Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang

Unang Markahan – Modyul 10: Ang Kahulugan ng Tunay na Kalayaan


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Kapuwa: Tanda ng Pagmamahal sa
Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Leah S. Quitayen
Editor: Irma C. Angkiangco
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, PhD/Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa Pagpapakatao
10
Ikatlong Markahan
Modyul 5
Kapuwa: Tanda ng Pagmamahal sa Diyos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kapuwa: Tanda ng
Pagmamahal sa Diyos!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano


gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Modyul para sa araling Kapuwa: Tanda ng Pagmamahal sa Diyos!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod
Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng
Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa
pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng
butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral
ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-
lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking
and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang
pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul ukol sa
Kapuwa: Tanda ng Pagmamahal sa Diyos!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa
mga naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa
kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang
pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Napangangatwiranan na ang pagmamahal sa Diyos ay pagmamahal sa kapwa.
Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
A. naunawaan na ang kahulugan ng pagmamahal sa Diyos ay
pagmamahal sa kapwa;
B. napahahalagahan ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng
pagmamahal sa kapwa; at
C. naipamamalas ang pagmamahal sa kapwa bilang tanda ng pagmamahal sa
Diyos.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga salita upang mabuo ang pangungusap
sa ibaba.

kapwa ibigin kapatid

napopoot pagmamahal nais

1. “Gawin mo sa iba ang ________________ mong gawin ng iba sa iyo.”


2. “________________ mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo,
buong kaluluwa mo, buong lakas mo, at buong pag-iisip mo.”
3. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit _______________ naman sa
kaniyang kapatid ay isang sinungaling.”
4. ‘Ibigin mo ang iyong ________________ gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
5. Ang pagpapatawad ay ekspresyon ng ___________________

BALIK-ARAL

Panuto:
Hanapin ang tamang daan ng pagmamahal tungo sa pinakamataas na uri
nito, sa Diyos at sa kapwa. At pagkatapos ay gamitin ito sa pangungusap.
Agape

Pagmamahal
Diyos

Kapwa

Sagot:__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

ARALIN

ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AY PAGMAMAHAL SA KAPWA

Lucas 10:27

“Ibigin mo ang Panginoon mong “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya


Diyos nang buong puso mo, buong ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
kaluluwa mo, buong lakas mo, at
Ito ang 2 mahalagang utos ng
buong pag-iisip mo.” Diyos.

Bilang isang tao na may pagmamahal sa Diyos ay dapat nating Siyang pamarisan
at sundin ang Kanyang utos. Kung gaano natin iniingatan at pinahahalagahan ang
ating sarili ay ganundin dapat tayo sa ating kapwa.

Ang sabi “Huwag mong


gawin sa iba ang ayaw mong gawin
nila sa iyo.”
Mahalagang matuto tayong Gintong -
ilagay ang ating sarili sa katayuan aral ni
Confucius
ng ibang tao upang maiwasan
natin ang pagiging makasarili.
Sinasabi din sa Juan 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit
napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling…” Dahil ang tunay na
pagmamahal ay marunong magpatawad. Tulad ng sinabi ni Gary Chapman
“Forgiveness is not a feeling; it is a commitment. It is a choice to show mercy, not to
hold the offence up against the offender. Forgiveness is an expression of love.” Ang
pagpapatawad ay ekpresyon ng pagmamahal. Magagawa lamang ito ng isang tao
na tunay ang pagmamahal sa Diyos.
Ikaw, kaya mo bang gawin ito?

MGA PAGSASANAY

Gawain 1:
Isipin mo na ikaw ang ilaw na nagbibigay ng liwanag sa iyong paligid dahil
sa iyong buong pusong pagmamahal sa Diyos. Palawakin mo ang mararating ng
iyong liwanag sa pamamagitan ng pagbabahagi ng pagmamahal na ito sa iyong
kapwa. Paano mo nga ba maipakikita at maipadarama sa iyong kapwa ang
pagmamahal na ito ngayong panahon ng pandemya. Isulat mo ito sa mga hugis na
nakapaligid sa ilaw sa ibaba.

