Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Panitikang Pilipino

Modyul 8

COLLEGE OF ENGINEERING
AND TECHNOLOGY

2020
Modyul 8
Module Title: Panahon ng Ikatlong Republika

Deskripsyon ng Modyul:
Ang modyul na ito ay nagsasaad ng mga kaganapan sa buhay ng mga Pilipino sa ilalim
ng Ikatlong Republika at higit sa lahat ang malaman ang kalagayan ng panitikan sa panahon na
ito. Makilala ang mga manunulat na nagbigay sigla sa panitikan sa na pahon na ito, at matukoy
ang papel na ginampanan ng mga awiting sumikat bilang hakbang ng mga Pilipino upang
ipaglaban ang kalayaan.

Layunin ng Modyul:
Layunin ng modyul na na ito na matalakay ang kalagayan ng sa panahon ng Ikatkong
Republika, mga akdang sumikat awitin at iba pa.

Giya ng Modyul:
Upang maunawan mo ang mga araling kalakip ng modyul na ito ay, may mga babasahin
o hindi naman kaya ay mga link na kung saan mahahanap mo sa internet upang mas mapalawak
pa ang kaalaman hinggil sa araling tatalakayin.

Mga inaasahan sa modyul :


Sa pagtatapos ng modyul, inaasahan na maunawaan ng mga mag-aaral ang kalagayan ng
pantikan sa panahon na ito, at matukoy ang mga sumikat na halimbawa ng panitikan ay mga
sumulat nito.

Pangangailangan ng Modyul:
Inaasahan sa pagtatapos ng modyul ay maipaliwanag ng mga mag-aaral ang kalagayan
ng panitikan sa ilalim ng ikatlong republika. Masagot ang mga tanong mula sa modyul na
binasa o pinag-aralan.

Pretest ng Modyul:

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang salitang maglalarawan bilang


sagot sa mga aytem na nasa ibaba.

1. Muling inalis ang bansa sa ilalim ng Batas Militar noong ____.


2. Buwan, petsa at taon na pinatay si Benigno Aquino.
3. Ang mga bumuo ng isang awiting pinamagatang “Laban Na”.
4. Sumulat ng “Sa Panahon ng Ligalig”.
5. Nagkubli sa sagisag na “Radamen”

Coritha at Eric
Jose F. Lacaba
Agsoto 21, 1983
1972
Benjamin Pascual
Ika-2 ng Enero, 1981
Susing Salita: aktibismo, duguang plakard, pelikula,komiks, magasin

Magsimula Tayo:

Ibigay ang iyong pananaw sa tungkol sa mga sumusunod na mga salita:

A. Aktibismo-

B. Martial Law-

Basahin: Panahon ng Ikatlong Republika

Kaligirang Kasaysayan

Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas


Militar at sa tinamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay ng mga
Pilipino na nagsimula sa panahon ng bagong Lipunan, muling inalis ang
bansa sa ilalim ng nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981.
Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago
sa tingin ng mga naglilingkod sa pamahalaan. Sa kanilang pananaw, ang
Pilipinas noon ay isa na namang bagong bansa, kaya’t ito’y tinawag ng dating
Pangulong Marcos na “Ang Bagong Republikang Pilipinas.”
Isa namang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng ikatlong
Republika. Ang unang republikang kaniyang isinaalang-alang ay ang
Republikang Pilipinas sa panahon ng Emelio Aguinaldo; ang ikalawa ay ang
paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at ang ikatlo, dahil muli
na naman daw naging Malaya ang bansa dahil sa pagkakaalis nito sa ilalim
ng Batas Militar.
Ngunit nang panahong ito, di-mapapasubaliang maraming mamamayan
ang tumutol at nagpupuyos ang kalooban dahil sa patuloy na paghihirap ng
bansa at di-pagdama sa tunay na kalayaan. Lalo pang nag-aalab ang ganitong
damdamin nang patayin noong Agosto 21, 1983, ang dating Senador ng bansa
na si Benigno Aquino, Jr., ang idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang
mithing maging Pangulo ng bansa.
Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang panahong ito, masasabing
malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming mga manunulat
ang nangagsisulat ng mga paksang dalamhati, kahirapan, pulitika, at
imperyalismo.
Masasabing maningning pa rin ang Panitikang Filipino nang panahong
ito.
Ang Panulaang Tagalog ng Ikatlong Republika

