Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 32

3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Modyul 4:
Hamon ng Buhay: Harapin,
Kayanin at Pagtagumpayan!
Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikatlong Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Hamon ng Buhay: Harapin, Kayanin, at Pagtagumpayan!
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development Team of the Module


Writers: Maribeth D. Lacang, Maria Anna B. Santander, Sally P. Osanastre, Jovelyn A.
Abrasaldo, Aubrey Gail D. Erazo, Nice C. Ortizo
Editors: Liza Jane M. Nierra
Reviewers: Jay Sheen A. Molina, Lorelie C. Salinas
Illustrator: Lyndin S. Bordamonte
Layout Artist: Maquille Angelou C. Sabano
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, Ph.D CESO IV – Regional Director
Atty. Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Ruth L. Estacio, Ph.D. CESO VI – Schools Division Superintendent
Carlos G. Susarno, Ph.D – Special Assistant to the SDS
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz, Ph.D. – REPS – Subject Area Supervisor
Lalaine SJ. Manuntag, Ph.D – CID Chief
Nelida A. Castillo, Ph.D – Division EPS In Charge of LRMS
Marichu R. Dela Cruz, Ph.D- Division ADM Coordinator
Rosmie P. Salada, Ph.D – EPS – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
3

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 1 – Modyul 4:
Hamon ng Buhay: Harapin,
Kayanin, at Pagtagumpayan!
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang ng
Self-Learning Module (SLM) para sa Ika-apat na Aralin: Hamon ng Buhay: Harapin,
Kayanin, at Pagtagumpayan!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala Para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Baitang ng Self-Learning
Module (SLM) ukol sa araling Hamon ng Buhay: Harapin, Kayanin, at Pagtagumpayan!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman


mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
Pagwawasto sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

iii
Sanggunian Ito ay naglalaman ng mga talaan ng
pinagkukunang impormasyon ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanayHuwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya Mo Ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at dinisenyo na ang


pangunahing layunin ay tulungan ang mga mag-aaral na tulad
mo. Layunin nitong ituro sa iyo ang mga kaalaman ukol sa
katatagan ng loob na sa bandang huli, ay maisabuhay mo ang
mga ito. Nakapaloob din dito ang iba’t ibang gawin na
naglalayong pag-ibayuhin ang iyong sarili, ang iyong kaugnayan
hindi lamang sa iyong pamilya kundi ay pati na rin sa iyong sariling
pamayanan.
Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:
Aralin 1 - Lahat Kakayanin Ko!
Aralin 2 - Suliranin, Kayang Harapin!
Aralin 3 - Hamon ng Buhay, Kayang Lampasan!
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
 Nakatutukoy ng mga damdamin na nagpapamalas ng
katatagan ng kalooban (EsP3PKP -Ic-16)

1
Subukin

Panuto: Basahin at intindihin ang bawat aytem. Bilugan ang letra


ng napili mong sagot.

1. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit. Ano


ang gagawin mo?
A. Magtatago sa kwarto
B. Titiisin ko ang sakit para mabakunahan ako laban sa sakit.
C. pagbabalewala
D. Ipagpaliban ang pagbabakuna

2. Sumasali sa mga palatuntunan at paligsahan kahit minsan ay


natatalo. Nagpapakita ba ito ng katatagan ng loob?
A. Opo, nagpapakita ng katatagan ng loob
B. Hindi dahil natalo
C. Siguro
D. Walang pakialam

3. Paano maipapakita ang katatagan ng loob?


A. Nanghahamon ng away sa kaklase
B. Maglalaro sa labas ng bahay kahit umuulan
C. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro
D. Nagagalit kapag sinasabihan ng mga maling ginagawa

2
4. Mahirap lang kayo. May mga araw na wala kang baon dahil
sa kulang pa itong pambili lang pagkain. Bilang isang mag-
aaral, paano mo maipapakita ang katatagan ng kalooban
sa gitna ng kahirapan.
A. Liliban ako sa klase tuwing wala akong baong pera.
B. Titipirin ko ang perang ibinibigay sa akin at titiisin ang hirap
habang ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral.
C. Magagalit ako sa aking mga magulang dahil hinahayaan
nila akong maghirap.
D. Lagi akong magmumukmok sa aking kwarto.

