Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hello, Love Goodbye

Ang Hello, Love, Goodbye ang isang pelikulang pinagbibidahan nina Alden

Richards at Kathryn Bernardo. Ito ay tungkol sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa

para makatulong sa pamilya. Ang karakter ni Joy, na ginampanan ni Kathryn

Bernardo ay nagbigay inspirasyon sa lahat, lalong-lalo na sa mga kababayan nating

OFW. Isang OFW si Joy sa Hong Kong, lahat ng trabaho pinasok para makapag-

ipon. Sa pakikipagsapalaran niya sa ibang bansa, nakilala niya ang kaniyang

kababayan na si Ethan na ginampanan ni Alden Richards. Makikita talaga sa

pelikula ang hirap at pagod na dinanas ng mga OFW. Hindi biro ang sakripisyong

kanilang ginagawa para sa pamilya. Nagtulungan sina Ethan at Joy sa

pagtatrabaho. Ngunit kalaunan ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pag-

iibigan. Ngunit may mga bagay na kailangan isaalang-alang si Joy. Si joy ay isang

pursigidong tao, may pangarap, may dedikasyon . kaya kahit anong hirap ng

kaniyang trabaho ay nagsisikap siya para sa kaniyang pamilya. Si Ethan naman, isa

ring OFW na nakatira na sa Hong Kong. Pawis, pagod, hirap, gutom, sakripisyo

lahat ng yan ay dinanas ng dalawa. Ngunit ang kanilang pagkakaibigan ay

nahantong sa pag-iibigan. Ngunit dahil sa mga bagay na kailangan munang unahin

ni Joy, nakapag desisyon siyang bumalik sa Pilipinas, at naiwan si Ethan sa Hong

Kong.

You might also like