Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

2

edukasyon n gating bansa, ang pamahalaan at Kagawaran ng Edukasyon ay

nagsagawa ng malawakang pagbabago sa kurikulum ayon sa DepEd Order No.

31 S. 2012 na kung saan ay dapat ipatupad ang K to 12 Basic Education

Program sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Pilipinas taong

panuruan 2012-2013 upang makaagapay at matugunan nito ang mga

pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang

panahon.

Ang pagbabago sa kurikulum ng ating bansa ay isang paraan upang

mapaunlad ang kalidad ng edukasyon. Sa pamamagitan ng K to 12 na kurikulum

ay mas mahahasa at mapauunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral na Pilipino

nang sa gayun, sila’y maging ganap na globally competitive na nilalang.

Handang makibaka sa buhay dahil sa baon at sandata nila ang kanilang

natutunan.

At upang ganap na maisakatuparan ang bagong kurikulum, noong Mayo

15, 2013 ay nilagdaan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang

pagsasabatas ng Enhanced Basic Education Act of 2013 o Pinagyamang

Programa ng Batayang Edukasyon (K to 12 EBEP) na sumasagisag sa

kindergarten at dagdag na dalawang taon sa antas sekundarya. Sinabi rin niya

matapos lagdaan ang nasabing batas na ang Republic Act 10533 o kilala sa

tawag na K to 12 Act ang magbibigay ng matibay na pundasyon tungo sa

magandang kinabukasan ng bawat batang Pilipino.

Ang pagsasabatas sa nabanggit na programa ay magsisilbing daan


3

upang mabigyan ang bawat batang Pilipino ng kumpletong kakayahan at

kasanayan sa pamamagitan ng karagdagang dalawang taon ng batayang

edukasyon. Kumpara sa dating kurikulum, mayroon lamang ng sampung taon

ang batayang edukasyon kung kaya napag-alaman na ang mga nagsisipagtapos

sa antas sekundarya ay dahop sa mga pangunahing kasanayan at hindi handa

sa mundo ng paggawa o sa mas mataas na antas ng edukasyon.

Batay din sa Presidential Commission on Educational Program (2000),

kasama sa mga mungkahing reporma ang karagdagang isang taon sa sistema

ng edukasyon na pinaniniwalaang isang makabuluhang paraan upang mapataas

ang kalidad ng edukasyon sa bansa at magdadala sa Pilipinas sa kaunlaran

kasabay ng ilang bansa.

Ipinahihiwatig lamang nito na ang pagbabago at pagbibihis sa bagong

kurikulum ay naaayon sa kasalukuyang sitwasyon ng ating edukasyon sapagkat

ang maikling taong pag-aaral ay may epekto sa pangkalahatang pag-unlad ng

pagkatao ng batang Pilipino. Dahil dito, hindi lubusang natamo ng mga mag-

aaral ang ganap na pagkatuto. Kung kaya, ang dating kurikulum na RBEC ay

binago at naging K to 12 Basic Education Program.

Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon

para sa Lahat 2015 (Education For All 2015) – ang magkaroon ng Literasi ang

Lahat (Functional Literacy For All). Tiniyak na ang mga binuong pamantayan,

kakailanganing pag-unawa at nilalaman ng bawat asignatura ay makapag-ambag

sa pagtatamo ng nasabing mithiin.


4

Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino batay sa K to 12 Basic

Education Program na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo at (2)

replektibo/mapanuring pag-iisip at (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga

mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa

pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi at patuloy na

pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa

daigdig.

Upang makamit ang mga layunin ng K to 12 Basic Education Program,

ang guro ay dapat na may sapat na kahandaan at kaalaman sa proseso ng

pagtuturo sapagkat mahalaga ang papel na gagampanan niya tungo sa

ikatatagumpay ng buong plano.

Ipinahayag ni Madrideo (2004) na napakalaking responsibilidad ang

nakaatang sa balikat ng guro. Maselang tungkulin ang kanyang ginagampanan

sa paghubog hindi lamang sa kaisipan at mga katangiang pisikal ng mag-aaral

kundi ang buo nitong pagkatao. Ang pagtuturo ay isa sa pinakadakilang gawain

at hindi lamang profesyon kundi isang misyon dahil sa mahabang kuwintas ng

paglilingkod. Ipinapakahulugan lang ng naturang pahayag na maraming

tungkulin o papel na ginagampanan ang guro sa loob ng klasrum kung kaya’t

nakasalalay sa kanyang mga kamay ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Tinuran naman ni Llagas (2007) na ang guro ang namamahala sa

paghahanda ng mga makabuluhang gawain sa pagkatuto, karagdagang

motibasyon sa mga mag-aaral at regular na pagtaya ng kanilang pag-unlad sa


5

pag-aaral. Samakatuwid, napakahalagang may malawak na kabatiran ang guro

sa araling kanyang itinuturo. Wika nga,“Hindi maibabahagi ng guro ang anumang

bagay na hindi niya taglay.”

