Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF RIZAL SYSTEM


Antipolo City, Rizal

Pangalan: RYZA C. ARIOLA Petsa: OCTOBER 19,


2021
Kurso at Pangkat: BSOA 1 Iskor:

GAWAIN BILANG 4
MODELO NG DISKURSO

Madelo ni Berlo:
Ito ang tinatawag na S-M-C-R na modelo ng komunikasyon.Binigyang-diin sa modelong
ito ang pag-uunawaan ng mga kasangkot sa proseso ng komunikasyon. Ang pag-
eenkowd at pagdedekowd ng mensahe ay nagbibigay diin sa mga suliranin sa
paghahatid ngating kaisipan sa wika o iba pang simbolismo. Nakapokus sa mensaheng
ipinadadala at tatanggapin naman ito ng iba. Mapupuna natin na ang modelo ni Berlo
ay maaring iangkop sa maraming sitwasyongpangkomunikasyon, at hindi lamang sa
komunikasyon pasalita.
Modelo nina Shanon at Weaver
Ayon nina Shannon at Weaver, ang ingay ayn anumang nakakagambala sa mabisang
daloy ngkomunikasyon. Sa modelong ito ipinakikita ang kaugnayan ng ingay sa
komunikasyon. Tinatawag din ito na Mathematical Model. Ibinibigay nito ang
pangkalahatang modelo na maaaring matrato bilang komon na pangangailangan ng
iba’t ibang disiplina tulad ng dyornalismo, retorika,, linggwistik at agham ng pagsasalita
at pakikinig.
Modelo ni Schramm
Wilbur Schramm ay isa sa mga unang gumawa ng modelong nagpakita sa
komunikasyon bilangdalawang patunguhan. Ang mga kalahok ay sabayang
nagpapadala at tumatanggap ng mensahe.Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm
ang reaksiyon ay ipinahihiwatig kung ano ang interpretasyongibinibigay sa mensahe ng
tumatanggap nito .Ayon kay Schramm, upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang
mga kalahok sa komunikasyon,kailangang nagdadaop o mayroong pagkakatulad ang
mga nasasaklawan ng karanasan ng mga kalahok kahitman lang sa maliit na punto ng
kakayahan
Modelo ni Dance
Ang kalikasang dinamiko ng komunikasyon ay higit na binibigyang-diin ni Dance sa
kanyang paikid anyongsusong modelo ng komunikasyon. Ipinahihiwatig ng modelo na

FIL 1 – PAG-AARAL NG DISKURSO SA WIKANG FILIPINO


ang komunikasyon ay isang proseso. Nagpapakita ito ng pagiging dinamiko ng
komunikasyon, dahil ito ay tuluy-tuloy at mabilis angpagbabago.
Modelo nina Ruesch at Bateson (Modelong Functional)
Binibigyang pansin nina Ruesch at Bateson ang kalikasan ng komunikasyon batay sa
konteksto ngpinangyayarihan nito. Ayon sa kanila, may apat ba antas ang
komunikasyon: intrapersonal, interpersonal, grupoat pangkultura. Sa bawat antas ay
may nagaganap na pagbibigay-halaga, pagpapadala at pagtanggap. Mayroongpag-
aangkop ayon sa antas ng nagaganap na komunikasyon.

FIL 1 – PAG-AARAL NG DISKURSO SA WIKANG FILIPINO

You might also like