Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Borja, Mark Joseph 14 March

2022

11-Midship: Tan-Aw Mrs. Priscila

Estanislao

Mga Pamamaraan ng Pangangatwiran

1. PANGANGATWIRANG PABUOD (INDUCTIVE REASONING)

 Nagsisimula sa maliit na katotohanan tungo sa isang panlahat na simulain o paglalahat

ang pangangatwirang pabuod. Nahahati ang pangangatwirang ita sa tatlong bahagi.

o Pangangatwirang gumagamit ng pagtutulad.

o Pangangatwiran sa pamamagitan ng pag-uugnay ng pangyayari sa sanhi

o Pangangatwiran sa pamamagitan ng mga katibayan at pagpapatunay

Halimbawa

 Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang

tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa

namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng

napatay.

2. PANGANGATWIRANG PASAKLAW (DEDUCTIVE REASONING)

Humahango ng isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit ng isang simulang panlahat ang

pangangatwirang pasaklaw. Ang silohismo na siyang tawag sa ganitong pangangatwiran ay


bumubuo ng isang pangungunang batayan, isang pangalawang batayan at isang konklusyon.

Isang payak na balangkas ng pangangatwiran ang silohism.

Halimbawa:

 Ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos. Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon

ang manok ay nilkha ng diyos.

3. PANGANGATWIRANG LOHIKAL

 Ito ay pangangatwiran sa pamamagitan ng mga Katibayan at Pagpapatunay.

Napapalooban ito ng mga katibayan o ebidensyang higit na magpapatunay o

magpapatutuo sa tinutukoy na paksa o kalagayan.

Halimbawa

 Si Ramon ang salarin sa pagpatay ng isang menorde edad na babae, sapagkat may

nakakita sa kanya na kasama niya ang bata at may nakita rin tsinelas na pag mamay-ari

niya na natagpuan mismo sa lugar ng krimen.

4. PANGANGATWIRANG SILOHISMO

 Ang Silohismo ay isang pagtukoy sa kongklusyon gamit ang katotohanang tanggap ng

karamihan. At ito ay nahahati sa tatlong bahagi: ang Pangunahing Premis isang pahayag

na may katotohonan na tanggap ng karamihan. Maari ito’y may katotohanang na


napatunayan na ng agham, o ng pananaliksik.Pangalawang Premis ay isang paglalahad ng

sitwasyon na mag-uugnay sa pangunahing premis at kongklusyon. Kongklusyon ang

lohikal na kasagutan na nagtatagni ng pangunahing at pangalawang premis.

Iba’t ibang Uri ng Silohismo

 Tiyakang Silohismo - ito ay may direktang pagtukoy sa kongklusyon, walang pagpilian,

at walang mga kondisyon

Halimbawa:

o Pangunahing Premis: Lahat ng tao ay rasyunal.

o Pangalawang Premis: Si Pedro ay tao.

o Konklusyon: Si Pedro ay rasyunal

 Kondisyonal na Silohismo – Isang uri ng silohismo kung saan ang pangunahing premis

ay may kondisyon, habang ang kongklusyon naman ay nakabatay kung ano ang

kondisyon ng pangalawang premis.

Halimbawa

o Pangunahing Premis: Kung si Pepe ay isang mabuting Kristyano, siya pupunta sa

langit.

o Pangalawang Premis: Si Pepe ay mabuting Kristyano.

o Konkluson: Si Pepe ay pupunta sa langit.


5. PANGANGATWIRAN GAMIT ANG SANHI AT BUNGA

 Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi

tungo sa bunga o ang patumbalik nito. Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang

isang pangayayri'y bunga ng isa pang pangyayari.

Halimbawa

o Ang paglakas ng ulan ay nagdudulot ng baha sa kalsada sapagkat hindi tayo

marunong tumapon ng basura sa tamang lugar.

You might also like