Mga tanong:

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos ng gawain?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang napatunayan mo sa iyong sarili pagkatapos ng gawain?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Sapat na ba ang mga nagawa mo sa iyong kapwa para maipadama mo ang
pagmamahal sa Diyos? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Gawain 2:
Tingnan mong mabuti ang larawan. Ano anong mga hugis ang nakita mo?
Isipin mo na ang kabuuan ng larawan sa ibaba ay simbolo ng iyon
pakikipag-ugnayan sa Diyos. Gawin mo itong makabuluhan at makulay.
Punan mo ng sagot ang bawat hugis at kulayan ito pagkatapos.
1. Sa hugis bilog sa gitna ay iguhit mo ang simbolo ng Diyos bilang
sentro ng iyong pagkatao.
2. Sa sinag ng araw isulat mo ang iyong buong pangalan at ang 3
mahalagang nagawa mo para sa iyong kapwa upang ikaw ay
magsilbing inspirasyon sa kanila at maramdaman nila ang init ng
pagmamahal ng Diyos sa tulong mo.
3. Sa mga hugis puso naman ay isulat mo ang mga pangalan ng iyong
kapwa na iyong natulungan at nakadama ng pagmamahal ng Diyos
dahil sa iyo.
4. At sa pinaka gilid nito ay isulat mo ang epekto o bunga ng iyong
ginawa sa iyong sariling pagkatao at sa iyong paligid.

4 3
3

4
4 1

3
3 2

4
4
3

Tanong:
1. Ano ang ginuhit mo bilang simbolo ng Diyos? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili pagkatapos ng gawain?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Masasabi mo ba na mayroon kang matibay na pananalig sa Diyos?
Ipaliwanag ang iyong sagot. _______________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3:

Ano ang gagawin mo kung ikaw ay mahaharap sa sumusunod na sitwasyon? Kaya


mo pa rin bang ipakita ang pagmamahal sa kapwa bilang pagmamahal sa Diyos?

1. COVID-19 ay isang nakakatakot na sakit at marami na ang namatay. Hindi


mo inaasahan na ikaw ay nahawaan ng iyong matalik na kaibigan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Dahil sa pandemya, maraming maliliit na kompanya ang nagsara. Upang
maiwasan ang pagsara ng patahian ng tiyuhin mo ay nagbawas sila ng mga
tauhan. Kasama ang nanay mo sa mga nawalan ng trabaho.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Hiniram ng kapatid mo ang pinakaingat ingatan mong cellphone. Gagamitin
daw niya ito sa klase. Nabili mo ito mula sa ipon mo bunga ng iyong
pagtitipid sa baon mo noong wala pang pandemya. Ngunit lingid sa iyong
kaalaman, dinala niya ito sa labas upang ipagyabang sa kanyang barkada.
Sa kasamaang palad ay nanakaw ito sa kanya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGLALAHAT

Panuto: Sagutin ang mga taong sa ibaba upang mabuo ang konsepto sa
modyul na ito. Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer sa ibaba.

1-2. Ano ang 2 mahalagang utos ng Diyos?


3. Ano ang koneksiyon ng pagpapatawad sa pagmamahal?
4. Ano ang natutunan mo sa modyul na ito?

Simulan 1 2 3 4
dito
PAGPAPAHALAGA

Ano ano ang mga pagpapahalaga kaugnay sa pagmamahal? Isulat ang mga ito sa
bunga ng puno sa ibaba. Maaari mong kulayan ito pagkatapos.

https://images.app.goo.gl/Ti8WUE7mpyjCQLRD8

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang hinihingi sa pangungusap. Isulat ang sagot sa mga kahon sa
kaliwa.

1. “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit


napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang
sinungaling.”
2. “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang
buong puso mo, buong kaluluwa mo, buong
lakas mo, at buong pag-iisip mo.”
3. “Forgiveness is not a feeling; it is a commitment.
It is a choice to show mercy, not to hold the
offence up against the offender...”

4. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong


gawin nila sa iyo.”

5. Ekspresyon ng pagmamahal.
https://images.app.goo.gl/Ti8WUE7mpyjCQLRD8
37&version=MBBTAG
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas%2010%3A25-
https://images.app.goo.gl/zwMfRfFDqK7XyLzr6
Gabay ng Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Modyul para sa Mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10
SANGGUNIAN
Panapos na Pagsusulit:
1. Juan 4:20
2. Lucas 10:27
3. Gary Chapman
Paglalahat:
4. Gintong aral 1. “Ibigin mo ang Paunang Pagtataya:
Panginoon mong
5. Pagpapatawad Diyos nang buong 1. nais
puso mo, buong
2. ibigin
kaluluwa mo, buong
Balik-aral
lakas mo, at buong 3. napopoot
pag-iisip mo.”
2. “Ibigin mo ang 4. kapwa
iyong kapwa gaya ng
pag-ibig mo sa iyong 5. pagmamahal
sarili.”
3. Ang
pagpapatawad ay
ekspresyon ng
pagmamahal
4. Ang pagmamahal
sa Diyos ay
pagmamahal sa
kapwa.
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like