Esp 6 q1 Week 1jun

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Hunyo 5,2017 _Lunes

EDUKASYON SA PAGPAPATAO
Malvar - 12:10-12:40

YUNIT I: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya

UnangAraw
ARALIN I: PAGSUSURING MABUTI SA MGA BAGAY NA MAY KINALAMAN SA SARILI AT PANGYAYARI
I. Layunin
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pag-aanalisa ng mga larawan ng mga bagay na
maaaring pagkunan ng impormasyon.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip


Sanggunian: EsP6PKP -1a-i-37
Kagamitan:
Pampagtuturo: mga larawan ng materyal na bagay na maaaring pagkunan ng impor-
Masyon(Radyo, Telebisyon, Diyaryo at iba pa)
Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan, Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan, Informtaion and
Communication Technology (ICT)
III. Pamamaran
Alamin Natin
1. Pagganyak
Pagmamasid sa mga larawan
 Pansinin natin ang mga larawan . Anu-ano ito?
 Ano ang kaugnayan ng mga larawang ito sa ating buhay?
 Paano mo ilalarawan ang iyong sarili gamit ang mga ito ?
 Sa paanong paraan pa makikilala ang iyong sarili bukod sa paggamit ng mga ito?
Pagmasdan natin ang mga larawan:

2.Paglalahad
Anong mahalagang bagay ang ibinibigay sa atin ng mga nasa larawan?(Bigyang pokus ang salitang
IMPORMASYON mula sa mga sagot ng mag-aaral.)
3.Pagtataya: Dapat bang paniwalaan ang lahat ng impormasyon nagmumula sa mga babasahin, o
napapanood natin?Bigyang katwiran ang iyong sagot.
IV. Takdang Aralin:
Manood ng Telebisyon o makinig sa radyo, o magbasa ng diyaryo at pumili ng isang patalastas o
anunsiyo. Pag-aralan ito at humanda sa pagbabahagi sa klase sa susunod na pagkikita.

Inihanda ni:
Manuel C. Macapugay Jr.
Teacher 1-Salawag Elementry School

Hunyo 6,,2017 _Martes


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Malvar- 12:10-12:40

YUNIT I: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ikalawang Araw
ARALIN I: PAGSUSURING MABUTI SA MGA BAGAY NA MAY KINALAMAN SA SARILI AT PANGYAYARI
I. Layunin
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pag-aanalisa ng mga larawan ng mga bagay na
maaaring pagkunan ng impormasyon.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip


Sanggunian: EsP6PKP -1a-i-37
Kagamitan:
Pampagtuturo: mga larawan ng materyal na bagay na maaaring pagkunan ng impor-
Masyon(Radyo, Telebisyon, Diyaryo at iba pa)
Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan, Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan, Informtaion and
Communication Technology (ICT)
III. Pamamaran
Isagawa Natin
A. Panlinang na Gawain
1. Tumawag ng tatlo o apat na mag-aaral upang pagbahaginan ang tungkol sa takdang
aralin.

2. Ilahad and video clip ng TV Commercial by SusAN Roces –Rite Med.


www.youtube.com/watch?v=Dc8XVhAyCAw Nov.1,2011.May rite med ba nito with
Susan Roces.....246 videos play all Philippine TV Commercials 2016 by M.J. Champion Laundry Bar Soap
Commercial[ HQ......
3. Talakayan :
a.) Tungkol saan ang TV Commercial?
b.) Ano ang habilin ni Gng. Susan Roces?
c.)Bilang isang mag-aaral, sang-ayon ka ba sa sinabi ni Gng. Susan Roces? Bakit?Ano -
ano ba ang gamit ng impormasyon mula sa ibat ibang source o pinanggagalingan
nito?
4.Gawain
a.Pang-isahan.
Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang
sumusunod na tanong.

Dapat na bang gawing legal ang marijuana bilang gamot?


