Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS


Department of Education
NATIONAL
Grade 2 CAPITAL REGION
MATHEMATICS
Misamis Street, Bago-Bantay, Quezon City
__________________________________________________________________________________
UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
(USLeM)

MATHEMATICS 2
DEVELOPMENT & MANAGEMENT TEAM:
Writers: JOENALYN O. LUMAGBAS
ESTER ANDRIA C. NIEVES
Content Editors: ANNALYN S. REYES
JENNIFER B. MONDOY
MARICAR M. ALAMON
GENERIEVE B. CORONA
Language Editors: ANNALYN S. REYES
JENNIFER B. MONDOY
MARICAR M. ALAMON
GENERIEVE B. CORONA
Management Team:
MALCOM S. GARMA, Regional Director
NERISSA L. LOSARIA, Schools Division Superintendent
GENIA V. SANTOS, CLMD Chief
JOCELYN M. ALIŃAB, CID Chief
BERNADETH DARAN, Regional EPS, Mathematics
MARICAR M. ALAMON, Division Coor, Mathematics
DENNIS M. MENDOZA, Regional LR Supervisor
TOMMY R. RICO, Division LR Supervisor
__________________________________________________________________________________________
NANCY M. MABUNGA, Regional Librarian

(This is a Government Property. Not For Sale.)


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
Kasanayan
Solves routine and non-routine problems involving division
of numbers by 2,3,4,5 and 10 and with any of the other
operations of whole numbers including money using
appropriate problem-solving strategies and tools. (M2NS-
IIIc-56.1)

Inaasahan
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. Nakalulutas ng mga routine at non-routine problems
na kinakasangkutan ng division of numbers 2,3,4,5 at
10 at sa alinman sa iba pang mga operasyon ng
whole numbers kasama ang pera gamit ang angkop
na mga estratehiya at pamamaraan sa paglutas ng
word problems;
2. Nakikilala ang mga hakbang sa paglutas ng mga
suliraning ginagamitan ng division.
Unang Pagsubok
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. May 18 na mga batang iskawt, at sila ay hinati sa
dalawang grupo. Ilang iskawt mayroon sa bawat
grupo?
A. 8 B. 9 C. 6 D. 5
2. May 16 na lobo. Apat na lobo ang natanggap ng
bawat bata. Ilang bata ang mayroong lobo?
A. 4 B. 9 C. 10 D. 11
3. Si Nilo ay may 21 na holen. Dinagdagan pa niya ito ng
14 at ibinahagi ang mga ito sa lima niyang kaibigan.
Ilang holen ang matatanggap ng bawat isa niyang
kaibigan?
A. 5 B. 6 C. 7 D. 8
__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 2


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
4. Naglaro kayo ng taguan ng mga kaklase mo. Inilabas
nila ang kanilang mga kamay. Umabot ito sa 40 nang
bilangin mo. Ilang kaklase mo ang nagtatago?
A. 20 B. 30 C. 40 D. 50
5. Binigyan ka ng nanay mo ng ₱20.00. Nais mong bumili
ng tinapay na nagkakahalagang ₱4.00 bawat piraso.
Magkano ang sukli kung bibili ka ng 3 na tinapay?
A. ₱4 B. ₱5 C. ₱6 D. ₱8

Balik-Tanaw
Mula sa inyong natutunan sa nakaraang aralin, maaari
mo bang sagutan ito gamit ang iyong isip lamang? Ano
kaya ang sagot?

1. 8÷4= 2. 16÷4= 3. 18÷3= 4. 45÷5= 5. 30÷10=

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


Sa araling ito ay matututunan mo kung paano lutasin
ang mga Word Problems Involving Division of Numbers.
Sa paglutas ng mga suliranin, sinusunod natin ang mga
sumusunod na hakbang:
Unang hakbang : Unawaing mabuti ang suliranin.
Ikalawang hakbang : Planuhin kung ano ang dapat
gawin.
Ikatlong hakbang : Isagawa ang plano.
Ikaapat na hakbang : Itsek kung tama ang sagot.
A. Pagsolve ng mga routine problem:

__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 3


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
Basahin at sagutin:
Limampung mga magulang
ang nakiisa sa unang araw ng
Brigada Eskwela. Kung sila ay hinati
sa limang pangkat, ilang magulang
ang mayroon sa bawat pangkat?

Tanong:
a. Ilan ang mga magulang na nakiisa sa Brigada
Eskwela?
b. Sa ilang pangkat sila hahatiiin?
Upang malutas ang suliranin, sundin natin ang mga
paraan o hakbang na binanggit sa itaas:
Unang hakbang: Unawaing mabuti ang suliranin.
Ating alamin kung ano ang tinatanong sa suliranin
gayundin ang mga datos or detalye na
makatutulong sa paglutas nito.
● Ano ang tinatanong? Bilang ng magulang na
mayroon sa bawat pangkat.
● Ano ang mga ibinigay na datos?
50 na mga magulang at 5 na pangkat.
Ikalawang hakbang: Planuhin kung ano ang dapat
gawin.
Pag-isipan kung anong operation ang dapat gamitin
sa paglutas ng suliranin.
● Ano ang operation na gagamitin? Division
● Ano ang pamilang na pangungusap? 50 ÷ 5 = N
Ikatlong hakbang: Isagawa ang plano.

__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 4


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
Dito ay maaring gumuhit, gumamit ng mga
pamilang na bagay o counters o magsolve upang
makuha ang tamang sagot.
Sa ilustrasyon, ay ipinapakita ang 50 mga magulang
na hahatiin sa 5 pangkat.

