Professional Documents
Culture Documents
Pangkat NG Positibo Armm Final 1
Pangkat NG Positibo Armm Final 1
Nilalaman:
1. Mga Lalawigang Bumubuo sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
2. Kaligirang Kaalaman ukol sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
3. Mga Kilalang Manunulat ng Panitikan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
4. Mga Panitikan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM)
I. INTRODUKSYON SA ARMM
Ang nagsasariling rehiyon sa Mindanao na nalikha batay sa itinadhana ng Saligang Batas, Artikulo X Seksyon
13. Ang paglikha ng ARMM ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pagtutol ng mga Muslim sa Mindanao na maging
bahagi ng Pilipinas mula pa noong pananakop na Espanyol.
Matatagpuan ang ARMM sa may Timog-Kanlurang bahagi ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng mga lalawigan ng
Sulu, Tawi-tawi, Maguindanao, Lanao Del Sur, at Basilan. Ang pangunahing hanapbuhay ay pangingisda at pagsasaka.
.
Kabisera: Bongao
Munisipalidad: 10
Lokasyon: Matatagpuan sa Timog-Kanluran ng
Mindanao na binubuo ng kapatagan ,
bulubundukin at luntiang kagubatan.
Pangunahing Pangkabuhayan: Pangingisda,
pagtatanim ng palay at bungang kahoy.
Kumikita rin sila sa paninisid ng mga perlas sa
karagatan.
Magandang Tanawin: Sibuter Island, Qurong
Reef, BongaoPeak at marami pang iba.
Historical Place: Maskid Shiek Karimul
Makdum
Wikang Umiiral: Sama
Pangkat-Etniko: Tausug
C. Maguindanao
Kabisera: Buluan
Populasyon: 1,342,179
Munisipalidad: 20
Pangunahing Pangkabuhayan: Paggawa ng
palayok
Tanawin: Sultan Haji Hassanal Bolkiah Masjid
Tatlong Uri ng Muslim: Tiruray, Tibuli, at
Manobo
D. Basilan
Dudol
Isang malapit na kamag-anak ng "kalamay / kalamayhati" o ng (malinaw naman) "malagkit". Ito ay
"magkakaiba", gayunpaman, dahil ito ay nabigyan ng isang kulay ng Mindanawon.
Apam Muslims
Apam sa mga tao sa Tawi-Tawi, ngunit pancake sa karamihan sa atin. Mayroon din silang isang mas masarap na
bersyon na may mga ground peanuts na binudburan sa tuktok. Produkto ng Bongao sa Tawi-tawi.
Banig at Malong
Ang gawang-kamay na mula sa sinaunang habihan ng Maranaw, Magindanaw, at Tiboli.
Karagdagan:
Tawi-tawi- Batik at iba pang produktong galing sa dagat
Maguindanao- Malong, Buslo, at Banig
Lanao Del Sur- Copra, Rubbder-Sapping at Niyog
Mga Tausug sa Sulu-may paniniwala sila na ang hagdan ng bahay ay dapat nakaharap sa sikatan ng araw upang umaga
pa lang ay pumasok na ang swerte. Sa pag-aasawa naman, ang mga magulang na Tausug ang nag-uusap pati ang
pagbibigay ng Dowry.
Sa Tawi-Tawi- kinikilala sa mga paniniwalang ritwal ng mga Muslim. Ang seremonya ng pagkakasal ay buong gabing
awitan at sayawan na tinatawag na Lunsay.
Sa Lanao Del Sur- ang kanilang pananampalataya ay Islam. Sila ay mapamahiin, naniniwala sila sa kapangyarihan ng
anting-anting. Para sa kanila, ang pagpapakasal ay isang kabanalan. Naniniwala silang ang pagpapakasal ay yumayaman
at nagiging makapangyarihan sapagkat pinagpala. Sa tradisyunal mga pamilya naman ay ang ama ang siyang
nangangalaga sa pamilya upang manatili itong buo. Ang ina naman ang siyang namamahala sa tahanan at sa kanya rin
nakaatang ang pagtuturo ng kagandahang loob. Kung sila ay namatayan, ang bawat bahay sa buong nayon ay nagtatali sa
hagdanan ng bandilang puti, sila rin ay hindi gumagamit ng kabaong.
