TELAN - Ehersisyo Sa Reputasyon at Impluwensiya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sumita V.

Telan
EHERSISYO SA REPUTASYON AT IMPLUWENSIYA

MAIKLING PALIWANAG

Ang isa sa mga tanyag na obra maestra sa bansa ay ang “Corrido at Buhay na Pinagdaanan
nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina
Valeriana sa Cahariang Berbania”1 o mas kilala sa pinaikling pamagat nito na Ibong Adarna2.
Tinulungan tayo ng mga larawan sa aklat, komiks at mga palabas kung upang maharaya ang
itsura ng naturang ibon. Ito ay isang makulay na ibon na may magagandang balahibo na
nagpapalit sa bawat pagkanta nito. Nais ko rin sanang pag-aralan kung marahil, maaaring dito
nagmula ang terminong ‘kumanta’ na ginagamit na termino sa kasalukuyan kapag may isang
indibidwal na nagsisiwalat ng mga isyu na siya ring ginawa ng ibon nung ibinunyag sa hari
ang naging paglalakbay ng tatlong magkakapatid3. Ang pokus ng papel na ito ay saan kaya
nagmula ang impluwensiya ng kasalukuyang paglalarawan ng mga kulay ng ibong Adarna.

Lumabas sa midya ang unang naging paglalarawan sa Ibong Adarna. Ito ay sa pamamagitan
ng pelikula4 na pinamagatang “Ibong Adarna” noong 1941, gumamit ito ng ibong macaw o
Ara macao (siyentipikong termino) bilang kinatawan ng Ibong Adarna. Ang ibong ito ay
mayroon lamang tatlong pangunahing kulay: pula, asul at dilaw5. Sa isang lathala mula kay
Tiongson, ang kulay ng Ibong Adarna ay tila isang pagbabagong kalaydoskopo na sa simula
ito ay kulay ginto hanggang sa unti-unting magiging asul6. Kaya naman, nalilimita lang palagi
ang kulay ng ibon sa dalawa hanggang tatlong kulay. Sa pagkakataong pa lang na ito ay naging
kuwestiyonable na ang nabuong padron para sa imahe ng Ibong Adarna dahil sa mismong
metriko romanse ay mayroon itong pitong kulay na nagbabago sa bawat pitong awit: perlas,
kiyas (bronze), esmaltado (emerald), dyamante, tinumbaga (gold and copper), kristal, at
karbungko (dark red garnet). Kung mayroon pa lang pitong kulay sa orihinal na teksto, bakit
nagiging tatlo na lang pagdating sa persepsyon ng tao?

Sa katunayan, mayroong milyong bilang ang kulay at 11 lamang ang kulay ang kinikilala’t
karaniwang nakakasama sa color pallet. Ayon sa isang pag-aaral, ang mga wika sa bansang
industrialisado ay mayroong higit sa 11 kulay na tanyag gaya na lang ng America samantalang
ang mga bansang hindi naman gaya ng Papua New Guinea ay mayroon lamang limang kulay
at ang Bolivia ay may tatlo7. Ilan naman kaya ang sa Pilipinas? Mainam na pagmulan ng tugon
dito ang papel na pinamagatang Hanunoo Color Categories8. Matutugunan nito ang pag-unawa
sa pagkakategorya ng mga kulay na nakabatay sa sistema ng bansa na may kaugnayan sa
leksikal na pag-aaral ng kapaligiran9. Apat na batayan ang ginamit upang magbigay katawagan
sa mga kulay: matingkad (lightness), malamlam (darkness), mamasa (wetness) at manuyo
(dryness). Sa isinigawang pag-aaral, mayroong dalawang lebel10 ngunit gagamitin lang natin
ang Level I upang matukoy kung bakit kaya ang pitong kulay ay naging tatlo na lang kalaunan.

1
Ang mga tala ng mga korido at awit mula kay Vicente Barres noong 1887 ay nagpakita ng salin sa
Espanyol ng mga metriko romanseng Tagalog.
2
Kahit na ang pamagat nito ay Ibong Adarna, hindi tungkol sa Ibong Adarna ang kuwento. Ang tuon
ng kuwento ay sa paglalakbay ng tatlong magkakapatid. Naging kasangkapan lang ang ibon upang
mapagaling ang kanilang ama.
3
Hindi sasapat ang espasyo ng papel na ito at iba ang target na layunin.
4
Ibong Adarna idinirehe ni Vicente Salumbides noong 1941; nasa 11:45 ang unang paglitaw ng ibong
Adarna sa pelikula.
5
Stradi, Pino, Celentano (2001)
Ang unang lebel ay nahahati sa apat na katawagan: mabiru (kulay ng itim), malagti (kulay ng
puti), marara (kulay ng pula), at malatuy (kulay ng berde). Isinakategorya ko ang pitong kulay
ng Ibong Adarna gamit ang unang lebel11 ng Hanunoo.

