kuwento.
Gamitin mo ang mga simbolo na nasa ibaba at ilagay sa patlang bago
ang bawat bilang. Isulat sa Papel ang iyong sagot.

Tauhan
Lugar
Pangyayari

_____1. Unti-unti, sa paningin ko’y nagkakahugis ang isang mapanglaw


at dahop na kapaligiran. Ang mga bahay na malalayo ang agwat,
nagliliitan, ang iba’y nakagiray na, pulos na yari sa kugon at kawayan,
ay waring nasisipagbantang lumupasay sa anumang sandal. Sa malayang
hangin ay nagsasanib-sanib ang kahol ng mga aso, kakak ng mga manok
at itik, unga ng mga kalabaw, langitngit ng mga nagtatayugang
kawaysan at paspas ng dahoon. (mula sa Lugmok Na ang Nayon ni
Edgardo Reyes)

_____2. May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama.
Luwalhati. Hinagud-hagod niyaang mga kamo. Nadama niya ang bagong
tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang tatag. Ang kapangyarihan. Muli
niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor. Pagkaraa’y nakapikit at
buka ang labing nag-angat siya ng mukha. (mula sa Impeng Negro ni
Rogelio Sikat)

_____3. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas,


ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni
Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran
ng panalo ang kalabaw hanggang ito’y umungol na ang alingawngaw ay
ano’t hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung di niya makita na halos
apoy na ang lulabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito
titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa
bayan. (mula sa Walang Panginoon ni Deogracias Rosario)
Tatanungin ang mag-aaral tungkol sa nakaraang leksiyon, ang
2. Balik-Aral (3 minuto) kahulugan ng maikling kuwento at ang isa sa mga uri na maikling
kuwentong makabanghay

Gawain 2: Scrambled Letter, Gawing Better


Ang mga larawan ay nagpapakit ng mga bagay na magpagkikilan sa
bansang Tsina. Ayusin ang mga titik upang mabuo ang pangalan ng
larawan.

3. Pagganyak ( 3 minuto)

______1. EGRTA LAWL FO NACIH


_______2. UFAHN

B. Mga Gawaing Pampaunlad

_________3. LANNERT LITFVESA

Sagutin ang mga tanong:


1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Bakit nahatulang makulong si Li Huiquan?
3. Bakit gusto ni Li Huiquan na mapag-isa palagi?
4. Saang pook nangyari ang binas o narinig na kuwento?
5. Sa iyong palagay, ano kaya ang magiging buhay ni Li Huiquan sa
panibago niyang pakikipagsapalaran sa labas ng bilangguan?

Gawain 3: Gawin Natin


Punan ng wastong titik ang mga kahon upang mabuo ang imahe o
simbolo ng bawat pahayag na sinalungguhitan.. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Niyebeng itim

p u k
1. Gawain __________________________________________

2. Naligtas ang kanilang balat sa kasuotang panlamig

a n w n
____________________________________________

3. Kariton para sa damit

e g o

4. Nagpakuha ng litrato

b g
i u
____________________________________________.

5. Tiyaga ang susi sa buhay na matatag

p t t m y
____________________________________________.

Integration: Filipino 8
Nabibigyan kahulugan ang mga simbolong pahiwatig na ginamit sa akda
F8 PT-11g–h-27
Gawain 4: Pangkatang Gawain: Mailalarawan Mo Ba?
Hahatiin sa tatlong grupo ang mag-aaral. Bawat grupo ay bibigyan ng 10
minutong paghahanda. Pagkatapos ay ilahad ng mag-aaral ang nahihinuhang
kulturang Tsino na nakapaloob sa binasa o narinig na maikling kwentong
Niyebeng Itim. (Ang mga mag-aaral ay malayang makapili ng estratehiya sa
paglalahad. Maaring pagguhit, pagsasakilos pagbabalita atbp.)

1. Analisis/ Pagsusuri Pangkat 1- Pagdiriwang ng Bagong Taon


(10 minuto)
Pangkat 2- Pakikitungo sa dating bilanggo.

Pangkat 3- Pagtitinda sa bangketa

Integration: English 9
Analyze literature as a means of understanding unchanging values in the
VUCA (volatile, uncertain, complex, ambiguous) world.
Gawain 5: Tandaan Natin

Punan ng wastong salita ang sumusunod na patlang sa talata upang mabuo ang
diwa nito. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Ang 1. __________ ng katutubong kulay ay isa sa mga uri ng panitikan na


paboritong isulat ng mga 2. _______. Kadalasan ito’y nakabasa sa kanilang 3.
3. Abstraksiyon/Paglalahat ______, 4. _______, 5. _________, 6. ________, 7. _______ at 8. _________.

a. tradisyon e. kasaysayan
b. Tsino f. pilosopiya
c. maikling kuwento g. mithiin
d. edukasyon h. kultura

Gawain 6: Karanasan ko, Isusulat ko


Sumulat ng sariling maikling kuwento ng katutubong kulay tungkol sa
sariling karanasan ngayong panahon ng pandemya. Ang nabuong awtput
ay maaaring
ipadala sa e-mail address: joy.talco@deped.gov.ph
4. Apliksayon/ Paglalapat
RUBRIK:
4–Napakahusay
3–Mahusay
2–Katamtaman
1–Nangangailangan pa ng pagsasanay

1. Orihinalidad
2. Nilalaman
3.Nakatugon sa hinihinging kabuuan ng talata
4. Nasusunod ang kayarian ng kuwento

Integration: Filipino 7
Naiuugnay sa mga sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
binasa. F7 PB-1Vc-d-22

Gawain 7: Tama o Mali


Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang pinapahayag ng pangungusap at
Mali kung hindi wasto ang pinapahayag.

1. Ang simbolong Niyebeng Itim ay nangangahulugang pagsubok


IV. EBALWASYON (5 minuto)
sa buhay.
2. Pangingisda ang pangunahing pamumuhay ng mga Tsino.
3. Ang pagdiriwang ng Bagong Taon ay isang kulturang Tsino.
4. Nangingibabaw sa maikling kwento ng katutubong kulay ang
paglalarawan sa tiyak na pook, pag-uugali, paniniwala at uri ng
pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar.
5. Si Li Huiquan ang pangunahing tauhan sa kuwentong Niyebeng
Itim.

V. KASUNDUAN Pag-aralan ang susunod na aralin, Ang Kalupi pahina 15.

Pagnilayan Natin
Ang maikiling kuwento ay sumasalamin sa kulturang Pilipino. Sa
VI. PAGNINILAY ibinigay na halibawa ng Niyebeng Itim, binibigyang diin dito ang pisikal
na kalagayan ng pook, pag-uugali, kilos, gawi, paniniwala, pamahiin at
pananaw sa buhay ng mga taong nakatira sa nasabing lugar.

Inihanda ni:

JOY A. TALCO
Guro

Sinubaybayan ni:

GEMMA LOZADA
Master Teacher II

You might also like