Naniniwala din si Gonzales (2002) na may malaking kaugnayan ang antas

ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa kahusayan ng guro na pinatunayan ng

pagsubok sa mga guro at mag-aaral. Tinuran pa rin niya na ang guro ang

pinakamahalagang kasangkapan upang mapanatili ang mataas na kalidad ng

edukasyon sa bansa. Malinaw ang kanyang tinuran sa mga pahayag na ang

guro ang susi sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung kaya’t dapat na magkaroon

siya ng sapat na kaalaman sa pagtuturo. Sa ganitong paraan, higit mapapabuti

ang proseso ng pagtuturo-pagkatuto at malilinang ang positibong

pagpapahalagang dapat taglayin ng mga kabataang mag-aaral. Ang guro ay

hindi lamang kailangang mapamaraan, malikhain at mapanaliksik, kinailangan

din niyang tumuklas ng mga bagong kalakaran sa pagtuturo na makatutulong sa

pagpapabuti at pagpapataas ng antas ng mga kaalaman ng mga mag-aaral.

Sinabi din ni Villanueva (2000) na dapat na ang guro’y maging handa sa

pagtuturo. Ang paghahanda sa pagtuturo ay kailangan maging malawak at

makagising sa mag-aaral ng kawilihan. Idinagdag pa niya na ang pagtuturo ay

nangangailangan ng puhunan. Ang guro na kulang sa puhunan ay karaniwang

hindi nasisiyahan sa kanyang pagtuturo at hindi siya nagugustuhan ng mga mag-

aaral.

Ang tinuran ni Villanueva ay nangangahulugang ang gurong walang

nalalaman maliban sa kanyang paksang aralin o ituturo ay hindi lubhang


6

magkakaroon ng kasiyahan sa kanyang mga tinuturuan. Kailangang mabuhay

niya at magawang kawili-wili ang paksang aralin sa pamamagitan ng kanyang

sariling pagpapalawak ng karunungan. Ang guro’y dapat magkaroon ng sapat na

puhunan at ang mga iyan ay kaalaman, kahandaan sa pagtuturo, kalusugan,

katauhan, karanasan sa buhay at pagkaunawa sa lipunan.

Binigyan pansin ni Chioco (2007) na ang pagtuturo/pagkatuto ng Filipino

bilang isang subject pangwika ay naglalayong maglinang ng kahusayan hinggil

sa maunawaing pagbasa at pagkilala sa mga tiyak na istrukturang gramatikal.

Iminungkahi niyang gamitin ang istratehiyang Teaching Grammar Through Txt

Types (TGIT). Sa ganitong lapit, ang pagkatuto ay tiyak na istrukturang

gramatikal ng wika ay kasabay sa paglinang ng maunawaing pagbasa. Sa

pagtuturo naman ng panitikan, ang pagtalakay ay nagsisimula sa paglalapit ng

akda sa mga tiyak na karanasan ng mga mag-aaral, susundan ng pagsusuring

linggwistika, susundan ng pagsusuring pangnilalaman, pagsusuring

pampanitikan, paglikha at pagpapahalaga sa kung ano man ang social relevance

ng sinuring akda.

Kaugnay sa pahayag ni Chioco, binanggit din ni Liwanag (2008) ang ilan

sa mga kahalagahan ng pagtuturo batay sa panitikan. Ayon sa kanya:

Ang pagtuturo batay sa panitikan ay tumutulong


sa paglinang ng kaalaman at kasanayang pangwika ng mga
mag-aaral. Nagsisilbi rin itong konteksto o nilalaman sa
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong pangkomunikatibo.
Nagagawa nitong maging makahulugan ang proseso ng
pagkatuto ng wika dahil sa personal na pakikisangkot na
naidudulot nito sa mambabasa. At higit sa lahat nalilinang nito
ang malalim at kritikal na pag-iisip ng mga mag-aaral.
7

Sa asignaturang Filipino, ang pagtuturo ng wika ay kasing- halaga ng

pagtuturo ng panitikan. Sa pagtuturo ng wika, natututunan ng mga mag-aaral

ang kognitibo at akademikong kasanayang pangwika. At sa pag- aaral naman ng

mga akdang pampanitikan ay nalilinang sa mga mag-aaral ang mataas na level

ng pag-iisip at napalalawak at nabubuksan ang kanilang isipan tungkol sa mga

kaganapan noon at ngayon. Samakatuwid, ang pagkatuto sa kasanayang

pangwika at kasanayang pampanitikan ng mga mag-aaral ay isa sa

mahahalagang salik upang sila’y maging epektibo at matalinong mamamayan ng

ating lipunan. At ang makalikha ng mga mag-aaral na produktibo ang siyang

pangunahing layunin ng edukasyon.