5. Alin dito ang nagpapakita ng positibong damdamin?


A. pagkamakumbaba C. pagkapoot
B. pagkamainitin ang ulo D. pagkainis

3
Aralin
Lahat Kakayanin Ko!
1
Layunin:

1. Nakatutukoy ng mga damdaming nagpapamalas ng


katatagan ng loob
2. Nakapagpapakita ng mga damdaming nagpapamalas ng
katatagan ng kalooban
3. Napahahalagahan ang iba’t ibang damdamin na may
katatagan ng loob

Balikan

Magandang araw! Kumusta ka? Ang araling ito ay inihanda


upang iyong matukoy, maipakita at mapahalagahan ang iba’t
ibang damdamin nang may katatagan ng loob.

Bago tayo magsimula sa bagong leksyon, balikan muna natin


ang nakaraang aralin. Basahin ang isang sitwasyon.

Magkakaroon ng isang paligsahan sa paggawa ng poster


sa inyong paaralan. Sinabihan ka ng iyong guro na sumali dahil
alam niya na mahusay kang gumuhit pero nag-aalangan ka at
baka mapahiya ka. Paano mo ipapakita ang iyong kakayahan
at tiwala sa sarili? 4
Tuklasin

Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na larawan. Anong


damdamin ang maaaring nararamdaman ng mga batang tulad
mo kung gagawin ang mga ito? Isulat sa patlang ang sagot.

___________________________ ___________________________

___________________________________ ___________________________________

5
Suriin

Panuto: Basahin at suriin ang ipinapahayag ng tula.


Katatagan ng Loob
ni: Maria Anna B. Santander

Katatagan ng loob dapat taglayin,


Ng isang batang tulad mo kahit mahirap gawin.
Maging positibo sa lahat ng pagkakataon,
Tatag ng loob ay laging ibabaon.

Katatagan ng loob dapat isaisip,


Negatibong aksyon iwaksi sa isip.
Pagharap sa mabigat na problema,
Lakas at tibay ng loob dapat ipakita.

Katatagan ng loob dapat pahalagahan,


Upang makagagawa ng bagay na makabuluhan.
Kaya pakatatandaan katatagan ng loob ay harapin,
Kahit mahirap gawin makakaya pa rin.

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa tulang binasa.

1. Ano ang paksa ng tula? ___________________________________


2. Ano-ano ang dapat gawin upang magkaroon ng katatagan
ng loob? ____________________________________________________
6
3. Bakit mahalaga ang katatagan ng loob sa bawat sitwasyon ng
ating buhay? _________________________________________________

Paano mo naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa


pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa at gawi?
Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito?

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang ipinapahayag ay nagpapakita
ng katatagan ng loob at MALI kung hindi.
__________1. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa pagsali
sa isang pandistritong paligsahan.
__________2. Makikipaglaro ka sa mga kaklase mo.
__________3. Magsasabi ka ng totoo kahit alam mong ikaw ay
mapapagalitan.
__________4. Umiiwas ka sa pakikipag-away.
__________5. Nagagalit ka kapag pinagsasabihan.

7
Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang iba’t ibang damdamin na isinasaad
sa bawat pangungusap. Piliin ang tamang salita mula sa kahon.

nahihiya nalulungkot nasisiyahan natatakot nagagalit

________________1. Matutulog sa kwarto na walang katabi.


________________2. Hindi nakagawa ng takdang-aralin.
________________3. Inagawan ng pagkain ng kaklase.
________________4. Sasayaw sa harap ng maraming tao.
________________5. Nanalo sa paligsahan.

Isaisip

Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katagan ng loob?


