Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


104, Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

Ipinasa ni: Ilagan, Jhamie Ipinasa kay: Prof. Ma. Lorella A. Zapatos
Baitang at Seksyon: BVE II – 11

LESSON EXEMPLAR

Petsa: Ika-7 ng Mayo, 2021


Baitang at Markahan: Baitang 3- Ikaapat na Markahan
Asignatura at Paksang Aralin: Edukasyon sa Pagpapakatao; Pananalig sa Diyos (Faith)
Sanggunian: 2016 ESP Curriculum Guide
Bilang ng Oras: 60 minuto

Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananalig sa


Diyos, paggalang sa sariling paniniwala at paniniwala sa iba hinggil sa Diyos, pagkakaroon ng pag-
asa at pagmamahal bilang isang nilikha.
Pamantayan sa Pagganap: 1. Naisabubuhay ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos
2. Naipakikita ang pagmamahal sa Diyos at sa lahat ng Kanyang nilikha kaakibat ang pag-asa

INTRODUKSYON SA ARALIN

Ang aralin na ito ay naglalayong maituro, maipaintindi, at maisagawa ng mag -aaral ang
kahalagahan ng pananalig sa Diyos at ang pag-galang sa relihiyon o paniniwala ng iba. Ito rin
naman ay naglalaman ng saganang konsepto batay sa aralin. Bukod pa rito, ito ay nag bibigay at
naglalaman ng mga aktibidad upang ang mga mag-aaral ay mas mapagyaman ang kanilang
kaalaman sa talakayang ito.

I. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. maunawaan ang kahalagahan ng pananalig sa Diyos.


2. naipapakita ang paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.
3. nakabubuo ng photo collage na naglalaman ng karanasan sa pagsasabuhay ng pananalig
sa Diyos at paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos.
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
104, Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

II. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng silid-aralan at Pagtetsek ng liban at hindi liban
d. Pagpapanood ng 2- minute na video sa mga mag-aaral patungkol sa paggalang sa
relihiyon ng iba. https://www.youtube.com/watch?v=y2s_0XbPh6s

B. Pagtatalakay sa Aralin

a. Matapos mapanood ang video ay magtatawag ang guro ng (5) limang mag-aaral
upang maglahad ng saloobin at karagdagang impormasyon ukol sa napanood.
b. Tatalakayin ng guro sa klase ang mga mahahalagang konsepto ukol sa Pananalig sa
Diyos katulad ng mga sumusunod:
- Pananalig at paniniwala sa Diyos
- Paggalang sa paniniwala ng iba tungkol sa Diyos
- Pagunawa sa pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos at kanyang mga biyaya

C. Gawain
Pagkatapos ng talakayan ang klase ay hahatiin sa apat (4) na pangkat. Ang bawat pangkat
ay bibigyan ng limang (5) minuto upang makapaghanda sa gagawing presentasyon kung
saan sila ay guguhit sa malinis na papel ng sumisimbolo sa kanilang relihiyon o
pinaniniwalaan.

Ang bawat grupo ay may kalayaang gumuhit ng isa o higit pang simbolo na kanilang
gagamitin at ito ay maari rin nilang lagyan ng mga disenyo o kulay. Ang kooperasyon at
pagiging malikhain ng bawat isa sa grupo ay inaasahan. Ang bawat grupo ay may
dalawang aatasan na siyang maglalahad ng gawa ng grupo, sila ay bibigyan ng tatlo (3)
hanggang limang (5) minuto sa paglalahad ng kanilang presentasyon.

D. Paglalapat

Matapos ang isinagawang talakayan ng klase, ang bawat isa ay inaasahan na makagawa
ng photo collage ng kanilang mga sariling larawan na nagpapakita ng kanilang
pagsasabuhay ng pananalig sa Diyos. Ang mga larawang gagamitin ay ididikit sa
makukulay na papel na ipamimigay ng guro. Ipaliliwanag ng guro kung ano ang photo
collage sa mga mag-aaral. Pagkatapos magawa ng mga mag-aaral ang gawain tatawag
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
104, Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

ang guro ng tatlong (3) magbo-boluntaryo na mag-aaral upang ipakita at ibahagi ang
gawa nila sa klase.

Halimbawa ng photo collage:

https://www.ipcprayer.org/media/k2/items/cache/020f5bdda5e609eb70e175a012fe996c_
M.jpg

E. Pagpapalalim
Nasaksihan ng bawat isa sa klase ang kanya-kanyang paglalahad ng presentasyon ng
bawat grupo na nagpakita ng pagkamalikhain at kahusayan sa paglalahad.

Pagkatapos maglahad ng buong pangkat, ang guro ay magbibigay ng komento sa bawat


pangkat. Maglalahad din ang guro sa klase batay sa kaniyang pinaniniwalaan o relihiyon,
at ipapasok nya rin ang kahalagahan ng pagrespeto sa bawat paniniwala ng iba.
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
104, Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

III. Pagtataya

Panuto: Tignan mabuti ang imahe o litrato na makikita sa ibaba. Pagkatapos itong tignan,
isulat ang mga tamang gawi na nakita, at kung mayroon maling gawi ay siya ring isulat.

Bibigyan ang mga mag-aaral ng Sampung (10) minuto para sa pagtataya.

1.

2.
Philippine Normal University
The National Center for Teacher Education
104, Taft Avenue, Ermita, Manila, 1000 Metro Manila

IV. Paglalahat

Pagkatapos ipasa ng mga mag-aaral ang kanilang mga sagutang papel ay magbibigay
panuto ang guro sa magiging daloy ng klase at ang ginawang aktibidad sa klase. Ang
guro ay magtatawag bubunot ng limang (5) papel ng mag-aaral na siyang maglalahad ng
kanilang sagot sa harapan.

Ang guro ay bibigyan ng pagpupuri ang bawat mag-aaral sa kanilang mga sagot. Matapos
magbigay papuri sa mga mag-aaral ang guro ay magbibigay ng importateng repleksyon o
mensahe ng talakayan na ukol sa pananalig sa Diyos at paggalang sa paniniwala ng iba.

V. Repleksyon

Panuto: Bago matapos ang klase ang bawat mag-aaral ay magsusulat ng kanilang
repleksyon sa talakayan sa araw na ito. Ang repleksyon ay susundan ng mga gabay na
tanong na:
- Ano ang pinaka-importanteng natutunan mo sa araw na ito?
- Ano-ano ang mga konsepto ang hindi mo naintindihan?
- Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay ang napag-aralan sa talakayang ito?

----------------------------------------- END-----------------------------------------

INIHANDA NI: JHAMIE ILAGAN

You might also like