Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MANSUETO, NICOLE E.

BSED-ENGLISH 2
TAKDANG ARALIN

1. Napapanahon ba ang binasang nobela. Pangatwiranan ang iyong sagot.

-Oo, ang nobela ay napapanahon. Naipakita sa kwento ang iba’t ibang kalidad,
pakikitungo, at pagkakaiba ng mga buhay ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang
estado sa buhay. Ipinapakita dito ang hindi patas na pagtatrato ng mga mayayaman sa
mga mahihirap at kung paano nila maliitin ang mga taong naghahanap-buhay. Makikita
natin na ang pagkakaroon ng malaking salapi ay nangangahulugan na ang tao ay
makapangyarihan, na kung saan kaya niyang paikutin ang buhay ng iba at apak-apakan
ang mga mas mababa pa sa kanila. Taliwas naman sa kanila ang pananaw ni delfin na
gaya natin ay nanainiwalang dapat ay pantay ang paningin natin sa buhay na kung
saaan walang naglalamangan. Kung ating babasahin at iintindihin, ang kwentong ito
ang sumasalamin sa panahon natin noon at ngayon na kung saan hindi pa rin
nawawala ang pagiging mapagmataas ng mga mayayaman. Mas nagkakaroon pa ng
maraming oportunidad sa buhay ang mga mayayaman at mababa naman ang tingin ng
iba sa mga taong kapos.

2. Suriin ang binasang buod ng nobela gamit ang mga sumusunod na dulog:

a. Realismo
Realismo kung saan hindi maipagkakaila ang hindi pagkakapantay ng estado ng
buhay mula pa sa panahong iyon at sa panahon ngayon. Ang pokus ng dulog na ito sa
nobela ay ang kalayaan at katarungan ng mga naaapi. Naipapakita rin sa kwento na sa
realidad, talagang may mga taong sakim at pinipilit na dapat kanila ang yaman at hindi
dapat bigyan ng sapat na hati ang mga nasa ibaba. Ang kwento ay nagbigay sa atin ng
hinuha na ang realidad sa buhay ay talagang hindi patas sa lahat. Naipakita rin naman
sa kwento na sa kabila ng mapagmataas na mga tao, ipinamalas naman ng mag-
asawang Delfin at Meni na hindi nasusukat ng kayamanan ang kasiyahan ng tao.

b. Romantisismo
Sa nobela, tinalakay o ipinakita ang pagiibigan ni Delfin at Meni, at ni Felipe at
Tentay. Makikita rin ang teorya o dulog na ito, sapagkat ipinapakita dito ang kung ano
ang iba’t ibang paraan ng isang tao para maipakita ang kanyang pagibig sa kapwa.
Naipamalas ng mga tauhan sa kwento ang kaya nilang gawin sa ngalan ng
pagmamahal at pagmamalasakit sa ibang tao. Naipakita rin sa kwento kung paano
ipaglaban nina Delfin at Meni ang kanilang pagmamahalan na sa kabila ng galit ng ama
ay tuluyan pa rin silang nagsama at namuhay nang masaya at nagmamahalan.
c. Sosyolohikal
Ang kwento ay nagpapakita ng dulog na sosyolohikal dahil ito ay tumatalakay sa
iba’t-ibang institusyon sa ating lipunan. Binigyang pansin nito ang pamilya nina Delfin,
ang pamamahala ng nasa itaas at ang pananaw sa relihiyon ng mga pangunahing
tauhan. Naipakita sa kwento na sa ating lipunan, mas maraming oportunidad para sa
mg mayayaman. NAipakita rin na sa isang pamilya, may iba’y-ibang paninigin sa mga
bagay at sitwasyon ang bawat kasapi ng pamilya. Sa relihiyon naman, naipakita ang
magkaibang pananaw nina Delfin at Felipe sa pag-iisang dibdib ng magkasintahan.

d. Siko-analiktiko
-Sa teoryang ito, may malaking impluwensya ang pahayag ni Freud na tanging
ang ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. May kinalaman ito sa paniniwalang
naghahanap-buhay tayo para lamang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon
lamang ng maturidad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.
Naipakita ito sa kwento na kung saan gahaman sa yaman ang mga mayayaman at
masaya sa buhay ang ibang mahihirap kahit nasa gitna ng pakikipagsapalaran sa
buhay.

3. Magsalaysay ng mga paglalarawan sa mga sumusunod:

a. Sa mga tauhan

Ang mga tauhan sa Banaag at Sikat ni Lope K. Santos ay tunay na naglalarawan


ng iba’t ibang uri ng mga taong mamamasid at makakasalamuha natin sa tunay na
buhay. Mapagtatanto ng mga mamababasa sa nobelang ito na walang taong perpekto;
ang mga tao ay mayroon kani-kaniyang mga di-kasakdalan, tinatago, at pagkakamali.
Sa nobelang ito makikita ang iba’t ibang uri ng personalidad ng mga tauhan batay sa
kanilang kalagayang pinansyal, pag-uugali, tunguhin, at estadong propesyonal.
Si Meni,ay siyang halimbawa sa kasalukuyang lipunan bilang isang dalagang
nagpapakita ng hindi pagsunod sa magulang. Sa kasalukuyang lipunan, isang
halimbawa si Delfin bilang isang binatang pinapahalagahan ang kanyang iniibig. Ang
mga matatanda naman sa kwento ay ipinakitang mga gahaman sap era at
kapangyarihan.

b. Sa mga pangyayari
Ang mga pangyayari noon sa banaag at sikat na pwedeng mahalintulad sa
panahon ngayon ay ang sitwasyon ng estado ng buhay. Halos walang nagbago dahil
ang mahihirap ay nananatiling mahirap at ang mayayaman ay lalong yumayaman. Kung
may nagbago man sa panahon noon at panahon ngayon ay yung prinsipyo ng tao at
ang halaga ng pera. Hindi lingid sa ating kaalaman na ang mga pangyayari sa kwento
ay talagang nangyayari sa totoong buhay.

c. Bilang salamin ng isang lipunan noon at ngayon


Ang kwento ay sumasalamin sa hindi nababagong pananaw ng mga tao sa mga
mahihirap mula man noon hanggang ngayon. Ang pagiging gahaman ng tao dahil sila
ay mapagmataas ang isang bagay na sumasalamin sa ating lipunan. Isa na rin ditto ang
pananaw ng mayayaman na nasa mababang anta slang ng buhay ang mga mahihirap
hanggang saw akas. Taliwas naman sa ganitong paniniwala ang pananaw sa buhay ni
Delfin na sumasalamin sa mga pangyayari ngayon na kahit gaano kahirap ang buhay
ay masaya pa rin kasama ang mga mahal sa buhay.

You might also like