Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

URI AT ANYO NG PANITIKAN

Panitikan

 Ang salitang panitikan ay kinuha sa salitang “pang-titik-an“. Ito ay batay sa


salitang “titik” nangunguhulugang “literatura” (literature)
 Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin,
kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-
gawa lamang para sa isang layunin.

Uri ng Panitikan

1. Pasalindila
 Nang panahong hindi pa natutunan ng ating mga ninuno ang sistema ng
pagsulat, ang pag-awit, pagkuwento, at pagtula ang paaran ng kanilang
panitikan.
 naipapasa lamang sa pamamagitan ng pagpakalat ng kwento sa ibang tao. Ang isa
sa pinaka madaling halimbawa nito ay ang mga bugtong, tula, at mga maikling
kwento.
2. Pasalinsulat
 Ang kaalamang dati ay bukambibig lamang ay nakuha nang isulat sa mga dahon at
iukit sa mga bato o kahoy.
 Sumunod agad ang pag-iimprenta kaya ang mga naisatitik na kaalaman ay nagawa
pang maipalimbag.
3. Pasalintroniko (pe-elektroniko)
-Ito ang panahon ng teknolohiya na kinahuhumalingan ng madla kaysa pagbasa ng
nakalimbag na akda sapagkat napapanood at napapakinggan.

Anyo ng Panitikan

1. Tuluyan/Prosa
 Patalata na kung saan karaniwang pagpapahayag ng isang tao
 Madaling basahin at unawain

Akdang Pampanitikan na mapapabilang sa Tuluyan o Prosa

 Nobela
- Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng
mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa
dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
Halimbawa: El Filibusterismo at Noli Me tangere ni Jose Rizal.
 Maikling Kuwento
- isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o
iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan
Halimbawa: Papel de Liha ni Ompong Remigio, Tata Selo ni Rogelio Sikat,
Walang Panginoon ni Diogracias Rosario
 Dula
- Ang dula ay isang akdang panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado. Ang dula ay isang uri ng panitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Halimbawa: Walang Sugat ni Severino Reyes
 Alamat
- Ang alamat o legend sa Ingles ay may kahulugan na uri ng panitikan kung
saan tinatalakay ang pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Halimbawa: Alamat ng Bulkang Mayon, Alamat ng Pinya
 Pabula
- Ang karaniwang pábulá ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganap
at ang mga hayop na ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
Hal: Pagong at Matsing, Si Langgam at si Tipaklong
 Parabula
- Ang mga nilalaman ng mga parabola ay nagmula sa sulat ng Diyos na
pumupuna sa mga masamang katangian ng tao.
Hal: Ang Alibughong Anak
 Anekdota
- Ang anekdota ay isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang
o patalambuhay na pangyayari sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na
tao.
Hal: Ang tsinelas ni Jose Rizal
 Talambuhay
- ang pagsasalaysay sa kwento ng buhay ng isang tao .
Hal: Talambuhay ni Jose Rizal
 Balita
-Ang isang balita ay isang impormasyon tungkol sa isang kaganapan o isang
hanay ng mga kaganapan na, sa loob ng isang tukoy na pamayanan, lipunan
o lugar.
 Talumpati
- Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng
isang tao tungkol sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at
nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

2. Patula
 May taludturan at saknungan
 Ang bawat taludtod ay maaaring may sukat at tugmang pantig sa hulihan o
sadyang malaya.

Uri ng Patula

1. Tulang Pasalaysay
- Ang tulang pasalaysay ay mga tulang nagpapahayag ng kwento o
pangyayaring maaaring totoo o likhang isip lamang.
 Epiko - isang mahabang tulang naglalarawan ng mga pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan at punong-puno ng mga di pangkaraniwang
pangyayari. halimbawa: “ANG INDARAPATRA AT SULAYMAN”
 Balad - tulang inaawit habang sumasayaw.
 Awit at Korido - naglalayong mapalaganap ang pananampalataya o
parangal sa pamamagitan ng mga pasalaysay ng mga kagitingan,
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran.
2. Tulang Liriko/Pandamdamin
 Awiting Bayan- karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa
o pamimighati, pangamba, kaligayahan, at kalungkutan. halimbawa:
“CHIT CHIRIT CHIT”
 SONETO - tulang may labing- apat na taludtud hinggil sa damdamin at
kaisipan, may malinaw na batiran ng likas na pagkatao. halimbawa:
“SONETO NG BUHAY” ni Fernando Monleon
 ELEHIYA - nagpapahayag ng damdamin o guni tungkol sa kamatayan o
kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
 DALIT - awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng
kaunting pilosopiya sa buhay. halimbawa: “DALIT KAY MARIA”
 PASTORAL - ito’y may layuning maglalarawan ng tunay na buhay sa
bukid. halimbawa: “BAYANI NG BUKID”
 ODA - nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin. halimbawa: “TUMANGIS SI RAQUEL”
3. Tulang Padula/Pagtatanghal
 KOMEDYA - isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang
pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood,
nagwawakas ito nang masaya.
 TRAHEDYA - angkop amng uring ito ng dula sa mga tunggaliang
nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
4. Tulang Patnigan
- Ang tulang patnigan ay ginagawa bilang laro.
 KARAGATAN
 DUPLO - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa ikasiyam ng
gabi sa bakuran ng namatay matapos mailibing ang patay bilang pag-
aaliw sa mga naulila nito.
 BALAGTASAN - tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng
katwiran sa pam-patula.

You might also like