Karagdagan:
Mga paniniwala at tradisyon ng ARMM:
1. Peggunting- pagbibinyag
2. Pag-islam- sirkumsisyon ng mga maliliti na batang lalaki at kapag ang babae ay hindi dumaan sap ag-islam, may
paniniwalang ito ay magiging flirt.
3. May dalawang uri ng kasal: Bai ama henda (kasal na may pag-ibig) at maglahi o shot gun wedding.
4. Paraan ng paglilibing- may apat na hakbang:
a. Sinutchi- paglilinis ng patay na tao
b. Sinaput- pagbibihis ng patay
c. Sinambayahang- pagdarasal para sa patay
d. Kinubul- paglilibing ng patay
Meguyaya Festival
Ang konsepto ng Meguyaya Festival ay paraan ng pagpapahayag ng pasasalamat para sa lahat ng mga biyaya.
Karagdagan:
SULU
Vinta Festival
Mangosteen Festival
TAWI-TAWI
Sheik Karimul Makdum Festival
Paggunita kay Sheik Karimul Makdum sa kanyang mabubuting gawa para sa pagdala ng Islam sa lupain at siya
rin ay isang misyonerong Muslim mula Malaysia na nagtatag ng unang moske sa Pilipinas, matatagpuan sa Tubig
Indangan, Simunul, Tawi-Tawi.
Seaweed Festival
Ang pista ng Bongao na tinawag ding “Festival ng Agalalal”- lokal na pangalan para sad among-dagat ng
Carrageen.
BASILAN
Lami-lamihan Festival
Ginaganap sa ika-2 o ika-3 linggo ng Abril sa Lamitan, Basilan. Ang paunang pagdiriwang sa pagtatag ng
munisipalidad ng Lamitan.
TAWI-TAWI
Simunul Island
Isa sa pinakamaliit na pinaninirahan na mga isla sa bansa, ay nakatakdang susunod na “Dubai” sa Timog
Silangang Asya. Ang isla ay may labinlimang square lamang, ngunit naglalaman ito ng labinlimang barangay at
tahanan ng higit sa 25,000 katao. Dito matatagpuan ang unang moske sa Pilipinas na original na itinayo ni Sheik
Karimul Makhdum noong 1380.
Leonor Orosa-Goquingco
Kilala bilang Trailblazer, Mother of Philippine
Theater Dance at Dean of Filipino Performing
Arts. Ipinanganak noong Hulyo 24, 1917 sa
Jolo, Sulu.nagtapos ng valedictorian ng
kanyang klase sa high school, at natapos na
bachelor of science sa edukasyon, summa cum
laude, sa St. Scholastica's College. Kumuha siya
ng mga kurso sa pagtapos sa teatro ng dula,
drama, at musika sa Columbia University at
Teachers College sa New York City, USA.
Francis Macansantos
Ilang ulit na naglingkod si G. Macansantos bilang isang Mababasa sa kanyang mga tula sa mga antolohiyang A
panelist sa Dumaguete writers workshop kung saan siya Habit of Shoes, Kamao at Versus. Itinampok na rin ang
ay naging fellow mismong taong 1972. Naging local kanyang mga tula, personal at kritikal na ang mga
fellow for poetry rin siya sa UP ICW noong 1999. Ang sanaysay sa Flippin’ Filipinos na inilathala sa U.S sa
kanyang mga tula ay naka ilang beses na nagkamit ng Bulawan ng NCAA at sa halos lahat ng pangunahing
gantimpala sa Palaca Literary Awards. Dahil sa kanyang magasin sa Pilipinas.
epiko ng Womb of Water, Breasts of Earth, siya ay
nagtamo ng Writers Price mula sa NCAA. Pinamagatang The Words and Other Poems ang kanyang
koleksyon ng tula. Ito ay inilabas ng UP Press noong
1997.
Andan T. Misah
Isang dating guro na naging tanyag na mangangalakal at aktibo sa mga samahang panlipunan ng bayan. Nakilala siya
bilang manunulat dahil sa kanyang sinulat na “The Devine Art of Brotherhood” na nauukol sa pagtalikod sa Islam at
pagtanggap sa Kristiyanismo. Ito ay naitala sa Volume 3 ng Philippine Prose and Poetry 1965 Edition.
Nora Mercad
Mona P. Highley
Isa siyang kilalang translator at critic. Natapos ng BSE at Masteral Degree sa University of Texas.
Anthony Lu Tan
Isa siyang makata, mananaysay, at “fictionist” at nag
tapos siya ng Bachelor of Arts in Creative Writing at
Doctor of Philosophy in English Literature noong 1982.
