Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
11

1
Filipino – Ikalabing-isangbaitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Tekstong Impormatibo at Tekstong
Deskriptibo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akdang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Nico Gaurino
Editor: Vida Bianca M. Laus
Tagasuri: Andrew P. Padernal
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD(EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez(Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD(MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. HerreraEdD(Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. IgnacioPhD(EsP)
Dulce O. Santos PhD(Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. TagulaoEdD(Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik 11
Ikatlong Markahan
Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto
Tekstong Impormatibo at Tekstong
Deskriptibo
Manunulat: Nico Gaurino
Editor: Vida Bianca M. Laus / Tagasuri: Andrew P. Padernal

magat

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik, Ikalabing –isang Baitang ng Modyul 4 para sa
araling Tekstong Impormatibo at Tekstong Deskriptibo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno- Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga Gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mgakasanayang pang-ika-21 siglolalong-lalona ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character)habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob ng kahong ito:

Mga Tala para saGuro


Ito'y naglalaman ng mga paalalaat
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula saiyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik Filipino-11, Modyul 4 na may paksang Tekstong
Impormatibo at Deskriptibo !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Ditomasusukat ang mganatutuhan ng mga mag-aaral.

5
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. naibabahagi ang katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo at
deskriptibo;
2. nakasusulat ng ilang halimbawa ng teksto ng impormatibo at deskriptibo; at
3. nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang tekstong
impormatibo at deskriptibo.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Tukuyin kung anong antas ng pagbasa ang ipinapakita sa sumusunod na


sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
Mga Pagpipilian
A. Primarya C. Analitikal
B. Mapagsiyasat D. Sintopikal

_____ 1. Nakita ni Mauenna Espanyol ang teksto kung kaya hindi na niya
ipinagpatuloy ang pagbabasa.
_____ 2 Ang kwentong nabasa ni Doria ay may malalim na kaugnayan sa kanyang
nakaraan.
_____ 3. Inunawa niya ang pinabasa ng guro upang masagutan ang pagsusulit
_____ 4. Sumulat si Marie sa editor ng diyaryo matapos mabasa ang maling
nilalaman nito.
_____ 5. Iniugnay ni David ang naunawaan sa akda sa sarili niyang karanasan.

BALIK-ARAL

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sgaot.

1. Paraphrase ang tawag kung _____________


a. ito ay buod ng pananaliksik, tesis at iba pa.
b. ito ay muling pagpapahayag ng ideya ng may- akda ibang pamamaraan.
c. ipinapahiwatig nito ang nararamdaman ng teksto.
d. ito ay kilala rin sa katawagang ekspositori.
2. Ito ay may layuning na suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo
ng pagkakasulat nito.
a. Paraphrase b. Abstrak c. Rebyu d.Pananaw
3. Sa parting ito tinutukoy ang buod ng pananaliksik, tesis o kaya tala ng isang
komprensiya o larangan.
a. Damdamin b. Abstrak c. Rebyu d. Layunin

6
4. Ang scanning ay ____
a. pagtukoy sa nais marataing o motibo ng manunulat sa teksto.
b hanapin ang mga ispesipikong impormasyon bago bumasa
c. alamin ang kahulugan ng kabuuuang teksto
d. ang nararamdaman ng manunulat sa teksto
5. Ang skimming naman ay __________
a. alamin ang gist o pinakaesensya
b. alamin ang kahulugan ng kabuuuang teksto
c. pinakambabang antas ng pagbasa.
d. pililing babasahin lamang ang inilalatag

ARALIN
Ano nga ba ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Tekstong Impormatibo at
Deskriptibo?

Ang tekstong impormatibo na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori,


ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaiwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, saan,
kalian, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksot ang
magpaliwanag sa mga mambabasa ng anomang paksa na matatagpuan sa tunay
na daigdig. Kaiba sa piksyon, naglalahad ito ng mga konseptong nakabatay sa mga
tunay na pangyayari. Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay
biyograpiya, mga impormasyon na matatagpuan sa diksyunaryo, encylopedia o
almanac, papel- pananaliksik,mga journal, siyentipikong- ulat at mga balita sa
dyaryo.

Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo

1) Layunin ng may Akda- nilalahad dito ang pangunahing ideya sa pamamagitan


ng paglalagay ng pamagat.
2) Pangunahing Ideya- dito dagling inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong
impormatibo. Ginagamit nito organizational markers upang makita at mabasa
agad ng mambabasa ang pangunahing ideya.
3) Pantulong na kaisipan- makatulong mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang
pangunahing ideya nais niyang maitanim o maiwan sa isipan.
4) Mga Estilo sa Pagsususlat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga
bagay na binibigyan-diin:
a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng larawan,
diagramo chart.
b) Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag-bold ng letra, gawing italic
o ang paglalagay ng guhit sa mga salita. Upang mabigyang-diin ang
mahahalagang salita.
c) Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng credits upang
mapatunayan ang totoo (Bibliography)

7
Iba’t-ibang Uri ng Tekstong Impormatibo

Mayroong iba’t-ibang uri ang tekstong impormatibo batay sa kung ano ang
estraktura ng pagkakalahad nito. Ito ay maaring maglahad ng sanhi at bunga,
paghahambing, pagbibigay ng depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon.
1. Sanhi at bunga- uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan ng mga
pangyayari. Nagpapakita ito ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari
ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga). Ito ay
nagpapaliwanag sa kung paano nakaapekto ang mga pangyayari sa nakaraan
sa mga kaganapan sa kasalukuyan at maging sa hinaharap.
2. Paghahambing- ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa
pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging pangyayari.
3. Pagbibigay ng depinisyon-sa ganitong uri ng tekstong impormatibo,
ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o
konsepto.
4. Paglilista ng Klasipikasyon- sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay
hinahati sa iba’t-ibang kategorya upang magkaroon ng sistema ang talakayan.
Sa uring ito ng teksto, ang manunulat ay nag-uumpisa sa paglalahad ng
kahulugan ng paksa sa pangkalahatan, pagkatapos ay hahatiin ito batay sa uri
o klasipikasyon nito.

KAHULUGAN KATANGIAN LAYUNIN


Ang isang teksto kung Ang tekstong deskriptibo ay may
Ang tekstong
ito ay nagtataglay ng isang malinaw at pangunahing
deskriptibo ay
mga impormasyong may impresyon na nililikha sa mga
may layuning
kinalaman sa pisikal na mambabasa
maglarawan
katangian ng isang
Mahalagang gamit ng deskripsyon ng isang
bagay, lugar at maging
ang pagkuha sa atensyon ng bagay, tao,
ng mga katangiang
mambabasa upang maipaliwanag lugar,
taglay ng isang tao o
ang oryentasyon ng isang karanasan,
pangkat ng mga tao,
malikhaing akda sitwasyon, at
kalimitang tumutugon
iba pa
ito sa tanong na Ano.
Ang tekstong deskriptibo ay may
isang malinaw at pangunahing Ipinakikilala
Ito rin ay nagtataglay impresyon na nililikha sa mga
nito ang
ng mga impormasyong mambabasa
hitsura, ugali,
may kinalaman sa
at dispo-
pisikal na katangiang Obhetibo – direktang pagpapakita ng
sisyon ng mga
taglay ng isangtao, katangiang makatotohanan at di
tauhan.
bagay, lugar, at mapasusubalian.
pangyayari. Subhetibo – kinapapalooban ng
matatalinghagang paglalarawan at
naglalaman ng personal na
persepsyon kung ano ang
nararamdaman ng manunulat

8
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay A. Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa


sumusunod na pangungusap at M kung hindi.

_____ 1. Mahalaga ang malawak nakaranasan sa pag-unawa ng tekstong


Impormatibo dahil sa sapat na ang pananaliksik upang maunawaanito.
_____ 2. Bukod sa katumpakan, mahalagang kapaki – pakinabang ang paksa ng
Isang tekstong impormatibo.
_____ 3. Iisa lamang ang sinusunod na esktruktura ng mgatekstong impormatibo.
_____ 4. Mahalaga ang malawak na bokabularyo ng mambabasa sa komprehensyon
ng mga tekstong impormatibo.
_____ 5. Hindi sinasagot ng tekstong impormatibo ang tanongna “bakit”.

Pagsasanay B. Isulat sa patlang ang A kung obhetibo ang sumusunod na


paglalarawan at B naman kung subhetibo.

_____ 1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan ni Brian.


_____ 2. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP –
Special Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding
pagsasanay.
_____ 3. Magaling magturo ang guro naming sa Filipino. Malakas ang boses niya at
mahusay magpaliwanag ng aralin.
_____ 4. Si Timothy ang aking hingahan ng sama ng loob sa tuwing nag- aaway
kami ng Inay.
_____ 5. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag
magkasama kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siya ng sandigan na
nagpapatatag sa akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya.

Pagsasanay C. Piliin ang titk ng tamang sagot.