Sapagkat naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at

dekalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat batang Pilipinong mag-aaral

mula ngayon at sa mga susunod pang henerasyon, ang guro bilang implementor

ng kurikulum ay may tungkulin na gawin itong napapanahon at makabuluhan.

Ayon kay San Luis (2004), ang mga tipikal na guro sa kasalukuyan ay

bukas na sa pangunahing pagbabagong hatid ng mga pagsasanay at muling

pagsasanay, dahil dito nakabubuo sila ng bago sa tuwing nahahantad sa

kaugnay at makabagong pamamaraan alinsunod sa ipinapatupad na kurikulum.

Sa pahayag na ito ni San Luis, pinatutunayan lamang na

nangangailangan pa ng lalong pagpupunyagi ang mga guro na turuan ang mga

mag-aaral upang lubusang matiyak ang isang matagumpay na

pagsasakatuparan sa implementasyon ng K to 12 Basic Education Program.


8

Ang mga inilahad na katotohanan ang nagbigay-sigla sa mananaliksik na

alamin ang kahandaan at kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino

alinsunod sa pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program upang

bigyang-pansin nila ang pagtuturo ng Filipino ayon sa mga adhikain ng bagong

kurikulum – ang K to 12 Basic Education Program.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman ang

kahandaan at kaalaman ng mga guro sa pagtuturo ng Filipino alinsunod sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program. Sasagutin sa pag-aaral

na ito ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang lawak ng kahandaan sa K to 12 Basic Education Program

ng mga guro ng Filipino sa Grade 7 ayon sa:

a. banghay-aralin

b. panapos na gawain?

2. Ano ang lawak ng karanasan ng mga mag-aaral na Grade 8 sa


asignaturang Filipino ayon sa:
a. proseso ng pagkatuto

b. panapos na gawain?

3. Ano ang antas ng kaalaman ng mga guro ng Filipino alinsunod sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program?


9

4. Ano ang mga suliraning nararanasan ng mga guro sa pagtuturo ng

Filipino alinsunod sa pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program?

5. Ano ang mga mungkahing gawain para sa mga guro sa

pagsasakatuparan ng K to 12 Basic Education Program?

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Layunin sa pag-aaral na ito ang malaman ang kahandaan at kaalaman ng

mga guro sa pagtuturo ng Filipino alinsunod sa pagsasakatuparan ng K to 12

Basic Education Program upang maging kasangkapan sa pagpapataas ng

kalidad ng edukasyon.

Pangunahing saklaw sa pag-aaral na ito ang 12 guro ng Filipino sa antas

sekundarya sa Grade 7 taong panuruan 2012-2013. Ang mga gurong kalahok

ay mula sa Bulan National High School (3), Alcoba National High School(1), San

Francisco National High School(1), Butag National High School(1), San Juan

Bag-O National High School(1), Beguin National High School(1), J.P Laurel

National High School(1), Faustino G. Glua National High School(1), at Gate

National High School(1). Cadandanan National High School(1).

Saklaw din sa pag-aaral na ito ang 102 Grade 8 na mag-aaral sa mga

nabanggit na kalahok na paaralan.

Saklaw lamang ang pag-alam sa lawak ng kahandaan at antas ng

kaalaman ng mga guro, lawak ng karanasanan ng mga mag-aaral, ang

pagtukoy sa mga suliraning kinakaharap at pagbibigay ng mungkahing


10

gawain na maaaring makatugon sa paglutas ng suliraning nararanasan ng mga

guro ng Filipino.

Hindi saklaw sa pag-aaral na ito ang mga gurong nagtuturo sa pribadong

paaralan gayundin ang mga Grade 7 na mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa kahandaan at kaalaman ng mga

guro sa pagtuturo ng Filipino alinsunod sa pagsasakatuparan ng K to 12 Basic

Education Program. Kung kaya, ang mananaliksik ay lubos na naniniwala na

magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ito sa mga sumusunod.

Mag-aaral. Ito’y magsisilbing daan at malaking oportunidad upang higit

na malinang at mapayabong ang kanilang kasanayan sa mga gawaing

napapaloob sa K to 12 Basic Education Program.

