Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Aralin 4:

Saysay ng
Pagsasalaysay at
Paglalarawan Bilang
Hulwaran sa
Akademikong Larangan.
Pagsasalaysay
PAGSASALAYSAY

• Pinakamatandang uri ng pagpapahayag.

• Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o


karanasang magkaugnay, gaya ng
pagkukuwento ng mga kawili-wiling
pangyayari, pasulat man o pasalita
KATANGIAN
• May maayos na pagkakasunod-sunod
• Isinasagawa nang malinaw at may tiyak na
kaayusan.
• Nagbibigay pansin lamang sa mahahalaga.
• Gumagamit ng punto de vista
• Naghahatid ng mahalagang mensahe.
• Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng
wika.
KAHALAGAHAN

• Naibabahagi, naihahatid, at napapahalagahan


ang impormasyon.

• Nakagagamit ng mabisa, masining at angkop na


wika.
Paglalarawan
PAGLALARAWAN

• Pagbibigay hugis, anyo, kulay, katangian sa mga


tao, bagay, lugar, o pangyayari.

• Paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at


panalat – mabisang batayan sa pagkakaroon ng
makatotohanan at ganap na paglalarawan.
URI ng PAGLALARAWAN
• Pangkaraniwan
- nagbibigay kabatiran lamang sa inilalarawan at
hindi naglalaman ng damdamin at pananaw ng
sumulat.
Isang maitim na tabby o babaing pusa, tipong guhitan, maliban sa
maga na tumatakip sa kanyang ulo, leeg, kahit sa mga balikat na may
makapal na madilaw na langib. Tuwing may makakakita kay Ugly, iisa
ang laging reaksyon, “Ang pangit namang pusa niyan!”

Mula sa akdang “Susubukang Maging si Ugly” na salin ni Joey A.


Arrogante mula sa akdang “Trying To Be Ugly”
• Masining
- Pinagagalaw ng may akda ang imahinasyon ng
mambabasa upang makita ang isang buhay na
larawan ayon sa damdamin at pananaw.
Biyernes Santo… Tila disyerto ang nagbabagang paligid.
Nakapuputok ng balat ang animo palasong sinag ng araw. Ngunit „di
ko pansin „yon. Ang tanging hangad ko‟y makabalik kay Tatang.
Ilalantad ko na ang aking sarili pagkaraan ng maraming pagtatago.

Mula sa akdang “Papasanin Ko ang Krus ni Tatang” ni Pat V.


Villafuerte
KATANGIAN

• Nakatuon sa pangunahing katangian.


• Gumagamit ng salitang makahulugan at
matalinghaga.
• Nagsasangkot sa iba‟t ibang pandama.
KAHALAGAHAN

• Naipakikita ang kagandahan ng daigdig.


Sulating Akademikong
Maiuugnay sa Pagsasalaysay at
Paglalarawan
Dyornal
Ay pansariling tala na naglalaman ng mga obserbasyon,
kaisipan, at damdamin ng manunulat.

Talaarawan
Ang talaarawan ay ang pang-araw-araw na tala ng mga
pansariling karanasan, damdamin, at kaisipan ng tao.

Talambuhay
Pansariling tala ng mga pangyayari sa buhay ng isang
nilalang ang talambuhay.

Repleksyon
Ito ay personal na pagpapahayag ng tao ng kaniyang mga saloobin.
Diyalogo Sanaysay sa paglalakbay

Blog/ e-mail
• Balitang tumitindig ng
damdamin
• Balita ng kabayanihan

You might also like