Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Dianne Balili Kurso&Taon: BSEd-Filipino 3

YUGTO NG PAGKATUTO

Unawain ang halimbawa ng Karagatan. Subukin natin ang naging pag-unawa sa


iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod na mga tanong.
1. Ano ang paksa ng binasang karagatan?
Sagot:
Ang paksa sa binasang karagatan ay patungkol sa mga binatang lalaki na
nagpapakita ng pagmamahal sa dalaga sa pamamagitan ng pagsisid para kunin ang
singsing ng dalaga at pagkatapos sumisid magbibigay ng mga matatalinghagang salita
at dapat makasagot sa bugtong na ibibigay ng dalaga upang Manalo sa laro.
2. Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang
ginampanan?
Sagot:
Binibigyang-buhay ng mga tauhan ang dula sa pamamagitan ng pagbibigay nila
ng mga matatalinghagang salita. Sa bawat salita na kanilang binibitawan ay binibigyan
nila ng impresiyon na gusto nilang ipabatid sa mga manonood.
Ang papel na kanilang ginagampanan ay ang bawat isa ay naghahanap ng
pagmamahal sa pamamagitan ng pagpapakita nila ng mga natatanging kakayahan.
3. Bakit sinasabing hindi kinakailangang “sumisid” ang binatang nais
magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing?
Sagot:
Hindi na kailangan sumisid ang binate upang ipakita ang kaniyang pagmamahal
sa dalaga dahil hindi iyon sukatan sa totoong pagmamahal. Ang tunay na pagmamahal
ay dadating iyan at walang hinihintay na kapalit.
4. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan?
Sagot:
Ang angkop na pamagat ng binasang karagatan ay “Binatang mapalad na
nakakuha sa puso ng dalaga.”
5. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa
larong karagatan?
Sagot:
Mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa larong
karagatan ay ang mga sumusunod:
 Napaunlad ang kanilang pag-iisip ng mga matatalinghagang salita
 Pagiging kalmado sa lahat ng oras
 Ipinababatid rin nila ang kanilang mga saloobin, ideya at opinyon sa mga
mambabasa
 Napaunlad rin nila kung paano nila iparating ang tema ng isang dula sa
pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang mga emosyon.

YUGTO NG PAGKATUTO

Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo ng sagutan ang
kasunod na mga tanong.
1. Tungkol saan ang binasang duplo?
Sagot:
Ang binasang duplo ay tungkol sa nawalang ibon ng hari.
2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?
Sagot:
Ang mga gumaganap na tauhan sa duplo ay ang Bilyako at Bilyaka, ang hari at
ang abay ng reyna.
3. Paano nilalaro ang duplo?
Sagot:
Maghaharap ang pangkat ng dalaga at binate, pero pag naglalaro ang duplero at
duplera na ang tawag sa kanila. Mag lalaban-laban sila sa pamamagitan ng pagtula
kung sino ang nanguha ng nawawalang loro ng hari at ginaganap ito sa bakuran ng
isang bahay.
4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa?
Sagot:
Ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa sa pamamagitan
ng padulang debate o pagsasagutan. Ang bawat isa ay nagbibitaw ng mga linya at
salita, ang bilyaka o bilyako ay nagsusumbong sa tuwing may hahamak sa bawat isa.
5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan?
Sagot:
Ang mabuting epekto ng dupluhan ay makakahasa ito sa isipan ng mga duplero
at duplera, makapagbibigay ito ng pagkakataon ng mga kalahok na mag-isip ng daglian
at maipahayag ang kanilang saloobin, ideya at opinyon patungkol sa partikular na
paksa.
6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang larong duplo sa mga lamay sa patay sa
kasalukuyan? Bakit?
Sagot:
Para sa akin, makatuwiran pa rin na gawin ang larong duplo sa mga lamay sa
patay sa kasalukuyan upang mas mapaunlad pa rin ito hanggang sa ngayon. Kapag
ang larong duplo ay panatilihin pa rin natin na nilalaro mas mapapaunlad at
mapayabong pa natin ito, mas madadagdagan pa ito ng mga ideya na maaring
makakapaunlad nito.

You might also like