Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Jonazen A.

Quitoras Filipino Sa Pling Larangan

Grade 12 STEM St. LUCY Mr. Edgardo S. Sunega

“Seminar sa Malikhaing at Akademikong Pagsulat”

Isang mabungang pagbati ang aking ipinapaabot sa ating mga kaguruan at sa lahat ng mag-aaral
sa Senior High School. Ako po si Jonazen A. Quitoras ang inyong panauhing tagapagsalaysay sa umagang
ito sa ating Seminar na may tema: Ang Kapangyarihan ng Panitik sa Panahon ng Ligalig at Pantindig.

Isang anyo ng komunikasyon ang pagsulat na kung saan sinasalin ang mga kaalaman sa
pamamagitan ng titik at simbolo.

Mahalagang pag-aralan natin ang pagsulat dahil ito ay nakatutulong sa pang-araw-araw na


pamumuhay lalo na sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipagtalastasan sa paraan ng
pagsulat. Ito’y nagpapahayag ng opinion, saloobin, damdamin, at katotohanan sa mga mambabasa.
Nakatutulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang kausap at
nakapagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay. Ang pagsulat din ay nakatutulong sa
pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa. Higit sa lahat dahil sa mga naisulat na balita at mga naisulat
na libro ay maari natin itong magamit sa hinaharap.

Nakatuulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa pagsulat sa personal man o sosyal


na aktibidad. Dahil sa pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip mas lumalawak ang kaalaman ng isang
mag-aaral na tulad mo. Halimbawa na lamang sa personal na aktibidad nakatutulong ito upang mas
malinaw niyang maisulat ang nais ipahayag ng kaniyang damdamin sa mga proyekto o sa ano mang
akademikong sulatin. Halimbawa naman sa sosyal na aktibidad dapat na ipa-iral ang pagiging malikhain
at mapanuring pag-iisip sapagkat ang mga naisulat mo ay hindi lamang siya ang makakabasa nito,
bagkus maging ang lahat ng tao na nais basahin ang kaniyang isinulat.

Dumako naman tayo sa kahalagahan ng mga akademikong sulatin na ginagamit sa iba’t ibang
larangan.

Una sa lahat ay ang talumpati, dahil dito mapapalawak ang kaalaman ng mga manonood o
tagapakinig tungkol sa paksang tinatalakay. Dahil din dito tayo ay nakakakuha ng dagdag na
impormasyon na makakatulong sa pagbuo ng ideya at opinion. Pangalawa ay replektibong sanaysay,
higit na lumalawak ang ating pag-iisip kung paano natin ibabahagi an gating ideya, Malaya rin nating
naipapahayag an gating opinion at atayo ay may kakayahang makaimpluwensya sa iba. Pangatlo ay ang
posisyong papel, ang kahalagahan nito ay upang ating mailahad ang opinion tungkol sa mahalagang isyu
sa lipunan at upang mapanghimok sa mambabasa na maunawaan at sang ayunan ang isang opinion.
Pang-apat naman ay ang lakbay sanaysay, mahalaga ito sapagkat ito ang ating magiging pamamaraan
upang maibahagi ang naging karanasan ukol sa ating mga nakikita sa mga paglalakbay. Panglima naman
ay ang pictorial essay, sa pamamagitan ng caption at mga larawan ay epektibong paraan upang lumikha
ng isang personal na mensahe upang lumikha ng isang personal na mensahe upang maibahagi sa
pamilya, kaibign at sa lahat ng publikasyon. Pang-anim naman ay ang abstrak, dahil dito nagkakaroon
tayo ng ideya tungkol sa dokumentong ginawa. Pang-pito ay ang sintesis , dahil dito napapadali ang pag-
unawa ng mambabasa sa lahat ng akda. Pangwalo ay ang panukalang proyekto, upang makakuha ng
pagpopondo tungkol sa proyekto na nais mong gawin. Pangsiyam naman ay ang agenda, mahalaga ito
dahil ito’y nagsisilbing gabay na nagbibigay ng malinaw na direksyon kung paano mararating nang
mabilis ang patutunguhan. Pang sampu naman ay ang memorandum, ito’y mahalaga sapagkat ito’y
nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong. Pang labing-isa naman ay ang bionote dahil dito
tayo ay may direktang impormasyon sa iba’t-ibang gawa ng may akda. Ang panghuli naman ay ang
katitikan ng pulong, ito’y mahalaga sapagkat natitiyak na nasunod ang agenda, ito rin ang nagsisilbing
matibay na dokumentasyon bilang ebidensya sa mithiin ng isang pagpupulong.

Dito na po nagtatapos ang ating seminar sa umagang ito, naway ang mga mag-aaral sa Senior
High School ay may napulot na aral, hanggang sa muli, paalam!

You might also like