Kulay ng Ibong
Mabiru Malagti Marara Malatuy
Adarna
Perlas ✓
Kiyas (Bronze) ✓
Esmaltado

(Emerald)
Dyamante ✓
Tinumbaga (Gold

at Copper)
Kristal ✓
Karbungko
(Dark Red ✓
Garnet)

Kung mapapansin sa talahanayang nasa itaas, ang tanging kulay lamang ng Ibong Adarna na
hindi pasok sa pagkakategorya ng kulay ng Hanunoo ay ang mabiru o kulay ng itim.
Malinawanag mula sa pagbabatay na ito kung bakit sa mga midya, ang nagiging representasyon
lang sa Ibong Adarna ay nalilimitahan sa dalawa hanggang tatlong kulay. Maganda ring tignan
ang lente na ang mga kulay ng Ibong Adarna ay mga kulay na karaniwang nakikita natin sa
kapaligiran at sa kalikasan na siya ring pinagmulan ng kategoryang ating sinusundan. Ang mga
ito rin ay pawang mga bato mula sa ating mga minahan na isa sa pangunahing pinagkukunan
ng yaman ng ating bansa.

Bukod sa totoong kulay na ibinibigay na representasyon sa Ibong Adarna ng midya, naroon din
ang paghahalintulad nito sa sarimanok. Malaki ang papel ng sarimanok sa kultura ng ating
bansa lalo na sa mga Maranao dahil naitatampo at naipapamalas nila ang kanilang natatangi at
kakaibang galing sa larangan ng sining12. Maraming alamat ang sarimanok at lahat ng ito ay
pawang nagbibigay ng mataas na pagtingin dito. Maaaring ito ay pinagmumulan ng maraming
kayamanan, kasaganaan, suwerte o paggaling ng isang indibidwal. Maikakabit dito marahil
ang kuwento ng Ibong Adarna na kapara ang kuwento sa mga alamat ng sarimanok.

Maliban din sa pagkakahawig ng kuwento ng dalawa, malaki rin ang impluwensiyang kultural
ng sarimanok bilang representasyon ng Ibong Adarna. Sa isang kumperensiyang13 ginanap dito
sa bansa, itinuring ang sarimanok bilang pagkakakilanlan ng bansa. Ito rin ang motif na gamit
sa mga disenyong arkitektural o mapahabi man. Dahil sa malawakang paggamit ng sarimanok
bilang identidad ng sining hindi lang ng mga Maranao kung hindi na rin ng bansa, hindi
malayong ito na rin ang gamitin upang makabuo ng larawan ng isang Ibong Adarna. Ganon
din naman, magkapareho sila ng gamit sa madla – magsilbing simbolo ng kapangyarihan,
pagmulan ng kasaganaan at maging kinatawan ng lipunan.

6
Inihambing ang Ibong Adarna sa isa ring kuwentong pinamagatang Ang Putting Timamanukin.
Parehong pareho ang takbo ng kuwento ng dalawa, iyon nga lang ay nagkatatalo ito sa kulay. Makulay
ang Ibong Adarna samantalang ang timamanukin ay kulay puti lamang na siyang kamakatawan sa
Bathala.
7
Ang binibilang dito ay ang mga kulay na ginagamit palagi at hindi ang pagbibigay nito ng pangalan o
katawagan.
8
Isang pag-aaral sa mga Hanunuo na nakatira sa isla ng Mindoro (1952-1954).
9
Conklin (1955)
10
Ang ikalawang lebel ay ginagamit lamang kung kinakailangan ng mas espisipikong katawagan sa
isnag kulay na hindi matutugunan ng unang lebel.
11
Ang mabiru ay kinabibilangan ng itim, lila, indigo, asul at iba pang madidilim na kulay. Ang malagti
naman ay mga kulay na magagaan o mapupusyaw. Samantalang ang marara ay may maroon, pula, kahel
at dilaw. Huling bahagi ay malatuy o malamlam na berde.
12
Bago pa man dumating ang mga Kastila ay maroon ng sariling pamamaraan ng sining ang mga
Maranao.
13
First Asian Congress of Architects And Asian Identity: A Search For A Meaningful Role

SANGGUNIAN

Benitez, Francisco. “Ang mga Pinagdaanang Buhay ng Ibong Adarna: Narrativity and
Ideology in the Adarna’s Corrido and Filmic Versions.” Kritika Kultura, vol. 10, Ateneo de
Manila University, 2008, p. 12
Tiongson, Nicanor G. “Philippine Korido.” Philippine Studies, vol. 17, no. 1, Ateneo
de Manila University, 1969, p. 164
Stradi, R., Pini, E., Celentano, G. “The chemical structure of the pigments in Ara macao
plumage.” Comparative Biochemistry and Physiology Part B: Biochemistry and Molecular
Biology, vol. 130, p. 58
Conway, B., Gibson, T., “The World Has Millions of Colors. Why Do We Only Name
a Few?” The Conversation, 2017.
Conklin, Harold C., “Hanunoo Color Categories.” Southwestern Journal of
Anthropology, Winter, vol. 11, no. 4, 1955, p. 344
Gimenez-Maceda, Teresita. “Notes on the Third National Folklore Congress.”
Philippine Studies, vol. 25, no. 4, Ateneo de Manila University, 1977, pp. 441–45

You might also like