Published October 18, 2014 6:22pm
Patuloy ang debate sa Kongreso tungkol sa panukalang batas para gawing
legal ang paggamit sa marijuana bilang gamot sa ilang sakit at disorder
tulad ng epilepsy. Pero pangamba ng ilan, baka maubuso ito at lalo pang
makadagdag sa problema ng kriminalidad.
  Sa isang ulat ni Kara David sa GMA News, ipinakita niya ang dalawang-
taong-gulang na si Julia Cunanan.
Palangiti umano si Julia pero sa isang iglap ay naglalaho ang sigla nito sa
mukha at titirik ang mga mata, maninigas ang buong katawan.
Ipinanganak kasi si Julia na taglay ang karamdaman na partial seizure
disorder.
Sa isang araw, inaabot umano ng 50 ang pag-atake ng epileptic seizures ng
bata.  At sa bawat seizure, may brain cells sa kaniyang namamatay.
Pag-amin ni Dra. Donnabel Cunanan, ina ni Julia, napapaiyak na lang siya
kapag sinusumpong ang anak, at lagi siyang kinakabahan.
Ilang gamot na raw ang sinubukan ng mga duktor kay Julia pero
walang umubra kahit isa.  Kaya naman nang mapanood daw ni Donnabel sa
internet ang kuwento ng isang bata sa Amerika na gumaling sa parehong
sakit, nabuhayan siya ng pag-asa.
Ngunit ang problema, ang gamot na ginamit sa bata,
marijuana extract o katas ng marijuana.
Legal sa Amerika ang paggamit ng marijuana bilang gamot
sa iba't ibang sakit kasama na ang epilepsy at seizure disorders.
Pero sa Pilipinas, nanatili itong iligal.
Dahil dito, ipinanukala ni Isabela Rep. Rodolfo Albano III, ang House Bill No.
4477, na naglalayong gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot
sa ilang sakit na wala pang lunas.

- See more at: http://www.gmanetwork.com/news/story/384164/news/ulatfilipino/dapat-na-bang-


gawing-legal-ang-marijuana-bilang-gamot#sthash.plJvs
http://www.gmanetwork.com/news/story/384164/news/ulatfilipino/dapat-na-bang-gawing-
legal-ang-marijuana-bilang-gamot
Sagutin.

1. Tungkolsaanangartikulo?
Anoangsuliranin ng magulangni Jul

Hunyo 7,20157 _Miyerkules


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Malvar-12:10-12:40

YUNIT I: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ikatlong Araw
ARALIN I: PAGSUSURING MABUTI SA MGA BAGAY NA MAY KINALAMAN SA SARILI AT PANGYAYARI
I. Layunin
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pag-aanalisa ng mga larawan ng mga bagay na
maaaring pagkunan ng impormasyon.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip


Sanggunian: EsP6PKP -1a-i-37
Kagamitan:
Pampagtuturo: mga larawan ng materyal na bagay na maaaring pagkunan ng impor-
masyon(Radyo, Telebisyon, Diyaryo at iba pa)
Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan, Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan, Informtaion and
Communication Technology (ICT)

III. Pamamaraan:
ISAPUSO
1.) Balik – aral
Ano ano ang dapat isaalang-alang sa impormasyong nabasa,narinig o napanood tungkol sa isang
produkto,artikulo o pangyayari? Bakit?
2.)Ilahad, ipabasa at talakayin.
Cosmetics Advisories
FDA Advisory No 2016-048-A || Paalala sa Publiko sa Pagbili ng mga Kosmetiko Gamit
ang mga Online Shopping Websites.

FDA Advisory No.2016-048-A


Paalala sa Publiko sa Pagbili ng mga Kosmetiko Gamit ang mga Online Shopping Websites.

Ang online shopping ay isang anyo ng electronic commerce kung saan ang isang mamimili ay
maaaring makabili ng mga produkto o serbisyong gamit ang internet .Mula sa paglabas ng unang online
shopping website ay naging mabilisan ang kanilang pagdami dahil sa labis na pagtangkilik dito ng mga
mamimili. Sa kasalukuyan, ibat ibang uri ng produkto ang maaaring mabili sa mga online shopping
websites. Kabilang na rito ay ang mga kosmetiko.