Panuto: Bilugan ang tamang salita sa loob ng panaklong na
kukumpleto sa kaisipan.

Ang katatagan ng ( loob, puso )ay isang uri ng katangian na


dapat isabuhay at ( pahalagahan, ipagbabawal ) ng bawat tao.
Bilang isang mag-aaral sa ikatlong baitang, ( palaging, minsan)
isaisip ang pagiging ( positibo, negatibo ) sa lahat ng
Isaisip
pagpapakataon.
Dapat isaalang-alang at pagtuunan ng pansin ang mga
gawaing ( makapagpapatatag, makasisira ) ng iyong kalooban
Ano-ano ang mga natutunan mo sa ating leksiyon ngayong
upang makagagawa ng mga makabuluhang bagay sa tulong ng
araw
atingna ito?
Panginoong Diyos.

8
Isagawa

Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer. Ano-ano ang mga


damdaming ipinamamalas ng isang batang may matatag na
kalooban sa gitna ng pandemic? Isulat ito sa loob ng kahon.

Mga
Damdamin na
Nagpapamalas
ng Katatagan
ng Loob

9
Aralin
Suliranin, Kayang Harapin!
2
Layunin:

1. Nakatutukoy ng mga damdaming nagpapamalas ng


katatagan ng loob sa pagharap ng suliranin
2. Nakapagpapakita ng mga damdaming nagpapamalas ng
katatagan ng kalooban
3. Napahahalagahan ang iba’t ibang damdamin na may
katatagan ng loob

Balikan

Kumusta ka? Bago tayo magsimula ng ating panibagong


aralin, magkakaroon muna tayo ng isang gawain.
Panuto: Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng tiwala sa sarili? Bilugan ang titik ng tamang sagot.
A. Kahit na kinakabahan si Anne tinapos pa rin niya ang
kanyang pag-awit.
B. Madaling mainis si Joy dahil maingay ang kanilang
kapitbahay.
C. Tinapos pa rin ng nanay ang paglalaba kahit mataas na
ang araw.
D. Tinitiis ng mga Frontliners ang hirap ng kanilang Gawain
makatulong lamang sa kanilang kapwa.

10
E. Naghuhugas parati ng kamay si Bert lalo na kung siya’y
kakain.
F. Tinatanggap ni John ang kanyang pagkatalo sa
paligsahan.
G. Palaging umiiyak si Emily dahil siya ay binubully.

Tuklasin

Basahin ang diyalogo.

Ang Pangarap ni Liza

Ang pamilya ni Liza ay mahirap lamang. Maagang namatay


ang kanyang ama noong sya ay nasa ika-anim na baitang pa
lamang. Ngayon nasa kolehiyo na siya, palaging inaatake sa puso
ang kanyang ina at palaging labas pasok sa ospital. Isang hapon
nadatnan niyang nag-uusap ang kanyang mga kapatid tungkol sa
nangyari sa kanilang ina sa ospital.

Liza: Hi Kuya. Ano ang nangyari? Bakit kayo umiiyak?

Ben: (panganay na anak). Wala na si inay pumanaw na siya. Hindi


niya nalabanan ang kanyang sakit. Masakit man pero kailangan
natin itong tanggapin. Hihinto muna sa pag-aaral ang ating
bunsong kapatid na si Liza.

Will: Bilang pangalawang kapatid ninyo pabor ako sa sinabi ng


ating panganay dahil wala na tayong mapagkunan ng pang-
matrikula ni Liza. Marami pa tayong utang na babayaran.
11
Liza: Wala po akong magagawa kundi sumunod sa inyo. May
naisip akong paraan, mag working student po ako para matapos
ko ang aking pag-aaral.

Lumipas ang mga taon natapos ni Liza ang kanyang pag-aaral


dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Hindi naantig ang kanyang
damdamin sa kabila ng mga pighati. Naging matatag siya at
napagtagumpayan niya ang lahat na pagsubok sa buhay.

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa papel.

