SANAYSAY

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

LACASANDILE, MARVIN L.

BSED 2A FILIPINO

“ SINA BUNSO AT ANG MGA BATANG


PRESO “

Ang pamagat ng aking napiling sanaysay ay “ Sina bunso at ang mga batang preso “ ito ay akda ni
Mark Gil M. Caparros na nakakuha ng ikatlong gantimpala sa pagsulat ng sanaysay noong 2010.

Ang tema ng sanaysay na ito ay upang maipabatid sa mga bata na hindi madaling mabilanggo, pero kahit
na ganoon kailangan parin dapat isaalang- alang ang mga aral na dapat matutunan at ituturo upang
maging mabuting halimbawa sakanila habang nasa preso.

Ito ang nilalaman ng personal na akda ni Caparros, Nakakatamad, Kamot sa ulo, kunot noo, hikab nang
bahagya, singhot dito, sipat sa malayo, buntonghinga nang malalim at marami pang paulit-ulit na ritwal
ang senyales na nagpapakita ng kawalan ko ng interes sa mga bagay-bagay. Mahigit apat na taon na ako
sa Pamantasan ng Pilipinas (UP) at inip na inip nang tanggapin ang pinaka aasam-asam na diploma.
Isama paang katakot-takot na nakalinyang gawain sa iniiwasan kong pakitang-turo sa kulungan ng mga
batang preso na bahagi ng aking praktikum bilang isang guro sa kursong Special Education.

Ang aking gagawin kasama ang mga menor de edad na bilanggo? Kumain, matulog, makipag-asaran,
magguhit kung ilang araw pa ang ipamamalagi sakulungan, magbasa ng komiks, magsulat sa pader,
magmasid sa trip ng mga presongkabataan dapat lang ay bigyan ko sila ng mga gawain na kapaki-
pakinabang. Nakakatamad pa ring gawin ngunit pipilitin ang sarili pagkat alam kong ito naman ay may
kabuluhan.

Kinakabahang manatili sa loob at makulong? Natatakot na mapagtripan, excited sa panibagong


karanasan, bahagya ring napipilitan,kinukumbinsi ang sarili na makakatagpo ng kaaliwan sa mga batang
preso na matuturuan.

Unang araw sa piitan, tumatagaktak ang malagkit na pawis sa aking buong katawan. Nabibingi ako sa
kanilangpagkalampag sa rehas na bakal at sa dumadagundong nilang hiyawan. Ang mga karanasanat
eksenang sa mga liham ng bilanggo sa isang pitak ng tabloid ko lang dati nababasa ayganap ko nang
nararamdaman.Buhay sa loob.

Ang katamaran ko ay bahagya nang nabawasan dahil sa panibago na namang karanasan. Magkahalong
saya at kaba ang naramdaman ko sa unang araw ko sa Molave. Saya pagkat alam kong marami akong
bagay na matutunan mula sa kanila at marami rin naman ang nakapiit na aking matutulungan.
Bahagyang kaba rin ang kumakabog sa aking dibdib.Marahil ay natural lamang ito dahil hindi ko alam
ang maaaring mangyari sa mahigit anim na oras bawat araw na pananatili ko sa kulungan
Para saakin, ang sanaysay na ito ay kanyang personal na kuro-kuro at ang layunin lamang nito ay
ipabatid kung ano man ang pagsubok na kinakaharap ng tauhan sakanyang sanaysay

Natutunan ko na bilang isang guro sa hinaharap kailangan maging handa sa anumang pagsubok
na darating, huwag mawalan ng pag-asa at manatiling bukas ang puso’t isipan para sa mga batang
kailangan ng gabay ng isang mabuting guro na mag bibigay sakanila ng lakas ng loob upang baguhin ang
kanilang hinaharap, upang maisatuwid ang kanilang ginawang kamalian at upang maging sa hinaharap
ay maging mabuting halimbawa na sila sa mga batang lumiko ang landas.

You might also like