Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Noong araw ay napakaraming naninirahang buwaya sa ilog at lawa Mga buwayang malaki at

masisiba kaya madaming napapalubog ang Bangka sa isang hampas lamang ng kanilang buntot.

______ 1. Batay sa akda, ano ang sinisimbolo ng salitang buwaya na ginamit sa pahayag?

a. Magnanakaw b. abusado c. matakaw d. ganid

______ 2. Anong kaisipan ang mahihinuha mo mula sa nasabing pahayag?

a. Malalaki at masisiba ang mga buwaya sa ilog at lawa.


b. Maraming naninirahang buwaya sa ilog at lawa
c. Lumulubog ang mga bangkang dumaan sa lawa.
d. May mga taong sakim na mapagsamantala

______ 3. Batay sa binasag pahayag mula sa akdang el filibisterismo, bakit kaya may mga taong pinipiling
mananamantala sa kanilang kapwa, kapangyarihan at bayan?

a. Dahil likas sa kanila ang pagiging istriko


b. Dahil nais talaga nilang titingalain o katatakutan
c. Dahil nais na magkaroon ng kapangyarihan at kayamanan
d. Dahil magiging masaya sila kung nakakasakit sila sa kanilang kapwa.

Hindi ba mabuti kung ang ginawa ng kanyang kamahalan ay sa isang beateryo siya ikulong, ang
tahanan ng mongha kagaya ng Sta. Clara?

Nagtaka si Padre Sibyla nang Makita si Padre Salvi na nagulilat at napasulyap kay Simoun.

_______ 4. Bakit kaya nagulat si Padre Salvi sa nabanggit ni Simoun?

a. Dahil ayaw niyang mabunyag ang kanyang sikreto


b. Dahil natanto niya na alam ni Simoun ang kanyang lihim
c. Dahil malakas ang boses ni Simoun
d. A at B

______ 5. Sino ang tinutukoy sa pahayag na kinulong sa beateryo?

a. Simoun b Padre Sibyla c. Maria Clara d. Santa Clara

______ 6. Sa tingin mo, ano kaya ang layunin ni Simoun sa kanyang pahayag?

a. Walang taong perpekto


b. Hindi maiiwasan ang magkamali
c. Maling pamamalakad ng mga pari
d. Pagsunod sa bugso ng damdamin
“Nariyan ang Malapad – na- Bato, batumbuhay na sagrado noon pa mang bago dumating ditto ang
mga Kastila at umano’y tinitirhan ng mga espirito. Ngunit nang mawala ang pamahiing iyon, at ang
batong buhay ay nilapasyangnan,ito;y naging pugad ng mga tulisan, na nagmula sa itaas at
nahaharang na madali ang mga namamangka.

_____ 7. Anong paniniwala ang masasalamin mo mula sa binasang pahayag?

a. Ang paniniwala sa mga tulisan


b. Ang paniniwala sa mga espirito
c. Ang paniniwala sa mga pamahiin
d. Ang paniniwala sa mga lugar na sagrado

____ 8. Bakit tinawag na batumbuhay na sagrado ang Malapad- na- Bato?

a. Dahil tinitirahan ito ng mga tulisan


b. Dahil hindi madaling makapunta rito
c. Dahil pinananahanan ito ng mga espirito
d. Dahl ballot ito ng maraming hiwaga ta pamahiin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang angkop na hudyat sa
pagpapahayag ng damdamin na isinasaad sa pangungusap.

____ 9. Hindi ko lubos maisip kung bakit kinitil ni Simoun ang kanyang buhay.

a. Pagtataka b. pagkalungkot c. pag-aalinlangan c. pagkadismaya

____ 10. Masakit isipin ang sinapit ni Maria Clara sa beateryo.

a. Pagtataka b. pagkalungkot c. pag-aalinlangan d. pagkadismaya

____ 11. Napakasayang isipin na nakamit na ng mga Pilipino ang inaasam na kalayaan.

a. Pagtataka b. pag-aalinlangan c. pagkatuwa c. pag-aalala

____ 12. Hindi ako makapaniwala sa sinapit ni Donya Geronimo sa loob ng kuweba.

a. Pagtataka b. pagkalungkot c. pag-aalnlangan d. pagkadismaya

_____ 13. Mabuti naman at hindi nasaktan ang mga taong naroon sa piging.

a. Pagkatuwa b. pagkalungkot c. pag-aalinlangan c. pag-alala

_____ 14. Harinawa, sana tuluyang makamit na ng Pilipinas ang minimithing katahimika.

a. Pagtataka b. pag-aalinlangan c pag-asa d. pag-aalala


Ang masamang panahon ay maraming kahulugan. Isa na rito ang negosyo na pangongolekta ng mga
buwis ng mga prayle na sinabi ni Padre Sibyla na nagsisimula nang magkaproblema.

____ 15. Ano ang ibig sabihin ng masamang panahon na tinutukoy sa pahayag?

a. May bagyo
b. Pagbabago ng panahon
c. Nagkakaroon ng problema
d. Masalimuot ang panahon

_____ 16. Batay sa binasang pahayag, paano inilarawan ni Padre Sibyla ang negosyo ng mga prayle
noong panahon sa ating bansa?

a. Mabuti ang pagpapatakbo ng mga prayle sa ating banda


b. Nalulugi ang mga prayle sa kanilang negosyo
c. Nagkaproblema ang kanilang negosyo
d. Yumayabong ang kanilang nigosyo

You might also like