1. Bakit umiiyak ang mga kapatid ni Liza?

2. Ano ang balak ng mga kapatid ni Liza sa kanya?

3. Anong katangian ang ipinakita ni Liza sa kanyang mga kapatid


na magpapatunay na matatag ang kaniyang kalooban?

Suriin

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan. Alin dito ang nagpapakita


na ginagawa ang mga bagay na may damdamin? Lagyan ng tsek
( √ ).

12
Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung nagpapakita ng


damdaming pang-emosyonal at malungkot na mukha naman

kung hindi.

_____1. Matatag na matatag pa rin ang mag-anak kahit na nasawi


ang kanilang mga magulang.

_____2. Nagiging pabaya ang ama ni Sonia dahil sa hirap ng buhay


ngayon.

_____3. Huminto na sa pag-aaral ang aking kapatid dahil mababa


ang kanyang mga grado.

_____4. Masayang ginampanan ni ate ang mga tungkulin dahil


pumunta ang aming nanay sa ibang bansa upang magtrabaho.

_____5. Tinanggap ko nang maluwag sa aking kalooban ang


pagkakamaling nagawa ko.

Gawain 2

Naiwala ni Jason ang


baong perang ibinigay
ng kanyang ama. Ano
ang nararapat niyang
gawin? Iguhit sa kabilang
kahon ang nararapat
niyang gawin.

13
Isaisip

Panuto: Buuin ang kaisipang ito. Piliin sa loob ng kahon ang angkop
na salita.

tagumpay damdamin Panginoon loob pagbabago

Ang pagkakaroon ng bukas na _____________ ay isang


magandang ugali na dapat taglayin ninuman. Dito nasusubok ang
katatagan ng ____________ na siyang magbigay daan sa pagkamit
ng _____________ dahil marunong kang magpasya at tumanggap
ng mga kamalian na siyang magtuturo sa iyo sa tamang daan.
Kaya huwag mag alinlangan tumawag sa _____________ upang
basbasan ang iyong pagkatao tungo sa _____________ .

Isagawa

Bilang mag-aaral, anong damdamin ang dapat ipakita


kung may natanggap na regalo sa iyong kaarawan? Maaari
mong isulat ang sagot sa loob ng hugis bituin.

14
Aralin
Hamon ng Buhay, Kayang Lampasan!
3
Layunin:
1. Nakatutukoy ng mga damdamin ng katatagan ng loob
sa pagharap ng mga hamon sa buhay
2. Nakapagpapakita ng mga damdaming may
katatagan ng loob
3. Napahahalagahan ang damdaming nagpapakita ng
katatagan ng loob

Balikan

Magandang umaga sa iyo! Ngayon ay hinaharap natin ang


malaking pagsubok na kung saan humahamon sa ating
katatagan. Ngayong nasa Pandemic tayo dapat nating
pakatandaan ang laging paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng
face mask at pag-observe ng social distancing. Mahalagang
isaisip natin ito upang maproteksyunan natin ang ating sarili at ang
ating kapwa. Bago tayo magsimula, balikan natin ang mga
natutunan mo tungkol sa mga gawain na nagpapakita ng
pagtitiwala sa sarili.

15
Panuto: Tukuyin kung ang larawan ay nagpapakita ng tiwala sa
sarili. Bilugan ang larawan ng tamang sagot.

Tuklasin

Basahin ang kuwento.


