Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

School Grade Level FIVE

LESSON Teacher Learning Area ESP


EXEMPLAR Teaching Date Quarter THIRD/W1
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ang mag-aaral ay:

*Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino


*Naisasagawa ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino.

A. Pamantayang Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang alituntuntunin at batas na
Pangnilalaman may kinalaman sa bansa at global na kapakanan
B. Pamantayan sa Naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging
Pagganap kaugaliang Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat,
komitment at pagkakaisa bilang tagapangalaga ng kapaligiran
C. Pinakamahalagang 1. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino (EsP5PPP-IIIa-23)
Kasanayan sa 1.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
Pagkatuto 1. 2 tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
(MELC) (Kung 1. 3 magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
mayroon, isulat 2. Naisasagawa ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino.
ang
pinakamahalagan
g kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Taglay Na Kaugaliang Pilipino, Tanda Ng Pagmamahal Sa Bansa

III. KAGAMITAN Modyul


PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC) MATRIX
Page 83

b.Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain Learner’s Packet
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN Direct lnstruction
The TGA Activity
- Tell (Give guidance)
- Guide (Facilitate the process)
- Act (Apply the concept)
A. Introduction SUBUKIN
(Panimula) Basahin mo ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tsek () kung sangayon ka
sa pahayag at ekis (X) kung hindi.
__________ 1. Nakikilahok ako sa programa ng aming barangay tulad ng paglilinis ng
aming kapaligiran at mga kanal.
__________ 2. Tumutulong lamang ako sa nangangailangan kung mayroon itong kapalit.
__________ 3. Nakangiting sinasalubong ko sina lolo at lola kung sila ay papasyal sa aming
tahanan.
__________ 4. Pinipili ko ang taong dapat tulungan. __________ 5. Nagbibigay ako nang
walang pag-aalinlangan.

BALIKAN
Isulat ang K kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kaugalian ng mga Pilipino at DK kung
hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
_______ 1. Pagtutulungan o bayanihan ng bawat kasapi ng pamayanan.
_______ 2. Pagtangkilik sa mga produktong banyaga. _______ 3. Pagtanaw ng utang na
loob.
_______ 4. Pakikiisa sa mga gawain tuwing piyesta. _______ 5. Hindi paghahanda ng mga
prutas na bilog tuwing sasapit ang bagong taon.
ARALIN
TELL
HEALTH INTEGRATION
B. Development Ang pagmamahal sa bansa ay isa sa mga kaugalian nating mga Pilipino. Maipapakita natin
(Pagpapaunlad) ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga katangian, kultura at kaugaliang kumakatawan
sa ating mga Pilipino.
Basahin ang maikling kuwento sa ibaba at samahan mo akong tuklasin ang hiwaga ng
bayanihan.
Bayanihan sa Panahon ng Pandemya
Isang araw, nagkaroon ng pagpupulong ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ng
kanilang kapitan na si G. Rhalp Vea. Isang proyekto ang kanilang napagkasunduang gawin
upang matulungan ang mga pamilya na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.
Naisipan ng kapitan na lumapit sa mga maykayang mamamayan ng barangay upang
humingi ng donasyon na makatutulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pandemya.
Marami ang tumugon sa naging proyekto ng barangay, isa na rito ang pamilyang Mabunga
na nagbigay ng mga donasyon tulad ng bigas, de lata at hygiene kit. Maliban sa kanila
marami pang may-kayang pamilya ang nakilahok at nagbigay ng tulong sa nasabing
proyekto dahil sa magandang adhikain nito. Ipinapakita lamang nito na ang pagbabayanihan
o pagtutulungan ng bawat isa ay tanda ng pagmamahalan at pagmamalasakit sa kapwa.
Naunawaan mo ba ang maikling kuwento? Kung gayon, iyong sagutin ang mga sumusunod
na katanungan.
1. Sino ang nanguna sa pagpupulong?
2. Tungkol saan ang ginanap na pagpupulong?
3. Sino-sino ang mga naghandog ng donasyon para sa proyekto?
4. Anong kaugaliang Pilipino ang ipinakita ng mga mamamayang nagbigay ng donasyon
para sa proyekto ng kanilang barangay?
5. Ano ang gagawin mo sa ganitong sitwasyon kung ang pamilya niyo ay nakaluluwag din
sa buhay? Bakit?
MGA PAGSASANAY
GUIDE
Gawain 1 Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga
katanungan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel o kuwaderno.
1. May nakita kang batang gusgusin sa labas ng Jollibee habang kayo ay kumakain.
Maraming pagkain ang nasa inyong mesa sapagkat natanggap na ng iyong ina ang
kaniyang sahod. Batid mong hindi ninyo mauubos ang lahat ng ito. Ano ang iyong
C. Engagement gagawin?
(Pagpapalihan) a. Magpapaalam sa nanay na bibigyan ng sobrang pagkain ang bata.
b. Iingitin ang bata habang kumakain ka ng hamburger.
c. Hahayaan lamang siya na parang walang nakita. d. Paaalisin ang batang gusgusin
upang hindi mo siya makita.