Upang masigurado ang kaligtasan ng publiko, pinapayuhan ng Food and Drug Administration(FDA)
ang mga mamimna gayaili na maging maingat at mapanuri sa pagbili ng mga kosmetiko gamit ang mga
online shopping websites.Kasama ng advisory na ito ay angconsumer manual at infographic tungkol sa
online shopping na matatagpuan sa FDA website. Ang consumer manual at infographic ay nagbibigay ng
ilang mga paalala upang maprotektahan ang mga mamimili ang kanilang mga sarili mula sa mga pekeng
kosmetiko na maaari ring magdulot ng kapahamakan.

Bukod pa rito, ang publiko ay hinihikayat na tumulong sa FDA na magbantay ng mga kahina-
hinalang aktibidad o kosmetiko sa merkado .Para sa karagdagang impormasyon o sa mga katanungan ,
huwag mag-atubiling pumunta sa FDA website (www. Fda.gov.ph), magpadala ng email sa
info@fda.gov.ph o tumawag sa numero (02) 857-1984.

Ang mga impormasyong nakasaad ay ipinagbibigay alam sa publiko.


Sanggunian:http//www.fda.gov.ph/ advisories -2/cosmetic-2/340022-fda-advisory-no-2016-048-a-
paalala-sa- pagbili-ng-mga-kosmetiko-gamit-ang-mga-online-shopping-websites.

Itanong:
1.)Tungkol saan ang advisory na inyong binasa?
2.)Anu-ano ang ipina-aabot ng advisory sa mga konsumer?
3.) Sa iyong palagay, makatutulong ba ang pagpapalabas o paglalathala ng advisory na gaya
nito? Bakit?

Inihanda ni:
Manuel C. Macapugay Jr.
Teache 1-Salawag Elementary School
Hunyo 8,,2017 _Huwebes
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

VI-Malvar- 12:10-12:40
YUNIT I: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ika-apat na Araw
ARALIN I: PAGSUSURING MABUTI SA MGA BAGAY NA MAY KINALAMAN SA SARILI AT PANGYAYARI
I. Layunin
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pag-aanalisa ng mga larawan ng mga bagay na
maaaring pagkunan ng impormasyon.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip


Sanggunian: EsP6PKP -1a-i-37
Kagamitan:
Pampagtuturo:mga larawan ng materyal na bagay na maaaring pagkunan ng impor-
masyon(Radyo, Telebisyon, Diyaryo at iba pa)
Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan, Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan,
Information and Communication Technology (ICT)

III. Pamamaraan

Isabuhay Natin

1. Sa iyong notbuk- isulat ang iyong natutunan sa araling tinalakay na maaari mong
Ibahagi sa iyong pamilya at mga kapitbahay.

2. Magsagawa ng isang pananaliksik tungkol sa mga dapat tandaan ng isang mamimili o


consumer sa pagtangkilik ng isang produkto.

Inihanda ni:
Manuel C. Macapugay Jr.
Teacher 1- Salawag Elementary School
Hunyo 9,2017_Biyernes
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

VI-Malvar- 12:10-12:40

YUNIT III: Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi sa Pandaigdigang Pagkakaisa


Ikalimang Araw
YUNIT I: Pananagutang Pansarili at Mabuting Kasapi ng Pamilya

ARALIN I: PAGSUSURING MABUTI SA MGA BAGAY NA MAY KINALAMAN SA SARILI AT PANGYAYARI


I. Layunin
Nakapagpapakita ng kawilihan sa pag-aanalisa ng mga larawan ng mga bagay na
maaaring pagkunan ng impormasyon.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip


Sanggunian: EsP6PKP -1a-i-37
Kagamitan:
Pampagtuturo: mga larawan ng materyal na bagay na maaaring pagkunan ng impor-
masyon(Radyo, Telebisyon, Diyaryo at iba pa)
Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng
Katawan, Edukasyong Pangtahanan at Pangkabuhayan, Informtaion and
Communication Technology (ICT)

III. Pamamaran

Subukin Natin
IV. Pagtataya

Sumulat o gumawa ng isang patalastas tungkol sa panlinis ng pinggan.

Inihanda ni:
Manuel C. Macapugay Jr.
Teacher 1-Salawag Elementary School

You might also like