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3

Pangkat 4 Pangkat 5

Samakatuwid, ang bawat pangkat ay magkakaroon ng


tig 10 magulang. Ang sagot ay 10.
50 ÷ 5 = 10
Ikaapat na hakbang: Itsek kung tama ang sagot.

Sa pagtsetsek ng suliranin sa division, maaring


gumamit ng multiplication. I-multiply ang quotient sa
divisor.
__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 5


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________

50 ÷ 5 = 10 quotient 10 x 5 = 50
dividend divisor
Kapag ang lumabas na sagot ay ang dividend, ibig
sabihin ay wasto ang sagot.
B. Pagsolve ng mga non-routine problem:

Si Tonyo ay binigyan ng kanyang ninang ng ₱75


noong Pasko. Isasama niya ito sa naipon niyang ₱15.
Kung ang kabuoang halaga ay ibibili niya ng 10 lapis,
magkano ang halaga ng bawat lapis?

Tanong:
a. Magkano ang ibinigay ng ninang ni Tonyo sa kanya
noong Pasko?
b. Magkano naman ang naipon na niya?
c. Ilang lapis ang bibilhin niya?

Sa paglutas ng non-routine problem katulad nito, sundin


pa rin natin ang mga hakbang na inilahad sa itaas.
Unang hakbang: Unawaing mabuti ang suliranin.
● Ano ang tinatanong? Ang halaga ng bawat lapis.
● Ano ang mga ibinigay na datos? ₱75, ₱15 at 10 lapis

Ikalawang hakbang: Planuhin kung ano ang dapat


gawin.
Alamin kung anong operation ang dapat gamitin sa
paglutas ng suliranin.
__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 6


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
Sa suliraning ito, dalawa ang operation na gagamitin
natin, addition at division dahil kailangan muna nating
pagsamahin ang lahat ng pera ni Tonyo bago natin
hahatiin ang mga ito upang makabili ng10 na lapis.
Kailangan nating malaman kung magkano ang halaga
ng bawat lapis.
Ikatlong hakbang: Isagawa ang plano.
Gawin ang plano upang malutas ang suliranin.

Isulat ang number sentence: ₱ 75 +₱15 = M


M ÷ 10 = N
Sundin natin ang halimbawa:
₱75 9 sagot
90 ÷ 10 = N 10 90
+ ₱15 - 90
₱90 00

9 ang bilang ng mabibili na lapis.


Ikaapat na hakbang: Itsek kung tama ang sagot.
Gagamit tayo muli ng multiplication upang
matsek kung tama ang ginawa nating pagdivide. I-
multiply ang quotient sa divisor.

90 ÷ 10 = 9 quotient 9 x 10 = 90
dividend divisor
Dahil ang lumabas na sagot ay ang dividend, ibig
sabihin ay wasto ang ating sagot.

__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 7


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
Gawain

Sagutin ang mga kalagayan sa ibaba. Ipakita ang iyong


solusyon.
1. Naisipan ninyong Solusyon:
mangaroling sa Araw ng
Pasko. Nakaipon kayong
magkakaibigan ng ₱100. Tig Kumpletong Sagot:
magkano ang bawat isa kung
4 kayong maghahati-hati?
2. Bumili si Mila ng 3 pirasong Solusyon:
panyo. Magkano ang
magiging sukli niya sa ₱100
kung ang isang panyo ay Kumpletong Sagot:
nagkakahalaga ng ₱30?

Tandaan
Sa pagsagot ng Word Problems Involving Division of
Numbers, mayroong hakbang na dapat sundin. Ito ay
ang mga sumusunod:
Unang hakbang : Unawaing mabuti ang suliranin.
Ikalawang hakbang : Planuhin kung ano ang dapat
gawin.
Ikatlong hakbang : Isagawa ng plano.
Ikaapat na hakbang : Itsek kung tama ang sagot.

__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 8


UNIFIED SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIALS
Grade 2 MATHEMATICS
__________________________________________________________________________________
Pag-alam sa mga Natutuhan
Sagutin ang mga sumusunod. Ipakita ang iyong
solusyon.
1. Nagbayad si Maria ng ₱30 para sa 5 bibingka.
Magkano ang halaga ng bawat bibingka?
2. Sa labas ng pintuan ng silid-aralan ay may 18 na piraso
ng sapatos. Ilan kaya ang may-ari ng mga sapatos na
ito?

Pangwakas na Pagsusulit
Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Kung ikaw at ang kaibigan mo ay maghahati sa 14 na
piraso ng holen,tig ilang holen ang makukuha ninyo?
A. 6 B. 7 C. 8 D. 9
2. Ilang biskwit ang mabibili ni Berto sa kanyang ₱40.00
kung ang bawat isang biskwit ay nagkakahalaga ng
₱5.00?
A. 4 B. 5 C. 8 D. 10
3. Mayroong 24 na piraso ng sapatos na pasalubong ang
tatay mo mula sa ibang bansa. Ibinigay sa iyo ang
isang pares. Ilang tao pa ang maaring bigyan ng
sapatos?
A. 10 B. 11 C. 12 D. 20
4. Si Aling Nena ay may ₱50. Kung bibigyan niya ang 2
anak ng tig ₱10, magkano ang matitira sa kanya?
A. ₱30 B. ₱20 C. ₱15 D. ₱10
5. Magkano ang kabuoang pera ni Anthony kung
mayroon siyang ₱20 at nagbigay pa ang tiyuhin niya
ng ₱30 na paghahatian nilang 2 magkapatid?
A. ₱50 B. ₱45 C. ₱40 D. ₱35

__________________________________________________________________________________________

(This is a Government Property. Not For Sale.) page 9

You might also like