Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Nagugumilihanan sa nasasaksihan

Itong makatang nagmumuni’t kumakandili


Sa paanong wikang katutubo’t wikang kinagisnan
Ngayo’y halos ikahiyang bumulaklak sa mga labi

Pitongpu’t limang taon na ang nakalilipas


Pagmamalupit sa inang baya’y, atin pang mababakas
Nang pumalaot ang mapanlinlang na dayuhan sa ating karagatan
At nilubog sa dagat ng karimlan, ang Perlas ng silanganan

Bilang ng taon ay apat na raan at dalawampu’t lima


Nang bandila nati’y lukubin ng tatlong dayong bandilang magkakaiba
Inabuso’t, minaliit ang ating mga ninuno
Tinuring na mga ‘indyo’’t, iginupo ang mayaman na diyalekto

Pilit igunumon ang wikang siyang bukod tangi nating pagkakakilanlan


At Kanluraning mentalidad, mariing Iniukit sa ating kaisipan (scar)
Na banyagang kultura ang siyang dapat sambahan
At anumang ugnay sa pilipino’y mababang uri lamang

Ngunit ano itong ginamit na pang ukit

Nitong mga dayuhang manlulupig


Bagaman ngayo’y nakamtan na ang kasarinlan
Kolonyalistang pag-iisip tila sugat na di na malunasan

Papasaan pa’t pinaglaban ang kalayaan


Kung mag-aastang Donya Victorina ka lamang
Na kahit pumulupot na ang dila
Piliy paring tatangkilikin ang banyagang wika
Gayong isa ka rin namang banyaga sa sariling mong wika

Ito kababayan, ang isang gunitang dapat pinagdidiskusyunan


Ating wika’t yamang kultural ay hindi rapat kahiyan
At pagtangkilik sa kultura’t wika ng dayuhan
Ay hindi siyang palatandaan ng kasosyalan o katalinuhan

Hindi ko ibig sabihin na wika ng iba’y hindi rapat respetuhin


Pagka’t wika ng lahat ay pantay at marapat lamang pagyamanin
Ngunit bago ka pumaroon at humalik sa yapak ng bayang iba
Matuto ka munang lumingon sa pinanggalingan mong bayang sinisinta

Tulad ng bago ka maghanap ng lilim sa puno ng acacia


Nawa’y maapuhap mo rin ang lilim sa ilalim ng punong narra
Kung ikaw ay nahahalina sa kariktan ng bulaklak na Sakura
Ikaw rin sana’y marahuyo sa halimuyak ng ating Sampaguita

Tulad ng bago bumigkas ng Ingles, Hangeul, at Katakana


Na tila batayan sa kung gaano ka kaunlad o karangya
Kilalanin mo rin ating Kinaray-a, Tagbanwa’t iba pa
Mga wikang katutubo na may laan ding namang talinhaga

Tulad ng iba, salita nati’y may sariling alpabeto’t letra


Walang pinagkaiba sa iniidilo mong salitang banyaga
Kaya’t hayaang dumaloy, bumulaklak sa ating mga dila
Wikang Filipino’t wikang katutubo na siyang sati’y pinamana

At bago bigyang wakas itong taludturang malaya


Hayaang mag-iwan ng kataga itong malayang makata
Ikaw manonood, ay Pilipino, tatak asul, pula at dilaw
Kaya’t sana’y tingalain mo rin ating tatlong bituin at ginintuang araw

You might also like