Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ramos, Mcgyver R.

11-Midship
Pagbasa at Pagsulat – Buod ng limang kabanata

Ibong Adarna
ni Jose Dela Cruz (Huseng Sisiw)
Ang Ibong Adarna ay isang korido, isang uri ng panitikan na nasa anyong patula, na itinuturing
na bahagi ng Panitikang Pilipino bagama’t ito ay hindi orihinal na nagmula sa Pilipinas. Ito ay
isang halimbawa ng korido. Akda ito na umiikot sa pananampalataya, alamat at kababalaghan.
188 Pahina, 46 Kabanata

Kabanata 23: Lobong Taga-pagligtas


Naabutan ng engkantadang lobo ang sugatang si Don Juan. Kumuha ito ng tatlong boteng tubig
sa ilog Jordan. Nilinlang ng lobo ang mahigpit na tagapagbantay ng ilog. Ipinahid niya ito sa
katawan ni Don Juan at agad nanumbalik ang lakas. Niyakap ni Don Juan ang lobo. Nagpatuloy
na sila sa palasyo upang kunin ang singsing ni Prinsesa Leonora.
Sa tulong ng lobo ay madaling nakaahon si Don Juan sa balon. Habang pauwi ng Berbanya ay
nakaramdam ng pagod si Don Juan, kaya nagpahinga muna siya sa isang mayabong na
punongkahoy.

Kabanata 24: Muling Pagpapakita ng Ibong Adarna


Nagising si Don Juan dahil sa pag-awit ng ibong adarna. Sa pag-awit nito, isinasalaysay niya ang
dahilan kung bakit siya tumakas at kung ano ang masamang balak ng dalawa niyang kapatid.
Ang hari dito na si Haring Salermo ay isang tuso at matalinong hari at may tatlong magagandang
dilag na supling na sina Prinsesa Isabel, Juana at Maria Blanca. Dapat niyang piliin si Prinsesa
Maria Blanca dahil walang kaparis ang ganda nito. Habang ang umaasang si Prinsesa Leonora ay
patuloy na tumatangis sa pagkawala ni Don Juan.

Kabanata 25: Pagtuklas sa Bagong Mundo


Tatlong taon nang naglalakbay at nawawala si Don Juan. Natagpuan siya ng isang matanda.
Binigyan ito ng matanda ng durog at bukbukin sa itim na tinapay.
Inabutan din siya ng pulot-pukyutan at bumbong. Inutusan ng matanda si Don Juan na pumunta
sa ikapitong bundok at hanapin ang isang ermitanyo. Iniabot ng matanda ang isang maliit na baro
at sabihin daw na galing ito sa isang matanda.

Kabanata 26: Pagtangis ng Prinsesa


Walang tigil ang pagtangis ni Prinsesa Leonora habang si Don Juan naman ay naghahanap ng
ibang kapalaran. Patuloy na nagdurusa ang prinsesa at hindi pinagbubuksan ang sinumang
kumatok sa tuwing nalalaman niya na hindi iyon si Don Juan. Nagngingitngit sa galit si Don
Pedro dahil si Don Juan pa rin ang laman ng puso ni Prinsesa Leonora.
Kabanata 27: Huling Bundok
Sa wakas ay nakita na rin ni Don Juan ang ermitanyo sa ikapitong bundok. Nagalit ang
ermitanyo dahil binulabog ito. Pinatunog ng ermitanyo ang kampana at nagdatingan ang mga
hayop sa Armenya subalit wala pa ring nakakaalam kung nasaan ang reyno.
Ibinigay ng ermitanyo ang baro kay Don Juan at inutusan ang olikornyo na ihatid ito sa bahay ng
kapatid ng ermitanyo. Nalaman din ng ermitanyo ang balak ng prinsipe. Ngunit sa walong daang
taon ng paninirahan nito ay di rin niya batid kung nasaan ang hinahanap na kaharian. Pinatunog
din niya ang kampana at nagdatingan ang mga ibon, ngunit wala din sa mga ito ang minsang
nang nakarating sa nasabing kaharian.

You might also like