Hansel and Gretel
May isang mahirap na mangangahoy na may dalawang
anak, sina Hansel at Gretel. Mahal na mahal niya ang mga ito. Sa
kasamaang palad, nakumbinsi siya ng pangalawa niyang asawa
na iwan sa gubat ang mga anak dahil wala na silang
makain. Subalit, naka-uwi ang mga ito dahil sa
sinundan nila ang mga batong inilaglag nila sa daan.
Kinabukasan, muli silang isinama ng kanilang
madrasta sa gubat. Sa pagkakataong ito ang tinapay
ang ginawa nilang palatandaan ngunit kinain naman iyon ng mga
ibon. Kahahanap nila ng daan pauwi ay nakakita sila
ng isang bahay na gawa sa tsokolate, kendi at iba
pang masasarap na pagkain. Inanyayahan sila ng
isang matandang babae na pumasok sa loob ng
bahay na tsokolate.
Ikinulong ng matandang bruha si Hansel para
patabain at kainin ito. Habang si Gretel naman ay
pinaggawa niya ng mga gawaing bahay. Dahil sa
malabo ang mga mata ng bruha, nilinlang siya nito
ng magkapatid.

16
Itinulak ni Gretel ang bruha sa loob ng pugon saka isinusi niya
ito. Pagkatapos ay pinakawalan niya si Hansel at natuklasan nila
na marami palang kayamanan sa loob ng bahay na iyon.

Mula noon yumaman sila at namuhay nang masaya.

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa kwento. Isulat sa


patlang ang sagot.

1. Sino ang magkapatid?


________________________________________________________
2. Bakit sila isinasama ng kanilang madrasta sa gubat?
________________________________________________________
3. Ano ang kanilang ginawa upang matuntun ang daan
pauwi?
_________________________________________________________
4. Paano ipinakita ng magkapatid ang katatagan ng loob?
_________________________________________________________

Suriin

Pagmasdan mo ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin at


kulayan ang mga larawang nagpapakita ng mga damdamin sa
pagharap ng mga hamon sa buhay.

Ano ang ipinapakita ng bawat larawan?


Nagpapakita ba ito ng pagharap ng hamon sa buhay?

17
Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Pagdugtungin ang mga larawan sa Kolum A ayon sa
tamang damdaming tumutukoy mula sa Kolum B.

A. B.
1.
batang nag-aalaga ng
A. nakababatang kapatid

2.
batang naglalakad
B. papuntang paaralan

3.
batang may sakit
C.

4.
batang nagtatrabaho sa
D.
bukirin

5.
batang nagtitinda ng
E.
sampaguita

18
Gawain 2
Panuto: Basahin ang mga salitang nakapaloob sa kahon at tukuyin
ang mga damdamin na nagpapakita ng katatagan ng loob. Isulat
ang sagot sa patlang.

masaya mapagkumbaba natatakot


nalulungkot may tiwala sa sarili nagmamaktol
nagagalak nahihiya matapang

1. ___________________ 4. ________________________
2. ___________________ 5.________________________
3. ___________________

Isaisip

Ano-ano ang mga damdaming nagpapakita ng katatagan


ng loob? Paano natin ipamamalas ito?

Bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong kinakaharap. Dito


masusukat ang katatagan ng ating loob, depende sa sitwasyong
kinakaharap. Maaaring maipapakita natin ang damdaming
masaya, malungkot, nagagalak, nahihiya, natatakot at nagagalit.
Lagi lamang tandaan na bawat sitwasyon o pagsubok ay kayang
lampasan basta may tiwala sa sarili at tatag ng kalooban.

19
Isagawa

Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.
Mahirap lamang ang pamilya ni Emil. Malayo ang kaniyang
nilalakad papuntang paaralan. Sa kabila ng matinding kahirapan
ay patuloy siyang lumalaban para sa kaniyang kinabukasan.
1. Sino ang batang tinutukoy sa sitwasyon?
A. Emilio B. Emil C. Ben D. Benito
2. Ano ang katangian na ipinapakita ni Emil?
A. katigasan ng ulo C. katatagan ng loob
B. kahinaan ng loob D. kasungitan
3. Bakit patuloy siyang lumalaban sa kabila ng matinding
kahirapan?
A. dahil gusto niyang manatili sa kanilang lugar
B. dahil gusto niyang maging mahirap
C. dahil hindi niya gustong makamit ang pangarap
D. dahil gusto niyang magkaroon ng magandang kinabukasan

20
Tayahin
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Isulat ang
titik ng wastong sagot sa malinis na papel.
1. Ano ang kailangang gawin para maipakita ang katatagan ng
loob?
A. Tinatanggap kung pinapagalitan ng mga magulang
B. Nadadabog kapag inuutusan
C. Nagagalit kapag pinagsasabihan
D. lahat na nabanggit
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakita ang katatagan

ng loob sa gitna ng pandemic?

