Lance Karl G. Brucal Literature 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Lance Karl G.

Brucal Lit1
EE2-3 March 11, 2022

Bakit nga ba mahalaga ang Wikang Filipino para sa atin? Ano nga ba ang wikang
Filipino at kelan at saan ito nagmula? Ating tunghayan kung ano nga ba ang Wikang
Filipino at bilang isang Ubian paano natin palalawakin at pagyayamanin ang wikang
Filipino. Sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw natin sa sinulat ni Genoveva Edroza
Matute at kung ano ang kahalagan ng wikang Filipino sa atin.

Alam natin na maraming wika dito sa atin bansa sa katunayan meron tayong mahigit
isang daan wika dito sa atin kabilang na ang mga Visaya, Ilocano, Bicolano at iba. Sa
kabila nito mas marami parin ang marunong mag tagalog. Bilang isang Ubian dapat
maaga palang sa mga bata o sa mga susunod na henerasyon na mahalaga ang
wikang pambansa natin. Dapat naituturo na ito habang maaga pa sa katunayan bilang
isang Filipino alam ko rin ang kahalagahan ng wika natin sa ating bansa sapagkat
dahil dito nag kakaunawaan tayo at para mapalawig ito mas maganda na may
kaalaman na tayo at alam natin ang pinagmulan nito. Sa katunayan ang wikang
Filipino ay tinuturo narin sa ibang bansa at karamihan sa mga nagtuturo sa bansang ito
ay mga guro dito sa pilipinas na nangiban-bansa sa kadahilanan na maliit ang sahod
dito. Pero sa pamamagitan nito napapalawig rin natin ang Pambansang wika natin sa
ibang bansa at Naipagmamalaki rin natin ito sa pamamagitan nila.

Mahalaga ang Wika natin kaya habang bata pa tayo ay dapat alam na natin ang
kahalagahan ng wikang pambansa natin dahil sa pamamagitan nito nagkakaunawaan
tayo at napagbubuklod tayo. Sa pamamagitan rin ng ng pambansang wika natin mas
napapaunlad natin ang kalakaran ng bawat isa at Bilang isang Ubian maari akong
makatulong upang mapalawig pa ang wika natin sa pamamagitan ng paglalahad ng
kahalagahan nito.

You might also like