Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa pagbabalik tanaw sa isang tanyag na kasabihan " Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"

masasabi pa ba natin ito kung sa kasalukuyan ay ang mga kabataan ay nasasadlak sa mga
masasamang gawain tulad ng Pagbebenta at pag-gamit ng mga ilegal na gamot, pakikipagbuno
sa mga kalsada, pagnanakaw, paninira ng kagamitan ng iba at mga nakakahamak ng kalokohan.
Dahil sa kawalan ng edukasyon ang kabataan ay naliligaw ng landas at napagkakaitan ng mga
kaalaman sa mga tamang gawin at mga obligasyon.

L ikas sa sistema ng mga bawat tao ang magkamali , ang mga kabataan ay nasadlak sa krimen
gayunpaman ay natutong bumangon mula pagkakalagapak at natutong ituwid ang baluktot na
nakasasanayan at mga pagkakamali. Marami mang naligaw ng landas at sa tulong ng
edukasyon ay nakita muli ang tulay sa tagumpay.

Edukasyon ay isa sa mga aspeto na humuhubog sa pagkatao. Makatutulong ito sa pagbibigay at


paglaganap ng karunungan. Dito nakasalalay ang magandang kinabukasan at maraming
oportunidad sa hinaharap.Sa paghahalintulad sa edukasyon noong panahon nina Dr. Jose Rizal,
ang mga tao ay salat sa impormasyon kaya't kung ano anong mga paniniwala at hakahaka ang
kanilang pinagbabasihan na walang kabuluhan kaya't ang mga pilipino ay nasa kamay ng mga
dayuhan. Sa pagpapalaganap ng mga kaalaaman nakamit natin ang tinatamasang kalayaan. At
sa tulong ng edukasyon, muling napagtibay ang pundasyon ng bansa.

Nasa atin nakasalalay ang ating kapalaran, ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang sa
kinabukasan sapagkat ang gobyerno ay naghain ng mga programang nagbibigay ng libreng
edukasyon upang bumaba ang bilang ng mga kabataan na hindi nabibiyaang makapagtapos ng
pag-aaral. Kinakailangan ng tiwala, tapang, determinasyon, pangarap, at sapat na katalinuhan.
Sa kasalukuyang panahon, maraming mga tao ang nagdurusa at napapahamak ng mga scam o
mga manlolokong tao dahil sa kakulangan ng sapat na ideya, kinakailangan ng masuring
pagsisiyasat upang masigurong tama at wasto ang mga proseso

Hindi lamang hinahasa ng edukasyon ang isipan kundi pati ang pakikisalamuha sa ibang tao,
pakikisama, tamang pag-uugali, at damddamin. Ito rin ang susi ng mga nakakandadong
tagumapay at mabubuting pangyayari sa kapaligiran. Isa oang dagdag kaalaman, ito ay ang
nagmumulat sa bawat isa sa daloy ng komunidad, pamumuhay, at pagkatao. Ito ang nagsisilbing
krayola na kumukulay sa proseso ng pakikipagsapalaran sa buhay,

Maraming rason kung bakit sinabing “Ang kabataan ang Pag-asa ng bayan”. Pag-asang
pinaningning ng mga aral na napulot sa pagkadapa. Pag-asang mas pinalinaw ng pagkabasag.
Pag-asang magsisilbing inspirasyon para sa mga kabataang minsang naligaw at napagkaitan ng
liwanag. Isang pag-asa na kailangan ng ating bayan.

You might also like