_____ 1. Tawag kapag ang kahulugan ng salita ay literal na nagmula sa
diskyunaryo.
A. Denotatibo C. Kasalungat na kahulugan
B. Konotatibo D. Kasingkahulugan
_____2. Anyo ng tekstong impormatibo na nagbibigay ng dahilan ng pangyayari.
A. Imbak na kaalaman C. Pagbuo ng Hinuha
B. Sanhi D. Bunga
_____ 3. Ang tekstong deskriptibo ay naglalarawan ng isang
A. kabutihan C. kaganapan
B. karanasan D. katotohanan
_____ 4. Ang pinakamahalagang layunin ng tekstongdeskriptibo.
A. makuha ang atensyon C. makita ang katotohanan
B. matukoy ang kamalian D. Maglarawan ng isang bagay, tao,
lugar o pangyayari.
_____ 5. Tinatawag na tekstong imporamatibo ay tinatawag ding tekstong
A. ekspositoryo C. ekspositori
B. eksposisyon D. eksaherasyon

9
PAGLALAHAT
Batay sa araling ating tinalakay maisasagawa mo ba ang gawaing ito na
naglalamang ng iyong natutunan sa tekstong impormatibo at tekstong
Ddeskriptibo.
Basahin mong maigi ang panuto kung paano ito isasagawa.

Ibahagi Mo! Kaalaman Mo!


Ano–ano pa ang dapat mong isaalang-alang sa pagbuo/pagsulat ng tekstong
impormatibo at deskriptibo na patungkol sa nasabing paksa. Isulat o itala ang
iyong kassagutan sa dayagram.

PAGPAPAHALAGA
Pagkatapos mong malaman ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat o
pagbuo ng tekstong impormatibo at deskriptibo. Handa ka nang magpahalaga sa
araling tinalakay.
Bilang isang Pasigueño at mamamayan ng Rubriks Pagsulat ng Sanaysay
Pilipinas, paano mo babaguhin ang pananaw
ng mga tao sa mga naglalabasang Fake news Nilalaman 40%
na nagdudulot ng maling impormasyon at Kaangkupan ng Paksa 30%
deskripsyon sa kasalukuyang pandemyang Kaisahan 15%
nararanasan ng bansa? Pagsunod sa mekaniks 15%
Gawin mo ito sa pamamagitan ng pagsulat Kabuuan 100%
ng isang sanaysay.

10
Maaari mong isulat ang iyong editorial sa ibaba. Maligayang pagsusulat!

Editoryal

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

_____ 1. Ang tekstong impormatibo ay tinatawag ding tekstong


A. nagsasalaysay C. Nagbibigay impormasyon
B. nagbabalita D. nagtatanong

_____ 2. Ito ay tinatawag ding tekstong naglalahad


A. Impormatibo C. Naratibo
B. Deskriptibo D. Ekspositori

_____ 3. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng tekstong impormatibo maliban sa


A. Almanac C. Balita
B. Journal D. Diary

______ 4. Ang tawag sa literal na kahulugan na nagmula sa diksyunaryo


A. Denotatibo C. Konotatibo
B. Kasalungat D. Kasingkahulugan

11
_____ 5. Ang tawag sa paglalarawan na naglalaman ng matatalinghagang
persepsyon.
A. Obhektibo C. Perpektibo
B. Subhetibo D. Imperpektibo

_____ 6. Ito ang layunin ng tekstong deskriptibo sa mga mambabasa.


A. Mapukaw ang damdamin C. Magkaroon ng kamalayan
B. Magkaroon ng alalahanin D. Makuha ang atensyon

_____ 7. Ang tawag sa esktraktura ng impormatibo kung saan ay ipinaliliwanag ang


relasyon ng dalawang bagay.
A. Paghahambing C. PagbibigayDepinisyon
B. Pagpapakahulugan D. Sanhiat Bunga

_____ 8. Ang tawag sa paglalarawan ng totoo at hindi mapapasubalian.


A. Obhetibo C. Kontemplatibo
B. Subhetibo D. Perspektibo

_____ 9. Ang tekstong nakabatay sa tunay na pangyayari.


A. Naratibo C. Deskriptibo
B. Argumentatibo D. Impormatibo

_____ 10. Tawag sa paghahati – hati ng malalaking paksa sa kategorya.


A. Sanhi at Bunga C. Pagbibigay-kahulugan
B. Paghahambing D. Pagbibigay-klasipikasyon

12
SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian
Aklat
Taylan, Dolores R., Geronimo, Jonathan V., Petras, Jayson D & De Laza, Crizel
Sicat( 2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik, 856 Nicanor Reyes ,Sr.St. C.M Recto Avenue; Manila, Rex
Book Store

Mga Hanguang Elektroniko


https://brainly.ph/question/102945
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-impormatibo/

13

You might also like