Ang kanyang ginawang aklat ay may pamagat na “The
Badjao Cemetery and Other Poems” ang kanyang
isinulat ay nalathala sa Diamond Jubilee Issue ng Sands
and Coral, Focus Philippines Graphic, National
Midweek, Manila Chronicle, Siliman Journal, Literary
Apprentice, at Solidarity Asian and Pacific Quarterly
(Seoul Korea)
Ang ARMM ay may ipinagmamalaking kultura tulad ng mga awiting-bayan, alamat at epiko.
Fish fish
Do not tell your story
Or your jaw will break
And you neck twisted
Bung- bung- Lalabay
Ø Kinakanta ito ng mga nakatatandang kapatid na babae kapag pinapatigil ang iyak ng sanggol at kapag
pinapatulog ang sanggol kapag umaalis ng bahay ang ina(Madale1942).
Halimbawa:
Bon, bong ai bong bongan Sleep, sleep, sleep
Pakatorog ka wata Sleep dear little one
Gomirao si ‘na aka Mother might say
Ba ko seka dianeg That I punish
Go ka ri pimbongetan And reprimanded you
Alamat
- Ang alamat ay isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.
Si Sultan Kumpit ay isa sa naging pinuno ng isang malaking pulo. Siya ay matalino ngunit ang mga Muslim ay takot sa
kanya dahil siya raw ay masungit. Ang Sultan ay may kaisa-isang anak na dalaga. Ang pangalan niya ay Minda. Si Minda
ay ubod ng ganda. Dahil sa kagandahan ng dalaga ay marami ang nanliligaw dito. Kabilang na ang mga sultan, raha, datu
at prinsipe ng iba’t ibang pulo. Bawat manliligaw ni Prinsesa Minda ay may kanya-kanyang katangian kung kayat
nagpasyang magbigay ng tatlong pagsubok si Sultan Kumpit. Ang mananalo sa tatlong pagsubok na ito ang siyang
mapalad na makakaisang dibdib ng kanyang anak.
Ang unang pagsubok ay kung sino ang makapagsabi ng kasaysayan ng kanyang angkan hanggang ikasampung salin nito.
Ang ibig sabihin nito ay kung sino at ano ang naging buhay ng ama, nuno, nuno ng nuno at mga kanunununuan hanggang
sa ikasampung salin.
Ang ikalawang pagsubok naman ay kailangang malagpasan ang kayaman ng hari upang maging daan patungo sa ikatlong
pagsubok. Ngunit ang higit na mayaman ang siyang magmamay-ari ng kayamanang natalo.
Marami ang nakipagsapalaran at natalo sa unang pagsubok. Isa na rito ang kilalang si Prinsipe Kinang. Siya ay nakapasa
sa unang pagsubok ngunit natalo sa ikalawang pagsubok. Nahigitan ng ginto ng hari ang kanyang tatlong tiklis na ginto.
Lalong yumaman si Sultan Kumpit. Alam ng lahat na marami pang ginto si Sultan Kumpit at ngayon nga ay nadagdagan
pa ng tatlong tiklis na tinalo kay Prinsipe Kinang.
Isang matalinong prinsipe ang nais sumubok. Ngunit bago niya ito ginawa ay nag-isip siyang mabuti kung paano niya
matatalo ang kayamanan ng Sultan. Nanghiram siya ng ginto sa kanyang mga kaibigang maharlika hanggang makatipon
siya ng labintatlong tiklis ng ginto. Nagbihis at nag-ayos ng buong kakisigan si Prinsipe Lanao. Una niyang nakausap si
Prinsesa Minda. Sa unang pagkikita pa lamang ay humanga agad ang prinsesa sa binatang prinsipe. Lihim na natuwa si
Prinsipe Lanao sapagkat tiyak niyang may pagtingin din sa kanya ang prinsesa.
“O, ano ang masasabi mo sa iyong angkan?” ang unang pagsubok ng Sultan kay Lanao. Mabilis na isinasalaysay ni Lanao
ang kanyang lahi ngunit muntik na itong mabuko sa ikasampung salin. Nakaisip ng pangalan at nag-imbento ng
kagitingan nito. Laking pasasalamat niya nang siya ay makapasa sa unang pagsubok. Sa ikalawang pagsubok ay tinanong
siya ng hari. “Iilang tiklis yata ng ginto ang dala mo. Mayroon akong pito, iyon ba ay iyong mahihigitan?” ang may
pagmamalaking tanong ng sultan.