A. Pumupunta sa iba’t ibang lugar


B. Sumunod sa mga payo ng kinauukulan
C. Sinusuway ang mga utos ng kinauukulan
D. wala sa mga nabanggit
3. Bakit kailangan ang katatagan ng loob?
A. Para makagagawa ng makabuluhang bagay
B. Para magulo ang isipan at damdamin
C. Para malungkot sa pagharap sa mga sitwasyon
D. Para matakot sa mga problemang dumating

21
4. Nabasag mo ang plorerang mga bulaklak na nakapatong sa
itaas ng lamesa ng iyong guro. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Sasabhin ko sa guro ang nagyari at hihingi ng paumanhin.


B. Magsasawalang kibo na lamang.
C. Pagbibintangan ko ang aking katabi upang siya ang
mapagalitan.
D. Magbabasa kunwari ng aralin sa aklat upang hindi
pansinin ng guro.
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangaiang
matatag?
A. mabilis mapikon C. mahaba ang pasensiya
B. sobrang pagkamahiyain D. mayabang

Karagdagang Gawain
Gawain 1
Panuto: Tingnan ang bawat larawan. Kulayan ang mga
nagpapakita ng pagiging positibo at matatag.

22
Gawain 2
Panuto: Sipiin sa inyong papel, Lagyan ng tsek ( √ ) ang angkop na
hanay ng iyong sagot.

Ginagawa mo ba ang mga ito? Palagi Bihira Hindi


1. Tinatanggap nang maluwag sa
loob ang puna ng ibang tao sa
iyong mga natapos na gawain
2. Tinatanggap nang maluwag sa
loob ang puna sa iyong naging
gawi.
3. Nagkakaroon nang pagbabago
sa gawa at gawi dahil sa puna.
4. Binabago ang isang gawain
kapag napagsabihang hindi ito
nakasusunod sa pamantayan.
5. Naghahangad na higit na
mapabuti ang anumang gawa at
gawi.

23
24
Gawain 1
Depende sa Sagot ng Bata
Gawain 2
Depende sa Sagot ng Bata
Karagdagang Gawain
Isagawa Pagyamanin
1. A Gawain 1 Gawain 2
2. B 1. B (in any order)
3. A 2. C 1. C masaya
4. A 3. D 2. D mapagkumbaba
5. C 3. B nagagalak
4. E may tiwala sa sarili
5. A matapang
Tayahin Aralin 3
Isagawa Pagyamanin Balikan
Gawain 1 Gawain 2 1. A
Depende sa 2. C
sagot ng bata. 1. Depende sa sagot
3. D
2. ng bata. 4. E
5. F
3.
4.
5.
Aralin 2
Subukin Pagyamanin
1. B Isaisip
Gawain 1 Gawain 2
2. B
1. loob
3. C 1. TAMA 1. Natatakot
2. pahalagahan
4. B 2. MALI 2. Nalulungkot
3. palaging
5. A 3. TAMA 3. Nagagalit
4. positibo
5. makapagpapatatag 4. TAMA 4. Nahihiya
5. MALI 5. Nasisiyahan
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Ambat, V. V., et. al, Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Patnubay ng


Guro (Rex Bookstore, Inc. DepEd Complex, Pasig City,
Philippines, 2015), pp. 11-15.
Caraan, M.M., et. al. Edukasyon sa Pagpapakatao 3 Kagamitan
ng Mag-aaral, 17-24. Philippines: Studio Graphics Corp. 2014.

25
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng
Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may
pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa
bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon.
Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa
pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan
2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng
modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat ang
pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like