Magulang. Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay upang matulungan

ang kanilang anak na maunawaan ang kahalagahan ng pagpapatupad ng K to

12 Basic Education Program sa lahat ng paaralan sa bansa upang mapaunlad

ang kalidad ng edukasyon. Malalaman din ng magulang na malaki ang papel

ng tahanan o pamilya sa pagkakamit ng karunungan ng kanilang anak sa

paaralan.

Guro. Ang kinalabasan ng pag-aaral na ito ay magsisilbing hamon sa

kanila na maging malikhain,epektibo at gumamit ng mga makabagong paraan sa


11

pagtuturo alinsunod sa K to 12 Basic Education Program upang mabigyan ng

solusyon ang mga suliraning kinakaharap ng mga mag-aaral sa kasalukuyan.

Tagamasid sa Filipino at Puno ng Kawanihan. Ito’y magbibigay

kaalaman sa kasalukuyang kalagayan ng mga kagamitang pampagtuturo sa

Filipino at sa gayon makapagbalak ng kaukulang gawain para sa pagpapaunlad

ng pagtuturo.

Koordineytor ng Filipino. Makatutulong sa pagsasaayos ng mga

programang pagpapaunlad sa propesyong pangguro at pagprayoridad ng

mga gawaing pangklasrum tungo sa pagpapataas ng kalidad ng edukasyon.

Tagapaghanda ng Kagamitang Pampagtuturo. Magiging patnubay at

magbibigay kaalaman upang maiangkop nila ang mga kagamitang

pampagtuturo na kanilang ihahanda upang mapaunlad ang kasanayan ng mga

mag-aaral.

Tagaplano ng Kurikulum. Magsisilbing batayan sa patuloy na

pagpapaunlad ng kurikulum o pagpaplano ng mga gawaing makatutulong sa

pagpapataas ng kalidad ng edukasyon

DepEd. Makatutulong ang pag-aaral na ito bilang sanggunian sa

paghahanda at pagpaplano ng mga gagawing sa-lingkurang pagsasanay o

seminar para sa mga guro tungkol sa implementasyon ng K to 12 Basic

Education Program.
12

Pamahalaan. Ito’y magiging gabay upang pagtuunan ng pansin ang

pagbibigay suporta sa mga pag-aaral na may kaugnayan sa kurikulum na

ipinatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon.

Mananaliksik. Ang pag-aaral na ito, ang mga ibinigay na rekomendasyon,

ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay makatutulong sa kanila bilang

batayan at sanggunian sa paghahanda ng kanilang sariling pag-aaral sa

hinaharap.
13

TALA

Rizalyn J. Mendoza. Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patutungo sa


Hamon ng Globalisasyon? Pamantasang De La Salle – Maynila, Filipinas. Abril
2008.
http://www.deped.gov.ph/index.php/issuances/deped-orders/2012-1?
limit=20&limitsmart=40.-hinango-08/15/2013-9:40.
http://www.gmanetwork.com/newstory/30804cl/news/nation/pnoy-signs-
law-institutionalizing-k-to-12-program.-hinango-08/21/2013-9:45.
http://www.depedregion6.ph/pdf/The-Enhanced-%20Kto12-Basic-
Education-Program.pdf.-09/09/2013-10:21.
Maria Aurora Exequiel Avila , et al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong
Prinsipe, Batay sa Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (2010 SEC).
United Eferza Academic Publications, Co, 2009.
K to 12 Curriculum Guide, December 2012, p. 3.
Marilyn Madrideo, Kahandaan at Kaalaman ng mga Filipino Batay sa
Binagong Kurikulum ng Deped. “(Di-Limbag na Disertasyo, Pamantasan ng
Bikol, Legazpi City, 2004)”.
Avelina Teston- Llagas. Modyul 6.2, Teacher Induction Program, Aralin I:
Ang Pagtuturo ng Filipino, p.8.
Andrew Gonzales. The DECS Post A Weekly Bulletin of Department of
Education, Culture and Sports, Vol. IV, November 9, 1998, p.1.
Antonia F. Villanueva, et al. Ang Aklat ng Guro. Rex Printing Company,
Inc., 1998, pp.8-9.
Cristina Chioco, Presentor. “Basic Education Curriculum- Filipino”.
Pambansang Seminar – Workshop ng SANGFIL: Pagharap sa Hamon ng
Kasalukuyang Kurikulum ng DepEd at CHED: Implementasyon at Aplikasyon.
14

NISMED Auditorium, University of the Philippines, Diliman, Quezon City, Oktubre


2008.s
Lydia B. Liwanag, Ph. D., Panayam- Mga Kalakaran at Istratehiya sa
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya at Sekundarya, RELCAAP Seminar, baguio
City, Oktubre.
Carolina Q. San Luis.TheConcept of Imagineering.The PhilippineJournal
of Education. January 2004.

You might also like