Professional Documents
Culture Documents
LP Health
LP Health
LP Health
Health I
Unang Markahan
Unang Linggo
Pagkilala sa mga Pagkaing
Masustansiya at Hindi Masustansiya
I. LAYUNIN
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
1. Nakikilala ang mga masusustasyang pagkain na mainam sa kalusugan at
kung kalian ito kakainin.
2. Natutukoy ang pagkain na masustansiya sa ating katawan at hindi
masustansiya para iwasan ang pagkakaroon ng sakit.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsetsek ng Attendance
3. Balik- aral:
Ang Masusustansiyang Pagkain
Panuto: Hulaan ang mabubuong bagay mula sa puzzle.
1. 3.
2. 4.
Mga Sagot:
1. Saging 2. Ampalaya 3. Gatas 4. Tinapay
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Awitin natin ang “Bahay Kubo”
2. Tukoy- Alam
Panuto: Mula sa awit na “Bahay Kubo,” anu- anong mga gulay na nabanggit?
Kilalanin mo nga ang ilan sa mga ito? Bakit kailangan nating kumain ng iba’t- ibang
gulay?
3. Paglalahad
Pamantayan sa Pakikinig sa Kuwento:
1. Umupo ng maayos.
2. Makinig at unawain ang mga detalye sa kuwento.
Pagbasa ng Kuwento.
4. Pagtalakay
1. Ang mga gulay at mga prutas na sariwa ay mainam sa ating katawan. Ito’y
nagtataglay ng bitamina at mineral na nagbibigay sigla at lakas sa ating katawan.
Ang mga prutas ay mainam na kainin bago kumain. Ang taglay nitong fiber at
nakatutulong upang linisin ang ating bituka.
2. Ang mga pagkaing galing sa hayop tulad ng baka, baboy, kambing at iba pa,
mga lamang dagat tulad ng isda, alimango at sugpo ay nakatutulong sa ating
pagtangkad at paghubog ng ating katawan.
3. Ang kanin, mais, kamoteng kahoy, kamote, at ube, konting mga taba at mantika
ay nagbibigay naman sa atin ng enerhiya na kailangan ng ating katawan.
Ang mga Hindi Masusustansiyang Pagkain at Masama sa Ating Katawan
1. Ang mga junk foods gaya ng mga sitsirya.
2. Ang mga frozen foods gaya ng hotdog at tusino.
3. Mga kendi at tsokolate.
5. Pagyamanin
Panuto: Tingnan ang larawan. Lagyan ng tsek (/) kung masustansyang pagkain ang
nasa larawan at ekis (x) kung hindi masustansiya.
6. Paglalahat
Anu- ano ang mga masusustansiyang pagkain na kailangan ng ating katawan?
Anu- ano ang naidudulot nito sa ating kalusugan?
Anu- ano ang mga hindi masusustansiyang pagkain na dapat nating iwasan?
IV. Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang letra ng larawang tinutukoy mula sa loob ng kahon.
___________ 1. Isa itong masustansiyang pagkain na nagpapalinaw ng mata.
___________ 2. Ito ang mas mainam na iniinom ng mga batang katulad niyo upang
tumangkad at maging malusog.
V. Takdang- aralin
Panuto: Gumuhit ng 3 pagkaing masustansiya at 3 pagkaing hindi masustansiya sa
tamang hanay.
Inihanda ni:
JOCELYN A. ENTIENZA
GURO - III