Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang mural ay dulot ng kasaysayan ng Mistica na may bahid militaristiko dahilan sa

pangangailangan ng pakikidigma at pakikilaban noong katapusan ng ikalabinsiyam


na siglo. Ang unang mural sa kaliwang dingding ng dalanginan ay nagpapaliwanag
ng batayang bibliya at batayang historikal ng Ciudad Mistica. Gayundin ang mga
prinsipyos na kanilang pinanununtunan. Ang sentral na imahen ng mural ay ang
depiksyon ng kanilang inaasahang Ciudad Mistica na itatayo sa bundok Banahaw
pagkatapos ng Armageddon na hinalaw sa Apokalipsis 21. Sa ibaba ng Ciudad
Mistica ay ang larawan ni Mamay na nag-aabot ng susi ng kaligtasang Mistica sa
dalawang 12 na mga kabataang Mistico na magbubukas sa sekretong 12 pintuan ng
Ciudad. Nagpapakita ang mural ng kapaniwalaan ng Mistica hindi lamang sa
katotohanan ng Lupang Pangako kundi ng Lupang Pangako sa Banahaw sa
pamamagitan ng gawang Mistico. Ang mural ng Tatlong Bundok ay nagbibigay
diin sa tatlong panahong pinaniniwalaan ng Ciudad Mistica. Kasama rin sa mural
ang ilustrasyon ng Ciudad Mistica ayon sa sulat sa Apoc 21. Samakatuwid, ang
mural ay nagpapakita ng kanilang naiibang pagtingin sa kasaysayan. Kasama rin
ang kanilang prospektibong pananaw na nagaantabay sa pagtatayo ng bayang hindi
nangangailangan ng araw o ng buwan upang lumiwanag sa kanya sapagkat
nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos. Ang ilaw doon ay ang kordero. Ang
pinakahuling mural ay ang grupo ng siyam na Koro o Angeles na nakakuwadro.
Ang bawat isa ay kumakatawan sa siyam na Korong binanggit ni Apoc 21 na kung
saan ang bagong langit at ang bagong lupa ay nagdidingdingan ng labindalawang
hiyas. Sa kapaniwalaan ng Ciudad Mistica ay siyam lamang ang hiyas na
miyembro ng Koro sapagkat hindi pa naitatayo ang tatlo upang maging
labindalawa. Dito makikita ang kanilang paniniwala sa prospektibong pananaw na
hindi pa gawa ang Bayan at ito ay magaganap pa sa katapusan ng milenyum. Ang
paniniwalang ito ay nagbibigay lehitimasyon sa kanilang paggawa at paghihintay
sa itatayong bagong Herusalem. Unang una, ipinapaliwanag ng mga mural ang
ideya ng kasaysayan ng mga Mistica. Hindi ang tradisyunal na kasaysayang
kanluranin na naghahati-hati sa kasaysayan ayon sa mga pangyayari. Ang
kasaysayan ng Mistica ay halaw sa tatlong tipan na ang bawat isa ay naghihintay
ng tiyak na kaganapan. Ikalawa, ang mga mural ay nagpapakita ng eskatolohiya ng
Mistica, ng kanilang ideya tungkol sa kahihinatnan ng mundo at tao, ang
kamatayan, ang paghuhukom, ang ikalawang pagdating ni MBB. Ikatlo, ang mga
mural ay nagpapakita ng estetiko at istraktura ng kanilang paniniwala. Ang
pagkakasunod-sunod nito ay ayon sa kaayusng idinidikta ng naratibong
kapaniwalaan na siya ring nagbibigay istraktura dito.
ANG PLASA
Isang liwasang ispirituwal sa may kaliwang lote ng bahay dalanginan ng Ciudad
Mistika. Pinagdadarausan dito ang mga rituwal gaya ng Pagtataas, Paghahandog,
Pagsusuplina, Paglelektyur tuwing kaarawan ni MBB. Pamamaalam at
Pasasalamat tuwing mamumuwesto. Kalahati nito patungo sa silangan na
kinatatayuan ng isang malaking Trespico. Sa Norte nakatayo ang pedestal ng
tagdan ng Iglesia Mistica Filipina, isang trespico tulad ng trespico sa bandilang
Pilipino. Sa timog ay nakatayo ang pedestal ng tagdan ng Iglesia Mistica Asiatica,
ang Mundo Ovalo, isang globo na may guhit ng iba-ibang bansa kasama ang Asia.
Sa gitna ng sementadong trespico ay nakatayo ang pedestal ng tagdan ng Suprema
de la Iglesia del Ciudad Mistica de Dios. Nakatayo naman ang isang Kurus sa may
silangang dulo ng sementadong trespico na nasisilbing altar. May nakasandal na
isang tagdan na may banderita sa dulo na nakaturo patungong Norte. Sa ibabang
bahagi ng plasa ay may kuadrado at konkretong kural na pinagsisilbihang pagkain
tuwing rituwal ng Paghahandog.
Ang Katuturan ng Plasa. Sa Plasa makikita kung papaano ang tatlong simbahan ng
Ciudad Mistica, ang Iglesia Mistika Filipina, Iglesia Mistica Asiatica at Ciudad
Mistica de Dios ay nakapatong sa kapaniwalaan sa Trespicong Diyos at ng
pagkakaisa ng tatlo sa iisang Diyos. Ang mga rituwal na kaagapay ng Plasa ay
nagpapakita ng kanilang pagkakaisa tulad ng sabayang Pagtataas ng tatlong
simbahan ng Mistica at ng uri ng mapagpakasakit, mapagdusa at mapaglinis na
rituwal ng Pagsusuplina at sa kanilang direktang pag-aalay ng pasasalamat sa
pagkaing sinusunog nila sa Paghahandog. Samakatuwid, nasa lugar ang lahat ng
bagay, may lohika at may estetikang batay sa kanilang paniniwala.

You might also like