Ang mga tula sa panahong ito ng ikatlong Republika ay may


pagkaromatiko at rebolusyonaryo. Lantaran kung ito’y tmuligsa sa mga
nagaganap noon sa ating pamahalaan. Ang hinaing ng mga mamamayan ay
nakatambad sa wikang maaapoy, marahas, makulay, at tila mapagtungayaw.
Ang ilan sa mga tula na naisulat ay:
 Uod ni Rodolfo S. Salandanan
 Pilipinas, Sawi kong Bayan

Ang awiting Filipino sa Panahon ng Ikatlong Republika

Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga awiting


Filipino nang panahong ito. Ang kalungkutan o pagdadalamhati, kahirapan,
paghahangad ng tunay na kalayaan, pag-ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa,
ay ang mga damdamin ng mga awit.
Maraming kompositor ang nalungkot nang paslangin si Ninoy Aquino,
Jr. noong Agosto 21, 1983. Kabilang na rito sina Coritha, Eric, Freddie
Aguilar, at iba pa.
Sina Coritha at Eric ay bumuo ng isang awiting pinamagatang “Laban
Na” at unang inawit ito ni Coritha sa isinagawang National Unification
Conference ng Oposisyon noong Marso, 1985, Inawit din ito sa idinaos na
“Presidential Campaign Movement for Cory Aquino” upang magbigay
inspirasyon sa kampanya sa pagpapabagsak sa Marcos Movement noong
Pebrero 5, 1986.
Muling binuhay naman ni Freddie Aguilar ang awiting “Bayan Ko” na
sinulat naman nina Jose Corazon de Jesus at C. de Guzman noong panahon
ng Amarikano.
BAYAN KO

Ang bayan kong Pilipinas,


lupain ng ginto’t bulaklak.
Pag-ibig ang sa kaniyáng palad,
nag-alay ng ganda’t dilág.
At sa kaniyáng yumi at ganda,
dayuhan ay nahalina.
Bayan ko, binihag ka,
nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad,


kulungin mo at umiiyak!
Bayan pa kayáng sakdal-dilag,
ang ‘di magnasang makaalpas?
Pilipinas kong minumutya,
pugad ng luhá ko’t dalita,
aking adhika:
makita kangni
Bukod sa pagbuhay sakdal laya! Aguilar sa awiting “Bayan Ko” lumikha
Freddie
rin siya ng awiting pinamagatan niyang “Pilipino.”
Ang Pelikulang Pilipino sa Panahon ng Ikatlong Republika

Nagpatuloy parin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mga Pelikulang


Filipino ng panahong ito.
Lalong di napigil ang pagkagiliw ng mga tao sa mga pelikulang may mga
malalaswang tema. Kaya naman sinamantala ang mga ganitong uri kahit na
ito’y nakakapagpababa sa moralidad ng mga Pilipino.

Ang mga Pahayagan, Komiks, Magasin at iba pang Babasahin

Tila pulitikang biglang hati sa dalawang partido ang mga pahayagan


nang panahon ng ikatlong Republika. May mga pahayagang binansagang mga
“crony newspapers” ng marami nating mga kababayan dahil sa mga di-
makatotohanang paahayg na taliwas sa mga tunay na nagaganap sa ating
kapaligiran. Kabilang sa mga ito ay ang: Bulletin Today, People’s Journal, at
Tonight.