“Mayroon akong labintatlong tiklis ng ginto rito ngayon ngunit kung kulang pa ito ay handa kong ilabas ang mga
nakatago pa sa aming kaharian, “ang tugon ni Prinsipe Lanao.
“Hindi na bale,” sagot ng hari, “iyo na ang pitong tiklis ko. Ganito naman ang ikatlong pagsubok. Ikaw ay tutulay sa
isang lubid sa may malalim na bangin. Pag ito’y nagawa mo ay ikakasal kayo ng aking mahal na Prinsesa sa pagbilog ng
buwan,” ang sabi ng sultan. “Ang ikatlong pagsubok ay bukas na natin itutuloy.”
Umalis si Lanao na punung-puno ng pag-asa. Nagsanay siyang tumulay sa baging na sampayan. Ngunit lingid sa kanya
ay may masama palang balak ang sultan sa pagtulay niya sa lubid. Natunugan ito ni Minda at sa laki ng kanyang pag-ibig
sa binata ay gumawa siya ng paraan. Inutusan niya ang kanyang mga katulong na putulin ang matibay at manipis na
sinulid na nakakabit sa tulay na tatawiran ni Lanao. Ang sinulid palang ito ay hahatakin upang malaglag sa bangin si
Lanao. Mabilis na natupad ang pinag-uutos ni Minda sa kanyang katulong.
Kinabukasan ay maluwalhating nakatawid si Lanao sa lubid at ang kanilang kasal ni Prinsesa Minda ay naganap. Naging
mahusay na pinuno ang mag-asawa sa kaharian ni Sultan Kumpit. Dahil sa kabaitan ay napamahal sa mga tao ang dalawa
kaya’t ang malaking pulong iyon ay pinangalanang Minda-Lanao na di nagtagal ay naging “Mindanao”.
Pinagmulan ng Guimad
Noong unang panahon, si Gu-i-mad, isang pangulo ng mga subanon sa isang kilalang lugar. Siya ay matulungin,
mapagbigay, at mayroong maayos na pananaw sa kanyang mga nasasakupan. Isa siya sa mga taong mayroon ding
nalalaman sa pagpapagaling sa mga hindi kalalakihang sakit. Madali siya lapitan ng mga tao, hindi siya maramot sa mga
taong nangangailangan sa kanyang tulong. Ginagalang siya sa lahat ng mga tao pati na rin sa mga malalaking tao sa ibang
tribo.
May isang araw na kinailangan niyang pumunta sa isang lugar para sa gawing usapan. Sinakyan niya ang kanyang kabayo
para puntahan ang lugar sa isa niyang kaibigan. Sa panahon na siya’y papauwi na, malakas na malakas ang ulan at hangin.
Sa hindi inaakalang pangyayari, biglang humampas ang malakas na baha.
Sa kasawiang palad, natangay siya ng baha pati na rin ang kanyang kabayo at hindi na siya nakita. Sa pasikat ng araw,
nakita ng mga tao si Gu-i- mad sa gilid ng sapa na wala ng buhay at may maraming mga pasa sa katawan.
Ilang araw ang nakalipas matapos ang pangyayaring ito, napagdisisyunan ng mga tao na Guimad ang ipapangalan nila sa
kanilang lugar, dahil na rin sa pagpapaalala sa kabutihang nagawa ni Gu-i-mad. Napagkasunduan din nila na ibahin ang
nakarehistro. Naging Guimad ang nasabing lugar na hango kay Gu-i-mad na pangulo ng mga subanon noon. Hanggang
ngayon, ito na ang pangalan ng lugar na ito.
EPIKO
Ang Darangan ay epiko ng Maranaw. Isa ito sa matatawag na matandang epiko ng Pilipinas.
Kahit na sinunog ng mga Kastila ang mga kasulutang Pilipino na kanilang natagpuan sa kanilang pagdating, ang
Darangan ay hindi naparamay, manapa’y ito ay natirang katunayan ng pagkakaroon natin ng sariling panitikang hindi
hiram. Ang Daragan ay nakalimbag sa matalinong kaisipan ng mga makatang Maranaw.
