Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BUO PARA SA DIYOS

MATEO 22:37-38
Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong
puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang
pinakamahalagang utos sa lahat.

Ang pinakamagalagang utos sa lahat ng utos. Kung lahat lamang ay


susundin ang utos na ito wala sanang maliligaw ng landas. Wala
sanang mga panghihinayang sa buhay na mararanasan. Ngunit dahil
sadyang mahina ang tao't makasalanan, mahirap masundan ang utos
na ito.

Ang tao ay nasasanay na sa kanilang mga sariling kasiyahan. Nawiwili


sa mga karangyaang nalalasap ngunit nalilimutan ang
pinakaimportanteng sa buhay.

Oo nga't kinikilala natin ang ating Panginoong Diyos, ngunit lubos ba


ang pagkakakilala natin sa Kanya?
Nalalaman ba natin ang mga makalulugod sa Kanya? Nagagawa ba
natin ang mga nais Niya para sa atin?

Ilan lamang ito sa mga katanungan kapatid. Kaya ba nating ibigay ng


buo ang ating mga puso, kaluluwa at pag-iisip para sa Diyos, hindi
kalahati lang, hindi 1/3 o 1/4 lang o hindi ng kahit anong panukat
lamang. Buo mga kapatid, buo po.

Hindi naman po ibig sabihin na bawat segundo ng ating buhay ay


luluhod tayo't mananalangin lamang. Hindi po mga kapatid, kung
uunawain nating mabuti, hindi po ganito ang nais ng ating Panginoon.

Ang alam ko pong ibig ipaunawa sa atin ng ating Panginoon ay sa


bawat gagawin natin sa ating mga buhay, sa loob ng pamilya man
natin, sa labas, sa ating mga trabaho o sa ating mga pansariling
kapakanan, lagi nawa nating isa-alang-alang ang ating Panginoon.
Kung ang mga ginagawa ba natin ay nagmumula sa Kanya at para sa
Kanya.
Mga kapatid, mahirap po ba? Hindi po mga kapatid. Alam po ba nating
kapag ganito ang ating mga ginawa o gagawin, magiging magaan ang
lahat. Mapupuno ng kagalakan, kapayapaan at pag-ibig ang ating
buong buhay. At makakaiguro po tayong anuman ang ating
kakaharapin, alam nating kayang kaya natin, sapagkat nalalaman
natin na ang ating Panginoong Diyos ay buo ang suporta sa atin.
HALLELUYAH!
Praise the Lord our God alone, Amen!

You might also like