2. May nakita kang matandang babae na naglalakad. May dala siyang mabigat na bayong.
Hirap na hirap siya sa pagbubuhat papunta sa sakayan ng dyip. Ano ang iyong gagawin?
b. Lalampasan at hindi papansinin ang matanda upang makauwi agad sa bahay.
b. Sisigawan siya dahil naaabala ka sa pag-uwi mo.
c. Magalang na kakausapin ang matanda na ikaw na ang magbubuhat ng dala niyang
bayong hanggang sa sakayan.
d. Babanggain ang matanda hanggang sa matumba siya.

3. Naliligo ang pamilyang Garcia sa dagat dahil kaarawan ng anak nilang si Josh. May
batang babae na naliligo malapit sa kanila. Maya-maya, nakarinig sila ng tinig na humihingi
ng tulong. Namumulikat ang paa ng batang babae kaya nahihirapan siyang lumangoy. Ano
ang posibleng gagawin ng pamilyang Santos?
a. Hahayaan lang ang bata hanggang sa malunod siya dahil hindi naman nila kaano-ano
iyon.
b. Sasagipin at tutulungan ang batang nalulunod kahit hindi nila kaano-ano.
c. Sasabihan ang magulang ng bata para sila ang sumagip sa kaniya.
d. Lalayo at ipagpapatuloy ang kanilang gawain.

4. Nadapa ang isang bata habang siya ay tumatakbo. Ikaw lamang ang nakakita sa kaniya
dahil hindi matao ang lugar na iyon. May dala kang first aid kit sa iyong bag. Ano ang
gagawin mo?
a. Lalampasan lamang ang bata dahil gusto mo nang umuwi sa bahay ninyo.
b. Aawayin ang bata para umalis sa daraanan mo.
c. Lalapitan siya at lalapatan ng paunang lunas ang sugat na natamo sa kaniyang
pagkakadapa.
d. Pagtatawanan ang bata at iiwanan siya.

5. Ang inyong lugar ay nasunugan dahil sa naiwang bukas na lutuan o kalan. Ang bahay ng
iyong kaibigan ay nadamay sa sunog samantalang hindi naman nadamay ang inyong bahay.
Sinabihan ka ng pamilya ng iyong kaibigan kung maaaring makikitira muna sila ng isang
buwan sa inyong bahay. Ano ang inyong magiging tugon ukol dito?
a. Isasarado ang pinto matapos marinig ang pakiusap ng pamilya ng iyong kaibigan.
b. Sisigawan sila na umalis sa tapat ng inyong bahay.
c. Sasabihin sa magulang na huwag silang patuluyin sa inyong bahay.
d. Patutuluyin sila sa aming bahay hanggang sa makaahon sila sa buhay.

Gawain 2
Lagyan ng () ang bilang ng pangungusap na nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang
Pilipino at (X) kung hindi. Isulat sa kuwaderno o sagutang papel ang iyong sagot.
__________ 1. Laging nakikiisa sa programa ng pamahalaan.
__________ 2. Tumutulong lamang kung may kapalit. __________ 3. Tumulong nang
kusang-loob.
__________ 4. Tumulong lang minsan at hindi na umuulit pa. __________ 5. Isinasapuso
lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa.

Gawain 3
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipagmamalaki ang mga natatanging kaugalian nating
mga Pilipino?
PAGLALAHAT
Likas sa ating mga Pilipino ang mga natatanging kaugalian. Kilala tayo sa pagiging
matulungin sa ating kapwa ito’y kaugaliang kanais-nais, magiliw na pagtanggap sa mga
panauhin, mapagmahal sa pamilya, pagiging masayahin ay ilan lamang sa mga mabubuting
kaugaliang Pilipino. Lagi nating tatandaan na ang pagtutulungan o bayanihan ay hindi natin
dapat makaligtaan kahit kailan. Sapagkat ito ang magiging daan tungo sa kaunlaran ng
buong sambayanan.

Upang mas lalong mapalalim ang iyong pag-unawa sa aralin na ito, punan ang graphic
organizer ng mga halimbawa ng kanais-nais na kaugaliang Pilipino mayroon ang iyong
pamilya. Gawin ito sa iyong kuwaderno o sagutang papel.

PAGPAPAHALAGA

Tayong mga Pilipino ay kilala sa ating magagandang kaugalian at tradisyon. Karamihan sa


mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng pagiging isang mabuting mamamayan. Tingnan ang
mga larawan. Isulat sa iyong kuwaderno o sagutang papel ang bilang na nagpapakita ng
kanais-nais na kaugaliang Pilipino. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
D. Assimilation
(Paglalapat)

PAGSUSULIT
ACT
AP INTEGRATION
Panuto: Iguhit ang masayang mukha () kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kanais-
nais na kaugaliang Pilipino at malungkot na mukha (☹) naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel. __________ 1. Nagmamano sa magulang at nakatatanda bilang
paggalang.
__________ 2. Gumagamit ng “po” at “opo” sa pagsagot sa mga nakatatanda.
__________ 3. Nagsisikap na tumulong sa abot ng makakaya.
__________ 4. Inaasikaso at pinauupo ang mga panauhin sa tahanan.
__________ 5. Handa akong tumulong sa aking kapwa sa lahat ng pagkakataon.
__________ 6. Umiiwas sa mga gawaing pambarangay. __________ 7. Lumalahok sa mga
gawaing magpapaunlad sa paaralan.
__________8. Nakikiisa at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at
pangkapaligiran.
__________ 9. Umiiwas sa mga gawaing pambayan. __________ 10. Hindi binibigyang
pansin ang mga taong nangangailangan ng tulong.

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like