Walang nakakaalam kung sino at kung kailan sinulat ang Darangan. May mga nagsasabi sa mga Maranaw na ito ay
inaawit na ng mga makata ng Lanao del Sur hindi pa man dumarating sa Pilipinas ang Mohamedanismo noong 1830. May
naniniwalang ito’y maaaring nag-ugat noong panahon ng “Madjapahit Empire” ni Raden Widyaya ng taong 1293 pagka’t
ang kapangyarihan ng mga conqulstadores na Malaya ay nakarating noon sa Lanao.
May dalawampu’t-limang kuwento ang Darangan. Ito’y pinagsama-sama at naging isang Symbolic Epic (tulang naaawit).
Ang bawat kabanata ay naglalarawan ng di-pangkaraniwang kasaysayan ng pag-ibig katulad ng sa “Arabian Nights”.
Ito ay binibigkas ng matatandang makata ng Maranaw mga labing-apat na gabing sunod-sunod. Ang mga manonood
upang malaman ang buong kasaysayan ay dapat makinig sa loob ng dalawang linggong singkad.
Ito ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga ala di sukat
mapaniwalang kabayanihan at kagitingan ng mga madirigmang Muslim. lilang gabi ang nilalaan para matapos ang buong
epiko.
Ang mga pinakilalang kabanata sa Darangen ay ang:
" Ang Pagdukot kay Paramat a Lawanen, "(So Kiaperawa-i ki Paramat a Lawaen)
"Ang Pagkamatay ni Bantugan sa Kaharian ng Dagat." (So Kapnatangkopan a Ragat) (Madale, 1942),
Ito ay mga ilang kabanta at mga buod nito mula sa Darangen:
1. Diwatandao Gibon- Ang Unang Paghahari ni Diwantandao Gibon ;
Sa kabanatang ito, isinasalaysay kung paano pinamamalakad ni DiwantadoGibon ang kanyang kaharian nang mag-isa.
Bago siya namatay, nagbigay siya ng payo sa kanyang mga anak kung paano mamuno. Dito rin isinasalyasay, ang angkan
ng pinakaunang sultan sa Lanao (Madale, 1942).
2. Sandalinaian Sirig- Nang Dinukot ni Bantugan si Sandalinaian Sirig
Isinasalyasay dito kung paano inakit ni Paramat a Bantugan and prinses, Si Sandalinaian Sirig. Ang buong lamin (silid sa
tore) ng prinsesa ay dinala sa ibang kaharian nang di niya namamalayan (Madale, 1942).
3. Minirigi a Rogong – Pag-ibig at Pakikipagsapalaran ni Prinsipe Lomna
Ito ay karugtong ng kabanta, “Kpaloma,” ang kabanata na ito ay ikinulwento kung paano inutusan ni Bantugan si Lomna
na huwag umalis sa lugar habang siya ay wala pa. Si lomna ay iniwang mag-isa at ang mga tao sa Kadaraan ay gustong
maghiganti. Ang ibong Noi ay bumalik sa Bombaran at nalaman ni Madale ang nangyari. Sinabi niya sa Nori na pupunta
sila at ililigtas nila si Lomna (Madale, 1942)
Ang Darangan ay kakaiba at kapuri-puri dahil ang mga nanalong bayani sa kuwento ay hindi pumatay ng kanilang mga
bihag, hindi tulad sa Iliad at Ramayana.
Sanggunian:
San Juan, G. P., Lorenzo, C. S., San Juan, C. P., Mag-atas, R. U., De Leon, Z. S., Cabaysa, W. G. (2010).
Literatura ng iba't ibang Rehiyon ng Pilipinas. Grandbooks Publishing, Inc. 5 M. R. Ext. St. Sto. Rosario-
kanluranPateros, Metro Manila.
https://www.scribd.com
https://prezi.com
https://www.slideshare.net
https://www.flick.com
https://choosephilippines.com
https://www.philatlas.com
https://tl.unionpedia.org
https://escapemania.com>top-tourist-spot
https://www.tripadvisor.com>ph
https://www.vigattintourism.com
https://psa.gov.ph
https://manilastandard.net https://tl.
wikipedia.org/wiki/Alamat
https://proudpinoy.ph/alamat/alamat-ng-mindanao-buod-at-aral-ng-alamat-ng-mindanao-2021/
https://phfolklores.blogspot.com/p/armm.html
DOCUMENTATION
Ang aming grupo ay nagtalaga ng meting sa pamamagitan ng video call sa messenger upang mapag-usapan at
maisagawa ang aming report.