Ang mga pahayagang tinangkilik naman ng marami at pinaniniwalaang


nagpapahayag ng mga totoong pangyayari ay ang: Forum, Daily Inquirer,
Mnaila Times, at Malaya.
Patuloy paring tinangkilik ng maraming kabataang Pilipino ang mga
komiks at magasin tulad ng Kislap, Modern Magasin, Bulaklak, Liwayway,
Extra Hot, Jingle Sensation, Lovelife, Extra Aliwan, Hiwaga, Holiday, at
marami pang iba.

Ang Timpalak-Palanca sa Panahon ng Ikatlong Republika

Ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature,


pinakaprestihiyosong gawad pampanitikan ng bansa ay nagpatuloy pa rin sa
pagbibigay-gantimpala taun-taon sa larangan ng pagsulat ng pinakamahusay
na tula, maikling kuwento, sanaysay, at iisahin o tatatluhing yugtong dula.
Ang nagkamit ng unang gantimpala sa mga larangang nabanggit simula
noong 1981 hanggang 1985 ay ang mga sumusunod:

Tula:

 1981- “Taga Sa Bato”- isang matalinhagang tulang isinulat ni Romulo A.


Sandoval na gumamit ng sagisag na “Victor Buenaviaje”.
 1982- “Odyssey Ng Siglo”- isang madamdaming tula ni Cresenciano C.
Marquez Jr. na ikinubli ang tunay na pangalan sa sagisag na “Eva A.
Dan”.
 1983- “Sa Panahon Ng Ligalig” – ni Jose F. Lacaba na gumamit ng sagisag
na “Bernardo Makiling”
 1984- “Bakasyunista” – ni Tomas F. Agulto na kumubli sa sagisag na
“Sarhento J. de la Cruz”
 1985- “Punta Blangko”- ni Mike L. Bigornia, ginamit niya ang sagisag na
“Haraya Negra”
Maikling kuwento:

 1981- “Di Mo Masilip Ang langit”- ni Benjamin P. Pascual, gumamit ng


sagisag na “Radamen”
 1982- Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra” – sinulat ni
Lualhati Bautista de la Cruz, gumamit ng sagisag na “Joy Marela”
 1983- “Pinagdugtung-dugtong Na Hininga Mula Sa Iskinitang
Pinagpiyestahan ng mga Bangaw” – akda ni Agapito M. Lugay nagtago sa
sagisag na “Peping de la Cruz”.
 1984- “Sa Kaduwagan Ng Pilikmata”- Fidel D. Rillo, Jr. ginamit ang
sagisag na “Virginia Rivera”
 1985- “Unang Binyag” – Ernie Yang ginamit ang sagisag na “Homer”

Sanaysay:

 1981- “Sa Sariling Panunuring Pampanitikan: mga hamon at


Pananagutan”- sinulat ni Pedro L. Ricarte, na gumamit ng sagisag na
“Priscilla R. Moreno”
 1982- “Isang Liham sa Baul Ng Manunulat” – Fanny A. Garcis ginamit
ang sagisag na “Simone”
 1983- “Ang Kontemporaryong Nobelang Tagalog”- ni Rosario Torres Yu,
ginamit ang sagisag na “J. de la Cruz”
 1984- “Mga Tinik sa Dambuhalang Bato” – ni Lilia Q. Santiago gumamit
ng sagisag na “Abante Altamonte”
 1985- Walang nagkamit ng unang gantimpala sa larangan ng sanaysay
noong taong ito. Subalit isang espesyal na gantimpala ang natanggap ni
Fidel Rillo, Jr. sa kaniyang sanaysay na nasusulat sa Tagalog at may
pamagat na Ingles na “Now For The Run of the Flowing Gutter”. Ang
sagisag sa panulat na ginamit dito ng may-akda ay “Don Miguel del Vino’

Ang Dula sa Panahong Ito:

Sa larangan ng dula, tanging ang unang gantimpala noong 1983 lamang


ang nasaliksik ng mga naghanda ng aklat na ito. Ang dula ay ang “Huling
Gabi sa Maragondon” ni Reanto O. Villanueva, ginamit ang sagisag na “Andres
Magdale”

Ang Nobela sa Panahong Ito:

Noong 1983, muling nagsimula ang Timpalak-Palanca sa pagpili ng


pinakamahuhusay na nobela. Ang pagpili sa larangang ito ay isinagawa
lamang tuwing ikatlong taon nang sa gayo’y mabigyan ng mahabang panahon
ang ating mga manunulat na makagawa ng higit na magamda at may mataas
na uring akda. Kaya’t ang sumunod na pagpili nila sa pinakamahuhusay na
nobela ay sa taong 1987. Ang La Tondeňa, Inc. ay siya ring patuloy na
tagapagtaguyod ng Timpalak-Palanca.
Tandaan:

 Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas


Militar at sa tinamasang bahagya ang pagbabago sa buhay ng mga tao.
 Sa pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang pagbabago
sa tingin ng mga naglilingkod sa bayan.
 Ngunit magkagayon man, ay hindi naramdaman ng mga tao ang
sinasabing pagbabago dahil patuloy parin na dumaranas ang mga tao
sa hirap.
 Mas naging maalab pa ang kanilang mga mithin ng barilin si Benigno
Aquino na dapat sana ay inaasahan ng mga tao na susunod na maging
pangulo.
 Nagdulot ng pagbabago sa panitikang Pilipino ang mga pangyayaring ito
dahil dama ng mga manunulat ang damdamin ng mga Pilipino sa
tinakbo ng kalagayan nito.

Isagawa:

Panuto: Kilalanin kung kani-kaninong sagisag sa panulat ang mga


sumusunod? Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

Hanay A Hanay B

____ 1. Radamen A. Romulo Sandoval


____ 2. Victor Buenaviaje B. Crescenciano Marquez, Jr.
____ 3. J. de la Cruz C. Jose F. Lacaba
____ 4. Eva A. Dan D. Mike Bigornia
____ 5. Joy Marcela E. Benjamen Pascual
____ 6. Bernardo Makiling F. Lualhati Bautista
____ 7. Simone G. Agapito Lugay
____ 8. Haraya Negra H. Ernie Yang
____ 9. Abante Altamonte I. Pedro Ricarte
____ 10. Sarhento J. de la Cruz J. Fanny A. Garcia
____ 11. Don Minguel del Vino K. Tomas Agulto
____ 12. Ernie Yang L. Lilia Santiago
____ 13. Homer M. Fidel Rilo, Jr.
____ 14. Priscilla Moreno N. Rosario Torres Y.

Karagdagang Babasahin:
https://www.slideshare.net/nenevie/panahon-ng-ikatlong-republika

https://prezi.com/x_yg5svetmmr/panitikan-sa-panahon-ng-ikatlong-
republika-ng-pilipinas/

https://www.academia.edu/32295684/
Ang_Panitikan_sa_Panahon_ng_Republika

Post Test ng Modyul:

I.Panuto: Tukuyin ang may-akda ng mga sumusunod:

__________________ 1. Punta Blangko


__________________ 2. Odyssey ng Siglo
__________________ 3. Sa Panahon ng Ligalig
__________________ 4. Bakasyunista
__________________ 5. Taga sa Bato
__________________ 6. Uod
__________________ 7. Pilipinas, Sawi kong Bayan
__________________ 8. Laban Na, Bayan Ko.

II. Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Bakit tinawag na panahon ng Ikatlong Republika ang panahong ito?


2. Sino si Benigno Aquino, Jr? Ano ang kaugnayan ng kaniyang pagkamatay
sa masang Pilipino?
3. Bakit nahati sa dalawang partido ang mga pahayagan at ilan pang
babasahin nang panahong ito?
4. Sa kabuuan, pano mo ilalarawan ang lagay ng panitikan sa panahon ng
Ikatlong Republika?

Sanggunian:
Santiago, Erlinda M. atbp. 1989. Panitikang Filipino: Kasaysayan at Pag-unlad:
Pangkolehiyo. National Book Store
Panganiban, Jose Villa atbp. 1987. Panitikan ng Pilipinas Quezon City : Bede's Publishing
House.

You might also like